Naglo-load...

Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed

Marka:

Deskripsyon: Ang dalawang bahagi na ito ay naglalayong magbigay sa mga mananampalataya ng isang pang-unawa sa pinanghahawakan ng natatanging konsepto na ito. Ang ikalawang bahagi ay tumatalakay sa pinakamalaking paglabag na nauugnay sa Tawheed i.e. ang aspeto ng Shirk.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 103 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,812 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Kinakailangan

·Isang Pambungad sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (2 bahagi).

Mga Layunin

·Upang malaman ang angkop na kahulugan ng salitang 'shirk' at maunawaan kung gaano ito kalubha.

·Upang malaman kung ano ang mga malalaki at mas mababang uri ng 'shirk'

·Upang magkaroon ng kamalayan sa ilan sa mga anyo ng 'shirk' na karaniwan sa ating mga lipunan.

Arabikong Termino

·Tawheed – Ang Kaisahan at Katangi-tangi ng Allah tungkol sa Kanyang pagkaDiyos, Kanyang mga Pangalan at Katangian at sa Kaniyang karapatan na sambahin..

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Shirk – isang salita na nagpapahiwatig ng pagtatambal sa Allah, o nagpapahiwatig ng kabanalan liban pa kay Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah.

·Du’a -pagsusumamo, panalangin, paghiling kay Allah ng isang bagay.


·Riyaa – Nagmumula ito sa salitang ra'aa na nangangahulugang makita, upang makita, o upang tingnan. Kaya ang salitang riyaa ay nangangahulugang pagpapakitang-tao, pagkukunwari, at pagsasabwatan. Sa Islamikong pananaw ang riyaa ay nangangahulugan na magsagawa ng mga kilos na nakalulugod kay Allah na may balak na kaluguran lamang ng iba liban sa Allah.

Ang salitang Arabic na shirk ay ang kabaligtaran ng tawheed, ang kaisahan ng Allah, na higit pa sa polytheismo at idolatrya ang kinapapalooban. Nangangahulugan ito na iniuugnay ang Allah sa ibang mga diyos. Ang Shirk ay ang iugnay ang iba sa Allah sa ilang mga aspeto na itinakda bilang ganang Kanya at tanging sa Kanya na nasasaad sa Quran at Sunnah.

Walang pagtatalo sa pagiging mahigpit ng Islam sa monoteismo (tawheed). Ang pagtatambal sa Diyos (shirk) ay karima rimarim na kasalanan, ang pinakamalaking paglabag na lantarang itinatanggi ang Panginoon ng langit at ng lupa. Ang mamatay sa kalagayang ng shirk ay lubhang nagdudulot sa tao ng permanenteng kawalan ng habag mula sa Dakilang Lumikha:

“Katiyakan, ang Allah ay hindi Niya pinatatawad ang sinumang sumamba ng iba bukod pa sa Kanya (i.e. ang pagkakasala ng shirk), at pinapatawad ang lahat maliban sa sinuman ang Kanyang naisin.” (Quran 4:48)

Ang Shirk ay maraming mga anyo, ilan sa mga ito ay tatalakayin sa ibaba.

Ang Malaking Shirk

Ang mga gawaing nabibilang sa kategoryang ito ng shirk ay itinuturing na walang kapatawaran. Hindi sila patatawarin ng Allah maliban kung pagsisihan nila ito.

“Katotohanan, hindi pitatatawad ng Allah ang shirk, Ngunit pinatatawad Niya ang sinuman na Kanyang kalugdan.”

Sinasalungat ng kategoryang ito ang pinakalayunin ng paglikha, tulad ng ipinahayag ng Allah:

“at hindi Ko nilikha ang jinn at tao maliban sa sambahin lamang Ako.” (Quran 51:56)

Sa kategoryang ito ng shirk, ang mga gawain ng pagsamba ay itinutuon sa mga tao maliban sa Allah o sa kung sa anu pa man, bilang kanilang mga gantimpala. Ang ganitong uri ay binigyang halimbawa ng Allah sa Quran, Kanyang sinasabi:

“at kung sila ay nakasakay sa barko, Sila ay nagsusumamo sa Allah, at taos-pusong nananalig sa Kanya, subalit kapag sila ay nakadaong na sa kalupaan, pagmasdan, sila ay nanunumbalik sa pagtatambal sa kanilang Panginoon.” (Quran 29:65)

Ipinapahiwatig sa Quran ang maraming talata na nagsasabing ang Allah ay hindi nagbabahagi ng Kanyang kapangyarihan sa sinumang itinatambal sa Kanya. Nagbibigay rin ito ng babala sa mga naniniwala na ang kanilang mga Diyos-diyosan ay mamamagitan para sa kanila, na sila, kasama ang kanilang mga rebulto, ay magiging panggatong sa Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom.

Kasama sa mas malaking shirk ang pagtawag o pagsamo sa huwad na diyos, propeta, anghel, santo, idolo, o anumang bagay bukod kay Allah. Ang mga Kristiyano ay nananalangin sa isang taong pinaniniwalaan nilang kabahagi ng kabanalan ng Allah, ang Propeta ng Allah na si Hesus, mapasakanya nawa ang kapayapaan, Itinuturo ng mga Katoliko ang ilang uri ng pagsamba sa mga banal, mga anghel, at maging kay Maria, mga gawaing itinuturing nila bilang "pagsamba". Ang lahat ng ito ay itinuturing na shirk.

Itinuturing din na shirk ang manalangin kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, o sa mga libingan ng mga banal na tao.

Ang paniniwala sa batas ng iba, maging ang mga pamahalaan o mga pinuno ng relihiyon na sumasalungat sa malinaw na mga aral ng Islam ay isang pangunahing anyo rin ng shirk, Ang Allah ang nagwika:

“Sila (Mga Hudyo at Kristiyano) na nagtuturing sa kanilang mga rabbi at monghe bilang Diyos maliban pa kay Allah.” (Quran 9:31)

Itinuring nila sila bilang mga panginoon bukod sa Allah hindi sa pamamagitan ng pagdarasal nang direkta sa kanila, ngunit sa pamamagitan ng kusang pagtanggap sa kanilang pagpapalit sa mga bagay na pinahintulutan sa ipinagbabawal at ang ipinagbabawal sa pinahintulutan sa relihiyon ni Allah. Inangkin nila ang kapamahalaan na tanging ang Allah lamang ang nagtataglay - ang magtakda ng kautusan.

Isa pang anyo ng mga pangunahing shirk ay ang pagbibigay sa sinumang nilikha ng anumang bahagi ng banal na pag-ibig na nakalaan lamang para sa Allah.

“At mayroong mga tao na nagtuturing pa ng iba (sa pagsamba) bukod sa Allah bilang mga katambal (kay Allah). Minamahal nila ang mga ito nang katulad din ng pagmamahal nila kay Allah. Ngunit ang mga mananampalataya ay mas higit ang pagmamahal sa Allah. ...” (Quran 2:165)

Mababang uri ng Shirk

Ang panunumpa maliban sa Allah at pagsasagawa ng kabutihang pang-relihiyon para sa makamundong pakinabang, tulad ng pagpapakitang-tao o magkamit ng simpatya o pabor ay dalawa sa mas mababang uri ng shirk. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:

"Ang bagay na lubha kong pinangangambahan sa inyo ay ang 'mas maliit na shirk.' Ang mga kasamahan ng Propeta ay nagtanong 'Oh! Sugo ng Allah, ano ang "mas maliit na shirk?" Ang pagpapakitang-tao tugon niya, sapagkat tiyak na sasabihin ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay na muli habang tinatanggap ng mga tao ang kanilang mga gantimpala, 'Humayo kayo doon sa inyong mga ipinagmamalaki na makamundong buhay at alamin kung makakakita kayo ng anumang gantimpala mula sa kanila. '" (Ahmad, at-Tabarani, al-Baihaqi)

Minsan, inihayag ng Propeta:

“O mga tao, mag-ingat sa mga nakatagong shirk! Ang mga tao ay nagtanong, 'O sugo ng Allah, ano ang nakatagong shirk?' Sumagot siya, 'Kapag ang isang lalaki ay bumangon upang manalangin at nagsisikap na pagandahin ang kanyang panalangin dahil ang mga tao ay nakatingin sa kanya; iyon ang nakatagong shirk.’” (Ibn Khuzaymah) .

Ang pagpapakitang-tao (riyaa sa Arabik) ay ang pagsasagawa ng alinman sa iba't ibang uri ng pagsamba upang makita at purihin ng iba. Ang pagkilos ng maayos upang mapabilib ang ibang tao lalo na sa mga gawaing pang-relihiyon ay sumisira sa mga benepisyong espirituwal mula sa mga mabubuting gawa at nakapagdudulot pa ng kasalanan sa tao. Minsan, kahit na ang pinaka-relihiyoso ay hindi ligtas dito dahil ito ay napakatago at lubhang malakas at malalim ang nagtutulak na dahilan, upang makaiwas dito ay nararapat ituon ang sarili sa pagunawa na ang pagsamba ay para sa ikalulugod ng Allah lamang, at hindi sa kasiyahan ng mga tao.

Dapat mag-ingat ang isang Muslim upang matiyak na ang mga intensiyon ay magsisimulang dalisay at manatiling dalisay kapag ang mga gawaing matuwid ay isinasakatuparan. Upang matiyak ito, inutos sa Islam ang pagbigkas ng pangalan ng Allah bago isakatuparan ang anumang mahalagang gagawin. Ipinayo rin ng Propeta ang ilang mga panalangin (du'a) bago at pagkatapos ng lahat ng mga gawain upang ang mga ito ay maging gawaing pagsamba at maging daan upang maalala ang Allah.

Mga Halimbawa ng Palagiang o Pang Araw Araw na Shirk

Astrolohiya at Horoscopes

Ang paghula sa hinaharap sa pamamagitan ng paghahambing sa mga posisyon ng mga bituin at mga konstelasyon, kasabay ng kapanganakan ng isang tao ay isang uri ng shirk. Ang Allah lamang ang tanging nakakaalam sa hinaharap, kaya imposibleng mahulaan ang mga pangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga bituin. Ito ay isang anyo ng shirk dahil ipinapalagay na ang astrologo ay nagtataglay ng kaalaman sa hinaharap ayon sa paniniwala sa astrolohiya, pati na ang pagaakibat ng kapangyarihan sa ilang nilikhang-bagay - bituin - na hindi itinalaga ng Allah o ng agham man.

Panghuhula

Pagbasa sa pamamagitan ng palad, pagtingin sa bolang kristal, at iba pang mga anyo na ginagamit upang hulaan ang hinaharap ay mga paraan ng shirk gaya ng mga nabanggit na dahilan sa itaas.

Ang Numero 13

Isang karaniwang halimbawa ng shirk ay ang paniniwala na ang bilang na labintatlo/trese ay malas na numero, lalo na sa Kanluran, kung saan hindi magandang lagyan ang mga matataas na gusali ng ikalabintatlong palapag. Ito ay shirk dahil nagtatalaga ito ng kakayahang magdala ng masamang kapalaran sa isa lamang na numero!

Suwerte at Malas na Nilalang

Kaugalian sa maraming lugar sa mundo sa nakalipas na mga siglo ang paguugnay sa ilang mga hayop o bagay sa mabuti o masamang kapalaran. Halimbawa, ang mga itim na pusa, magpies, paa ng kuneho, paa ng rabbits, at sapatos ng kabayo ay ipinapalagay na magdadala ng suwerte. Ang lahat ng mga ito ay shirk dahil ang kakayahang magdala ng mabuti o masamang kapalaran ay nakatalaga sa nilikha ng Allah.

Dapat iwasan ng mga Muslim ang lahat ng anyo ng shirk, at ang tanging paraan upang masiguro ito ay pagaralan ang ibat-ibang anyo nito at unawain nang mabuti ang konsepto ng tawheed. Ang Shirk ay ang pinaka malaking kasalanan sa Islam, higit kaysa sa iba pang malaking mga kasalanan tulad ng pagpatay at pangangalunya, sapagkat tinatapatan nito ang bukod-tanging karapatan ng Allah na sambahin. Kaya,nararapat na ang mga Muslim ay gumawa ng abot ng kanilang makakaya na maiwasan ang shirk upang maging karapat-dapat na pumasok sa Hardin ng Paraiso.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.