Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang kapistahan: Eid ul-Fitr at Eid ul-Adha. Ang mga araling ito ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na kailangan mong malaman tungkol sa Eid ul-Adha upang gawin itong isang bahagi ng iyong buhay at mabigyang lugod si Allah.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 13 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 92 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,811 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang matutunan ang dalawang pamamaraan sa pag-aalay ng pagdarasal ng Eid.
·Upang matutunan ang palitan ng mga pagbati sa Eid at tamang pagtugon dito.
·Upang maunawaan ang pitong mahalagang mga payo para sa isang 'Maligayang Eid'
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Allahu Akbar – Si Allah ay ang Pinakadakila.
·Eid - kapistahan o pagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagdiriwang ng dalawang relihiyosong mga pagdiriwang, na kilala bilang Eid-ul-Fitr (na nagaganap pagkatapos ng Ramadan) at Eid-ul-Adha (na nagaganap sa panahon ng Hajj).
·Eid Mubarak – pambating Eid na nangangahulugang 'Mapagpalang Eid.'
·Eid Saeed – pambating Eid na nangangahulugang 'Maligayang Eid.'
·Fatihah – ang pambungad na kabanata ng Qur'an na binabasa sa bawat rakah ng pagdarasal.
·Imam – isang taong namumuno sa pagdarasal.
·Rakah – yunit ng pagdarasal.
·Ruku’ - ang payukod na posisyon sa pagdarasal.
·Salat ul-Eid – dalawang yunit ng ritwal na pagdarasal na inaalay sa Eid.
·Takbir – pagsambit ng "Allahu Akbar".
·Takbiratul-Ihram – pagsasabi ng ‘Allahu Akbar’ na sinisimulan ang pagdarasal.
·Udhiyyah – ang pangsakripisyong hayop.
·Wajib – obligado.
Pamamaraan para Sa Pagdarasal ng Eid (Salat ul-Eid)
Ang pagdarasal ng Eid ay obligado (wajib). Ito ay binubuo ng dalawang rakahs, na may karagdagang takbirs (pagsasabi ng 'Allahu Akbar'). Ang karunungan sa likod ng mga pagdarasal ng Eid, tulad ng mga araw ng Eid mismo, ay para pasalamatan si Allah para sa Kanyang hindi mabilang na mga pagpapala. Ang imam ay magdarasal ng isa sa dalawang pamamaraan. Ipaliliwanag niya kung paano siya magdarasal bago ang simula ng pagdarasal:
1 PAMAMARAAN
Sa unang rakah ng pagdarasal ng Eid, ang imam ay mag-aalay ng 3 karagdagang takbirs pagkatapos ng Takbiratul-Ihram at pambungad na pagsusumamo subalit bago basahin ang Fatihah. Itaas ang iyong mga kamay sa bawat takbir, tulad ng ginagawa mo para sa Takbiratul-Ihram. Pagkatapos ng bawat takbir, hayaang ang mga kamay ay ipanatili sa mga gilid. Ilagay ang mga kamay nang magkasama pagkatapos ng ikatlo at huling takbir. Pagkatapos nito, ang natitira sa mga rakah ay pareho.
Sa ikalawang rakah ng pagdarasal ng Eid, ang Imam ay babasahin ang Fatihah at ilang bahagi ng Qur'an. Siya pagkatapos ay magsasabi ng 3 karagdagang takbirs. Ang mga ito ay tulad ng takbirs ng unang rakah, maliban sa iiwan mo ang iyong mga kamay sa iyong mga gilid pagkatapos ng ikatlong takbir. Matapos ang tatlong takbirs na ito ay nabigkas at nakumpleto, siya ay magsasabi ng takbir para sa pagsasagawa sa ruku, nang walang pagtataas ng kanyang mga kamay.
2 PAMAMARAAN
Tulad ng anumang pagdarasal, ang pagdarasal ay magsisimula sa Takbiratul-Ihram na sinusundan ng pambungad na pagsusumamo. Ito ay sinusundan ng 7 takbeers sa unang rakah at 5 karagdagang takbeers sa ikalawang rakah. Ang natitira sa pagdarasal ay tulad ng anumang iba pang pagdarasal.
Pagpapalitan ng mga Pagbati sa Eid ul-Adha
Ang kawalan ng kaalaman sa mga pagbating pumapaikot sa panahon ng Eid ay maaaring maging isang hindi komportableng karanasan. Ang hindi makipagpalitan ng anumang pagbati ay ganap na katanggap-tanggap sa Islam, subalit sa panlipunan ay nakakailang. Samakatuwid, ang kaalaman kung ano ang mga pagbati at ang nararapat na pagtugon dito ay makatutulong sa iyo sa panlipunang pagtanggap.
Ang mga tao mula sa India at Pakistan ay bumabati sa isa't isa sa pagsasabi ng "Eid Mubarak" (Mapagpalang Eid).
Ang mga Arabo ay maaaring magsabi ng "Eid Saeed" (Maligayang Eid) o 'kullu' aam wa antum bi-khair' (nawa'y ang bawat taon ay magdala sa iyo ng maayos na kalusugan).
Ang mga kasamahan ni Propeta Muhammad ay nagsasabi, 'taqabalallahu minna wa minkum' (Nawa'y si Allah ay tanggapin ito mula sa atin at mula sa inyo).
Lahat ng mga ito ay mainam. Tumugon lamang sa pamamagitan ng pag-uulit ng parehong pagbati pabalik! Magiging mainam kung ikaw ay ngingiti o humingi ng tulong sa pag-uulit pabalik ng mga salita.
Payo para sa Eid ul-Adha
1. Gawin ang araw ng Eid nang malaya sa trabaho o paaralan. Kung hindi mo magagawa, mangyaring gumawa ng mga pakikipag-ayos para sa pagliban kahit man lamang sa pagdarasal ng Eid.
2. Gumawa ng mga pakikipag-ayos para sa pangsakripisyong hayop nang maaga. Maaari kang sumama sa lokal na mga Muslim sa kabukiran o isang bahay katayan. Ito ay magiging isang karanasan na hindi mo malilimutan! Maaari ka ring magnais na kumatay ng hayop ng ikaw mismo o maaari kang magkaroon ng isang kapwa Muslim na gagawa nito para sa iyo. Maaari ka ring magpadala ng pera sa isang Islamikong kawanggawa upang gawin ito para sa iyo at sila ang magpapamahagi ng karne sa mga mahihirap. Para sa milyun-milyong mga Muslim ito lamang ang pagkakataon sa buong taong sila ay makakakain ng karne. Maaari mong matagpuan ang maraming mga kawang-gawa sa pamamagitan ng paghahanap sa online para sa "udhiyyah 2013 (o taon ng kasalukuyan)."
Kahit na paano para sa unang ilang mga taon pagkatapos tanggapin ang Islam, imumungkahi kong ipadala mo na lamang ang pera upang mapakain ang mga mahihirap na Muslim sa ibang bansa alinman sa pamamagitan ng iyong moske o isa sa mga online na Islamikong tumutulong na mga organisasyon. Maaari kang lumahok sa mga lokal na mga Muslim upang magkaroon ng karanasan kung nanaisin mo. Ang mga halaga ng paggawa ng udhiyyah sa ibang bansa ay mag-iiba batay sa kung saang bansang nais mong maisagawa ito. Ang ilang mga organisasyon ay nakalista sa ibaba, maaari kang makahanap ng maraming pang iba online:
3. Tawagan ang iyong lokal na moske o Islamikong tanggapan isang linggo bago ang Eid ul-Adha upang malaman ang oras at lugar kung saan ang pagdarasal ng Eid ul-Adha gaganapin. Pagkatapos ng pagdarasal ng Eid, mga etnikong matatamis at pagkain ay karaniwang inihahanda. Karamihan sa mga moske ay magpapakana ng hapunan ng Eid alinman sa gabi o sa loob ng susunod na ilang araw. Alamin kung kailan at kung nasaan ang mga ito at daluhan ito.
4. Huwag kang malungkot o makaramdam na naiiwanan. Gumawa ng mga pakikipag-ayos sa iyong Muslim na mga kaibigan o mga pamilya sa maagang panahon upang dalawin sila para sa Eid ul-Adha. Anyayahan ang Muslim na mga kaibigan at magluto para sa kanila. Kung hindi ka nakakapagluto, kumain kang kasama nila. Sikaping ibilang ang iyong mga di-Muslim na miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa pagdarasal ng Eid kasama mo o hayaan silang dalawin ka para sa hapunan kasama ng iyong Muslim na mga kaibigan. Kakailanganin ng ilang pagpaplano. Gawin ito nang maaga. Mayroon kang apat na araw upang magdiwang!
5. Ang mga pamilya ay nagbibigay ng mga regalo sa mga bata sa Eid. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Magpalitan ng regalo sa isa't isa, kayo ay magmamahalan sa isa't isa." (Bukhari, Al-Adab Al-Mufrad) Maaari mo ring naising magbigay ng mga regalo sa iyong di-Muslim at Muslim na mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan.
6. Magboluntaryo sa araw ng Eid sa iyong lokal na moske. Sila ay mangangailangan ng mga boluntaryo para sa paradahan, pagsasaayos ng pagkain, paglilinis, mga gawaing pambata, at iba pa.
7. Magbihis para sa Eid. Bumili ng ilang mga bagong damit at maging nasa 'pagdiriwang' na kalagayan!
Nakaraang Aralin: Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
Susunod na Aralin: Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)