Naglo-load...

Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga aralin ay sumasakop sa mga pangunahin ng Shariah at fiqh na kinakailangan upang maunawaan ang mga gawain ng mga Islamikong panuntunan at regulasyon.

Ni C. Mofty (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 12 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 110 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,462 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang matutunan ang kahulugan ng fiqh at kaugnayan nito sa Shariah.

·Upang maihambing at maipagkaiba ang Shariah at fiqh.

·Upang matutunan ang tungkol sa "limang"mga kapasyahan ng fiqh.

·Upang maunawaan ang anim na mga yugto ng ebolusyon ng fiqh.

·Upang mapahalagahan ang pangkalahatan at natatanging mga kuwalipikasyon ng isang Muslim na hurista (faqih).

·Upang matutunan ang tungkol sa pangunahing mga luklukan ng pag-aaral sa daigdig ng Muslim.

·Upang matutunan ang tungkol sa pangunahing mga konseho ng fiqh sa Kanluran.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Faqih (pangmaramihan fuqaha) – huristang (mga hurista) Muslim.

·Fiqh - Islamikong palabatasan.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang bahagi ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga sawikain at mga gawain ni Propeta Muhammad.

·Haram - Ipinagbabawal.

·Makruh - kinamumuhian.

·Maslahah mursalah – pampublikong interes.

·Mubah - pinahihintulot.

·Mustahab - iminumungkahi.

·Qiyas – pagwawangis.

·Shariah - Islamikong Batas.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan sang-ayon sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na pangkalahatang tinatanggap ay, anumang iniulat na ang Propeta ay sinabi, ginawa, o pinayagan.

·Wajib - ubligado.

IntroToShariah2.jpgAng Shariah ay ang pinagtibay na mga panuntunang isinabatas ni Allah sa Qur'an, Sunnah, at iba pang mga pinagmumulan na nagsangay mula sa mga ito.

Fiqh (Islamikong palabatasan), sa kabilang dako, ay tinutukoy bilang kaalaman ng praktikal na mga panuntunan ng Shariah na hango sa detalyadong katibayan sa mga pinagmumulan.[1]

Samakatuwid, ang Shariah ay isang layunin, ang fiqh ay ang landas. Ang Fiqh ay nakapaloob sa mga pinasadyang mga aklat at mga ensiklopedya. Ito ay isang pagtitipon ng mga panuntunan at mga regulasyon.

Ang Fiqh kinabibilangan ng praktikal na relihiyosong mga bagay na kilala sa Islam. Ang mga ito ay binubuo ng mga panuntunang ipinahayag sa isang malinaw na teksto. Ang dalawang halimbawa ay maaaring ang tungkuling magdasal ng limang pang-araw-araw na pagdarasal at pagbabawal ng alkohol. Ang mga ito ay tiyak at malinaw. Ang Fiqh ay kinabibilangan din ng maraming praktikal na mga detalye ng relihiyosong mga bagay na mga ipinapalagay. Ang pagdurugo ay nagpapawalang-bisa ba sa paghuhugas? Sa paghuhugas, kinakailangan bang punasan ang buong ulo o bahagi lamang nito? Ang mga sagot sa mga ganitong detalyadong tanong ay matatagpuan sa mga aklat ng fiqh.

Ano ang Kaugnayan sa Pagitan ng Shariah at Fiqh?[2]

1.Ang Shariah ay ang totoong mga panuntunang ipinahayag ni Allah. Walang salungatan o pagtatalunan sa pagitan ng mga ito. Ito ay may kasang-ayunan sa lahat ng mga Muslim. At para sa fiqh, ito ay hinango ng mga iskolar ng Islam na kilala bilang fuqaha (mga hurista) mula sa mga teksto ng Shariah o iba pang mga pamamaraan tulad ng qiyas at maslahah mursalah. Ang mga nahinuhang panuntunang ito ay maaari o maaaring hindi sumang-ayon sa Shariah. Sa madaling salita, kapag ang isang iskolar ay tama sa kanyang pag-unawa, ang Shariah at fiqh ay nasa pagkakasundo. Kapag ang isang iskolar ay nakagawa ng pagkakamali, ang Shariah at fiqh ay naghihiwalay. Ang Shariah ay hindi umiiral sa kahit isang pagkukulang. Ito ay matatagpuan sa loob ng fiqh.[3]

2.Ang Shariah ay ganap, ang fiqh ay hindi. Ang Shariah ay halos pangkalahatang mga alituntunin at mga sawikain mula sa kung saan ang patnubay para sa lahat ng aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay ay nahinuha. Ang Fiqh, sa kabilang dako, ay ang opinyon ng mga iskolar sa maraming pagkakataon. Para sa pinaka-bahagi ang Shariah ay nagbibigay ng mga patnubay na kung saan ay ipinapaliwanag sa fiqh.

3.Ang Shariah ay pangkalahatan at patungkol sa lahat ng mga tao hindi katulad ng fiqh.

4.Ang Shariah ay ang umiiral na sinang-ayunan habang ang mga bahagi ng fiqh ay hindi kinasang-ayunan. Ang Fiqh ay nagbibigay ng makatuturang mga sagot sa magkakapanabay na lipunan para sa isang tiyak na lugar. Ang Shariah ay malaya sa oras at lugar. Ang Shariah ay karaniwang nagbibigay ng pangkalahatang mga direktiba samantalang ang detalyadong mga solusyon sa partikular at wala pang kaparis na mga usapin ang binubuo sa fiqh.

5.Ang Shariah ay sakdal habang ang fiqh ay hindi. Ang Shariah ay hindi nagtataglay ng mga pagkakamali bilang ito ay itinuturing na banal na kapahayagan, subalit ang fiqh ay maaaring minsan ay mali dahil ito ay isang pantaong pagpupunyagi at isang bunga ng pangangatuwiran.

Mga Panuntunan ng Fiqh

Ang mga panuntunan ng fiqh ay inuri sa isang pagtimbang ng limang kahalagahan:

1.Wajib (ubligado): kung ano ang kinakailangan sa isang Muslim, tulad ng limang pang-araw-araw na pagdarasal.

2.Mustahab (iminumungkahi): kung ano ang hinihikayat na gawin ng isang Muslim, tulad ng pag-aayuno sa araw ng Lunes at Huwebes.

3.Mubah (pinahihintulutan): kung ano ang natitira sa isang Muslim upang gawin o iwanan, tulad ng pagpili ng ilang pagkain o inumin.

4.Makruh (kinamumuhian): kung ano ang higit na mainam na iwanan para sa isang Muslim, tulad ng pagdarasal habang ang pagkain ay nakahain.

5.Haram (ipinagbabawal): kung ano ang ipinagbawal sa mga Muslim, tulad ng pangangalunya at pagnanakaw.

Ang mga Yugto ng Ebolusyon ng Fiqh

Ang Fiqh ay nabuo sa paglipas ng nagdaang mga panahon sa iba't ibang mga heograpikal na mga lugar sa daigdig ng Muslim. Ang ebolusyon nitong higit na tumagal ng 1400 na taon ay maaaring maiuri sa anim na yugto:

1.Saligan: panahon ni Propetang Muhammad, nawa'y si Allah ay purihin siya, 609 - 632 CE.

2.Pagtatatag: panahon ng mga Matuwid na mga Kalipa, 632 - 661 CE.

3.Pagtatayo: panahon ng dinastiyang Umayyad, 661 CE - ika-8 siglo.

4.Pamumulaklak: panahon ng pagtaas at pagbaba ng dinastiyang Abbasid, ika-8 siglo - kalagitnaan ng ika-10 siglo.

5.Pagpapatatag: mula sa pagbaba ng dinastiyang Abbasid hanggang sa pagpatay sa huling Abbasid na Kalipa, 960 CE - kalagitnaan ng ika-13 siglo.

6.Pagpapahinga at Pagbaba: mula sa pagkakatulog ng Baghdad hanggang sa kasalukuyan, 1258 CE na ngayon.

Mga Kwalipikasyon ng isang Faqih (Huristang Muslim)

Ang tatlong pangunahing mga kwalipikasyon ng isang Islamikong iskolar na siyang nagpakadalubhasa sa fiqh ay ang mga:

1.Kaalaman ng Islam mula sa mga pinagmumulan nito: Qur'an, Sunnah, napagkasunduan, at huristikong pagwawangis (qiyas).

2.Ang pag-unawa sa umiiral na mga pangyayari sa lipunan upang makayanan ang mga magkakapanabay na usapin ng maayos.

3.Kabanalan at mabuting layunin.

Higit na katangi-tangi, ang isang dalubhasang iskolar sa fiqh (faqih) ay may kaalaman sa:

·Wikang arabe at mga siyensiya nito.

·mga talata ng pagbabatas sa Qur'an at ang paliwanag nito.

·pagbabatas ng ahadith at ang interpretasyon nito.

· maaaring makilala sa kaibahan ng mapananaligan at mahinang mga ahadith.

·nalalaman kung anong mga talata at mga ahadith ang napawalang bisa at alin ang nananatiling gumagana.

·maaaring makilala ang pagitan ng pangkalahatan at ang natatangi, ang hindi ipinagbabawal at ang ipinagbabawal, ang iba't ibang antas ng kalinawan ng mga salita.

·nalalaman ang mga opinyon ng mga iskolar sa mga usapin, kung saan sila nagkatalo at kung saan sila sumang-ayon.

·nalalaman kung paano ang qiyas ay nagawa.

·nauunawaan kung papaano ibukod ang mga nagkakatalong mga katibayan.

·nauunawaan ang layunin ng Shariah at iba't ibang prayoridad nito.

Mga Pangunahing Luklukan o Paaralan sa Daigdig ng Muslim

Ang mga pangunahing institusyon ng pag-aaral sa daigdig ng Muslim ay ang Al-Azhar University sa Ehipto, Zaituna University sa Tunisia, Imam Muhammad ibn Saud University sa Saudi Arabia, Umm Darman University sa Sudan, Islamic University of Madina sa Saudi Arabia, at Dar ul Uloom Deoband sa India. Maraming Muslim na mga iskolar ay alinman sa sinanay doon, o kaanib sa institusyon o naimpluwensyahan ng mga sentrong ito.

Mga Pangunahing Sanggunian ng Fiqh sa Kanluran

Mayroong ilang mga pangunahing Islamikong sanggunian ng fiqh na binubuo ng mga kilalang Muslim na mga iskolar mula sa buong mundo. Ang pinaka tanyag sa kanila ay nasa Meka, Jeddah, Cairo at India. Ang tatlong pangunahing sanggunian ng fiqh para sa mga Muslim na naninirahan sa Kanluran ay ang Assembly of Muslim Jurists of America, European Council for Fatwa and Research, at Fiqh Council Of North America.



Mga Talababa:

[1] Al-Madkhal ila al-Shariah wa Fiqh al-Islami ni Dr. Umar al-Ashqar, p.36

[2] Al-Madkhal ila al-Shariah wa Fiqh al-Islami ni Dr. Umar al-Ashqar, p.42-43

[3] Madkhal li-Dirasa al-Shariah al-Islamiyya ni Yusuf al-Qaradawi, p. 22

[4] The Evolution of Fiqh ni Dr. Bilal Philips p. 17-18.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6