Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
Deskripsyon: Ang araling ito ay magtuturo ng tungkol sa likas na mga gawaing likas na angkin ng isang tao.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 12 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,302 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang matutunan ang kahulugan ng “sunan al-fitrah”.
·Upang matutunan ang anim sa “sunan al-fitrah” na nakadetalye.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Fitrah – angking kalikasan ng tao.
·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang bahagi ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga sawikain at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.
·Wajib – ubligado.
·Salah – ang salitang Arabeng tumutukoy sa tuwirang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Higit na natatangi, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang-araw-araw na mga pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan sang-ayon sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan ay pangkalahatang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi, ginawa, o pinayagan ng Propeta.
Ano ang Sunan al-Fitrah
Ang Sunan al-Fitrah ay mga:
·likas na kasanayang naaayon sa kung paano ni Allah nilikha ang mga tao at hinimok silang sumunod. Ang mga ito ay likas at angkin.
·ito rin ay mula sa kasanayang sinunod at itinuro ng lahat ng mga propeta. Si Allah ay ipinag-utos sa ating sundin ang patnubay ng mga propeta, 'sundin mo sa gayon, ang kanilang patnubay' (Qur'an 6:90).
Ang pagsunod sa mga kasanayang ito ay tinitiyak ang kalinisan ng katawan at kadalisayan mula sa karumihan at kasalaulaan. Nagdagdag ito ng karangalan sa mga tao at ito ay nakatala sa sumusunod na dalawang mga hadiths ng Propeta:
"Ang lima ay mula sa likas na mga kasanayan: pagtutuli, pag-aahit ng buhok sa maselang bahagi, pagpapaikli ng bigote, paggupit ng mga kuko, at pagbunot ng mga buhok ng kilikili."[1]
"Ang Sampu ay mula sa likas na mga kasanayan: pagpapaikli ng bigote, pagpapanatili ng balbas na humaba, paggamit ng siwak sa ngipin, (paglilinis) sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig sa ilong, paggupit ng mga kuko, paghuhugas ng mga buko at kasu-kasuhan ng daliri, pagbunot ng buhok sa ilalim ng mga kilikili, pag-aahit ng mga buhok sa maselang bahagi, paggamit ang tubig upang linisin ang maselang mga bahagi (pagkatapos ng pag-ihi). "Ang tagapagsalaysay ay nagsabi: 'Nakalimutan ko ang ikasampu, malibang ito ay pagmumumog ng bibig.'[2]
Ilan sa mga Sunan al-Fitrah na nakadetalye
1. Pagtutuli
Para sa mga kalalakihan, ito ay tumutukoy sa pagtanggal ng kalag na balat na tumatakip sa ari ng lalaki. Ang pagtutuli ay pumipigil sa dumi na kumapit sa kanyang ari, at ginagawa din nitong madali para mapanatili itong malinis. Ang isang di-tuling ari ay maaaring dumanas mula sa matinding pangangati, impeksiyon, phimosis (pagsasara ng butas ng balat ng ari), paraphimosis (pagkabanat ng balat ng ari), penile cancer (kanser sa ari), penile lesion (pagsusugat ng ari), at venereal warts (kulugo sa ari).
Para sa mga kababaihan, tumutukoy ito sa pagputol ng bahagyang panlabas na bahagi ng tungkil at hindi ito kinakailangan, gayunpaman ay ginagawa sa ilang mga Muslim na bansa, lalo na sa Aprika.
Ang pagtutuli ay iminumungkahing gawin sa ika-7 araw pagkatapos ng kapanganakan ng bata. Gayunpaman ito din ay pinahihintulutan anumang panahon matapos niyon. Ang pagtutuli ay higit na mainam kapag ginawa sa isang maagang gulang dahil ito ay gumagaling ng higit na mabilis. Ang naantalang pagtutuli ay nagiging (wajib) obligado kapag naabot ang gulang ng pagbibinata kapag ang paghuhugas at salah ay nagiging sapilitan (wajib). Si Propeta Muhammad ay nagsabi,
"Si Abraham ay tinuli ang kanyang sarili matapos siyang mag walumpung taong gulang."[3]
"Si Allah ay nagsabi, 'At pagkatapos Kami ay nagpahayag sa iyo: Sundin ang pananampalataya ni Abraham, ang matuwid, at siya ay hindi isa sa mga politeista.'" (Qur'an Nahl:123)
Kung mahirap para sa isang nasa wastong gulang na bago sa Islam ang magpatuli dahil siya ay isang matanda, magkagayun siya ay hindi dapat pilitin. Ang pagtutuli ng mga nasa wastong gulang na ay ginagawa ng mga urologo, nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa $ 1500 at ang panahon ng pagpapahilom ay mula sa isang linggo hanggang dalawang linggo.
Walang dapat tuliin pagkatapos ng kamatayan.
2. Pag-aahit ng buhok sa maselang bahagi at pagbunot ng buhok sa kilikili
Ang buhok sa maselang bahagi ay maaaring ahitin, bawasan o bunutin. Ang pag-aalis ng buhok sa maselang bahagi ay isang sunnah na napagkasunduan ng lahat ng Muslim na mga iskolar. Sunnah ding ahitin ang buhok sa maselang bahagi, subalit ang iba pang mga paraan ay pinahihintulutan. Sa madaling salita, pinakamainam na ahitin, subalit ang lahat ng iba pang mga paraan ng pagtanggal ng buhok ay pinahihintulutan.
Ang Propeta ay nagtakda ng pinakamataas na bilang ng araw para sa pagtanggal ng buhok na 40. Kung ang mga ito ay humaba bago pa dito, ang mga ito ay dapat alisin.
3. Paggupit ng mga kuko sa kamay at paa.
Ito ay isang sinang-ayunang sunnah para sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang layunin ay upang alisin ang dumi sa ilalim ng mga kuko at gayon din ay hindi sila makawangis ng mga kuko ng mga hayop. Ang isang babaeng Muslim ay dapat ding magputol ng mga kuko ng kanyang mga kamay at paa tuwing 40 araw bilang ito ay higit na malapit sa kanyang angking likas na pagkatao.
4. Pagbunot sa buhok ng kilikili
Ang sunnah ay bunutin ang buhok, gayunpaman ang pag-ahit ay pinahihintulot dahil ang layunin ay kalinisan.
5. Pagpapaikli ng bigote
Ang sunnah ay para paikliin ang bigote. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga gilid upang ang labi ay makita o pagpapanipis/pagbabawas nito mula sa lahat ng bahagi.
Pinipiling putulin ang mga buhok sa maselang bahagi, bunutin ang mga buhok sa kilikili, gupitin ang mga kuko at bawasan ang bigote sa paraang lingguhan, isang kasanayang pinaka-pangkalinisan. Kung ang ilang mga hindi kinakailangang buhok ang naiwan sa katawan para sa isang higit na matagal na panahon, maaaring maabala ang tao. Maaari niyang iwanan ang gawaing ito sa loob ng apatnapung araw, subalit hindi hihigit.
6. Pagpapalago ng balbas at hayaan itong maging makapal.
Hindi tulad ng pang-unawa ng ilang mga tao, ang balbas ay isang bagay na likas at ang puno ng balbas ay hindi nangangahulugang ang tao ay marumi o pabaya. Ang Propeta ay nagsabi,
'Salungatin ang mga politeista at palaguin ang balbas at bawasan ang bigote.'[4]
'Salungatin ang mga politeista, bawasan ang bigote at pahabain ang mga balbas.'[5]
'Putulan ang bigote at hayaan ang mga balbas na humaba, at salungatin ang mga Magyan.'[6]
Itong mga ahadith ay ipinapahiwatig na ubligado (wajib) na magkaroon ng balbas at ito ay may dalawang mga pakinabang:
a.pagsalungat sa mga politeista na silang pangkalahatang hindi nagpapanatili ng balbas.
b.ito ay umaayon sa likas na pagsunod ng tao (fitrah) kung saan si Allah ay nilikha ang mga tao.
Ang pagpapanatili ng "buong balbas" (buhok sa panga at baba) ay wajib (sapilitan) sa isang Muslim.
Nakaraang Aralin: Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)