Naglo-load...

Pagharap sa mga Pag-aalinlangan

Marka:

Deskripsyon: Bakit dumarating ang mga pagdududa, ano ang ibig sabihin nito at kung paano tayo dapat tumugon sa mga ito.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 129 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,583 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin

·· Upang maunawaan na ang mga pagdududa sa pananampalataya ay likas na nangyayari sa isang tao.

· Upang makakuha ng mga kasangkapan na kung saan maaaring maalis ang mga pagdududa.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shaytan - minsan ito ay nakasulat na Shaitan or Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o Satanas, ang pagbibigay ng katauhan sa kasamaan.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa bagay na pinag-aaralan subali't ang kahulugan ay karaniwang tinatanggap, kahit na anong iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o pinahintulutan.

·Jinnisang nilalang ng Allah na nilikha bago ang tao mula sa walang usok na apoy. Ang mga ito ay dating tinutukoy na mga nilalang na espiritu, mga banshee (isang espiritu ng babae na ang pag-ungol ay nagbababala ng isang paparating na kamatayan sa isang tahanan) , mga guni-guni, multo at iba pa.

·Ummah - ito ay tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, na hindi isinasaalang-alang ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

DealingWithDoubts.jpgAng mga pag-aalinlangan tungkol sa kung ano ang ating pinaniniwalaan at kung bakit naniniwala tayo dito ay isang pangkaraniwan. Sa katunayan madalas na ang mga pagdududa ay nagiging daan sa mga tao na yakapin ang Islam. Ang pag-aalinlangan tungkol sa pagiging wasto ng pamamaraan ng kanilang paniniwala ay madalas na nagdadala sa mga tao sa paghahanap sa isang bagay na maaari nilang maunawaan at paniwalaan. Ang pagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa piniling relihiyon o mga aspeto ng relihiyong iyon ay maaaring mangyari ngunit ang kaibahan ay pinahihintulutan tayo ng Islam na magbabala at maghanda sa pagharap sa mga pagdududa. Ang Islam ay madalas na inilalarawan bilang 'ipinabatid na kaalaman' sa halip na hindi makitang pananampalataya (blind faith), samakatuwid kapag ang mga pagdududa ay lumitaw at hindi natin magagawang mapaglabanan ang mga ito. Ang mga pag-aalinlangan ay isang sakit na maaaring maging sanhi ng malaking pinsala sa ating espirituwal na kalusugan kung ang mga ito ay hahayaang lumala sa halip na harapin kung ano ang mga ito - mga panlalansi o salamangka at mga ilusyon na ibinato sa atin tulad ng mga palaso mula sa pana ng Shaytan.

Ang Shaytan ay ang sinumpang kaaway ng sangkatauhan. Tulad na maaari niyang ibulong ang masasamang mga saloobin sa ating mga puso, maaari rin niyang punan ang ating mga isipan nang mga pagdududa, mga pagdududa na ginawa upang maging sanhi ng pagkabalisa at pagkalito. Minsan ang isang tao ay hindi kayang makilala ang pagitan sa kung ano ang itinanim ng Shaytan at kung ano ang iniisip natin sa ating sariling pagpapasya. Sa iba pang mga pagkakataon ang mga kaisipan ay tulad ng isang nakasisindak na sariling katangian na natatakot tayong maulit ang mga ito o suriin sila kung sakaling hatulan nila tayo o ibunyag sa atin ang pagiging mapagkunwari o sumasalungat sa Islam. Ang isang tao ay dapat na ganap na hindi bigyang pansin ang ganoong mga saloobin at pagdududa at hindi isipin ang mga ito at humingi ng proteksyon mula sa Shaytan sa Allah. Sabihin "A'udhu billahi minash-shaytaanir-Rajeem" (humihingi ako ng proteksyon sa Allah mula sa sinumpang Shaytan) at humingi ng kapatawaran.

Mula sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad, mapasakanya nawa ang awa at mga pagpapala ng Allah, sinabi sa atin na kapag ang isang tao ay nakaramdam ng pag-aalinlangan sa kanyang pananampalataya ay nangangailangan siyang humingi ng gabay sa Allah, itakwil kung ano ang nagiging sanhi ng pag-aalinlangan at sabihin, "Aamantu billaahi wa rusulihi ", na ang ibig sabihin ay, naniniwala ako sa Allah at sa Kanyang Sugo. [1]

Walang proteksyon mula sa pagkawasak na maaaring maranasan sa pamamagitan ng mga pagdududang ito, maliban sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Allah. Kaya kapag ang mga pag-aalinlangan ay bumabagabag sa iyong puso, isip o kaluluwa lumapit sa Allah at makaramdam ng kaginhawahan sa pagsunod sa Kanya at sa pagnanais na malugod Siya. Sa Sunnah ni Propeta Muhammad (SAW) ay nakita namin ang isang magandang pagsasalaysay ng Propeta kung saan direktang nagsasalita ang Allah sa mga mananampalataya. Kaya kapag ang mga pag-aalinlangan ay naramdaman, humingi ng gabay mula sa Allah lamang, kilalanin natin ng lubos at labis na umasa sa Kanyang awa at harapin ang mga pag-aalinlangan na may kaalaman at mabubuting gawa.

“‘O Aking mga alipin, ipinagbabawal ko ang pang-aapi para sa Aking Sarili at ipinagbabawal ito sa inyo, kaya't huwag apihin ang isa't-isa. O Aking mga alipin, lahat kayo ay maliligaw maliban sa Aking mga ginabayan, kaya humingi ng gabay mula sa Akin at gagabayan Ko kayo. O Aking mga alipin, lahat kayo ay nagugutom maliban sa Aking mga pinakakain, kaya humingi ng makakain mula sa Akin at kayo ay Aking pakakainin. O Aking mga alipin, lahat kayo ay hubad maliban sa Aking mga nabihisan, kaya humingi ng pananamit mula sa Akin at dadamitan Ko kayo. O Aking mga alipin, nagkakasala kayo sa gabi at araw, at pinatatawad ko ang lahat ng mga kasalanan, kaya humingi ng tawad mula sa Akin at kayo ay Aking patatawarin. O Aking mga alipin, hindi ninyo Ako mapipinsala o mabibigyan ninyo ako ng kapakinabangan. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu sa inyo upang maging mabuti sa pinaka-mabuting puso na mayroon ang sinumang tao sa inyo, na hindi madaragdagan ang Aking kaharian ng anumang bagay. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu sa inyo upang maging mahina sa isang may pinaka-mahinang puso na mayroon ang sinumang tao sa inyo, na hindi mababawasan ang Aking kaharian ng anumang bagay. O Aking mga alipin, Kami ang una sa inyo at ang huli sa inyo, ang tao sa inyo at ang espiritu inyo upang itaas sa isang lugar at hihiling sa Akin, at ibibigay ko sa lahat kung ano ang kanilang hinihiling, nang hindi mababawasan kung ano ang mayroon sa Akin, anumang hihigit pa sa isang karayom na makapagpapababa sa dagat kapag inilagay ito. O Aking mga alipin, ito ay walang iba kungdi ang iyong mga gawain na Aking susukatin para sa inyo at pagkatapos ay gagantimpalaan ka para dito, kaya't hayaan siya na makita ang mabuti na purihin ang Allah at hayaan siya na makita ang iba na higit na walang sinumang dapat sisihin maliban sa kanyang sarili. '"[2]

Ang bagay na pinaka-gusto ng Shaytan ay ang makapagdulot sa isang tao na natagpuan ang katotohanan palayo mula sa kanyang piniling landas. Sinusubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya na maglagay ng mga pag-aalinlangan at siya ay lubos na may kakayahan na gawin iyon sa pamamagitan ng pagpuno sa mga puwang sa isipan ng isang tao na hindi pa napupunan ng tunay na kaalaman. Kaya mahalaga na patuloy na maghanap ng kaalaman mula sa duyan hanggang sa libingan. O, sa ibang salita mula sa oras na iyong unang sinimulang pag-isipan ang pagyakap sa Islam hanggang sa oras na tatayo ka nang harap-harapan sa Anghel ng kamatayan.

Dahil sa ating limitadong kaalaman ay maaaring hindi natin maunawaan ang ilan sa mga pahayag o kadahilanan sa ilang mga ipinag-uutos at maaari itong magdulot ng mga pag-aalinlangan o pagdududa. Sa isang sitwasyon na tulad nito, ang isang tao ay dapat na muling pagtibayin ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga batayan ng Islam; dahil ito ay tinanggap na nagpapakita ng talino, ang ilang mga bagay na ang isa ay maaaring makaramdam ng pag-aalinlangan, hindi dapat manatili na isang suliranin, sapagkat naniniwala tayo na ang Allah ay Makapangyarihan-sa-lahat, Pinaka-Matalino!

Bilang mga Muslim, ay matatag tayong naniniwala na ang lahat ng mga bagay ay may isang siguradong dahilan sa likod ng kanilang paglikha; kung minsan, nauunawaan natin ang dahilan, at sa ibang mga pagkakataon ay hindi. Ang ating kamangmangan sa mga panuntunan kung bakit sa likod ng isang bagay ay hindi itinatanggi ang katotohanan na may isang dahilan. Ito ay dahil lamang sa ating mga pagkukulang na hindi natin naiintindihan ang ilang mga bagay. Ito ay napatunayan sa nakalipas na panahon ng ating katutubong kasaysayan; maraming mga bagay sa nakaraan ay tila hindi kilala, mahiwaga, at iniisip ito na isang kakatwang bagay, ngunit habang umuunlad ang agham, ang karunungan sa likod ng mga bagay na iyon ay naging malinaw. Ang apendise (appendix) ay isang halimbawa, ilang taon na ang nakalilipas, naiisip lamang ito bilang isang walang silbing bahagi ng katawan, ngunit ngayon habang umuunlad ang agham, ang kaalaman sa likod ng pagkakaroon nito ay naging malinaw!

Sa maikling sabi, hindi tayo sinabihan ng dahilan at kaalaman sa lahat ng bagay. At kung ang isang tao ay may mga pag-aalinlangan tungkol sa mga batayan ng Islam, kung gayon ang isang tao ay dapat isaalang-alang ang mga katibayan sa Islam nang mas detalyado upang palakasin ang kanilang pananampalataya.

Sa araw at panahon na ito ay nahaharap tayo sa hindi kapani-paniwalang pagpasok sa kaalaman na mula sa lahat ng dako ng mundo at nakakalungkot na kasama dito ang maraming mga lugar (site) at mga mapagkukunan na sinusubukang linlangin ang Islam sa pamamagitan ng pagbaluktot sa mga katotohanan, pagsipi ng mga salita na walang kaugnay na kahulugan, pagsipi sa mga mahina at gawa-gawang tradisyon mula sa Sunnah o sa pamamagitan lamang ng pagbuo ng mga kasinungalingan laban sa Islam. Mahalagang malaman na ang iyong natutunan tungkol sa Islam ay mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan.

Kahit na ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad (SAW) ay ginugulo ng mga negatibong saloobin at may maraming mga katibayan sa Sunnah na nagpapaliwanag ng normalidad ng mga karanasang ito.

“Patatawarin ng Allah para sa aking Ummah, na kung ano ang ibinubulong sa kanila at kung ano ang tumatakbo sa mga isipan nila, hangga't hindi nila ito isinasagawa o nagsasalita tungkol dito." [3]

Isinalaysay na sinabi ni Abu Hurayrah (nawa'y kalugdan siya ng Allah) na: "Ang ilan sa mga kasamahan ng Sugo ng Allah (SAW) ay lumapit sa Propeta at sinabi sa kanya, 'Nakikita namin sa aming mga sarili ang mga pag-iisip na labis na kakila-kilabot sa sabihin. 'Kanyang sinabi,' Tunay ba na kayo ay nahihirapan dito? 'Kanilang sinabi,' Oo. 'Kanyang sinabi,' Iyon ay isang malinaw na tanda ng pananampalataya. '"[4]

Kaya kung ang isang taong nakakaranas ng mga pag-aalinlangan ay nakakaramdam ng hindi maganda at namimighati dahil dito, hindi siya dapat na mag-alala o matakot, tulad ng sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), ang mga saloobing ito ay "tanda ng pananampalataya"! Ipinaliwanag ng mga iskolar ng Islam na tulad lamang ng isang magnanakaw na umaatake lamang sa isang lugar na alam niya na mayroong kayamanan at ang mga tagapagtanggol sa lokasyong iyon ay mga mahina, tulad ng Shaytan na umaatake lamang at naglalagay ng mga pag-aalinlangan sa mga puso na naglalaman ng kayamanan ng tunay na pananampalataya.

Binigyan tayo ng Allah ng isang simple at malinaw na pamamaraan sa Quran kung paano haharapin ang mga pagdududa. Kanyang sinabi:

Magtanong sa mga taong may kaalaman kung hindi mo alam." (21: 7)

Ang pagkakaroon ng mga pag-aalinlangan ay nagpapakita sa isang anyo ng kamangmangan na maaalis lamang sa pagkakaroon ng kaalaman. Ang mas higit na pagtuturo sa kanilang mga sarili at pagpapalakas sa kanilang pananampalataya, sila ay magiging mas malakas na itaboy ang mga pag-uudyok ng pag-aalinlangan.


Pinagkunan:

[1] Saheeh Muslim.

[2] Saheeh Muslim, At Tirmidhi at Ibn Majah

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagharap sa mga Pag-aalinlangan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 5