Naglo-load...

Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Ang mga araling ito ay ipakikilala sa mambabasa ang mga kasalanan, mga uri nito, kalubhaan, paano matatamo ang kapatawaran para sa kanila, at paano ang mga ito makakaapekto sa isang tao sa buhay na darating.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 93 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,775 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunun:

·Upang matutunan ang kahulugan ng kasalanan at kawalang-paniwala.

·Upang matutunan ang mga uri ng kasalanan.

·Upang matutunan ang ilang halimbawa ng kawalang-paniwala.

·Upang matutunan kung sino ang mga di-mananampalataya.

·Upang matutunan ang 4 na mga dahilan na humahadlang sa isang Muslim sa pagiging isang di-mananampalataya.

·Upang matutunan kung ang isang tao ay maaaring magbalik sa Islam matapos lisanin ito.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Imaan - pananampalataya, paniniwala o pananalig.

·Kufr – kawalang-paniwala.

·Kafir – (pangmaramihan: kuffar) di-mananampalataya.

·Shahadah – Pagpapahayag ng Pananampalataya.

·Shariah – Islamikong Batas.

·Shirk – isang salitang nagpapahiwatig ng pag-uugnay ng mga katambal kay Allah, o pag-uugnay ng banal na mga katangian sa iba bukod kay Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at mga pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan sang-ayon sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan sa pangkalahatan ay tinatanggap na maging, anumang naiulat na sinabi, ginawa, o pinayagan ng Propeta.

Kahulugan ng Kasalanan at mga Uri nito

ConceptofSin1.jpgAng kasalanan ay tinukoy bilang isang gawang pagsuway na kung saan ang isang tao ay iniiwan ang kautusan ni Allah. Ang isang makasalanan ay sinasalungat ang Shariah sa pamamagitan ng pag-tanggi sa kautusan ni Allah na isinaad sa Qur'an o Sunnah. Ang mga iskolar ay inilalarawan ang kasalanan na may imahe ng "paglabas" sa banal na pagsunod sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagbabawal o paglisan sa kung ano ang kinakailangan. Ang Islam ay nagtuturong ang tao ay hindi isinilang sa kasalanan, sa halip siya ay nagiging makasalanan kapag nakagawa siya ng kasalanan.

Ang mga kasalanan ay maaaring uriin sa:

a) Kufr (kawalang-paniwala): Ito ay nagdadala sa isang tao sa labas ng kawan ng Islam at siya ay nagiging isang di-mananampalataya. Ang mga halimbawa ng kasalanang ito ay mabibigyang linaw sa ibaba, subalit dapat maging malinaw na ang kufr ay nagdadala sa tao palabas sa kawan ng Islam kapag alam nila ang likas at kalubahaan ng kasalanang kanilang ginagawa. Sa diwa, ang kufr ay bumubuo ng lubusang "paglabas" sa Islam at banal na pagsunod. Ang isang taong gumagawa ng kufr ay tinatawag na 'di-mananampalataya' (Arabe: kafir) at hindi na siya isang Muslim. Kung siya ay mamatay sa katayuang yaon, siya ay papasok sa Impiyerno at mananatili roon magpakailanman (9:84; 24:55). Dapat ding tandaang ang pagtawag sa isang taong isang kafir (di-mananampalataya) ay hindi dapat gawin ng karaniwang tao; ito ay isang kapasyahang ipinapalabas ng Islamikong mga iskolar. Kung ang isang Muslim ay nakakakita ng isa na gumagawa ng gawang kufr nararapat na sila ay payuhan ng paulit at ang katawagan na 'di mananampalataya' ay di nararapat na ibigay sa kanya.

Mahalagang tandaan na sa kabila ng pagtungtong sa kawalang-paniwala, ang isang tao ay maaaring muling pumasok sa Islam anumang oras bago ang kamatayan.

b) Malaki at maliit na mga kasalanan: Ang isang gumagawa ng malalaki at maliliit na kasalanan ay hindi nawawala ang lahat ng kanilang pananampalataya at nasa loob pa rin ng kawan ng Islam (49: 6; 2: 282). Ang gayong tao ay isang Muslim, subalit may nasirang pananampalataya (Arabe: "imaan").

Ang natitirang aralin ay magpapaliwanag sa kawalang-paniwala.

Kahulugan ng Kawalang-paniwala

Ang "kawalang-paniwala" (Arabe: kufr) ay tinukoy bilang kawalan ng pananampalataya (Arabe: imaan) ng lahat ng Muslim na mga iskolar. Hindi ito mahalaga maging ang tao ay nagsasabi nito o nagtataglay nito sa puso.[1] Sa madaling salita, ang 'kawalang-paniwala' (Arabe: kufr) ay anumang salita, gawa, o paniniwala na sumasalungat sa pananampalataya (Arabe: imaan).

Mga Halimbawa ng Kawalang-paniwala

1. Paggawa ng shirk.

2. Kasuklaman o Lapastanganin ang Diyos at ang Qur'an.

3.Kasuklaman, lapastanganin, abusuhin, o gawing katawa-tawa ang Propeta Muhammad kahit na ang isang tao ay naniniwala sa kanyang pagkatotoo.

4.Pagsasabing si Propeta Muhammad ay nagsinungaling.

5.Nalalaman na ang Propeta ay naghatid ng katotohanan subalit tumatangging sundin ang kanyang mga turo.

6.Pagtawanan ang anumang katuruan ng Islam.

7.Pagpapatirapa sa isang idolo.

8.Pagsamba kay Propeta Muhammad sa paraan ng mga Kristiyano sa pagsamba kay Hesus.

Sino ang Di-mananampalataya, ang Kafir?

Ang isang di-mananampalataya ay isang taong hindi naniniwala sa mensahe ni Propeta Muhammad. Ito yaong hindi binigkas ang dalawang pagpapahayag, kulang ng tamang Islamikong pananampalataya (imaan), o pinanghahawakan ang paniniwala, nagsasabi ng isang salita, o gumagawa isang gawang kawalang-paniwala.

May isang mahalagang puntong mauunawaan dito. Kung ang isang taong naging isang Muslim sa pamamagitan ng pagbigkas ng Pagpapahayag ng Pananampalataya (shahadah) ay nagtataglay ng isang paniniwala, nagsasabi, o ginagawa ang kung anong maituturing na kufr, hindi siya maaaring maging isang di-mananampalataya. Ang dahilan ay matapos maging isang Muslim, may ilang mga hadlang na pumipigil sa isang tao sa pagiging isang kafir.

Mga Dahilan Na Humahadlang sa isang Tao mula sa Pagiging isang Di-mananampalataya

Ang isang Muslim ay maaaring mahulog sa kawalang-paniwala, subalit hindi magiging isang di-mananampalataya dahil sa isa sa mga sumusunod na mga kadahilanan:[2]

1.Kamangmangan

Ang isang nagbalik sa Islam, isang Muslim na lumaki sa isang liblib na lugar, o isang Muslim na pinalaki sa isang hindi relihiyosong kapaligiran ay maaaring mangmang sa pangunahing mga paniniwala, relihiyosong tungkulin, at mga pagbabawal ng Islam. Ang ganitong mga tao ay maaaring hindi nalalaman, halimbawa, na ipinagbabawal ng Islam ang homoseksuwalidad o nangangailangan ng mga pagdarasal ng limang beses sa isang araw. Ang mga taong ito ay maaaring mahulog sa kawalang-paniwala, subalit hindi magiging mga di-mananampalataya dahil sa paningin ni Allah ay maaaring sila ay mapaumanhin dahil sa kanilang kamangmangan.

2.Pagkakamali

Ang isang tao ay maaaring magmintis sa pamantayan at makagawa ng isang bagay na hindi niya nilayon. Siya ay maaari lamang nakagawa ng isang hindi sinasadya, tapat na pagkakamali. Halimbawa, kung ang isang nagbalik sa Islam ay naniniwalang ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal lamang sa mga oras ng pagdarasal. Mula sa isang tekstual na pananaw, ang pag-inom ng alak, habang pinaniniwalaang ito ay pinahihintulot, ay isang gawang kawalang-paniwala, subalit ang taong ito ay hindi magiging isang di-mananampalataya dahil sa tapat na pagkakamaling nagawa niya.

3.Pamimilit

Ang isang tao ay maaaring sapilitang gawin o sabihin kung anong katumbas ng kawalang-paniwala dahil sa isang tuwirang banta sa kanilang buhay o pangangatawan o sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa anumang ganitong kalagayan ang puso ay dapat laging nasisiyahan sa Islam, puspos ng pananampalataya; Pagkatapos nito, ang isang tao ay maaaring sabihin o gawin kung ano ang kufr (16:106).

4.Maling Pagkaunawa

Siya ay maaaring may ilang mga pagkalito at ilang mga maling pagkaunawa na siya ay sumusunod sa, iniisip na kung ano ang kanyang paniniwala ay sa katunayan ay bahagi ng Islam gayong ito ay hindi naman.

Pagbabalik sa Islam Pagkatapos ng Paglisan Dito

Ang isang taong sadyang umalis sa kawan ng Islam ay maaaring maging isang Muslim muli. Ang kanyang 'pagsisisi' ay para muling pumasok sa Islam at magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng Pagpapahayag ng Pananampalataya (shahadah).

Kung iniwan niya ang Islam dahil sa pagsalungat sa isang ubligadong tungkulin, magkagayun ay dapat din niyang kilalanin ang tungkulin yaon. Sabihin nating itinatanggi niya ang ubligasyon ng limang pang-araw-araw na pagdarasal. Kapag siya ay muling pumasok sa Islam, kinakailangang kilalanin niyang ang mga pagdarasal na ito ay kinakailangan, kung hindi, ang kanyang pagsisisi ay hindi tatanggapin.



Mga Talababa:

[1] Majmu Fatawa li Ibn Taimiyya, vol 20, p. 86

[2] Nawaqidh al-Imaan al-I’tiqadiyya wa Dhawabit al-Takfir ind as-Salaf by Dr. Muhammad al-Wuhaibi, vol. 1 p. 225 - vol.2 p. 36

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 6