Naglo-load...

Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ito ay 2-bahagi ng aralin na naglalaman ng praktikal na payo para sa mga bagong yakap sa Islam na nahaharap sa hamon ng pagpapabatid ng balita sa kanilang mga kaibigan at kaanak. Part 1: Ang araling ito ay nagnanais na iwaksi ang anuman pangamba at makabuo ng kumpiyansa sa pakikipagusap sa mga mahal sa buhay.

Ni NewMuslims.com

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 119 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,577 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin

·Upang mapawi ang pangamba, sa takot na dulot ng paghahayag ng pagyakap sa Islam at magkaroon ng lakas ng loob sa pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay.

·Upang humimok na alamin ang angkop na paraan sa paghahayag ng balita ng isang yumakap sa Islam sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

·Upang patatagin ang bagong yakap na muslim sa pamamagitan ng ibat-ibang panalangin na hanapin ang tulong ng Allah na pagaanin ang kanyang mga gawain.

Ilan sa mga gawain na kadalasang mahirap para sa mga bagong yakap sa Islam ay ang paghahayag ng balita sa kanyang mga kaibigan at pamilya hinggil sa kanyang bagong pananampalataya. Bagama't maaaring umaapaw sa kaligayahan ang isang tao sa kanyang bagong pakikipagsapalaran, ang pagsisimula, pagpapayaman ng buhay ispiritwal, maaring maging mahirap ang mga gawaing ito, dahil sa takot sa negatibong resulta bunsod ng pagtanggi ng mga mahal sa buhay. Kinakailangang masiguro na maisakatuparan nila ang mga gawain na may sapat na pag iingat, kung hindi'y makasisira ito ng pinangangalagaang relasyon, magdulot ng samaan ng loob o hindi pagkaka intindihan.

Ang araling ito ay nagtataglay ng mga praktikal na payo at ilang mga paalala na maaaring makatulong upang maibsan ang pangamba at makatulong sa iyo na harapin ang iyong mga mahal sa buhay ng may kumpiyansa.

Una, binabati kita sa iyong pagyakap sa islam. Nakasisiguro kang tama ang iyong naging desisyon. Karagdagan, ang katotohanan ng pagkakapatnubay sa iyo sa Islam ay katibayan na mahal ka ng Diyos, ito ang magkakaloob sa iyo ng tulong na matagal mo nang minimithi. sapagkat, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at biyaya ng Allah, ay nagsabi:

“Sinuman ang nais gawaran ng Allah ng kabutihan, binibigyan nila Siya ng pag unawa sa pananampalataya.”(al-Bukhari)

Pangalawa, basahin ang sumusunod na mga pagpapayo at isabuhay ang naaayon sa iyong personal na sitwasyon.

Pag aralan ang Sitwasyon

Minsan ang bagong Muslim ay makararamdam ng pagnanais na ipaalam sa lahat ang kanilang pagyakap sa Islam, simula sa kanilang pamilya. Ang ilan ay inaakalang kakayanin nilang tumanggap ng anumang klase ng pagtugon, habang ang iba naman ay inaakalang hindi na ito papansinin pa ng kanilang pamilya, at maaaring hinihimok pa nga sila sa kanilang naging desisyon. Ang katotohanan ay maaaring lubhang maiba. Bagaman maaaring hindi relihiyoso ang ilang miyembro ng pamilya, ang katotohanan na ang kanilang mahal sa buhay ay pinili ang ibang landas kaiba o taliwas sa kanila, o marahil dahil sa takot nila hinggil sa masamang impresyon nila tungkol sa Islam, maaaring iba ang kanilang maging pagtugon. Maaaring maka-apekto ito sa pagunlad ng isang bagong yakap sa Islam, kaya naman, nararapat na pag isipan ng mabuti, mahinahon, at alamin ang sitwasyon ng maayos. Matapos yakapin ang Islam, nararapat na pagtuunan ng pansin ang pag aaral sa mga pangunahing kaalaman sa paniniwala at pagsamba at ang pagbalita ng maaga sa kanyang pagyakap sa Islam, ay maaaring maging mahirap. Sa halip na ang yugto na puno ng kagalakan at inspirasyon, ito ay maaari pang mauwi sa pagtatalo at samaan ng loob.

Ang paghahayag ng pagyakap sa Islam ay hindi kundisyon sa pagiging isang Muslim, at kung nais ng isang tao na i-antala ang pagsasagawa nito hanggang sa tumibay ang kanyang pananampalataya at kaalaman o hanggang sa siya ay maging malaya, ito ay maaari. Sa kabilang banda, kung nababatid naman na tanggap ng kanilang pamilya ang bago nilang paniniwala mainam na ito ay kanilang ipa-alam dahil mapapadali nito ang pagsasabuhay ng katuruan ng Islam.

Ang halimbawa nito ay ang dakilang Kasamahan ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala, Muawiyah ibn Abi Sufyan, na naging Muslim at itinago sa mga magulang ang kanyang pagyakap. Lantad ang hindi pagsang ayon sa Islam ng kanyang mga magulang, at matapos niya itong magpagtanto, at maunawaan ang kauuwian ng kanyang magiging aksyon, napagpasiyahan niyang huwag na lamang ihayag sa publiko na siya ay isa nang Muslim; sa halip pinili niyang i-antala at ihayag ang kanyang Islam sa tamang pagkakataon. Ang sandaling ito ay dumating noong nasakop ng Propeta ang Mecca. Si Muawiyah at ang kanyang ama kasama na ang iba pa ay tumungo sa Propeta upang ihayag ang kanilang Islam sa harap niya.

Kapag napagpasyahan mo na na ihayag ito, isipin ang mga sumusunod na patnubay.

Hanapin ang Tulong sa pamamagitan ng Pagtitiis at Pagdarasal

Huwag mag alala. Hingiin ang tulong ng Allah sa pamamagitan ng pagdarasal at pagmumuni-muni. Hayaan mong patnubayan ka Niya sa bawat sandali. Taglay mo ang dalawang regalo mula sa Panginoon: pagtitiis at panalangin upang bigyan ka ng lakas. Sinabi ng Allah:

“at humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal…” (Quran 2:45)

Anumang hirap ang iyong kaharapin ay pawang pagsubok lamang na kung saan ay makapagdaragdag ng iyong pananampalataya at tiwala sa Allah. Matututunan mong manalig at humingi ng tulong mula sa Kanya. Anuman ang kahantungan, dapat nating malaman na sa bandang huli, ito ay makabubuti para sa iyo. Napakaganda ng sinabi ng Propeta:

“Kahanga-hanga ang gawain ng mga mananampalataya! Lahat ng kanyang mga gawain ay mabubuti, at itong [pagkilala] ay para sa mananampalataya lamang. Kapag may nangyaring mabuti sa kanya, pinasasalamatan at pinupuri niya ang Diyos, at ito ay mainam sa kanya. Kapag siya ay nagdaraan sa ilang pagsubok, siya ay matiisin, at ito ay mainam sa kanya.” (Muslim)

Hilingin mo sa Allah na pagaanin ang iyong gawain at bigyan ka ng lakas. Hilingin mo sa Kanya na gawin Niyang katanggap-tanggap sa iyong mga magulang ang iyong balita nang may kagaanan. Hilingin mo sa Kanya na mapanatili mo ang pagiging matatag sa iyong pananampalataya. Hilingin mo sa Kanya na gawin ka Niyang instrumento sa pagbigay ng patnubay sa kanila. Ang mga sumusunod ay ilang piling panalangin na ipinapayo ng Propeta upang mapalakas ang iyong sarili at iyong pananampalataya.

Panalangin 1

“O Allah, sa iyong habag lamang ako umaasa, kayat huwag mo akong pabayaan sa aking mga gawain kahit na sa isang kisap-mata man lang at ituwid mo ang aking mga gawain. Walang ibang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo.” (Abu Dawood)

Panalangin 2

“Walang karapat-dapat sambahin maliban kay Allah, Ang Pinaka-Maalam, Ang Pinaka-Mapagkalinga. Walang karapat-dapat na sambahin maliban kay Allah, Panginoon ng Mabunying Trono. Walang karapatdapat sambahin maliban kay Allah, Panginoon ng mga kalangitan, Panginoon ng sanlibutan at Panginoon ng mabunying trono.” (al-Bukhari)

Panalangin 3

Ang Propeta ay nagwika:

“Ang mga puso ng mga anak ni Adan ay magkakabigkis sa pagitan ng mga daliri ng Pinaka Mahabagin, at pinangangasiwaan Niya sila ayon sa Kanyang kagustuhan.” (Ahmed)

Manalangin gaya ng madalas na ipinagsusumamo ng Sugo ng Allah:

“O Tagapagbago ng puso, gawin mong matatag ang aking puso sa Iyong pananampalataya.” (Al-Tirmidhi)

Panalangin 4

Sa sandaling may alinlangan sa iyong pananampalataya:

·Hingin ang tulong ni Allah.

·Paalalahanan ang sarili na ikaw ay nasa pananampalataya ni Hesus, Moises, at lahat ng mga Propeta sa pagsasabing, ‘Naniniwala ako kay Allah at sa Kanyang mga Sugo.’[1]

Paniniguro sa Sarili

Huwag mangamba sa hindi pagsang-ayon ng mga mahal sa buhay at hindi kakilala. Ang ilan ay nakararanas ng pagka-demoralisa kapag napupuna; habang ang iba naman ay nakatatamo ng ibayong lakas mula rito. Nakapagpapabago ng kilos ang Islam, isang bagong pamumuhay na nakapagpapabalik ng kumpiyansa, kasiguruhan, at kaginhawahan. Katotohanang ang Islam ay may kakayahang bumago ng pagkatao tungo sa kabutihan. Kapag ang pananampalataya ay pumasok sa kaibuturan ng puso, mauunawaan mong hindi kayang tumbasan ng anumang bagay sa mundo ang saglit na pamumuhay taglay ang dakilang biyaya ng Islam. Kaya't maging mapagpatawad at matiisin!

Kausapin ang iyong Pinagkakatiwalaan

Kausapin ang kaibigan mong Muslim na siya mong pinagkakatiwalan, mas mainam iyong may kaalaman at karunungan. Humanap ng mabuting kaibigan na makikita mong nai-sasabuhay ang Islam sa kanyang sarili. Malayo ang mararating ng suporta ng isang nagmamahal na kaibigan. Tandaan, puso ang nagpapagaling sa kapwa puso! Huwag magpadala sa iyong emosyon. Pag usapan ito; walang kapalit ang kalinga at pagmamahal ng kapwa.

Mga Paraan upang Ipabatid sa mga Mahal sa Buhay

Hindi magkakapareho ang mga magulang. Ang ilan ay malalapit sa kanilang mga anak, ang ilan ay hindi. Ang pagkakaroon ng watak-watak na pamilya ay halos karaniwan na. Ang ilang mga magulang ay suportado anumang relihiyon o pamumuhay ang piliin ng kanilang mga anak, habang ang ilan ay maaaring labis na tumututol. Anu't-anuman, marahil ay magandang ideya na ipabatid muna sa kanila na nagbabasa ka ng mga tungkol sa Islam, maaari ring ibahagi sa kanila ang ilan sa iyong nalaman bago ipabatid ang nais sabihin hinggil sa iyong pagyakap, upang hindi nila ito ikagulat. Maghinay-hinay. Sa bandang huli, nasa sa'yo pa rin ang pasya, dahil mas kilala mo ang iyong pamilya. Higit sa lahat, pag aralang mabuti ang sitwasyon bago gumawa ng anumang hakbang, at huwag magpadalos-dalos

Gaya ng nabanggit kanina, kung kinakailangan, maaaring mong iantala ang iyong pagbabalita sa iyong naging desisyon. Kung kasama mo sa bahay ang iyong pamilya, maaari kang magdasal kapag hindi ka nila nakikita . Maaari mo rin namang sabihin kung nararamdaman mong sasang-ayunan nila ito.

Kung mag-isa kang namumuhay, marahil mas madali ito, maaari kang makipagkita sa iyong magulang ng harapan mong sabihin sa kanila na ikaw ay Muslim na, tawagan sila, i-email, o padalhan ng liham, Pinakamainam pa rin, kung pag-uusapan ito ng personal, dahil ang ilan sa mga paraan ay maaaring pagsimulan ng hindi pagkaka-unawaan. Kung ang inaalala mo naman ay ang nakaka asiwang pakiramdam dahil sa iyong pagyakap sa pananampalatayang kaiba ng sa kanila, at nahihiya ka na pag usapan ang iyong relihiyon, maaari mong ikonsidera na padalhan na lamang sila ng liham. Matutulungan ka nitong masabi ang laman ng iyong isipan, bigyan mo sila ng pagkakataong huminahon, marahil ay makatutulong ito upang pareho ninyong maiwasan ang di kanais-nais na pagtatagpo.

Anuman ang mangyari, may pagkakataong magtatagpo rin kayo, at ito ang pag-uusapan sa sususunod na aralin.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.