Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Ang mga araling ito ay ipakikilala sa mambabasa ang mga kasalanan, mga uri nito, kalubhaan, paano matatamo ang kapatawaran para sa kanila, at paano ang mga ito makakaapekto sa isang tao sa buhay na darating.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,712 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang matutunan ang kahulugan ng malaki at maliit na mga kasalanan.
·Upang matutunan kung alin at kailan ang malaking mga kasalanan ay magdadala sa isang tao sa pagiging di-mananampalataya.
·Upang matutunan kung paano ang malaking mga kasalanan ay pinatatawad.
·Upang matutunan ang kapalaran ng isang taong namatay na may hindi napatawad na malaking mga kasalanan.
·Upang matutunan ang ilang malaking mga kasalanan.
·Upang matutunan kung kailan ang maliit na mga kasalanan ay magiging malaking kasalanan.
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Kaba’ir (pang-isahan- kabirah) – malaking mga kasalanan.
·Saghair (pang-isahan- saghirah) – maliit na mga kasalanan.
·Shirk – isang salitang nagpapahiwatig ng pag-uugnay ng mga katambal ni Allah, o pag-uugnay ng banal na mga katangian sa iba bukod kay Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at mga pagpapala ay nagmumula sa iba bukod kay Allah.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan sang-ayon sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan sa pangkalahatan ay tinatanggap na maging, anumang naiulat na sinabi, ginawa, o pinayagan ng Propeta.
·Tawbah – pagsisisi.
·Tawheed – Ang Kaisahan at Pagkatangi ni Allah na may kinalaman sa Kanyang Pagka-Panginoon, Kanyang mga Pangalan at Katangian at ang Kanyang Karapatang Sambahin.
Tungkol sa kalubhaan ng mga ito, ang mga kasalanan ay inuri sa malaki at maliit na mga kasalanan. Ang malaking mga kasalanan ay tinatawag na kaba'ir (pang-isahan kabirah) at binanggit sa Qur'an 4:131, 42:37, 53:32. Ang maliit na mga kasalanan, o saghair (pang-isahan saghirah) ay binanggit sa Qur'an 18:49. Ang lahat ng mga gawa, kabilang ang malaki at maliit na mga kasalanan, ay nakatala at ang mga talaang ito ay ibibigay sa indibidwal sa Araw ng Paghuhukom (Qur'an 18:49, 54:2-3).
Kahulugan ng Malaking mga Kasalanan[1]
Anumang kasalanan kung saan ang Qur'an o Sunnah ay nagtatakda ng parusa sa mundong ito tulad ng pagpatay, pangangalunya, at pagnanakaw; o tungkol sa kung saan may babala ng galit at kaparusahan ni Allah sa Kabilang Buhay, pati na rin ang anumang bagay na ang may sala ay isinumpa ng ating Propeta.
Kahulugan ng Maliit na Kasalanan
Ang maliit na kasalanan ay ang bawat kasalanang walang itinakdang kaparusahan para sa buhay na ito o isang babalang nakaakibat dito sa Kabilang Buhay.
Ang Malaking mga Kasalanan Ba ay Magagawa ang isang Taong maging Di-mananampalataya?
Ang mga kasalanan ay pumipinsala sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagkabawas nito. Ang pananampalataya ng isang Muslim ay nababawasan katapat ng sukat ng kanyang mga kasalanan. Gayunpaman, alinman sa malaki, ni maliit na mga kasalanan ay nagtatanggal sa pananampalataya ng ganap. Ang isang kasalanan ay hindi nagbabalik sa isang Muslim sa pagiging di-mananampalataya maliban ang tao ay naniniwalang ang kasalanan ay naging pinahintulot. Maaaring itinuturing niya ang kasalanang pinahihintulot alinmang dahil siya ay may kasutilang tumangging kilalanin na si Allah ay ipinagbawal ito o siya ay nag-aalinlangan sa pagkapropeta ni Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya. Sa alinmang kaso, kapag ang isang kasalanan ay katumbas ng pagtanggi sa Quran at pagtanggi kay Propeta Muhammad, ang gumagawa ng kasalanang yaon ay humahakbang sa kawalang-paniwala kahit hindi ginagawa ang kasalanan. Halimbawa, kung ang isang tao ay pinagpipilitang si Allah ay pinahihintulot ang pakikiapid, habang nalalaman nilang ipinagbabawal ito sa Qur'an, ang taong yaon ay nagiging isang di-mananampalataya. Kung hindi man, hindi natin itinuturing ang mga tao na di-Muslim dahil sa kasalanang kanilang ginawa.
Ang patunay na ang isang taong gumawa ng kasalanan ay itinuturing na Muslim ay matatagpuan sa Qur'an at Propetikong mga Tradisyon:
1.Ang Qur'an ay nagsabi:
“Katotohanan, si Allah ay hindi pinapatawad na may mga katambal ang iuugnay sa Kanya sa pagsamba subalit patatawarin Niya ang sinumang Kanyang naisin para sa anuman bukod dito. (Qur'an 4:48)
2.Sinuman ang namatay na hindi nakagagawa ng shirk kay Allah ay makapapasok sa Paraiso.[2]
3.Ang isang taong naniniwala sa Tawheed ay makapapasok sa Paraiso kahit na siya ay nakiapid at nagnakaw.[3]
May isang lasenggero sa panahon ng Propeta. Isang beses nang siya ay pinarusahan, isang Muslim ang nagsumpa sa kanya. Ang Propeta ay pinagbawalan ang Muslim na yaon mula sa pagsumpa sa Kasamahang yaon at siya ay nagsabi: 'Huwag mo siyang sumpain, para kay Allah, siya ay nagmamahal kay Allah at sa Kanyang Sugo.'[4] Dahil sa kanyang paniniwala kay Allah at sa Kanyang Propeta, ang malaking kasalanan na kanyang ginawa ay hindi nagtanggal ng lahat ng kanyang pananampalataya.
Paano Ang Malaking mga Kasalanan Pinatatawad?
Ang malaking kasalanan ay maaaring patawarin sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
a) Sa pamamagitan ng taos-pusong pagsisisi, na sinusundan ng paglisan sa kasalanan, pagkakaroon ng pagkabagabag sa pagsasagawa nito, at pagtitika upang hindi na muling gawin ito. Kung ang kasalanan ay nagsasangkot ng pagkakamali sa iba, magkagayun ay karagdagan sa itaas, dapat din niyang ibalik ang kanilang mga karapatan o ari-arian o hingiin ang kanilang kapatawaran.
Kapag nakita ni Allah ang tapat na pagsisising ito mula sa isa sa Kanyang mga alipin - isang aliping tunay na nagbabalik sa kanyang Panginoon sa takot at pag-asa - hindi lamang Niya pinatatawad ang kasalanan, kundi pinapalitan ang mga kasalanang yaon ng mabubuting mga gawa sa kapakinabangan ng alipin. Ito ay mula sa walang hanggang biyaya at awa ni Allah. Si Allah ay nagsabi sa karapatang ito pagkatapos na banggitin ang mga kasalanan ng shirk, pagpatay, at pangangalunya, Siya ay nagsabi: "Maliban sa kanilang mga nagsisisi at naniniwala, at gumagawa ng mabuting mga gawa, para sa kanila, Si Allah ay papalitan ang kanilang mga kasalanan ng mga mabuting mga gawa, at si Allah ay Laging Nagpapatawad , Lubos na Maawain." (Qur'an 25:70) Ang pagpapalang ito ay para lamang sa kanyang may pananampalataya, na ang kanyang pagsisisi ay tapat, at nagsisikap na gumawa ng mabuting mga gawa.
b) Sa pamamagitan ng dalisay na biyaya ni Allah, kabutihan, at tulong. Samakatuwid si Allah ay maaaring patawarin ang sinumang Kanyang naisin kahit ang taong yaon ay hindi naman talaga nagsisi.
c) Sa pamamagitan ng pagganap ng ilang mga gawain, tulad ng Hajj, ayon sa ilang mga iskolar.
Kapalaran ng isang Taong Namatay habang Gumagawa ng Malaking mga Kasalanan
Ang isang taong namatay mula sa isang hindi napagsisihang malaking kasalanan ay nasa pagpapasya ni Allah sa Kabilang Buhay. Kung nais ni Allah, Siya ay maaaring parusahan muna siya ayon sa kanyang mga kasalanan at pagkatapos ay ipasok siya sa Paraiso. Si Allah ay maaari ring patawarin na lamang siya at ipasok siya sa Paraiso ng tuluyan nang walang anumang parusa.[5]
Mga Halimbawa ng Malaking mga Kasalanan
Ang ilan sa malaking mga kasalanan ng puso ay ang pagmamalaki, pagpapaimbabaw, kawalan ng pag-asa sa awa ng Diyos at pagkaramdam na ligtas mula sa banal na plano, kasakiman, at inggit.
Ang ilan sa malaking mga kasalanan ng dila ay pagsisinungaling, paggawa ng maling mga pangako, pagsasalita nang walang kaalaman, paninirang puri sa malilinis na mga babae, pagmamayabang, at pangungutya sa iba.
Kabilang sa iba pang malaking mga kasalanan ang rasismo (panlalait sa lahi ng ibang tao), panunuhol, pagsuway sa mga magulang, pagsira sa mga pagkakamag-anak, pamiminsala sa kapit-bahay, pagmamalupit sa mga hayop, paggamit ng mga droga at nakalalasing na mga inumin, pakikiapid, at pagnanakaw.
Kaugnayan sa Pagitan ng Maliit at Malaking mga Kasalanan at Bilang ng Malaking mga Kasalanan
Gaano karaming malaking mga kasalanan ang naroroon? Ang mga ito ay umaabot mula apat hanggang pitong daan. Isang akda sa malaking mga kasalanan ng isang bantog na iskolar, na si Imam Adh-Dhahabi, ay nagtala ng 70. Si Imam Haytami, isa pang iskolar, ay naglarawan ng mga 476 na malaking mga kasalanan. Ang bantog na kasamahan ni Propeta Muhammad, na si Ibn Abbas, nawa'y si Allah ay kalugdan siya, ay nagsabi na ang malaking mga kasalanan ay "malapit na sa 700 kaysa ang mga ito sa pito, maliban sa walang kasalanan ang 'malaki' kapag ang kapatawaran ay hinanap para dito (yaon ay kapag siya ay nagsagawa ng wastong pagsisisi (tawbah), tulad din ng walang kasalanan ang 'maliit' kung kanya itong ipinagpapatuloy."[6]
Ang maliit na kasalanan ay maaaring maging malaki sa pamamagitan ng:
·Pagpapatuloy at pag-uulit.
·Pagmamaliit sa kasalanan.
·Pagdiriwang sa kasalanan at pagmamalaki dito.
·Pagpapahayag ng kasalanan at pagsasalaysay nito sa iba.
Nakaraang Aralin: Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
Susunod na Aralin: Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)
- Ang Mga Boluntaryong Pagdarasal
- Ang Pakikitungo Sa Mga Hayop
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 1 of 2)
- Pagsisinungaling, Panlilibak At Paninirang Puri (part 2 of 2)
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 1 ng 2): Kung bakit ang pananampalataya ay hindi laging matatag
- Ang Pagpapalakas ng Pananampalataya (bahagi 2 ng 2): Palakasin ang iyong pananampalataya at magkamit ng gantimpala
- Ang Mga Boluntaryong Pag-aayuno
- Mga Palatandaan ng Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2): Ang maliliit na Mga Palatandaan
- Ang Mga Palatandaan sa Araw ng -Paghuhukom (part 2 of 2): Ang Malalaking Tanda
- Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya (part 1 of 2)
- Ang Pangangalunya, Pakikiapid, & Pornograpiya(part 2 of 2)
- Mga Alituntuning Islamiko Para sa Pakikisalamuha sa magka-ibang Kasarian. (part 1 of 2)
- Mga Islamikong alituntunin Para sa pakikisalamuha ng magka-ibang kasarian (part 2 of 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (1 bahagi ng 2)
- Pagpapakilala sa Shariah (2 bahagi ng 2)
- Mga Gawang Naaayon sa Kalikasan ng Tao (Sunan ul-Fitrah)
- Eid ul-Adha mula A hanggang Z (1 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (2 bahagi ng 3)
- Ang Eid ul-Adha mula A to Z (3 bahagi ng 3)
- Mga pagbabago sa Islam (bahagi 1 ng 2): Dalawang uri ng Bidah
- Makabago sa Islam (part 2 of 2): Ito ba ay bidah?
- Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi
- Umrah (1 bahagi ng 2)
- Umrah (2 bahagi ng 2)
- Ang Konsepto ng Kasalanan sa Islam (1 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (2 bahagi ng 3)
- Ang Konsepto ng mga Kasalanan sa Islam (3 bahagi ng 3)