Naglo-load...

Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot

Marka:

Deskripsyon: Mga pangyayari mula sa talambuhay ni Propeta Lot.

Ni Aisha Stacey (© 2012 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 128 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,073 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang suriin ang ilang mga kaganapan at matutunan ang mga mahalagang aralin na naaangkop sa ika-21 siglo.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Lut - ang pangalan sa Arabik ni Propeta Lot.

GlimpsesLivesProphets2.jpgMaraming mga salaysay sa Quran ang nagpapakita ng katangian ng Allah, ang ilang mga bahagi ay nagtuturo sa atin ng tungkol sa Paraiso at Impiyerno at ang iba pang mga bahagi ng Quran ay nagtuturo sa atin ng mga aral. Ang ilang mga aral ay may kaugnayan sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay nangyari sa panahon na ang Quran ay ipinahayag o higit pa sa pagbabalik sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang kasaysayan ni Propeta Lot sa Bibliya at sa Quran ay lubhang magkatulad at ang katawagang Arabik para kay Lot ay Lut. Ang kasaysayan ni Propeta Lot ay partikular na may kinalaman sa ika-21 siglo ngunit kadalasan ang naaalala lamang ng mga tao ay ang napakaliit na bahagi ng kuwento.

Ang kasaysayan ni Lut ay humigit sa mga siglo na ibinaba sa isang moralidad na kuwento, isang kathang may aral na nagbibigay ng babala sa mga tao na huwag magsagawa ng homoseksuwalidad. Karaniwang naririnig nating lahat na si Lut ay isang alipin ng Allah na naninirahan sa bayan ng Sodom kung saan ang mga tao ay nagsagawa ng di-pangkaraniwan gawain ng homoseksuwalidad, tinawag ng Allah ang gayong gawain na isang kasuklam-suklam at winasak ang bayan ngunit iniligtas si Lut at ang karamihan sa kanyang pamilya. Gayunpaman, ang kasaysayan ni Lot ay higit pa dito, ito ay isang kuwento na puno ng mga aral para sa sangkatauhan. Halina't sulyapan natin ang kanyang buhay at tingnan kung anong mga mensahe ang ating makikita at matututunan mula dito.

Aralin 1

Winasak ng Allah ang Sodom dahil sa mga krimen at mga kasalanan na aming nakikita sa paligid at natatanggap araw-araw.

Namuhay kami sa isang mundo kung saan ang pagpatay ay karaniwan, ang mga droga ay madaling magagamit at ang mga batang kababaihan ay nabubuntis ng walang nagaganap na kasalan. Ang mga pagkakakilanlan ay nawawala, ang mga paggawa ng kasalanan ay tinatawag na katuwaan, at ang ilang mga lansangan ay hindi ligtas na tahakin kahit na sa kalagitnaan ng araw. Ang pedopilya ay laganap, tulad ng ponograpiya ng mga kabataan at pangangalakal ng mga tao. Ang masamang uri ng pamumuhay ay tinatanggap at iniisip na pangkaraniwan. Ang mga alak ay madaling magamit kahit na ng mga batang may mababang edad at ito ang dahilan sa maraming mga sakit sa lipunan. Ang mga tao ni Propeta Lot ay nanirahan sa isang lipunan na halos kapareho ng ating lipunan.

Ang bayan ng Sodom ay masama saan mang dako. Ang karamihan sa mga tao ay walang kahihiyan at itinuturing na ang paggawa ng kasalanan ay isang katuwaan at kalokohan. Ang Sodom ay isang bayan ng pagkakasiyahan, ang mga taong masama at gawaing masama ay napakarami, at ang mga dumadaan sa bayan ay nanganganib sa pagnanakaw at pisikal na pang-aabuso. Ang panggagahasa ay itinuturing na pangkaraniwan, ang homoseksuwalidad ay itinuturing na katuwaan at ang mga manlalakbay ay umaasa sa mabuting pakikitungo na kadalasang nakakakuha ng higit pa sa kanilang napagkasunduan para dito. Ang Sodom ay katumbas ng distrito o pook na iniiwasan natin sa gabi, marahil kahit na ang kapulisan sa labas ng lungsod ay hindi tutugon sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Aralin 2

Upang anyayahan ang mga tao sa katotohanan nang may karunungan at mabuting mga salita.

Mag-anyaya Tungo sa iyong Panginoon ng may kaalaman at makatarungang pangangaral, at makipagtalo sa kanila sa isang mas mabuting paraan ... "(Quran 16: 125)

Ipinadala ng Allah si Propeta Lot sa bayang ito na may mensahe na sambahin lamang ang Allah . Hiniling niya sa kanila na matakot sa Allah at baguhin ang kanilang masasamang kinagawian sa pagsasabing, "Hindi ba kayo matatakot sa Allah at susunod sa Kanya? Katotohanan! Ako ay isang mapagkakatiwalaang Sugo sa inyo. Kaya matakot sa Allah at sumunod sa akin "(Qur'an 26: 161 - 163). Nagsalita si Lot gamit ang malumanay na mga salita; hinatulan niya ang mga ginagawa hindi ang mga tao at hinimok sila na humingi ng kapatawaran. Ito ay mayroong tiyak na aral para sa atin. Si Lot ay nagsalita nang mahinahon sa mga tao na inilarawan ng Allah bilang masasama at hindi masunurin, kaya dapat natin itong tandaan na kapag tayo ay hinarap sa mga masamang ginagawa na iniisip ng mga tao sa ika-21 siglo na ito ay isang kasiyahan. Hatulan ang gawa, hindi ang tao. Ito rin ang paraan ni Propeta Muhammad (SAW); siya rin ay mahigpit na nagsalita tungkol sa gawa, hindi ang tungkol sa taong gumawa ng aksyon.

Aralin 3

Ang Allah, ang Nakakakita ng Lahat.

Gayunman ay nakalulungkot, sa Sodom, ang mga salita ni Lot ay napunta sa mga binging tainga dahil ang mga tao ay nasisiyahan sa kanilang mga masamang gawain at hindi naghahangad na sugpuin ang mga ito. Ang mga tao ng Sodom ay gumagawa ng kanilang mga kasalanan nang hayagan at walang kahihiyan, wala silang pakialam kahit na makita ang kanilang ginagawang mga kasalanan kaya hindi nila alintana na nanonood ang Allah. Hindi mahalaga kung sinisikap nating magpanggap o itago ang ating mga kasalanan dahil nakikita ng Allah ang lahat ng bagay, walang anumang maitatago mula sa Makapangyarihan (Allah). Kaya kung ikinahihiya natin ang ating mga ginagawa at hinihiling na hindi makita ng Allah ang ating mga pag-uugali, marahil ito ang tamang oras na muling mag-isip, at humanap ng isang paraan na gumawa ng mas makasisiya sa Allah.

Aralin 4

Ang mga mananampalataya ay dapat na maging mapagbigay.

Nang ang mga anghel ay dumating sa bayan ng Sodom sila ay humarap sa mga tao bilang mga kaakit-akit na lalaking manlalakbay. Ang unang tao na kanilang nakausap ay isa sa mga anak na babae ni Lot. Natakot siya para sa kanila at hiniling na hintayin nila ang kanyang ama upang makita niya ang mga ito ng ligtas. Nang makita ni Lot ang mga bisita ay hindi niya makumbinsi ang mga ito na lampasan ang bayan kaya sinubukan niyang panatilihing ligtas ang mga ito sa kanyang sariling tahanan. Hindi alam ni Lot na ang kanyang mga bisita ay mga anghel na ipinadala ng Allah, sa halip siya ay natakot para sa kanila nang higit pa sa kanyang kaligtasan. Nang ang mga kalalakihan ng Sodom ay manggulo sa labas ng kanyang bahay, hinihingi na ang mga dayuhan ay ibigay sa kanilang mga kamay, tinutulan sila ni Lut.

Ang kabutihan sa mabuting pakikitungo ay nagmumula sa pagbibigay ng walang iba pang dahilan maliban sa masiyahan ang Allah. Ang taong tinulungan mo ay maaaring hindi malagay sa isang posisyon na matulungan at sa ilang mga pangyayari ay maaaring magdulot sa iyo ng pinsala, gayunpaman sa Islam ang pakikisama ay isang tatsulok relasyon sa pagitan ng punong-abala (host), ang dayuhan at ang Allah. Ang pagbibigay ng kabuhayan sa isang dayuhan ay bahagi ng karapatan ng isang dayuhan sa iyo - ito ay hindi isang regalo na ipinagkaloob mo, at ang tungkulin na magbigay, ito ay utang na loob sa Allah hindi sa dayuhan.

Ang isang mas detalyadong kasaysayan ni Propeta Lot ay matatagpuan dito:

http://www.islamreligion.com/articles/1879/

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5