Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
Deskripsyon: Ngayon, marami sa bilang ngayon ng mga tao ay nakikisama na sa kanilang mga kasintahan at, nakikipagtalik, o di kaya'y nanonood ng malalaswang panuorin (porn site). Ang mga aralin dito ay mag-tuturo para sa bagong muslim kung ano ba ang tinuturo ng Islam sa mga usapin na direktang nakakaapekto sa mga puso.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 98 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,168 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin:
·Alamin ang tungkol sa mga epekto ng zina sa kalusugan, mga relasyon, at sa mga bata.
·Alamin ang tungkol sa apat na hakbang na inilatag ng Islam para sa proteksyon mula sa zina.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Zina - Ang pangangalunya o pakikiapid ay ang kinasasangkutan ng maselang bahagi ng katawan ng babae't lalaki sa pagtatalik, ngunit ito rin ay tumutukoy sa iba pang mga uri ng hindi nararapat na pag-uugaling sekswal.
·Imaan – Pananampalataya, paniniwala or pananalig.
·Tawheed – Ang Kaisahan ni Allah at pagrespeto sa Kanya bilang Panginoon, sa kanyang mga Pangalan at mga Katangian at karapatan Niya na Siya lamang ang dapat sambahin.
·Salah – ang salitang Arabik upang tukuyin ang direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at kanyang tagapaglikha na si Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang araw-araw na pagdarasal o panalangin at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
·Dhikr - (pangmaramihan: adhkar) ang Pag-alaala kay Allah.
Ano ang ilan sa mga kahihinatnan ng Zina?
Ang Pagtatalik na hindi kasal ay nai-dokumento na mayroon mahabang negatibong kahihinatnan kabilang ang pagkakaroon ng mga anak sa labas (anak sa hindi kasal), at mga sakit na nakukuha sa pagtatalik o sexually transmitted diseases (STDs), emosyonal na mga problema, pagka imoral, at hiwalayan ng buhay mag-asawa.
Ngayon sa Stados Unidos, 35% ng mga pinapanganak ay sa labas at hindi sa kasal na pamamaraan. Ang mga Nanay at Tatay na may mga anak sa zina sila ang wala ng gana sa pagpapakasal at sila rin ang mas nagdudusa mula sa depresyon at namumuhay sa kahirapan kaysa sa mga walang anak sa labas. Ang mga batang ipinanganak ng kanilang magulang sa murang idad ay mas mababa ang nakukuhang marka ng grado sa paaralan kumpara sa ibang mga bata, at natatanggal sa mataas na paraalan (high school), naa-abuso o napapabayaan, magkakaroon ng anak sa murang idad at hindi kasal, at nagiging pabaya.
Ang mga gumagawa ng zina ang may mas malaking posibilidad na magkaroon ng STD. Kada taon mayroong 15 million na mga kaso sa Stados Unidos, at halos lalagpas sa 65 milliong mga tao sa Stados Unidos ang kasalukuyang may hindi magamot na kasong STD. Kada Taon mayroong 3 milliong mga kabataang ang nahahawaan ng STD.
Nagbigay ang ating Mahal na Propeta ng isang kamangha-manghang propesiya na may kaugnayan sa pagkalat ng mga STD dahil sa paglaganap ng zina. Sinabi niya:
“Kung ang zina ay manaig hanggang sa ang mga tao ay kanila itong sinasa publiko (pag-anunsiyo sa gawain), Ang Allah ay magbibigay sa kanila ng sakit na hindi pa nagkaroon dati o di pa natuklasan.”[1]
Base sa Pag-aaral noong 2005 karamihan sa mga kabataang nasa mga gradong 7-11 ay natuklasan na ang paggawa ng zina ay kadalasang humahantong sa depresyon. kumpara sa mga batang babae na umiiwas, Ang mga batang babae na gumagawa ng zina ay dalawa hanggang tatlong beses na mas matindi ang kanilang depresyon at mas madalas na nagpapakamatay.
Ang media ang may mas malaking impluyensiya sa mga kabataan sa pag-gawa ng zina. Natuklasan sa isang pag-aaral sa Pediatrics na ang mga kabataan na nanonood ng marami sa TV na may pinapalabas na zina ay dalawang beses ang lamang na gumawa ng zina sa susunod na taon kumpara sa mga nanonod lamang ng kaunti. Ayon sa Pag-aaral, Ang mga talakayan ng zina sa telebesyon ay may parehong epekto sa mga kabataan gaya din sa pagsasalarawan ng zina.
Ang relihiyon ay may mahalagang papel sa pagtulong sa mga kabataan na hindi mahulog sa zina. Sa 2004 naiulat ng National Center for Health Statistics, sinabi ng mga kabataan na ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nila nagawa ang zina ay dahil "ito'y labag sa kanilang relihiyon o kaugalian.”
Saa pag-aaral noong 2003 natuklasan na ang mga kabataan, lalo na ang mga babae, na nagdarasal, na naniniwala na mas mahalaga ang relihiyon, at madalas dumadalo sa mga pang-relihiyong organisasyon , at lumalahok sa mga grupo ng mga kabataan ang may maliit na bilang na gumawa ng zina kumpara sa mga kabataang hindi relihiyoso.
Mga Panukalang inilatag ng Islam para sa Proteksyon mula sa Zina
Dapat nating maunawaan ang apat na paraan na inilatag ng Islam upang maiwasan at mabawasan ang zina- pagtibayin ang paniniwala sa Allah sa ating mga puso, sumunod sa mga regulasyon ng Islam sa pakikipag-ugnayan sa ibang kasarian, Sundin ang pang-Islamikong pananamit (pinahintulutan ng Islam), at mag-asawa. ang bawat isa rito'y tinalakay sa bandang baba:
1. Ang palakasin ang imaan at paniniwala sa Allah: pagtibayin ang Tawheed sa puso at alamin na ang Allah ay nilikha tayo, Karapatan Niya ang sambahin at mahalin natin. Siya ay nag-utos at nagbawal at ang Allah lamang ang nakaka-alam kung ano ang mabuti at masama para sa atin. Ang Muslim ay dapat niyang gamitin ang lahat ng paraan upang mapalakas at mapanatili ang kanyang pananampalataya at mabantayan niya kung ano ang nagpapahina nito. Ang palagiang salah io pagdarasal, palagiang pagpunta sa masjed, at pang araw-araw na mga pag-alaala (adhkar) ang nangunguna sa listahan. paglayo sa mga pornograpiya, mga paggambala, at ang masasamang kaibigan ay katumbas din ang epekto.
2. Sumunod sa mga hangganan ng pakikipag-ugnayan ng lalaki-babae na itinakda ng Quran at Sunnah: iwasan ang uri ng pagsasama-sama sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan na hindi pinapahintulutan. Ang isang hiwalay na aralin ay itatalaga sa paksang ito.
3. Sundin ang Pinapahintulutang pananamit sa Islam: Sa lahat ng kalalakihan at kababaihan ay dapat sumunod sa tamang pang-Islamikong pananamit tulad ng pinapahintulutan lamang ng Islam.[2]
4. Pag-aasawa: Ginawa ng Allah ang Pag-aasawa na daan upang pangalagaan ang bawat isa na mapalayo sa Zina. Ang Mahal na Propeta (SAW) ay nagsabi:, ‘…Ang sinuman sa inyo ang kayang mag-asawa (kaya ng magka-pamilya), ay mag-asawa; sapagkat ito ay mas mabuti kaysa sa pagbaba ng paningin. At ito ay mas mainam na proteksyon ng mga pribadong bahagi.”[3]
Ang masayang buhay may-asawa na may kasundong asawang muslim ay isang napakalaking tulong para mapanatili ang iyong pag-iisip at pangangatawan na payapa at puro.[4] Para sa mga taong may malakas ang pagnanasa ngunit may mga kadahilanan kung bakit hindi makapag-asawa ay kailangang mag-ayuno. Maari silang mag-ayuno tatlong araw sa isang buwan o di kaya'y sa Lunes at Huwebes.[5]
Bilang pang huli, mag-isip ng kabaliktaran. Isipin mo na ang pinaka-magandang tingnan na tao sa mundo ay tatanda rin at mawawala rin ang kaakit-akit niyang ganda. Isipin mo na ginagamit din ng taong ito ang kubeta tulad ng ibang tao.Isipin mo na hindi mo kayang masunog sa Impiyerno para lamang sa ilang minuto ng kaligayahan sa kanya. Kung may pag-aalinlangan, magbasa pa tungkol sa Impiyerno
Talababa:
[1] Ibn Majah
[2] Ito ay tinalakay nang mas detalyado dito: (http://www.newmuslims.com/lessons/135/) [3 parts]
[3] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim
[4] Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa paghahanap ng asawa dito: (http://www.newmuslims.com/lessons/156/) [2 parts]
[5] Upang matuto nang higit pa tungkol sa boluntaryong pag-aayuno, pakitingnan: (http://www.newmuslims.com/lessons/191/)
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)