Naglo-load...

Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang aral ay nakatuon sa pagtatakda ng mga hangganan sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan gaya ng tinukoy ni Allah upang protektahan tayo at panatilihin ang ating mga puso at mga pag-iisip na dalisay.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 80 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,267 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang tatlong uri ng pinag-babawal na ikhtilaat sa Islam.

·Upang matutunan ang apat na alituntunin na dapat sundin kapag nakikipag-ugnayan sa ibang kasarian.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Ikhtilaat -pisikal na pagdalo ng mga kalalakihan at kababaihan sa isang lugar.

·Khalwahisang lalaki na nag-iisa kasama isang babae na hindi-nya mahram .

·Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Taong hindi sila pinapayagang mag-asawa, tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.

GenderInteractions2.jpg

Paano nahuhulog ang mga tao sa pangangalunya? Bakit nagaganap ang mga romantikong pangyayari? Bakit nagagawang makipagtalik ng lalaking may asawa sa ibang babae? Ang simpleng sagot ay dahil ito ay isang mabagal na proseso ng hindi limitadong mga desisyon. Ito ay isang unti-unting bagay. Isipin mo ang isang maliit na dingding sa paligid mo, na may isang tarangkahan. Ang iyong puso ay nabubuhay sa loob ng pader at sinabi sa iyo ni Allah kung paano kontrolin ang tarangkahan. Mangyayari ang mga masamang bagay kapag hindi mo nalalaman kung ano ang sinabi sa iyo ni Allah o magiging pabaya ka sa kung ano ang napupunta at kung ano ang lumalabas sa tarangkahang iyon.

May tatlong mga uri ng ikhtilaat o pagsasama-sama ng di magkaparehong kasarian na ipinag bawal:

Una, ang hawak ay isang paraan ng komunikasyon na hindi nagsasalita. Ang Islam ay hindi sumang-ayon sa anumang anyo ng pisikal na pakikipag-ugnayan o pakikipaghawakan sa pagitan ng mga kalalakihan at mga kababaihan na hindi-mahram sa isa't -isa. Ang Propeta, sana purihin siya ng Allah, ay nagsabi: "Hindi ako nakikipagkamay sa mga babae." (Muwatta, Sunan Tirmidhi, Nasai, Ibn Majah)

Sinabi rin niya: "Kung ang isa sa inyo ay matutusok sa ulo gamit ang isang karayom na bakal, mas mabuti para sa kanya kaysa hawakan ang isang babae na hindi pinahihintulutan para sa kanya." (At-Tabarani) Kabilang dito ang mga sitwasyon kung saan sapat na malapit ang mga kalalakihan at kababaihan upang humantong sa pisikal na pakikipag-ugnay.

Ngayon, maaaring mayroong isang hindi maiiwasan na sitwasyon o mga pangangailangan ng isang propesyon tulad ng isang nars na humahawak sa isang lalaki na pasyente o paggitgit sa panahon ng Hajj. Kumuha ng kaliwanagan ukol dito sa pamamagitan ng pagsang-guni sa isang may kaalaman na iskolar ng Islam. Ang pangkalahatang tuntunin ay malinaw at ipinaliwanag.

Pangalawa, pakikipagsolo sa isang hindi-mahram na babae. Ito ay kilala bilang khalwah. Sinabi ng Propeta ng Islam, "Hindi kailanman ang isang lalaki ay nag-iisa na may kasamang isang babae maliban na si Satanas ay ang ikatlong partido sa kanila."

Nagaganap ang Khalwah kapag ang isa o higit pang mga lalaki ay nag-iisa na may isang solong di-mahram na babae sa isang lugar kung saan walang makakakita sa kanila. Kung may dalawang babae at isang lalaki, hindi ito matatawag na khalwah. Kung may mangyayari mang hindi hindi kanais-nais o wala ay hindi ito ang punto, ito ay isang kasalanan pa rin. Ang pagsosolo ng ganitong uri ay isang kasalanan kahit pa ano ang mangyayari bilang isang resulta. Ito pa rin ay paunti-unting nakakasama at masama para sa pansariling- layunin.

Halimbawa, huwag mag-isa sa opisina kasama ang isang lalaki. Umalis o magtanong ng babaeng katrabaho na maaring magiging kasama.

Pangatlo, ang isang lalaki na kasama ang babae na di nya mahram sa isang lugar na walang khalwah, ngunit mahina sa pakikipag-kapwa at ang mga paghihigpit at inhibisyon ay binabalewala. Kapareho din nito ang anumang paulit-ulit na pagsasama-sama sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan. Ang mga paulit-ulit na pagpupulong na binabawasan nya ang mga hangganan at nagpapahintulot ng mga pagkakataon para magkaroon ng isang relasyon.

Dalawang punto ang kailangan natin maunawan dito:

1. May mga sitwasyon at lugar na kontrolado natin at may ilang hindi naman. Maaari tayong mapatawad sa kung ano ang umiiral sa labas hindi natin kontrolado, at dapat nating hilingin ang kapatawaran ng Allah. Kasabay nito ay dapat responsable tayo sa mga lugar na kontrolado natin.

2. Paano tayo dapat kumilos sa mga lugar na hindi natin kontrolado? Ano ang mga tuntuning pag-uugali para sa isang babaeng Muslim kapag nakasalubong niya ang isang lalaki? Paano dapat magtakda ng mga hangganan sa kabaligtarang kasarian ang mga kalalakihan at kababaihang Muslim? Ang mga hangganan ayon sa kanilang layunin ay nagpapahiwatig ng malinaw na linya ng paghihiwalay. Sa ganitong pag-iisip, ano ang malinaw na hangganan ng paghihiwalay sa ating pakikitungo sa mga kasamahan o kapwa mag-aaral ng kabaligtarang kasarian? Mayroong apat na patnubay:

1. Titig

Ibaba ang paningin, limitahan ang pagtititigan sa mata, at malinaw na huwag makipagpalitan ng mga sulyap ng paghanga. Sinasabi sa atin ng Allah sa Quran,

"Sabihin sa mga naniniwalang lalaki na dapat nilang pababain ang kanilang mga titig at bantayan ang kanilang kalinisang-puri. Ito ay mainam para sa kanila. Alam ng Allah ang kung ano ang kanilang ginagawa (alam niya ang mga kagustuhan ng puso at ang mga pasekretong sulyap ng mga kalalakihan). At sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na dapat nilang pababain ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kalinisang puri. "(Quran 24: 30-31)

2. Pananamit

Bawat kalalakihan at kababaihan ay marapat na sumunod at panatilihin ang islamikong alituntunin hinggil sa pananamit.[1]

"... Sila (mga kababaihan) ay hindi marapat na ilantad (ang anumang bagay na nagpapakita) ang kanilang kagandahan, maliban sa kung ano ang nakikita na (ang panlabas na kasuutan na malinaw na hindi maitatago kapag ang isang babae ay umalis sa kanyang tahanan). At dapat nilang isuot ang kanilang mga belo hanggang sa kanilang mga dibdib (upang takpan ang kanilang mga ulo at mga dibdib) ... "(Quran 24:31)

3. Pangungusap ng Katawan

Maging marangal sa iyong wika. bantayan ang iyong mga kilos, asta, at postura. Sinabi ng Allah sa Quran,

"... sila (mga babae) ay hindi dapat ilantad ang kanilang mga paa sa lupa upang ibunyag ang mga kagandahan (alahas) na kanilang itinatago (dapat silang lumakad sa isang paraan na hindi magiging sanhi na ang kanilang mga alahas ay kumalanasing at makaagaw ang pansin) ..." (Qur'an 24:31 )

4. Tono ng Boses

Gumamit ng seryosong tono ng boses at pagpapahayag. Tulad ng isang kutsarang asukal ay maaaring hikayatin ang isang bata na tikman ang masamang gamot, kaya't maaaring matamis na mga salita ang humihikayat sa isang tao mula sa kabaligtaran na kasarian. Hindi mo kailangang maging bastos, ngunit magsasalita sa tonong "mala-negosyante" ang tono. Ang iyong pagsasalita ay dapat na direkta lang at nang sa gayon ay walang pagnanasa ang maaring mapukaw sa ibang tao. Sinabi ng Allah sa Quran,

"... huwag magsalita sa binabaang tono (na may halong matamis na boses) upang hindi siya na may pusong ay isang sakit ng kalaswaan ay hindi mapukaw ang pagnanasa. At magsalita lang sa isang angkop na paraan. "(Quran 33:32)

Sa mga praktikal na termino: huwag lumandi, gumawa ng mga magaspang na biro, humawak o magpahawak, bumungisngis, gumamit ng pahiwatig na wika sa katawan at iwasan ang pagkakaroon ng malayang, impormal, at pakikipag sosyalang pag-uusap.

Mga Talababa:

[1] Para sa iba pang impormasyon, pakitingnan: (http://www.newmuslims.com/lessons/135/) [3 parts]

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6