Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Isang talakayan sa pinsala ng kababalaghan at kung paano espirituwal na protektahan ang sarili alinsunod sa mga turo ng Islam.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2012 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 131 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,808 (pang-araw-araw na average: 2)
Layunin
·Unawain ang kahulugan ng "kababalaghan".
·Kilalanin ang pinanggagalingan ng mga di maipaliwanag na pinsala: mga demonyo, "usog," at pangkukulam.
·Ang maunawaan na ang kasamaan sa ating buhay ay hindi labas sa kontrol ng Allah.
·Alamin kung paano protektahan ang ating sarili sa pamamagitan ng mga dasal at panalangin na ipinahayag ni Allah
Sa panahon ngayon ang kababalaghan ay ipinapakita sa pinakamodernong kathang isip, pelikula, at mga programa sa TV. Ang bawat tao'y nakabasa tungkol sa mga mangkukulam, salamangkero, bampira, ligaw na espirito, at mga taong lobo. Habang ang karamihan sa mga ito ay - kathang isip lamang, ayon sa aral ng Islam, mayroong isang elemento ng katotohanan sa kababalaghan. Ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon ng direktang karasanan sa nakakasindak na pangyayari kahit saan , sila ay may mga palagiang mga katanungan, ngunit hindi kailanman nasagot ng tama..
Una kailangan nating maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng kababalaghan. Ang "ang kababalaghan" ay kung ano ang namamalagi sa labas ng kalikasan at labas rin sa agham. Samakatuwid, kung ano ang kababalaghan ay tila mahiwaga at samakatuwid ay nakakatakot. Ang mga tao ay natatakot sa hindi nila alam.
Samakatuwid, upang ibukod ang katotohanan mula sa kathang-isip, ay babatay tayo sa tanging tunay na pinagmumulan ng kaalaman sa kababalaghan, at iyon ay ang kapayagan ni Allah na nasa Qur'an at Sunnah ng Propeta Muhammad. Sa sandaling maintindihan natin na ang kababalaghan ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng paghahayag, madadaig natin ang ating takot sa mga lingid at matutunan natin ang mga paraan na itinuro sa atin ni Allah upang mapanatili tayong ligtas at protektado.
Ayon sa katuruan ng Islam, ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing pinagmumulan ng nakapipinsalang kababalaghan:
Engkanto at demonyo
Ang mga engkanto ay totoo at sila ay mga nilalang na nilikha ni Allah. Kabilang dito ang mga demonyo (mga di-mananampalatayang engkanto) at mga mananampalatayang enkanto. Nakikita nila tayo ngunit hindi natin nakikita ang mga ito. Ang mga demonyo ay maaaring umatake sa mga tao at takutin sila. Ang isang demonyo ay maaari angkinin ang katawan ng isang tao dahil ito ay umibig sa tao o upang saktan sila, o ano pa mang dahilan.
Inggit at paninibugho sa iba
Ang mapangwasak na inggit ay ang pagnanasa na ang pagpapala na binigay ni Allah sa ibang tao ay mawala. Ang pagnanais na magkaroon ng kung ano ang nasa ibang tao (isang bagay o kasanayan) ay hindi inggit, ang paghahangad na mawala ito sa kanila ay ang nakakapaminsala.
“Evil eye” - Usog
Ang "usog" ay kapag ang isang tao ay nakakasakit dahil sa kanyang "pagtitig." Mag uumpisa kapag ang isang tao ay ginusto ang isang bagay, at sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtingin sa bagay dahil sa kanyang pinaninibugho, nakakaapekto ito sa kanyang masasamang damdamin. Upang linawin ito sa mas simpleng pagpapaliwanag, kung ang isang tao ay nasa harapan ng isang nais niyang mapangasawa, at ngumiti siya sa kanyang direksyon, ang taong ito ay maaaring makaramdam ng pagkapagod at pagkahilo sa puntong iyon; Gayundin, kapag ang isang tao ay nakatayo sa harap ng isang tao na kinakatakutan niya, tulad ng kanyang amo, at siya ay nalulungkot na siya ay tanggalin sa trabaho, at bigla siyang tatawagin, ang taong iyon ay maaring makakaramdam ng isang bahagyang kirot at maaaring mahilo. Ang usog ay nagsasama ng aspetong ito, lumalampas rin ito sa likas na katangian ng sarili ... ang paninibugho at poot ng isang tao sa pagpapala na naibigay sa isang tao at ang pagnanais na makita niya itong mawala. Ang sinumang gumawa ng "usog" sa iba ay mainggitin, ngunit hindi lahat ng naiinggit ay nakakagawa ng "usog" sa iba.
Pangkukulam at Panggagaway
Ang pangkukulam at panggagaway ay totoo at maaaring makakaapekto sa pisikal at pag- iisip na nagiging sanhi na magkasakit sila at maging ang mga mag asawa ay maaaring magkahiwalay. Karamihan sa mga ito ay ginagawa sa pamamagitan ng Shirk at sa pamamagitan ng pag-aalay sa mga demonyo kung ano ang kanilang iniibig.
Sa totoo lang ito ay na sa loob at sa sarili na nito , walang anumang may kakayahang manakit sa iyo maliban kung pinahintulutan ito ni Allah. Sa ibang salita, dapat kang magkaroon ng matibay na paniniwala na si Allah ang may kontrol sa lahat, hindi ang anumang nilalang. Iyon ang dahilan kung bakit, ang isang Muslim ay hindi dapat pahintulutan ang paranoya, pagkabalisa, pagdududa, at labis na takot sa kababalaghan na pinalalaki nang labis na siyang nagiging dahilan ng pinsala sa pag-iisip. Ang isa ay dapat mag-isip ng positibo tungkol kay Allah at maunawaan na anuman ang mangyari ay mangyayari lamang sa kapahintulutan ni Allah. Ang kasamaan ay hindi labas sa kontrol ni Allah. Walang manggagaway, demonyo, o "usog" na mas malakas kaysa kay Allah. Dahil, Siya ang may kontrol, Siya lamang ang makapag-aalis ng pinsala at magpapawi ng pagkabalisa. Kung ito ay naiintindihan, ang isang tao ay magbabalik kay Allah at ibibigay ang kanyang lubos na pananampalataya sa Kanya.
Upang maging tama ang pagtitiwala kay Allah, ang isang Muslim ay dapat magkaroon ng tamang paniniwala at kaalaman. Una, alam ni Allah kung ano ang pinakamainam. Sinabi ni Allah sa Quran,
“.... Marahil ay hindi mo gusto ang isang bagay at ito ay mabuti para sa iyo at maaaring gusto mo ng isang bagay at ito ay masama para sa iyo. Alam ni Allah at hindi niyo alam.” (Quran 2:216)
Pangalawa, si Allah ay makatarungan. Sinasabi niya sa atin,
“…At ang inyong Panginoon ay hindi gagawan ng kamalian ang sinuman.” (Quran 18:49)
Pangatlo , si Allah ay sapat na para sa sinumang nagtitiwala sa Kanya. Ipinahayag niya,
“…Sinuman ang magtiwala kay Allah , sapat na Siya sa kanya...” (Quran 65:3)
Ang isang Muslim ay maaaring maprotektahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iwan sa mga kasalanan, pagtupad sa obligasyon sa relihiyon, pagkakaroon ng matibay na pananampalataya kay Allah, sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya tulad ng ipinaliwanag sa itaas, at paghanap ng kanlungan kasama Niya sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga panalangin para sa proteksyon na sinasabi ni Propeta Muhammad.
Ang susunod na aralin ay pangkalahatang mga panalangin upang panatilihin tayong ligtas at protektado mula sa kasamaan. Pinoprotektahan din tayo mula sa mga nakakapinsalang bagay sa pangkalahatan at mula sa mga bulong ni Satanas na naglalagay ng pagdududa at nag-aanyaya sa atin sa kasinungalingan at kasalanan. Isipin mo ang mga ito bilang gamot sa pangkaraniwang pangpawala ng sakit. May mga tiyak na panalangin din, tulad ng mga gamot na inireseta ng doktor, ngunit ginagamit lamang ito para sa isang taong na-diagnosed na may isang partikular na sakit. Tandaan na gawing kasanayan ang pagbigkas ng mga panalanging ito araw-araw. Tulad ng isang pang-araw-araw na multivitamin o isang masustansyang diyeta ay mabuti para sa iyong katawan, sila ay mag-aalok sa iyo ng espirituwal na proteksyon hangga't mapanatili mo ang malakas na pananampalataya at lumayo mula sa mga kasalanan tulad ng alak, droga, pagsusugal, atbp. Tandaan na hindi sila magiging epektibo kung hindi ka nagdadasal o nagpapakasasa sa paggawa ng malalaking kasalan.
Nakaraang Aralin: Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
Susunod na Aralin: Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)