Naglo-load...

Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop

Marka:

Deskripsyon: Pananaw ng Islam ukol sa habag sa mga hayop.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 113 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,803 (pang-araw-araw na average: 4)


Ang Layunin

·Upang malaman na ang pakikitungo sa mga hayop ay napagkukunan din ng mga gantimpala at mga kasalanan.

·Upang maunawaan ang Islamikong pananaw patungkol sa magandang pakikitungo at hindi magandang pakikitungo sa mga hayop.

·Upang pahalagahan ang pagkatay sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayang makatao na pinahintulutan ng Allah.

·Upang malaman na ang pagpatay sa mga nakamamatay o mapanganib na mga hayop ay pinapahintulutan sa Islam.

Terminolohiyang Arabik

·Dhabh - Ang inirekomendang pang Islamikong ritwal na pagkatay sa mga hayop na maaring kainin ng mga Muslim.

Tinuturo ba sa atin sa Islam na kaibiganin ang mga hayop o di kaya ay gawing produkto lamang para sa ating mga pangangailangan’? May karapatan ba ang mga hayop na pakitunguhan sila sa partikular na pamamaraan? kung mayron man, Ano ang ating magiging resposibilidad, kung meron, bilang tao hingil sa pakikitungo sa mga hayop?

Noong unang panahon, Ang Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals, ang pinakaunang grupo na nangangalaga para sa kapakanan ng mga hayop, sa islam ay pinag-uutos ang pagiging mabuti sa mga hayop at ang pag mamalupit sa kanila ay itinuturing na kasalanan- Ang Pag mamalupit sa mga hayop ay isang gawain na hindi maganda at kinamumuhian ng Taga-paglikha.

Ang tao ang may pananagutan sa Allah sa kung paano niya tratuhin ang mga hayop. At ang pakikitungo sa mga hayop ay pwedeng panggalingan ng gatimpala mula sa Allah at maging sanhi ng parusa. Ang mga tao ay nagtanong sa mahal na Propeta ng Allah, ‘O sugo ng Allah, may gatimpala ba kami na makukuha sa mabuting pakikitungo namin sa mga hayop?’ Ang sugo ng Allah ay nag sabi: “May gatimpala sa pagsisilbi sa bawat may buhay sa mundo.'

Ang Sugo ng Mahabagin ay nag sabi:

“Habang ang lalaki ay naglalakad siya’y nakaramdam ng matinding pagka-uhaw at agad siyang bumama sa balon at siya’y uminom rito ng tubig. Ng siya’y paalis na rito, nakita niya ang isang asong kumain na ng putik dahil sa tindi ng pagka uhaw nito. Sinabi ng lalaki na yaon,’ Itong (aso) ay dumadanas ng kung ano ang dinanas ko din!’ kaya naman siya’y nag madaling bumama muli (sa balon), at kanyang pinunu ng tubig ang kanyang sapatos, at kinagat ito bilang panghawak niya habang siya’y papaakyat at agad niyang pinainom ang aso. Ang Allah ay ginantimpalaan ang lalaki sa kanyang (mabuting) ginawa at pinatawad pa siya ng Allah sa kanyang mga kasalan.” Ang mga tao ay nagtanong sa mahal na Propeta ng Allah, 'O sugo ng Allah! may gatimpala ba kami na makukuha sa mabuting pakikitungo sa mga hayop?’ Ang sugo ng Allah ay nag sabi: “Oo, May kapalit na gatimpala sa pagsisilbi sa bawat may buhay sa mundo." (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, :Habang ang aso ay paikot-ikot sa balon at malapit ng mamatay sa tindi ng pagkauhaw, may isang babaeng (bayaran) na nagmula sa angkan ng Israel(Hudyo)na nakakita nito. Kanyang tinanggal ang kanyang sapatos upang lagyan ng tubig at ipainum dito.Nang Dahil sa ginawa niyang ito siya'y pinatawad ng Allah.”(Saheeh Al-Bukhari)

Maari ring makapasok sa Imperno ang isang tao dahil sa kanyang pagmamalupit sa hayop. ‘Isang babae ang nakapasok sa Imperno dahil lamang sa isang pusa na kanyang itinali at hindi pinakain, at hindi rin niya pinahintulutan na pakainin ng kahit na anong uri ng mga insekto na nasa ibabaw ng lupa..” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)

Isang beses ang Propeta ay pumasok sa harden na pagmamay ari ng mga Ansar – ang orihinal na naninirahan sa Madina. Nakita ng kamelyo ang Propeta nagsimulang lumuha. Ang sugo ng Allah ay lumapit rito at hinawakan ito sa ulo hangang sa ito’y huminahon at pagkatapos noon ay hinanap ng propeta ang may ari nito. Sinabi ng propeta sa may ari,: ‘'Hindi kaba natatakot sa Allah at irespeto man lang ang hayop na ito kung saan binigay sayo bilang iyong pag-aari? Ito ay nagreklamo sa akin na siya raw ay iyong ginugutom at pinapahirapan sa masyadong mabibigat na gawain, na nagpapahirap dito.’ (Abu Dawud)

At sa ibang pangyayari naman, may lalaking kinuha ang itlog ng isang ibon sa kanyang pugad at dahil dito ay pumunta ang nanay na ibon at nag paikot-ikot sa ulo ng propeta. At agad na pinagtatanong ng propeta kung sinu ang kumuha sa itlog nito. Ng kanyang matukoy ito, agad niyang sinabi sa lalaki, 'Ibalik mo ang itlog bilang awa sa inang ibon.’ (Saheeh Al-Bukhari in Adab al-Mufrad)

Sinabi ng Propeta (SAW),:’ Ang sinumang hindi nagpapakita ng awa ay hindi rin kaaawaan.’ (Saheeh Al-Bukhari)

Gayun din na nilikha ng Allah ang mga hayop upang mapakinabangan ng tao. At pinahintulutan ng Allah ang mga tao na kumain mula sa mabubuting kanyang inihanda para sa kanila kasama na ang laman o karne ng ilang mga hayop. At sa pagsasagawa nito, ang Islam ay nagbigay ng makataong pamantayan sa pagkatay (kilala bilang dhabh sa Arabik). At pinag-utos sa Islam ang paggamit ng matulis na bagay para sa pagkatay. At isa pang patakaran nito ay kapag kakatayin ang hayop ay huwag ipakita sa kasama nitong hayop na kakatayin din. ’Ang sugo ng Allah ay nagsabi: “Sinuman ang mag pakita ng awa kahit sa hayop na kanyang kakatayin ay papakitaan din siya ng awa sa araw ng paghuhukom.” (Saheeh Al-Bukhari in Adab al-Mufrad).

At karagdagan sa makataong pagkatay na ipinahintulot ng Allah sa mga Muslim,pagkain, ipinahintulot din na patayin ang mga nakakamamatay o mapanganib na mga hayop, tulad ng mabangis na mga aso, mga lubo, makamandag na ahas, alakdan,at mga daga. Ganun paman, ay wag silang patayin sa pamamaraang malupit, at wag itong patagalin.

Ang pinaka buod nito, ang isang Muslim ay dapat na sundin ang mga sumusunod na mga tuntunin ng magagandang asal na pakikitungo sa mga hayop:

1. Pakainin ang mga hayop at bigyan sila ng tubig na kanilang maiinom.

2. Pakitunguhan ang mga hayop nang may habag sa kanila.

3. Pakalmahin ang hayop na kakatayin ( wag pahirapan), sundin ang mga alitutuntunin na inilatag sa batas ng islam para sa makataong pagtrato sa mga hayop

4. Wag pahirapan ang hayop, at wag pugutan, or sunugin .

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6