Naglo-load...

Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling pambungad sa kahulugan ng salitang bidah at pagpapaliwanag kung bakit nararapat nating iwasan ang mga bagay na bagong ipinakikilala sa deen o relihiyon ng Islam.

Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 17 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 134 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,889 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin:

· Upang maintindihan ang kahulugan ng salitang bidah.

·Para maging malinaw na ang mga nangyayaring mga pagbabago sa mundo gaya ng ng sa teknilohiya at pang transportasyon ay hindi dapat na iwasan at layuan.

·Upang maging malinaw kung ano ang mga pagbabago (innovation) at hindi sa Islam.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Bidah - mga pagbabago (innovation).

·Deen - Panuntunan o pamamaraan ng Buhay base sa Islamikong kapahayagan; ang kabuoan ng pananampalataya at pagsasabuhay ng mga muslim. Ang Deen ay karaniwang may pakahulugang pananampalataya o ang relihiyong Islam.

·Dhuhr - Ang pang tanghaling pagdarasal.

·Rakah - Bilang ng pagtayo sa pagdarasal .

·Rajab - Ang pangalan ng ika pitong buwan ng kalendaryong Islamiko.

·Shariah – Batas Islamiko.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may mga ilang kahulugan depende sa saklaw ng pinag-aaralan ganun pa man ang kahulugan nito na karaniwang tinatanggap o pinaniwalaan ay anumang naiulat na sinabi, ginawa at sinang-ayunan ni Propeta Muhammad.

Innovations1a.jpgAng Bidah ay isang arabik na salita na nagmula sa salitang ugat na Al-Bada’ na ngangahulugang gumawa ng isang bagay na walang karapatan na gawin ito o manguna. Sa salitang Tagalog ay gagamitin natin ang salitang mga pagbabago. Bago natin ipagpatuloy ang pagtalakay sa bidah kailangan nating maintindihan ang dalawang uri ng bidah. Ang unang uri ng pagbabago ay ang mga bagay bagay patungkol sa ating buhay sa mundo, mga bagay gaya ng tiknolohiya, elektresidad, at trasportasyon ay maiu-ugnay sa kategoryang ito. Ang mga bagay na ito ay pinahihintulutan at sa isang banda ito ay katanggap tanggap. Ang isang uri ng pagbabago ay patungkol sa relihiyon o pagsamba, sa mga bagay patungkol sa relihiyon ang bidah ay hindi pinahihitulutan at isang napaka-delikado na magsagawa ng mga pagbabago sa ating relihiyon. At dahil sa itoy delikado mayroong binanggit na napakaraming mga kasabihan at mga tradisyon si Propeta Muhammad para tukuyin ito.

“Sinuman ang magdagdag o magbago sa aming mga sinabi na hindi namin ipinahintulot ay di katanggap-tanggap ”.[1]

ang pinakamainam na salita ay ang aklat ng Allah at ang pinakamainam na gabay at halimbawa ay ang kay Muhammad at ang pinakamasama sa lahat ng bagay ay ang mga makabagong inimbentong bagay (patungkol sa relihiyon), dahil bawat pagbabago sa relihiyon ay kamalian at kaligawan. ”[2]

“…Bawat pagbabago sa relihiyon ay dahilan ng pagkaligaw at bawat pagkaligaw ay sa apoy.”[3]

Ang deen ng Islam ay hindi nangangailangan ng mga pagbabago o bidah. Ang relihiyong Islam ay kompleto at walang dahilan para dagdagan o magimbento ng bagay patungkol sa relihiyon. ito ay pinatutunayan ng salita sa Quran “Sa araw na ito Aking ginawang ganap ang relihiyon para sa inyo, at ginawang lubos ang Aking pagpapala sa inyo at Aking pinili ang Islam bilang inyong deen” (Quran 5:3)

Kung ang isang tao ay magbabago o magdaragdag sa deen ng mga bagay na hindi dating kasama dito, siya ay nagpapahiwatig na ang relihiyon ay may kulang at nangangailangan pa ng iba para maging mabuti ito, o pagpapahiwatig na hindi kinumpleto at ginawang ganap ang kanyang relihiyon. Ito ay nagpapasinungaling sa mga talatang nasa itaas

Bakit importante na hindi tangkilikin ang bidah

Habang si Allah ay hindi nagpaparusa sa isang taong nagkamali dahil sa kawalan ng kaalaman sa kanyang nagawa, nararapat lamang na obligahin ang ating sarili na tayo ay matuto sa abot ng ating makakaya. Ang katotohanan na si Allah ay hindi tatanggap ng mga gawaing hindi tumutupad sa dalawang mga mahahalagang kondisyon. Ang unang kondisyon ay ang pagsasagawa ng isang bagay na may sinserong intensyon na malugod ang pinaka- makapangyarihang Allah. Ang pangalawang kondisyon ay ang mga bagay na gagawin ay alinsunod sa katuruan ng Quran at sa pinagtibay na Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang mga gawa ay nararapat na sumusunod sa Sunnah at di sumasalungat dito.

Sa ganitong kaisipan, ating balikan muli ang kahulugan ng bidah. Ayun sa pakahulugan ito ay mga bagay na inimbento o gawang makabago, mga bagay na walang batayan at dahilan. Sa legal na paraan, ito ay pagdadagdag ng bago sa deen ng Allah. Kahit na ang aksyon ay ginawa na ang layunin ay para mapalapit o para sa pagsamba sa Allah hindi pa rin ito ito katanggap-tanggap. At ito ay kasalanan.

Paano natin malalaman kung ang isang gawain ay isang gawaing bidah?

Sa lahat ng pagkakataon ay maririnig natin na sinasabing ang Islam ay ang relihiyon na ipinaalam na karunungan. Nangangahulugan ito na ang mga naniniwala ay di dapat tumatanggap ng katuruan na basat-basta. Ang isang mananampalataya ay dapat mag-ukol ng panahon upang maunawaan ang mga bagay patungkol sa deen at siya ay dapat matutong magtanong patungkol sa mga gawa o kawikaan na walang sapat na katibayan. Kung ang isang tao ay mag-uukol ng panahon na matutunan ang islam magagawa niyang malaman kung ano ang sunnah na gawain at ano ang bidah.

Ang mga sumusunod ay ang anim na pamamaraan kung paano malalaman ang kaibahan ng Sunnah sa Bidah:

1.Ang gawang pagsamba na ini-uugnay sa dahilan o rason na hindi pa naman naisasabatas:

Hindi pinahihintulutan na mag-ugnay ng gawang pagsamba para sa anupaman o kadahilanan na hindi pinatutunayan ng Quran o ng mga mapapanaligang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang isang halimbawa nito ay ang paggising sa gabi at manalangin tuwing sasapit ang ikapitong araw sa Islamikong buwan ng Rajab dahil sa paniniwalang si propeta Muhammad ay naglakbay sa mga kalangitan sa gabing yaon. Ang gawaing pagdarasal sa gabi ay bagay na napagkasunduan sa islam na may sapat na ibedensiya sa Quran at Sunnah, ganun paman kung ito ay gagawin dahil sa rason na nabanggit sa taas ay lalabas itong bidah dahil ito ay ibinase at binuo sa rason na hindi napagtibay mula sa Shariah.

2.Uri ng pagsamba

isa ring kahalagahan na ang gawang pagsamba ay ayon sa Shariah sa larangan na ito. Kung ang isang tao ay sasamba sa Allah na ang gagawing pagsamba ay isang uri na hindi naisabatas (sa Islam) ay hindi tatanggapin. Halimbawa hindi tama na isakripisyo (katayin) ang kabayo. Ito ay isang bagay na maaring bidah, isang pagdaragdag na makabago sa deen. Ang mga pwedeng isakripisyo ay nilimitahan ng shariah ng Islam sa tupa, baka ,kambing at mga kamelyo.

Ating ipagpapatuloy ang ating pagtalakay patungkol sa bidah sa ikalawang bahagi ng pag-aaral sa pagsasaliksik sa ibang paraan para alamin ang kaibahan ng Sunnah at ng bidah at pagtatala ng ilang karaniwang bidahs na makikita natin araw-araw sa mga mosque at sa ilang mga Muslim sa buong mundo.



Talababa:

[1] Saheeh Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim

[3] At Tirmidhi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6