Naglo-load...

Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)

Marka:

Deskripsyon: Ang interpretasyon ng pinaka-madalas na-binibigkas na kabanata ng Banal na Qur'an. Bahagi 1: Pagsasalin ng Surah al-Fatiha at ang kahalagahan ng mga pangalan na ibinigay dito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,996 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Ang mapahalagahan ang kabuluhan ng Surah al-Fatiha kumpara sa ibang mga surah sa Quran.

·Ang maunawaan ang salin ng Surah al-Fatiha.

·Ang malaman ang mga pangalan ng Surah al-Fatiha at mga kabuluhan nito.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Rakah - Unit sa dasal

·Surah - kabanata ng Quran.

·Hadith - (pangmaramihan - Ahadith) ay isang impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos (gawa) ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

Reflections_on_Surah_al-Fatiha_(part_1_of_3)_001.jpgAng Quran ay binubuo ng 114 na kabanata o surah na magkakaiba ang mga haba. Ang surah al-Fatiha ay ang unang surah sa Quran at binibigkas sa bawat rakah sa bawat dasal tulad ng sinabi ng Propeta, sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan:

“Walang tanggap na dasal na walang pambungad na kabanata ng Aklat.” (Saheeh Al-Bukhari. Saheeh Muslim)

Ito ay ipinahayag ng Propeta sa Mecca. Sa lahat ng mga kabanata sa Quran pinili ni Allah ang surah na ito para basahin natin sa bawat pagdarasal dahil sa banal nitong talino (divine wisdom). Halos bawat Muslim sa buong mundo ay kabisado nila ito. Kapag ang tao ay tinaggap ang Islam, ang unang kabanata na dapat niyang makabisado ay ang pambungad na kabanata - Ang Fatiha. Upang magampanan nila ang mga obligadong dasal. Ang kahulugan nito ay dapat maunawaan at pagnilay-nilayan sa tuwing isinasagawa ang salah (dasal). Kapag ang isang tao ay binibigkas ang Surah al-Fatiha sa kanyang salah (dasal), ang Panginoon ng kalangitan ay tumutugon sa bawat talata na kanyang binabanggit!

Teksto ng Surah al-Fatiha

بِسْمِ اللهِ الرَّحْمنِ الرَّحِيمِِ
1. Sa ngalan ni Allah ang Pinakamahabagin, ang pinakamaawain

الْحَمْدُ للّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
2. Ang lahat ng pagpupuri ay para lamang kay Allah, ang Panginoon ng mga mundo.

الرَّحْمـنِ الرَّحِيمِ
3. Ang Pinakamahabagin, ang pinakamaawain.

مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ
4. Ang tanging may Hawak (pagpapasya) sa Araw ng Paghuhukom.

إِيَّاكَ نَعْبُدُ وإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ
5. Ikaw lamang ang aming sinasamba at ikaw lamang ang aming hinihingan ng tulong.

اهدِنَــــا الصِّرَاطَ المُستَقِيمَ
6. Patnubayan Mo kami sa tuwid na landas.

صِرَاطَ الَّذِينَ أَنعَمتَ عَلَيهِمْ غَيرِ المَغضُوبِ عَلَيهِمْ وَلاَ الضَّالِّينَ
7. Sa landas na iyong biniyayaan, at hindi sa landas na umaani ng iyong poot, gayundin naman na hindi sa landas ng yaong mga naligaw.

Mga Pangalan ng Surah Al-Fatiha at Mga Kabuluhan Nito

Ang surah na ito ay may iba pang mga pangalan tulad ng Ang Pambungad [1], Ang Esesnsya (saysay) ng Quran[2], Ang Pitong palagiang inuulit na talata[3], Ang Maluwalhating binibigkas [4].

Tunay na ang surah na ito ay may malaking esensya (saysay) sa Quran na naglalaman ng alituntunin at malalaking tema. Isinama dito, sa paraang buod, lahat ng mga pangunahing alituntunin na nasa Quran: Ang alituntunin ng kaisahan ng Dios at ang kanyang pamumukod-tangi, na Siya bilang nagpasimula ng kalawakan, ang puspos ng lahat ng kabutihan na nagbibigay ng buhay, Siya na sa Kanya lamang may pananagutan ang tao, ang natatanging kapangyarihan na gumagabay at tumutulong; Ang pagmumulan ng buhay pagkatapos ng kamatayan at kahihinatnan ng tao ayun sa kanyang asal; Ang nagtakda ng mga alituntunin at gabay sa pamamagitan ng mga mensahero na taga pagpahayag ng mensahe, tangan ang mensahe ng Dios at, pagsunod dito, ang alituntunin ng pagpapatuloy ng tunay na relihiyon (ipinahiwatig sa alusyon o pagpaparinig sa mga tao na nabuhay - at nagkamali - sa nakaraan); at, sa wakas, ang pangangailangan ng pagsuko sa sarile sa kalooban ng Kataas-taasan at, sa gayon, ang pagsamba ay sa Kanya lamang. Ito ang mga kadahilanan kung bakit ang surah ay binuo bilang isang panalangin, upang patuloy na paulit-ulit at pagnilay-nilayan ng mga mananampalataya.

Ito ay tinatawag na ang Dasal, tulad ng sa Hadith ng Propeta [5]:

"Aking hinati ang Panalangin (ibig sabihin ay Surah al-Fatiha) sa dalawang bahagi; isa para sa Akin at isa para sa Aking alipin, at ang Aking alipin ay magkakaroon ng kanyang hinihiling. Kapag sinabi ng alipin: Ang papuri ay kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga Mundo, sinasabi ko: 'Pinupuri Ako ng Aking alipin.' Kapag sinabi niya: Ang Pinaka-mapagbiyaya, Ang Tagapamahagi ng biyaya, sinasabi Ko: 'Pinapupurihan niya Ako 'Kapag sinabi niya ang Nagmamay-ari ng Araw ng Paghuhukom (tagapagpasya), sinasabi ko: 'Ang Aking alipin ay niluwalhati Ako' 'Kapag sinabi niya: Ikaw lamang ang sinasamba namin at mula sa Iyo lamang ay humingi kami ng tulong, sinasabi Ko : 'Ito ay sa pagitan Ko at Aking alipin, at ang aking alipin ay magkakaroon ng kanyang hinihiling.' Kapag sinabi niya: Gabayan mo kami sa tuwid na daan, Sa paraan na Iyong ipinagkakaloob Ang Iyong biyaya, hindi ang paraan ng mga umaani ng Iyong galit, o ng mga naligaw, sinasabi Ko: 'Ito ay para sa Aking alipin, at ang Aking alipin ay magkakaroon ng kanyang hinihiling.' " (Saheeh Muslim)

Ang isang dahilan kung bakit ito ay tinatawag na Panalangin ay dahil ang bahagi ng surah ay pag-alaala at may bahagi ng paghiling. 'Gabayan mo kami sa tuwid na daan' ay ang pagsusumamo para sa pinakadakilang kaloob o biyaya na maaaring hilingin mula kay Allah: banal na patnubay.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[4] Saheeh Al-Bukhari

[5] Ang Hadîth Qudsî ay isang hadith kung saan ang propeta ay nagsasalaysay ng mga salita ng Kanyang Panginoon.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4