Naglo-load...

Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling pag aaral ng Tayammum (tuyong-paghuhugas), ang paraan ng pagsasagawa, pagpapahintulot at pagpapawawalang-bisa nito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,052 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga kailangan

· Paghuhugas (Wudoo).

Mga Layunin

·Upang matutunan ang tungkol sa Tayammum - ang kapalit para sa wudoo kapag ang tubig ay hindi magagamit.

·Upang malaman ang mga sitwasyon kung saan maaaring maisagawa ang tayammum

·Upang matutunan kung paano maisagawa ang pag-tayammum.

·Upang malaman kung saang paligid ang pwede para sa pag-tayammum .

·Upang malaman kung ano ang nakakapawalang-bisa ng tayammum.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Wudoo - pag-huhugas.

·Ghusl - ritwal na pagligo.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa pag gagamitan, gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinanggap, anumang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o naaprubahan.

·Tayammum – tuyong paghuhugas o pagpapadalisay.

Panimula

Tayammum_001.jpg Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon kung saan kailangan mong mag-salah (pagdarasal), gayunpaman walang tubig na angkop para sa paggawa ng Wudoo', na hindi kaya ng oras na makahanap ng kaagarang tubig sa panahong kailangan mong magdasal sa oras?

Paano kung ikaw ay may sakit at hindi kayang isagawa ang Wudoo', o magsagawa ng Wudoo' na maaring puminsala sa iyong kalusugan. Ano ang tamang proseso sa ganitong pagkakataon?

Ang sagot sa mga karaniwang tanong na ito ay ang pagsasagawa ng "tuyo" na paghuhugas, na tinatawag na tayammum. Ang Tayammum ay binubuo ng paggamit ng malinis na lupa o alikabok upang punasan ang iyong mukha at kamay na may intensyon na ihanda ang sarili upang manalangin, at, dahil dito, ito ang pamalit sa wudoo sa mga espesyal na kalagayan.

Ang pamamaraan at mga pangunahing kondisyon ng paggawa ng Tayammum ay binanggit sa Quran at Sunnah. Ang sabi ng Quran:

“At kung ikaw ay may sakit, o nasa isang paglalakbay, o ang isa sa inyo ay dumating pagkatapos tumugon sa tawag ng kalikasan, o nakipag-ugnayan sa mga babae (sa pamamagitan ng seksuwal na relasyon) at wala kang nakitang tubig, magsagawa ng tayammum na may malinis na lupa. Tunay na, ang Allah kailanman ay mapagpatawad at mapag paumanhin.

Ang Propeta, nawa'y ang awa at pagpapala ng Allah ay sumakanya, sinabi:

“Ang lahat ng lupa ay ginawang malinis na lugar para ako'y makapanalangin at para sa aking nasyon. Sa tuwing nais ng isang tao mula sa aking nasyon na manalangin, mayroon siyang isang bagay upang mapadalisay ang kanyang sarili, iyon ay, ang lupa.”[1]

Ang Tayammum ay isa sa limang pagpapala mula kay Allah sa mga Muslim na hindi Niya ibinigay sa iba pang propeta bago si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya. Sinabi ng Propeta:

“Nabigyan ako ng limang bagay na hindi ibinigay sa sinuman bago ako: ... ang lupa ay naging isang lugar ng panalanginan para sa akin - kahit saan at sinuman sa aking nasyon ang nais na manalangin, maaari siyang manalangin...”[2]

Mga Sitwasyon Kung saan ang Tayammum ay Tapos na

Ang Tayammum ay hindi maaaring gawin kapag nahihirapan lamang magsagawa ng wudoo. May mga partikular na sitwasyon kung saan ito ay maaaring gawin:

(1) Kung hindi makahanap ng tubig o ang tubig ay hindi sapat para sa wudoo. Bago magsagawa ng Tayammum, dapat mong subukan muna makakuha ng angkop na tubig mula sa anumang malalapitan na lugar na maaari mong mahanap ito. Kung hindi mo mahanap ang magandang tubig, o ito ay masyadong malayo, maaari kang magsagawa ng Tayammum.

'Si Imran bin Husain, isa sa mga kasama ni Propeta Muhammad ay nagsabi, "Kami ay kasama ng Sugo ng Allah sa isang paglalakbay. Nang pinangunahan niya ang mga tao sa pagdarasal, isang tao ang tumigil. Tinanong niya siya, "Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal?" Sabi niya, 'Kailangan ko ng paglilinis sa paliguan at walang sapat na tubig.' Sinabi niya, 'Gamitin ang lupa, sapagkat ito ay sapat na.’’[3]

(2) Pinsala o sakit.

Maaari kang magsagawa ng tayammum kung sa tingin mo ang gumamit ng tubig ay palalalain ang iyong sakit batay sa nakaraang karanasan o payo ng doktor. Ang isang taong naospital na hindi maisagawa ng wudoo, maaaring magtabi ng isang bag na may ilang malinis na lupa upang maisagawa ang Tayammum.

(3) Kung ang tubig ay nakakapinsala sa iyo sapagkat ito ay sobrang malamig at sa ilang kadahilanan na hindi mo ito mapainit.

'Si Amr ibn al-Aas' ay naiulat na siya ay lumahok sa isang ekspedisyon. Nanaginip siya sa malamig na gabi, at natatakot na kung isagawa niya ang ghusl ay mamamatay siya. Isinagawa niya ang panalangin sa umaga kasama ang kanyang mga kasamahan. Pagkatapos ay nagpunta siya sa Sugo ng Allah upang tanungin Siya tungkol dito. Ang Propeta, nawa'y sumakanya ang awa at pagpapala ng Allah, ay nagsabi, "O 'Amr, nananalangin ka ba kasama ang iyong mga kasamahan habang kailangan mo ng paglilinis na paligo (ghusl)?"' Binanggit ni Amr ang talata, "Huwag patayin ang iyong sarili, si Allah ay maawain sa iyo "sa Propeta. Ang Propeta ay nakangiti at hindi nagsabi ng kahit ano.[4]

(4) Kung malapit ang tubig, ngunit hindi mo maabot ito dahil sa takot.

(5) Kung mayroon kang tubig, ngunit kailangan mo ito para sa pagluluto, o tinitipid ito para magamit sa ibang pagkakataon. Halimbawa, maaaring mangyari ito habang nagtitipon. Marami sa mga kasama ang magtatabi para sa kanilang maiinom at ginanap ang tayammum.

(6) Kung natatakot ka na ang oras para sa salah (ritwal na panalangin) ay matapos na sa oras na makarating ka sa may tubig.

Paano Magsagawa ng Tayammum

1. Dapat kang magkaroon ng intensyon sa iyong sarili na magsasagawa ng paglilinis ng karumihan. Ang intensyon ay nasa puso at hindi binibigkas.

2. Sabihin ang 'Bismillah' (nagsisimula ako sa pangalan ng Allah).

3. Dahan-dahang hawakan ang lupa o isang maalikabok na ibabaw ng parehong mga kamay.

4. Ihipan ang mga kamay at iwaksi ang anumang meron dito, upang hindi maalikabukan ang mukha.

5. Linisan ang mga palad, pagkatapos ang mukha, at pagkatapos ay ang mga palad at likod ng mga kamay hanggang sa mga pulso.

Si Ammar, kasamahan ng Propeta, ay nagsabi, "Kami ay naging hindi malinis dahil sa sekswal at walang tubig, kaya kami ay nagpagulong-gulong gaya ng isang hayop at pagkatapos ay nagsagawa ng pagdarasal." Binanggit ito sa Propeta at sinabi niya:

“Ito ay sapat na para sa inyo,”

… at pinahid niya ang lupa gamit ang kanyang mga kamay, inihipan niya ang mga ito at pagkatapos ay pinahid sa kanyang mukha at mga kamay. ”[5]

Lupa na magagamit para sa Tayammum

Pinapayagan na gawin ang Tayammum sa anumang bagay na mula sa lupa:

·Malinis na lupa o alikabok

·Anumang maalikabok na ibabaw

·Buhangin

·Isang pader kung ito ay ginawa ng isang bagay mula sa lupa (mga bato o mga brick na putik), ngunit hindi kung ito ay may malinis na ipininta o kahoy na ibabaw.

·Anumang uri ng pader na may alikabok dito

Ano ang Magagawa mo Pagkatapos maisagawa ang Tayammum?

Maaari mong gawin ang anumang bagay kung saan ang wudoo ay tapos na tulad ng pagdarasal ng salah (ritwal panalangin) at paghawak sa Quran..

Ano ang Nakakasira ng Tayammum

Ang tayammum ay hindi wasto kung ang tubig ay naroroon at maaaring magamit para sa wudoo. Maliban pa riyan, lahat ng bagay na nagpawalang-bisa ng wudoo ay nagpapawalang-bisa din sa tayammum:

(1) Pag-utot.

(2) Pag-ihi.

(3) Pag-dumi.

(4) Ang paglabas ng likido mula sa prostata at wadiy (makapal na puting likido na lumalabas pagkatapos ng pag-ihi).

(5) Malalim na tulog.

(6) Pakikipagtalik o paglabas ng tamud o likido mula sa pag-orgasm ng babae.

Kung nagsagawa na ng salah (ritwal na panalangin) matapos ang paggawa ng tayammum at pagkatapos ay nakahanap ng tubig, hindi mo kailangang ulitin ang salah kahit na may natitira pang oras para magdasal.


Mga talababa:

[1] Ahmad

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[4] Ahmad, Abu Dawud

[5] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4