Naglo-load...

Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Mga pangunahing hakbang na kailangang malaman ng bawat magulang upang makamit ang tagumpay sa pagiging magulang.

Ni Abdurrahman Murad (© 2013 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 102 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,760 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin:

·Upang malaman ang kahalagahan ng mga islamikong pakikitungo at mga pamantayan ng pamilya.

·Upang malaman ang kahalagahan ng paglalaan ng oras upang mapag-aralan ang deen bilang isang pamilya.

·Upang maunawaan ang kahalagahan ng mabisang pakikipag-usap sa inyong mga anak.

Terminolohiyang Arabe

·InshaAllah - Sa kagustuhan ng Diyos, kung nais ng Diyos na maging gayon. Ito ay isang paalala at pagkilala na walang mangyayari maliban sa kalooban ng Allah.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, na kahit ano na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.

·Deen - ang paraan ng pamumuhay batay sa pahayag ng Islam; ang kabuuan ng isang pananampalataya at pag sasabuhay ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit upang ipakahulugan na pananampalataya, o ang relihiyon ng Islam.

Panimula

Parenting_in_Islam_(part_1_of_2)._001.jpgAng susi sa isang maaliwalas na islamikong lipunan ay nagsisimula sa pamilya, sapagkat ito ang sentro ng isang malusog na lipunan. Ang Propeta, sumakanya ang awa at pagpapala at biyaya ng Allah, ay nagbigay ng detalyadong mga hakbang sa pagaalaga sa isang pamilya ng maayos; walang alinlangan, ito ay isang malaking responsibilidad. Sinabi niya:

"Ang sinuman na may pananagutan sa iba, ngunit hindi naitaguyod ang responsibilidad na ito nang maayos, siya ay tatanggihan mula sa Jannah (sa Paraiso)." (Saheeh Muslim)

Ang pagiging magulang ay isang napakalaking responsibilidad; lalo na, ang pagiging magulang sa Kanluran. Ano ang dapat isaalang-alang ng isang magulang, paano nila dapat palakihin ang kanilang mga anak? Sa artikulong ito malalaman natin ang ilang kapaki-pakinabang na mga payo na dapat isa-isip ng bawat magulang.

Gumawa ng Maginhawa at Wastong Kapaligiran

Ang mga bata na pinalaki sa isang 'masaya' na tahanan ay karaniwang nagiging mas malakas, mas mahusay na mga Muslim. Mas madali silang masanay sa mga Islamikong pamamaraan at mataguyod ang karaniwang paggalang at pag-uugali na dapat maging pamantayan para sa bawat Muslim.

Upang matiyak na ang isang tahanan ay 'masaya', ang mga magulang mismo ang dapat magtaguyod ng tamang pag-uugali sa Islam. Gayundin, ang mga magulang ay dapat makipag-usap sa bawat isa, sa isang malinaw at bukas na pamamaraan. Kapag nakita ng mga bata na ang kanilang mga magulang ay nakikipag-usap sa pamamaraang ito; wala sa kanilang mga magulang ang nababalisa, nagagalit o nagiging marahas, ito ay naguudyok sa mga bata na ibahagi ang kanilang damdamin at mga iniisip at sila ay makakaramdam ng kaligtasan at katiwasayan. Ang hakbang na ito ay napaka halaga, dahil ang isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema ay nagsisimula sa kakulangan nito. Kung ang isang bata ay nakakamdaman na hindi nila kaya makipag-usap sa kanilang mga magulang, sila ay maghahanap ng pansin sa ibang lugar, ito man ay mula sa mga kaibigan, na maaaring maka-impluwensya sa batang ito sa negatibong pamamaraan. Ang mga pagkalulong sa droga, labag sa batas na pre-marital(hindi pa kasal) na relasyon at mga kahihitnan na maaring mas malala pa.

Ang susunod na hakbang na dapat gawin upang maseguro ang kapaligiran na ito ay ang mahalin ang iyong mga anak at ipakita sa kanila na mahal mo sila. Ang Propeta, mapasakanya nawa ang awa at pagpapala ng Allah, niyakap ang kanyang apong lalaki na si Al-Husain, sa harapan ni al-Aqra bin Habis, nawa ay kalugdan sila ng Allah. Si Al-Aqra ay nagsabi: "Mayroon akong sampung anak at hindi ko kailanman niyakap ang sinuman sa kanila!" Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumakaniya, ay nagsabi: "Ang hindi nagpapakita ng awa, ay hindi papakitaan awa. "[1]

Ang mga batang nakadarama ng pagmamahal ay ibabalik ang habag na kanilang natatanggap. Ito ay maliwanag sa pamamaraan ng Propeta sa pakikitungo sa mga bata. Isang araw habang ang Propeta ay nagdarasal, pinalawig niya ang kanyang pagpapatirapa at ang mga Kasamahan niya ay nagsimulang mag-alala; pagkalipas ng ilang sandali, ipinagpatuloy ng Propeta ang pagdarasal nang karaniwan. Siyempre, tinanong ng mga Kasamahan niya ang Propeta tungkol sa matagal na pagpapatirapa; Sinabi nila: "O Sugo ng Allah, pinahaba mo ang pagpapatirapa at naisip namin na ikaw ay nakatanggap ng pahayag o na may isang bagay na masama na nangyari sa iyo!" Siya ay ngumiti at sinabi: "Wala ni isa sa dalawa, ngunit ang aking apong lalaki ay umakyat sa aking likod at hindi ko gustong paikliin ang kanyang kasiyahan. "[2]

Ang isa pang hakbang para sa isang 'masaya' na tahanan ay ang pagiging magkatuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga bata. Madalas nating nasasaksihan ang isa sa dalawang sa mga magulang na nagiging mas malapit, habang ang isa ay nagiging malayo. Ang isang bata na pinalaki sa pag-ibig at pagmamahal mula sa parehong mga magulang ay umuunlad ng mas malaking antas sa kaisipan, pag-uugali kaysa sa isa na mayroon lamang isang magulang.

Oras ng pag-aaral

Ang isang tahanan na walang tamang kaalaman sa Islam ay isang tahanan ng kawalan ng pag-asa at gabay. Ang pag-aaral ng deen ay makakatulong sa paggabay at pagpapalaki ng mga bata upang maging mga matuwid na Muslim. Ang 'oras ng pag-aaral' na ito ay dapat magkaroon ng mga aral mula sa Quran, Sunnah at mga kuwento ng mga sinaunang matutuwid o mabubuting mga tao.

Kung ang mga magulang ay hindi sanay sa pagbabasa ng Quran, dapat nilang ipa rehistro sila sa pag aaral ng Quran sa isang lokal na Moske. Kung ang mga magulang ay mapalad na makahanap ng isa sa kanilang lugar, hindi sila dapat huminto doon; ito ay simula pa lamang. Ang buong pamilya ay dapat magpatuloy na magsumikap na mag-aral ng Islam nang sama-sama. Dahil sa pagkakaroon ng maraming mga mapagkukunan ngayon, hindi ito dapat maging isang problema. Mayroong maraming mga website tulad ng (newmuslims.com) na nagbibigay ng mahahalagang, pangunahing mga aral ng Islam sa isang madaling, tuwirang pamamaraan.

Mahalaga na ang mga magulang ay magbahagi ng oras, bawat linggo, kung saan nagkakasama ang pamilya at natututo nang sama-sama. Makakatulong ito upang patatagin ang bahagi ng pamilya. Hindi dapat madama ng mga bata na ang proseso ng pag aaral ay "mahirap", habang ang mga nakakatanda ay nakikibahagi sa proseso.

Dahil sa maraming mga sagabal sa ating lipunan, ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay dapat na maging kawili-wili. Ang mga magulang ay dapat gawing kakaiba ang pagtuturo at magturo sa isang masayang pamamaraan; maging sa pamamagitan ng laro o sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga premyo sa pinaka maraming natamo.

Ang mga magulang ay laging maghangad na maging mas mahusay ang kanilang mga anak kaysa sa kanilang sarili. Ang saloobing ito ay isa sa pinakamabuti, ngunit hindi dapat humantong ang mga magulang sa labis na paghahangad . Ang kapanatilihan at pagpupursige ay ang susi sa tagumpay.

Pakinggan ang iyong mga Anak

Sa isang lipunan sa Kanluran, ganap na mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na linya ng pakikipag-usap sa iyong mga anak. Ang mga bata ay kailangang marinig at maintindihan at kailangan ng mga magulang na tingnan kung ano ang sinasabi nila habang hindi hinuhusgaan kaagad.

Kung ang mga bata ay makaramdam na sila ay ligtas na magbukas o magsabi sa kanilang mga magulang kapag mayroon silang mga problema, at kung sa palagay nila 'malaya' sila magtanong kapag sila ay may pag-aalinlangan, ito ay nagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magulang at ng kanilang mga anak, ito rin ay naglalayo ng mga negatibong impluwensya na maaaring makaapekto sa bata sa kritikal na yugto ng paglaki.

Marami sa mga magulang ang nagsasalita sa kanilang mga anak, ngunit kinaliligtaan na makinig, iniiwan ang kanilang mga anak sa kanilang sariling mga aparato at pinipilit silang gumawa ng kanilang sariling mga desisyon kapag kailangan nila ng patnubay. Kung palagi mo silang pinapasali sa mga bagay bagay at desisyon sa inyong tahanan, mas bababa ang pagkakataon na sila ay mapadpad sa maling landas, InshaAllah.

Ang pakikinig sa iyong mga anak ay isang napakahalagang kasangkapan na mapanghahawakan ng mga magulang; Nagsisilbi ito bilang isang 'reality check'(pagpapaalala kung ano ang nangyayari sa aktwal na mundo) dahil ang mga bata ay isang salamin ng pag-uugali ng kanilang mga magulang.

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang patibayin ang ugnayan na ito sa pagitan ng mga bata at mga magulang ay sa pamamagitan ng talambuhay ng Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya. Ang mga kuwento ay maaaring basahin bago ang oras ng pagtulog at maaaring itanong sa mga bata kung ano ang kinagiliwan nila patungkol sa kuwento. Maaari rin hilingin sa kanila na gawin ang mga pangunahing aral mula sa mga kuwento sa kanilang sariling buhay. Maaari silang makagawa ng mas mahusay na mga desisyon para sa kanilang sarili, tumayo laban sa mga maling gawain, at magagawa nilang ipahayag ang kanilang opinyon ng mas epetibo.


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Ahmed

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7