Naglo-load...

Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Ang interpretasyon ng pinaka-madalas na-binibigkas na kabanata ng Banal na Qur'an. Bahagi 2: Pagsasalin ng Surah al-Fatiha at ang kahalagahan ng mga pangalan na ibinigay dito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 71 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,510 (pang-araw-araw na average: 2)


Layunin

·Upang malaman ang bawat talata na paliwanag sa unang apat na talata ng Surah al-Fatiha.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Surah - kabanata sa Quran.

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos (gawa) ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Hadith Qudsi - Mensahe ni Allah para sa tao na inihatid ni Propeta Muhammad, kadalasan ay tumatalakay sa pang-isiprituwal o paksang etikal.

1. Sinisimulan ko sa pamamagitan ng pangalan ni Allah ang Pinakamaawain ang, Ang Tagapagbahagi ng Biyaya.

Ang surah ay nagsisimula sa isang panalangin sa huwastong Pangalan ng Diyos - si Allah, nagsisimula sa banal na Pangalan ng Diyos alinsunod sa unang pahayag ni Allah sa Kanyang Propeta:

“Magbasa ka sa ngalan ng iyong Panginoon." (Quran 96:1)

Sumasang-ayon ito sa pananaw sa mundo ng Islam:

“Siya ang Una at ang Huli at ang Malayo at ang Malapit.” (Quran 57:3)

Tatlong mga Pangalan ng Diyos ang lumabas sa panalangin ito:

·Allah

·al-Rahman (Ang Pinakamaawain)

·al-Raheem (Ang Pinakamaawain)

Ang salitang 'Allah' ay kinokonsidera na pansariling pangalan ng Diyos, hindi ibinahagi sa iba. Walang ibang pinagbigyan ng pangalan na ito. Wala itong maramihan sa wikang Arabe. Hindi natin maaaring pangalanan ang ating mga anak sa pangalan na ito.

May tatlong kahulugan ito.

Una, ipinapahiwatig sa Pangalan ng 'Allah' na ang mga puso na naghahangad para sa banal at hangaring matuto, matugunan, at makita Siya, napapanatag sila sa pag-alaala sa Kanya; Para kay Allah ang tanging layunin ng kanilang pagsamba at debosyon. Ang puso ay babaling kay Allah hanggang sa ang dila ay iginagalaw upang ulitin ang mga salita ng Propeta ng Diyos:

“Hinihiling ko sa Iyo ang kasiyahan na makita ang Iyong marangal na Mukha dahil sa pananabik upang makatagpo Ka ...”

Pangalawa, ang isa pang kahulugan na nakapaloob sa salitang 'Allah' ay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan. Ang mga isip ay hindi makakayang maunawaan sapagkat tunay na mahiwaga ang Panginoon maliban kung sino ang kanyang pinipili upang ihayag ang Kanyang Sarili sa atin alinman sa pamamagitan ng banal na kasulatan, iyon ang Quran, o sa pamamagitan ng Kanyang Propeta.

“Hindi nila Siya mauunawaan sa kanilang kaalaman lamang.” (Quran 20:110)

Pangatlo, ang 'Allah' ay "Ang Diyos", ang diyos na may mga eksklusibong karapatan na sambahin. Iyon ang dahilan kung bakit ito ay nabanggit sa pagsaksi sa pananampalataya, Lā 'ilāha' ill-Allāh. Mayroong maraming iba pang mga bagay na itinuring bilang mga diyos, ngunit ang mga ito ay hindi totoo:

“Ito ay sapagkat si Allah ay ang Katotohanan at kung ano ang kanilang tinawag bukod sa Kanya ay kasinungalingan.”(Quran22:62)

Para sa dalawang katawagan (epithets), ang al-Rahman at al-Raheem, na bahagi ng Bismillah ay nagmula sa pangalan (noun) na rahma, na nagpapahiwatig ng "awa", "habag", "mayuming pagmamahal" at, mas kumprehinsebong , "biyaya". Ano ang eksaktong lilim ng kahulugan na naiiba sa dalawang termino? Marahil ang pinakamagandang paliwanag ay na ang terminong Rahman ay nag-uudyok sa kalidad ng masaganang biyaya na likas, at hindi mapaghihiwalay mula sa konsepto ng pagiging Diyos, samantalang ang Raheem ay nagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang gawain.Ang parehong pangalan ay tumutulong na tukuyin ang banal na kaugnayan sa paglikha ... isang relasyon batay sa pagkamahabagin, awa, at pagmamahal. Ang katotohanan ay ipinahayag nang maganda sa sumusunod na hadith qudsi kung saan sinabi ni Allah:

“Sa katunayan, pinipigilan ng Aking awa ang Aking kaparusahan.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Sa isa pang awtentikong hadith, ang Sugo ni Allah, sumakanya nawa ang pagbati at kayapaan ni Allah, ay nagsabi:

Ang awa ni Allah ay may isang daang pagbabahagi, isa lamang ang ipinadala Niya upang ibahagi sa mga tao, jinn, at lahat ng uri ng hayop. Sa ganitong bahagi ng awa, maaari nilang ipakita ang pagmamahal at awa sa isa't isa, at kasama nito, ang isang mabangis na hayop ay nagpapakita ng pagmamahal sa mga anak nito. Inilaan ni Allah ang iba pang siyamnapung siyam na pagbabahagi para sa Kanyang mga alipin sa Araw ng Pagkabuhay na Mag-uli..” (Saheeh Muslim)

Ito ang dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah, kahit gaano kalaki ang kanyang mga kasalanan. Si Allah, ang Dakila, ay nagsabi:

“O mga lingkod ko na lumabag sa kanilang mga kaluluwa! Wag mawalan ng pag-asa sa awa ng Allah, sapagkat pinatatawad ni Allah ang lahat ng kasalanan, at siya ay Madalas na Nagpapatawad, Ang Pinakamaawain.” (Quran 39:53)

Sa huli, ang al-Rahman ay isang eksklusibong Pangalan ni Allah. Walang maaaring pagbigyan ng Pangalan na ito o ilarawan sa katangiang ito, hindi katulad ng Raheem.

2. Purihin si Allah, ang Panginoon ng mga mundo.

Ang Al-Hamd, na isinalin bilang papuri, ay binubuo, ng mas tumpak na kahulgan, ang papuri at pasasalamat. 'Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah.' Ang tanong ay: para sa ano? Tulad na si Allah ay pinuri dahil sa Kanyang pagiging perpekto, kamahalan, habag, pagmamahal, kadakilaan, at kagandahan, Siya ay pinasalamatan din para sa lahat ng pisikal at espirituwal na pagpapala. Ang puso ng mga tapat ay tumatalon para purihin si Allah pagkabanggit ng Kanyang Pangalan, dahil ang puso ay utang ang buhay nito sa Panginoon. Sa bawat sandali, sa bawat paghinga, at sa bawat tibok ng puso, ang mga biyaya ng Diyos ay dumami. Ang buong paglikha ay nakabaon sa banal na mga pagpapala, lalo na ang tao. Ang lahat ng papuri ay nauukol kay Allah sa simula at sa wakas:

“At Siya ay si Allah: Walang ibang diyos kundi Siya. Sa Kanya ang Kapurihan, sa una at sa huli.” (Quran 28:70)

Dito din malaman natin ang isa pang pangalan ni Allah: ang al-Rabb (ang Panginoon, ang Tagapagtustos). Ang Arabe na pagsabi na al-Rabb ay sumasaklaw sa isang malawak na kahulugan na hindi madaling ipahayag sa pamamagitan ng isang salita sa ibang wika. Binubuo nito ang mga ideya ng pagkakaroon ng isang makatarungang pag-angkin sa pag-aari ng anumang bagay at, dahil dito, ang awtoridad dito, pati na rin ang pagpapalaki, pagtataguyod at pagpapaunlad ng anumang bagay mula sa pagkakamit nito hanggang sa huling pagkumpleto nito. Ito ay inilalapat kay Allah bilang tanging tagapagtaguyod at tagapanustos ng lahat ng nilikha at samakatuwid ang tunay na pinagmumulan ng lahat ng awtoridad.

Si Allah ang Panginoon ng mga daigdig. Upang maipaliwanag ito, si Allah ang Panginoon ng lahat na nakapaligid sa Kanya, Siya ang nagtataguyod ng pag-iral sa lahat ng uri nito.

3. Ang Pinakamaawain, Ang Tagapagbahagi ng Biyaya

Inulit ni Allah ang Kanyang Pangalan na Awa: al-Rahman at al-Raheem. Kung sakaling ang mga tao ay namamangha sa paglalarawan ng 'Panginoon ng mga Mundo,' ipinaaalala natin na hindi Siya katulad ng mga hari sa mundong ito. Si Allah ay hindi isang haring malupit na nagpapakita ng pang-aapi at mahigpit na pagpigil sa Kanyang mga nasasakupan, sa halip ay tinitingnan Niya tayo sa Kanyang malambot na awa. Nang tayo ay nasa sinapupunan ng ating mga ina, inalagaan tayo ni al-Rahman. Kapag kailangan natin ang pagkain o inumin, sa tuwing ang ating buhay ay nangangailangan sa Kanya at tinawag ang Kanyang Pangalan, ang al-Raheem ay nandiyan para tumugon sa atin.

4. Master of the Day of Judgment. Nagmamay-ari ng Araw ng Paghuhukom

Matapos ipaliwanag sa Kanyang mga alipin kung bakit dapat Siyang purihin. Siya ay nagbibigay lakas at kumukupkop, pinangangalagaan Niya ang lahat ng ating mga pangangailangan - Sinasabi Niya sa atin na Siya ay si al-Malik, ang Nagmamay-ari at ang Hari. Siya ay makapangyarihan at may kakayahang gumawa ng Kanyang loobin sa kaharian. Nanggaling tayo sa Nagmamay-ari. Wala tayong pagmamay-ari, bagkos tayo ay pagmamay-ari Niya. Ibinaling Niya ang ating pansin sa Araw kung kailan Siya lamang ang magiging Tagahatol at ang lahat ay dapat na mapagpakumbaba sa harap Niya. Siya ay hahatol ng katarungan kaya huwag kalimutan na ang iyong pagbabalik ay sa Kanya. Huwag mag-isip na sa kamatayan ay magtatapos. Tandaan, hahatulan ka batay sa iyong pag-asal sa lupa sa pamamagitan ng nag-iisang Hari, at walang iba pang makikibahagi sa paghatol na ito.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4