Naglo-load...

Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Sino si Satanas? Siya ba ang bumagsak na anghel, ang diyablo na nabanggit sa literaturang Kristiyano? Sa araling ito natutunan natin ang tungkol sa kanyang pagkalikha at pagkawala mula sa biyaya, at ang kanyang matinding galit sa sangkatauhan.

Ni Aisha Stacey (© 2012 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 287 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,163 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin ng Aralin:

·Ang makilala si Satanas at maintindihan ang kanyang misyon.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shaytan - paminsan-minsan ay sinulat ang Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at ang salitang Arabe upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan ng kasamaan.

·Jinn - Ang nilikha ni Allah bago ang tao mula sa walang usok na apoy. Ang mga ito ay tinutukoy minsan bilang mga nilalang na espiritu, banshees, multo, phantoms at iba pa.

·Shirk - ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.

·Khushoo - ang pagkilos ng ganap na taimtim, pagpapasakop at mapagpakumbaba patungo kay Allah sa oras ng panalangin.

Shaytan01.jpgHindi tulad ng mga paglalarawan ng diyablo sa doktrina ng Kristiyano, si Shaytan ay hindi isang bumagsak na anghel; sa halip siya ay isang Jinn na kayang mag-isip, magdahilan at may malayang kalooban. Pinahintulutan siya ni Allah na manirahan na kasama ng mga Anghel, ngunit dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamayabang na maaaring basahin sa kuwento ni Propeta Adan sa website www.islamreligion.com, nawalan siya ng pag-asa gayung nalalaman niya ang awa ni Allah at nanumpa na siya ay mananatili sa kailaliman ng Impiyerno nang hindi nag-iisa. Nais ni Satanas na kunin ang maraming tao kasama niya sa Impiyerno hanggang sa makakaya niya. Huwag kayong magkamali tungkol dito; Si Satanas ay mortal na kaaway ng sangkatauhan. Siya ay tuso, manlilinlang at mapagmataas. Ang Quran ay nagbabala sa atin ng kanyang (Satanas) poot nang paulit-ulit.

"O mga anak ni Adan. Huwag kang palinlang kay Shaytan ... "(Quran 7:27)

"Tunay na si Shaytan ay isang kaaway sa iyo kaya turingin siya bilang isang kaaway ..." (Qur'an 35: 6)

"... At sinuman ang kumuha kay Shaytan bilang isang tagapagtanggol o katulong sa halip na kay Allah, ay tiyak na magdudusa ng hayagang pagkaligaw." (Quran 4: 119)

Mahalaga na maunawaan na kahit na si Satanas mismo ay kumikilala sa kaisahan ni Allah at ng Kanyang karapatan na sambahin. Ipinaalam sa atin ni Allah na ang mga pangako ni Satanas ay walang anuman kundi panlilinlang at kasinungalingan, at si Satanas ay sumang-ayon, sapagkat wala siyang maibibigay.

"At sasabihin ni Shaytan na ang bagay na ito ay napagpasyahan na:" Katotohanang ipinangako sa iyo ni Allah ang pangako ng katotohanan, at ipinangako ko rin sa iyo, ngunit ipinagkanulo ko kayo. Wala akong kapangyarihan sa iyo maliban na tumawag lang ako sa iyo, at tumugon ka kaya't huwag mo akong sisihin, ngunit sisihin mo ang sarili mo... "(Qur'an 14:22)

Ang bawat pagsuway na kinasusuklaman ni Allah ay minamahal ni Shaytan, minamahal niya ang imoralidad at kasalanan. Bumobulong siya sa mga tainga ng mga mananampalataya, sinisira niya ang panalangin at pag-alaala kay Allah. Ang isa sa pinakadakilang iskolar ng Islam, si Ibn ul Qayyim, kaawaan nawa siya ng Diyos, ay nagsabi: "Ang isa sa kanyang mga plano (ni Satanas) ay palaging niyang ginugulo ang mga isip ng mga tao hanggang sa sila ay malinlang, ginagawa niyang kaakit-akit sa isipan kung ano ang makakasama".

Si Satanas ay may malawak na karanasan sa larangan ng panlilinlang; siya ay may mga pandaraya at panunukso at siya ay bumubulong ng walang pagliliban. Si Satanas ay nag-uudyok at nagtutulak, naglalagay sa kaisipan ng pagnanasa. Subalit hindi pinabayaan ni Allah ang sangkatauhan. Ibinigay niya sa atin ang mga sandata at ang pinakadakilang impormasyon. Si Satanas ang ating mortal na kaaway at upang labanan ang kanyang mga panloloko at ilusyon kailangan natin siyang makilala nang lubos. Ang pangmatagalang layunin ni Satanas ay upang alisin ang maraming mga tao hangga't maaari sa Paraiso at dalhin sila sa Impiyerno. Upang makamit ang layuning ito, siya ay nagtakda ng maraming mga layunin sa maikling termino. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga layuning ito ay nangangahulugan na nagkaroon tayo ng mga sandata laban dito.

Maikling Terminong Layunin

1.Upang maging sanhi na ang mga tao ay gumawa ng kasalanang shirk. Ang bawat isa na sumasamba sa kahit ano maliban kay Allah, ito man ay isang idolo, estatwa, araw, buwan, isang tao o isang alituntunin, ay sa kakanyahan sumasamba kay Satanas.[1]

2.Upang hikayatin ang mga tao na gumawa ng mga kasalanan at mga gawang pagsuway. Kapag si Satanas ay nawalan ng pag-asa na sambahin, siya ay kuntento na lamang na sundin sa mga bagay na mukhang hindi gaanong mahalaga. [2] Gusto niya ang imoralidad at kasalanan dahil ito ay may direktang epekto sa relihiyon ng isang tao.

3.Upang pigilan ang mga tao na gumawa ng mga mabubuting gawa. Si Satanas ay hindi lamang nagsasanhi sa mga tao na gumawa ng kasalanan at mga gawa ng pagsuway, siya rin ay nasisiyahan sa pagpigil sa kanila na gumawa ng mga gawang mabuti. Si Satanas ay matiyaga; siya ay naghihintay, pinupuno ang ating mga isip ng mga pagdududa, at mga pamahiin. Kapag ang isang tao ay nagnais sa paggawa ng mabuting gawa o pagkilos, binubulongan niya ito upang maiwasan ito at magtanim ng maliliit na pag-aalinlangan sa kanilang isip.

4.Upang sirain ang mga gawa ng pagsamba. Kung hindi mapigilan ni Satanas ang mga tao na sumunod kay Allah at gumawa ng matuwid na mga pagkilos, magsusumikap siyang gawing masama ang kanilang mga pagsamba. Kapag ang isang tao ay nananalangin ay bumubulong at binabalisa siya. Ang pagnanais ni Satanas ay upang pigilan ang isang tao na kunin ang kanilang gantimpala para sa pagdarasal na may khushoo at sa huli ay dadalhin siya palayo kay Allah.

5.Upang maging sanhi ng pinsala sa isip at pisikal. Bilang karagdagan sa nagiging sanhi sa mga mananampalataya upang gumawa ng mga gawaing shirk, si Satanas ay nagnanais magsanhi ng pisikal at mental na pinsala sa tao. Halimbawa, nagpapadala siya ng masasamang panaginip upang maging sanhi sa tao ng pagkabalisa at takot. Ginagambala niya ang mga tao mula sa panahon na sila ay ipinanganak hanggang sa sandali ng kanilang kamatayan. Sa kanilang mga huling sandali, patuloy siya sa pagbulong at panliligalig upang pigilan ang isang tao na tumawag kay Allah at pagtibayin ang kanilang paniniwala sa Diyos lamang.


Talababa:

[1] Sh. Omar al Ashqar in Ang Mundo ng Jinn at Demonyo.

[2] At-Tirmidhi, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4