Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
Deskripsyon: Ang interpretasyon ng pinaka-madalas na-binibigkas na kabanata ng Banal na Qur'an. Bahagi 3: Pagsasalin ng Surah al-Fatiha at ang kahalagahan ng mga pangalan na ibinigay dito.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,193 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin
·Upang malaman sa bawat talata ang paliwanag sa huling tatlong talata ng Surah al-Fatiha.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Surah - kabanata sa Quran.
·Tawheed – Ang kaisahan at pamumukod-tangi ni Allah sa kanyang pagkapanginoon, mga pangalan at katangian at kanyang karapatan na sambahin.
·Shirk – ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.
5. Ikaw Lamang ang aming sinasamba at Ikaw lamang ang aming hinihingan ng tulong
Ang talatang ito ay nagdadala ng diwa ng Islam: Tawheed. Ang lahat ng mga propeta mula kay Adan hanggang kila Moises, Hesus, at Muhammad (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay ipinadala upang ihatid ang sentral na mensahe: pagsamba kay Allah lamang Na walang anak o kasosyo. Ito ang kahulugan ng unang pagsaksi ng pananampalataya: La ilaha illa Allah. Ito ang nag-iisang layunin ng paglikha. Ang tawheed ay kaligtasan at dapat nating ihatid ang mensahe ng tawheed sa ating mga kaibigan at pamilya. Walang sinumang tao ang napakalapit upang maging katulad Niya at baguhin ang Kanyang mga desisyon. Ang paglihis sa aral na ito ay mapanganib sa espirituwal na kapakanan ng isang tao.
Ano ang 'pagsamba' na ipinagkakaloob natin sa Diyos lamang?
Ito ay isang komprehensibong salitang kabilang ang pakikitungo ng isang tao kay Allah sa anyong ritwal na mga gawaing deboto tulad ng limang pang-araw-araw na dasal o pag-aayuno pati na rin ang pakikitungo sa iba pang mga tao tulad ng pamilya at mga kaibigan. Ang simpleng pisikal na mga gawa na isinasagawa ng mga bahagi ng katawan ng isang tao tulad ng pagngiti at emosyon tulad ng pag-ibig, pag-asa, at takot ay nabibilang sa mga ito. Ang Diyos ay sinasamba sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos at pag-iwas sa ipinagbabawal Niya. Ang pagsamba ay bawat pagsasalita at gawa, lantad man o lingid na kamahal-mahal kay Allah. Sa madaling sabi, bawat gawa na nakalulugod sa Diyos ay isang gawa ng pagsamba sa Islam. Si Allah ay may karapatan sa pagsamba sa pamamagitan ng katawan, kaluluwa, at puso at nananatiling hindi kumpleto maliban kung ito ay ginawa ng may paggalang at takot kay Allah, ang banal na pag-ibig at pagsamba, pag-asa sa banal na gantimpala, at matinding kapakumbabaan. Ang pag-aalay sa iba - mga propeta, mga anghel, Hesus, Maria, idolo, o sa kalikasan -ng isang bahagi ng pagsamba na nauukol kay Allah ay tinatawag na Shirk at ang pinakamabigat na kasalanan sa Islam.
Ang kapakumbabaan ay isang mahalagang sangkap ng pagsamba at walang mas mahusay na paraan upang lumapit sa Panginoon ng mga daigdig kaysa sa pagpapakumbaba. Ang isang taong mapagmataas sa pamamagitan ng kanyang personal na debosyon ay inilalayo ang kanyang sarili sa landas ng Panginoon na makapangyarihan. Dapat tayong maging mapagpakumbaba sa pagsamba. Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan ni Allah, ay nagturo na tanggapin ang kakulangan sa sarili, kahinaan, at kasamaan sa harapan ng Mahusay na Panginoon sa pagsasabing:
“O Allah, labis kong pinasama ang aking kaluluwa, at walang sinuman ang nagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Iyo, kaya bigyan mo ako ng Iyong kapatawaran at maawa sa akin. Katotohanang ikaw ang Mapagpatawad, ang Pinakamaawain.”
Sa isa pang panalangin ay madalas niyang sabihin:
“O Allah, Ikaw ang aking Panginoon. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha mo ako at ako ay Iyong lingkod, at sumunod ako sa Inyong tipan at ipinangako hangga't kaya ko. Humihingi ako ng kanlungan sa Iyo mula sa kasamaan na aking gawa. Bumalik ako sa Iyo mula sa Iyong biyaya sa akin, at bumalik ako sa Iyo at ang aking mga kasalanan. Kaya patawarin mo ako, sapagkat walang nagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Iyo”
Tayo ay nangangailangan ng tulong ni Allah kahit sa pagsamba sa Kanya. Kaya, hinihiling natin sa Kanya na tulungan tayo. Gayundin, si Allah ay ang tanging nag-iisang hnihilingan ng tulong kabilang ang tulong upang sambahin Siya. Hindi ito nangangahulugan na hindi natin maaaring hilingin sa isang tao na tulungan tayong lumipat sa isang bagong bahay! Ang "tulong" na ibig sabihin sa talata ay supernatural na tulong. Upang gawing mas malinaw ito, kapag dinala mo ang iyong may sakit na anak sa isang emergency room, dapat mong hilingin kay Allah lamang upang matulungan ang iyong anak, hindi sa isang patay na santo o isang anghel na tagapag-alaga.
6. Patnubayan mo kami sa tuwid na landas
Ang mga tao ay likas na mahina. Ngayong araw sila ay malapit kay Allah, bukas naman ay sila ay malayo. Sa panalangin na ito, hinihingi ng isang Muslim kay Allah na panatiliin siyang malakas, upang mapangalagaan siya sa tuwid na landas. Inuulit ng isang Muslim ang pagsusumamong ito sa bawat salah (dasal). Palaging may mga mas mahusay kaysa sa atin sa espirituwal na hagdan. Ang isang Muslim ay dapat patuloy na nagsisikap na tumaas ang 'hagdan' at mapalapit sa Panginoon ng Kapangyarihan sa pamamagitan ng pagdaragdag sa pagtitiis, mabuting kaugalian, at pagtupad ng Islam. Lalo na, para sa isang bago pa lamang sa Islam, talagang kailangan nila ang panalangin na ito sa kanilang paglalakbay. Ang isang Muslim ay dapat matuto at malaman kung ano ang nais ng Diyos sa kanya sa bawat pagliko ng buhay at upang magampanan niya ito nang may dalisay na intensyon.
7. Sa Landasin ng Iyong Biniyayaan, at hindi sa Iyong kinagalitan at ng mga naligaw
Ang talatang ito ay isang pagpapatuloy ng naunang talata. Sinasabi nito ang tanong ... 'eksakto kung kaninong landas dapat ako nandoon?' Sa aking mga magulang, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kapwa tao... na kanino?
Ang sagot ay; yaong mga tumanggap ng banal na biyaya. Sino ang mga iyon? Nakilala ang mga ito sa isa pang talata ng Quran:
“At sinuman ang sumunod kay Allah at sa Sugo - ang mga kasama ng mga pinagkalooban ni Allah ng kanyang pabor mula sa mga propeta, ang mga naging matatag at nagpatotoo sa katotohanan, ang mga martir at ang mga matuwid. At mahusay sila bilang mga kasamahan.” (Quran 4:69)
Ang Propeta, sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan ni Allah, ay nagsabi:
“Ang mga Hudyo ay ang mga umani ng galit ni Allah at ang mga Kristiyano ay ang mga naliligaw.”[1]
Ang mga ito ay ang mga tao na alam ang katotohanan ngunit iniwan nila ito, kabilang ang mga Hudyo[2] at mga katulad nila. Hindi ito dapat tanggapin na lisensya para sa anti-Semitism.
Una, ang galit ni Allah ay hindi limitado sa mga Hudyo. Halimbawa, sinabi ni Allah ang tungkol sa pagkuha ng isang inosenteng buhay:
“Kung ang isang tao ay pumatay ng isang mananampalataya nang sadya, ang kanyang gantimpala ay Impiyerno, dito siya mananahan, at ang galit at sumpa ni Allah ay nasa kanya.” [Quran 4:93]
Ikalawa, ang poot ng Diyos ay para sa mga hindi pinatnubayan sa tuwid na daan, hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman, ngunit ang kanilang mga walang kabuluhang hangarin ay hinadlangan sila mula sa tuwid na landas. Gaya ng alam ng sinumang mag-aaral ng Lumang Tipan, ang mga Hudyong rabbi ay may kaalaman, ngunit hindi sila kumilos dito at nagkaroon ng pinakadakilang impluwensya sa pagpapalit ng Mosaic na relihiyon. Sa katulad na paraan, ang isang Muslim na iskolar, o sa bagay na iyon, ang sinuman sa atin, na may kaalaman ngunit hindi kumikilos dito ay kahawig din sa mga Hudyo sa bagay na ito. Ang bahagi ng pagiging "ginagabayan" ay magkaroon ng matatag na pagpapasiya na gawin ang tama at itakwil ang mali. Ang Propeta, sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan ni Allah, ay nagsabi:
“Ang isang tao ay dadalhin sa Araw ng Pagkabuhay at ipapasok sa Impiyerno. Ang kanyang mga pigi ay itatapon sa apoy at siya ay iikot o lilibot sa paligid tulad ng isang asno na umiikot sa paligid ng gilingan. Ang mga naninirahan sa Impiyerno ay titipunin sa paligid niya at sasabihin: 'Ano ang nangyari sa iyo? Hindi mo ba ipinag-utos sa amin kung ano ang tama at ipinagbawal sa amin na gumawa ng mali? 'Siya ay tumugon:' madalas ko kayong inuutusan kung ano ang tama ngunit hindi ko ginagawa sa aking sarili at ipinagbabawal ko sa inyo mula sa paggawa ng mali at pagkatapos ay ginagawa ko ito sa aking sarili.”[3]
Ang taong ito ay may kaalaman. Alam niya ang tama sa mali. Higit pa rito, susundin niya kung ano ang tama at ipagbabawal ang mali. Ngunit hindi siya kumilos ayon sa kanyang kaalaman, kaya nakamit niya ang kaparusahan.
Ikatlo, ilalarawan ko ang punto na may halimbawa. Kumuha tayo ng isang simpleng batayan. Ang Sampung Utos ay ang pundasyon ng Hudaismo. Ang pagtupad sa Sabbath ay ang pinakamahalagang ritwal na pagsunod sa Hudaismo, ang tanging itinatag sa Sampung Utos. Ayon mismo sa Bibliya, ang mga Hudyo ay binantaan, pinarusahan [4],, at nagkamit ng banal na galit [5] dahil sa paglabag nito. Sa Islam, ang Biyernes ay ang pinaka-banal na araw ng linggo at isang espesyal na Salah (dasal) ay gaganapin upang markahan ito. Ang kabanalan ng Biyernes, na itinakda ni Allah, ay kilala sa mga Muslim. Ang pagbago nito para sa anumang kadahilanan sa ibang araw ay kahalintulad sa mga Hudyo na lumalabag sa Sabbath. Ito ay lantarang pagbago sa banal na itinakdang ritwal na pagtalima.
“...at silang mga naligaw”
Ito ang mga tao na iniwan ang katotohanan dahil sa kamangmangan, tulad ng mga Kristiyano at mga tulad nila. Ang mga Kristiyano ay naligaw dahil sa kamangmangan. Hindi nangangahulugan na ang katigasan ng ulo ay nabuo sa loob ito ay matapos na ang ilan sa mga ito ay lagpasan ang marka na naglabas sa kanila sa kamangmangan. Ito ang mga taong sumasamba, ngunit ginawa ito nang walang kaalaman. Ang isang Muslim na maaaring sumamba sa Diyos batay sa kamangmangan nang walang tekstong awtoridad ay kahawig ng mga Kristiyano, sa madaling sabi. Halimbawa, ang pagsamba ng Katoliko ay inaalay kahit na sa walang buhay na mga bagay, tulad ng mga labi ng isang martir, ng Krus ni Kristo, ng Ang Koronang Tinik, o kahit ang estatwa o larawan ng isang santo. Ang ibang mga Kristiyano ay gumagamit ng mga bandang pangmusiko o awit bilang pagsamba. Sa kabaligtaran, hindi kailanman sinamba ni Hesus ang Diyos sa pamamagitan ng musika, pag-awit ng mga himno, o pagsamba sa krus! Ang isang kahalintulad na "panggagaya" ng isang Muslim, gaano man kabuti ang intensiyon, ang paggamit ng musika at pag-awit ng mga awiting pangrelihiyon bilang pagsamba ay hindi ginawa ang ganitong paraan bilang pagsamba ng Huling Propeta kay Allah. Malinaw na ipinahayag ni Propeta Muhammad kung paano sasambahin ang Diyos; hindi pinahihintulutan na lumihis mula sa hindi ipinahayag.
Hinihiling natin kay Allah na 'gabayan' tayo sa tuwid na landas, ang landas ng mga propeta at ang kanilang mga matuwid na tagasunod sa paraan na balaan tayo upang hindi tayo makapasok sa parehong landas, manalangin tayo na huwag maging katulad ng unang grupo na nabigo sa pagtupad sa kanilang kaalaman o sa pangalawang grupo na nabigo upang makuha ito.
Talababa:
[1] Tirmidhi, Musnad of Ahmad, and Ibn Hibban. Quoted by Muhammad Sayyid Tantawi, Grand Imam of al-Azhar in his exegesis, ‘Tafsir al-Wasit.’
[2] Sino ang isang Hudyo at ano ang Hudayismo? Ang mga ito ay kumplikadong tanong dahil marami sa kanila ang tumatawag sa kanilang sarili na hudyo ay hindi naniniwala sa relihiyon na iyon! Mahigit sa kalahati ng lahat ng mga Hudyo sa Israel ngayon ang tinatawag na "sekular," at hindi naniniwala sa Diyos o anumang relihiyosong pinaniniwalaan ng Hudayismo. Kalahati sa lahat ng mga Hudyo sa Estados Unidos ay hindi kabilang sa sinagoga. Maaaring ginagawa nila ang ilan sa mga ritwal ng Hudayismo at ipinagdiriwang ang ilang mga piyesta opisyal, ngunit hindi nila iniisip ang mga pagkilos na ito bilang mga gawain sa relihiyon. Sa kabilang banda, ang mga tunay na tagasunod ng mga propeta mula sa Hebreo na nagsisimula kay Moises ay itinuturing na walang kasalanan dahil hindi nila binago ang kanilang mga orihinal na aral pangrelihiyon. Para sa aming pakay at gustong linawin ang 'Hudyo' ay isang mananampalataya ng Hudayismo na hindi sumusunod sa mga orihinal na paniniwala at gawi na itinatag ng mga propeta ng Hebreo, subalit marahil ang kanilang mga rabbinate at ang kanilang mga konseho ang nagsabatas. Diyos lang ang Nakaaalam.
[3] Bukhari, Muslim
[4] Sinira niya ang Jerusalem dahil dito. (Jeremiah 17:27).
[5] “ Hindi nila sinunod ang aking mga utos ngunit itinakwil ang aking mga batas-kahit na ang taong sumunod sa kanila ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito-at lubos nilang nilapastangan ang aking mga Sabbath. Kaya sinabi ko na ibubuhos ko ang aking poot sa kanila at pupuksain sila sa disyerto. "(Ezekiel 20: 21; New International Version)
Nakaraang Aralin: Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
Susunod na Aralin: Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)