Naglo-load...

Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Sa araling ito matututunan natin ang kahulugan ng salitang hijab at tingnan ang mga paraan ng pananamit para sa mga kalalakihan at kababaihan. Tatatalakayin din natin ang layunin ng isang pananamit at matututunan na tumutulong ito na maprotektahan ang lipunan at pinananatili ang maayos na relasyon.

Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 150 - Nag-email: 0 - Nakakita: 25,038 (pang-araw-araw na average: 10)


Mga Layunin ng Aralin:

Matutunan at maunawaan ang mga kondisyon ng pamantayan ng Islamikong pananamit para sa parehong mga kalalakihan at kababaihan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Awrah – ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan.

·Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Hindi sila pinapayagang makasal, tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.

·Haya – natural o likas na pagkamahiyain at pagkadama ng kahinhinan.

·HijabAng salitang hijab ay mayroong maraming iba't ibang kahulugan, kabilang ang pagtatago, takip at tabing. Karaniwang tumutukoy ito sa belo ng isang babae at sa mas malawak na mga termino ay para sa katamtamang pananamit at kayumian ng ugali.

IslamicDress01.jpgAng Islam ay isang kumpletong paraan ng pamumuhay, ang bawat aspeto ay dinisenyo ng ating Lumikha upang maisulong ang maligaya, malusog na mga komunidad at mapadali ang landas sa walang hanggang kaligayahan sa Paraiso. Sa kababaihan ngayon ang kahinhinan ay nakikita bilang tanda ng kahinaan o kawalang-seguridad. Hindi ito ang kalagayan sa Islam, kung saan ang kahinhinan ay nakikita bilang tanda ng paggalang sa sarili at sa iba. Ang haya na ang bawat tao ay isinilang na meron ito ay isang bagay na dapat ingatan. Hanggang ngayon ang Islam ay may pamantayan sa pananamit para sa babae at lalaki. Ang layunin nito ay upang protektahan ang lipunan sa kabuoan at itaguyod ang kayumian sa pananamit at pag-uugali. Lumilikha ito ng harang sa pagitan ng mga kasarian at nagpapahintulot sa atin na mamuhay ng may kahinhinan, dignidad at respeto.

Ang Islam ay nilalagay ang mga kababaihan sa napakataas na pagpapahalaga at ang mga Islamikong panuntunan ng pagtatakip ay inilaan upang protektahan ang kanyang dignidad at karangalan. Ang salitang ginagamit nang madalas sa takip ay hijab. Ang lahat ng kwalipikadong iskolar ng Muslim sa buong kasaysayan ng Islam ay sumang-ayon na ang pagtupad sa mga kondisyon ng pamantayan ng pananamit ay isang obligasyon sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na Muslim. Ibinatay nila ang mga kondisyong ito sa katibayan na natagpuan sa Quran at sa Sunnah. Ang nasa ibaba ay ang pinaka mahusay na kilala na mga bersikulo sa Quran at ang pinaka-sikat na kasabihan mula sa Propeta Muhammad patungkol sa paksa ng hijab.

“"O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at mga anak na babae at mga kababaihang mananampalataya na ilabas ang kanilang mga damit na pang ibabaw (belo) at takpan ang kanilang katawan. Iyan ay magiging mas mahusay, ng sila ay makilala (bilang mga kapita-pitagang kababaihan) upang hindi kainisan. (Qur'an 33:59)

Sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na dapat nilang ibaba ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga kasalanan); at hindi nila dapat ipakita ang kanilang kagandahan at mga palamuti maliban sa kung ano ang dapat ilitaw dito... (Quran 24:31).

Kapag ang isang batang babae ay umabot na sa edad na datnan na siya ng buwanang dalaw, ay hindi na dapat na hayaang nakalabas ang mga dapat takpan maliban sa mga ito. At itinuro niya ang mukha at mga kamay.

Hijab ng Kababaihan

Ang layunin ng hijab ay upang matakpan ang awrah at ang awrah ay magkaka-iba ng sitwasyon sa pagitan ng magkaka-ibang grupo ng tao.

Magsimula tayo sa mga kondisyon ng hijab para sa isang babae sa publiko at sa harap ng mga di-mahram na lalaki. Hangga't ang mga kundisyong ito ay natutupad ng isang babae ay maaaring magsuot ng anumang kanyang ninanais.

1.Ang hijab (takip) ay dapat itago ang buong katawan maliban sa mukha at mga kamay.

2. Ito ay hindi dapat na manipis o masikip. Ang masikip na kasuotan, kahit na itago nila ang kulay ng balat, ay naglalarawan pa rin ito sa laki at hugis ng katawan o bahagi nito, at lumilikha ng mga matingkad na imahe.

3.Hindi dapat makaagaw pansin sa ibang kasarian; kaya hindi ito dapat maging maluho o labis na magara. Hindi dapat ipakita ang mga alahas at pampaganda.

4.Ito ay hindi dapat isuot dahil sa banidad o makakuha ng kasikatan at makilala. Ang mga babaeng kasamahan (kapanahunan ng Propeta) ay kilala na nagsusuot ng itim at mga di matitingkad na kulay, ang ibang kulay ay pinahintulatan naman; Ang babae ay di nararapat na magsuot ng mga matitingkad na kulay ng mga damit dahil lamang sa pagiging banidosa.

5.Hindi ito dapat lagyan ng pabango. Ang pagbabawal na ito ay parehong sa katawan at mga damit.

6.Hindi ito dapat maging katulad ng damit na isinusuot ng mga kalalakihan.

7.Hindi ito dapat maging katulad ng damit ng mga di-Muslim.

Pananamit ng mga kalalakihan

Sabihin sa mga naniniwalang kalalakihan na dapat nilang ibaba ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga kasalanan). Iyan ay dalisay para sa kanila. At si Allah ay lubos na nakakaalam sa lahat ng kanilang ginagawa. (Qur'an 24:30)

Bagama't kung minsan ay hindi ito napapansin o hindi naiintindihan nang mabuti ay mayroong mga kondisyon ng pananamit para sa mga kalalakihan. Ang ilan sa mga kondisyon ay katulad ng mga kondisyon para sa babae ngunit ang iba ay may kaugnayan lalo na sa mga lalaki.

1.Ang bahagi ng katawan mula sa pusod hanggang sa mga tuhod ay dapat takpan.

2.Hindi ito dapat maging katulad ng damit ng mga di-Muslim. Ang damit ng taga kanluran na hindi kumakatawan sa isang partikular na grupo o sekta ay karaniwang pinahihintulutan.

3.Hindi ito dapat maging katulad ng damit na isinusuot ng mga babae.

4.Hindi ito dapat maging masikip o manipis.

5.Ang isang lalaki ay hindi pinahihintulutang magsuot ng mga damit na gawa sa sutla, o alahas na gawa sa ginto.

6.Dalawang uri ng palamuti ang ipinagbabawal sa mga lalaki ngunit pinahihintulutan para sa mga kababaihan. Ang mga ito ay, ginto at damit na gawa sa purong sutla.

Lubos na sang-ayon ang mga iskolar ng Islam na para sa mga lalaki ang lahat ng bagay sa pagitan ng pusod at ang mga tuhod (kabilang ang mga tuhod) ay dapat na takpan sa harapan ng sinuman. Ang tanging pagbubukod dito ay isang lalaki sa harapan ng kanyang asawa.

Ang panghuli, ito ay inirerekomenda para sa mga lalaki na huwag magsuot ng mga damit na lagpas sa ibaba ng mga bukong-bukong.

Sa susunod na aralin ay pag-aaralan natin ng mas detalyado ang kahulugan ng awrah at tatalakayin ang katotohanan na ang mga alituntunin ng awrah ay nagbabago depende sa sitwasyon.


Mga talababa:

[1] Abu Dawud

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4