Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
Deskripsyon: Ang pagpapatuloy ng maikling talambuhay ng kasamahan, kaibigan at biyenan ni Propeta Muhammad, si Abu Bakr.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,137 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin:
·Upang maunawaan ang kahalagahan ng papel ni Abu Bakr sa kasaysayan ng Islam.
·Upang makilala ang mga natatangi na relasyon sa pagitan ng Propeta Muhammad at ni Abu Bakr.
Terminong Arabik:
·Kabah - Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
·Zakah - obligadong kawang-gawa.
·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, ng walang pagtatangi ng kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
Si Abu Bakr ang tagapagtanggol. (pagpapatuloy)
·Ang dalawang magkaibigan na si Abu Bakr at Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagkikita bawat araw at araw-araw ang kanilang pagkakaibigan ay lumalago. Nadama ni Abu Bakr na tungkulin niyang ipagtanggol si Propeta Muhammad. Isang araw habang nagdarasal sa Kabah, sinalakay si Propeta Muhammad. Isang pagtatalo na nagsimula bilang pangungutya na mabilis umakyat sa isang pisikal na pang-aabuso. Nang ipinaalam kay Abu Bakr, siya ay tumakbo sa Kabah at nilagay ang kanyang sarili sa gitna ng labanan at sumigaw, "Papatayin ninyo ba ang isang tao sa pagsasabi na ang Allah ay kanyang Panginoon". [1] Ang mga taga-Mecca ay kagyat na nasindak ngunit pagkatapos ay nabaling kay Abu Bakr ang panggugulpi, na sa sobrang lubha maraming dugong dumaloy at nagulo ang kanyang buhok. Kahit na pinalo hanggang nawalan ng malay ang sunnah ay pinapaalam sa atin na ang unang mga salita ni Abu Bakr noong nagkamalay ay ang agarang pagtatanong tungkol sa kondisyon ni Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya
·Sa isa pang pangyayari nang dumadalangin si Propeta Muhammad sa Kabah isa sa mga lider ng Mecca ay naglagay ng isang pirasong tela sa paligid ng kanyang leeg at sinimulang sakalin siya. Maraming tao ang nanonood pero walang nagmatapang pigilan ang pang aapi maliban kay Abu Bakr, na nagmadali at nakipaglaban sa taong umaatake sa kanyang minamahal na kaibigan.
Paglipat ni Abu Bakr.
·Isang araw sa kainitan ng tanghali, dumalaw si Propeta Muhammad sa tahanan ni Abu Bakr. Inihayag niya sa kanyang kaibigan na binigyan siya ng pahintulot ng Allah na umalis sa Mecca. Sinabi ni Aisha na ang kanyang ama ay napaluha nang marinig niya na siya ay magiging kasama ni Propeta Muhammad sa paglalakbay. Hindi siya napaluha sa takot kundi sa kagalakan. Nananaig sa damdamin ni Abu Bakr na siya ang magiging kasama at tagapangalaga ng Sugo ng Allah.
Nang gabing iyon, lumakad ang Propeta at si Abu Bakr sa mga madidilim na disyerto, at pinangalagaan sila ng Allah sa pamamagitan ng isang sapot ng panlilinlang. Si Abu Bakr at si Propeta Muhammad ay patungo sa Yathrib (ngayon ay pinangalanang Medina) ngunit nalaman ng mga taga-Mecca at naguumapaw sa galit at hinahanap sila sa lahat ng dako, kaya nagtago sila ng tatlong gabi sa isang kuweba sa timog ng Mecca. Ang grupong naghahanap sa kanila ay nakarating ng sobrang lapit sa kanila na halos nakikita na ni Abu Bakr ang harapan ng kanilang mga sapatos. Nakatayo sila sa labas ng kuweba ngunit hindi pumasok sapagkat binulag sila ng Allah na makita ang pasukan.
Si Abu Bakr ang mandirigma.
·Ang unang labanan na nakibahagi ang bagong Muslim na nasyon ay Ang Labanan ng Badr; ang kalalakihan ay tumanggi na pahintulutan si Propeta Muhammad sa mga linya sa harap at gumawa para sa kanya ng isang silong sa likuran ng mga pulutong. Si Abu Bakr ay nagkusang magbantay sa kanyang Propeta. Walang sinuman ang nagnais gawin iyon, marahil dahil gusto nilang maging kasama sa labanan; gayunpaman, naunawaan ni Abu Bakr na ang buhay ni Propeta Muhammad ay ang pinaka mahalaga. Habang si Propeta Muhammad ay nasa silong, makikita si Abu Bakr na naglalakad na papunta at pabalik, na ang kanyang tabak (sword) ay nakalabas, handa na ipagtanggol ang kanyang kasama. Mayamaya sa labanan, pinangunahan ni Propeta Muhammad ang kalagitnaan ng batalyon at si Abu Bakr ang kanang kamay.
·Noong 630 CE nagpasiya si Propeta Muhammad na manguna sa isang ekspedisyon sa Tabuk sa paligid ng Syria. Malaking pangangailangan ng mga hayop at kagamitan ay kinakailangan para sa ekspedisyon kaya si Propeta Muhammad nag-anyaya ng mga pagaambag at mga donasyon mula sa kanyang mga tagasunod. Sinasabi sa sunnah na ibinigay ni Abu Bakr ang lahat ng kanyang kayamanan upang tustusan ang labanan na ito. Nang tanungin siya ni Propeta Mohammad kung magkano ang kanyang naibigay na sinabi ni Abu Bakr, "Nadala ko ang lahat ng mayroon ako. Iniwan ko na lamang ang Allah at Kanyang Propeta para sa aking sarili at sa aking pamilya ".[2]
Si Abu Bakr ang Khalifa.
·Pinamunuan ni Abu Bakr ang mga Muslim sa pinakamalubha at mahihirap na oras na naharap sa Ummah. Si Propeta Muhammad ay namatay at ilang bilang ng mga tribo ay nagrebelde sa pamamagitan ng pagtangging bayaran ang zakah. Kasabay nito ay may mga huwad na nagaangkin ng pagkapropeta at nagsimulang magrebelde. Sa ilalim ng mga kalagayang ito, maraming nagpayo kay Abu Bakr na pumayag na lamang ngunit hindi siya sumang-ayon at iginiit na walang pagkakaiba sa pagitan ng alinman sa mga haligi ng Islam lalo na sa paghahambing ng zakah sa pagadarasal. Sinabi niya na ang anumang pagpapaubaya para sa kanila ay magpapaguho sa mga pundasyon ng Islam. Ang mga nagrerebeldeng tribo ay sumalakay, gayunpaman ang mga Muslim ay handa at ang kanilang pagtatanggol ay matagumpay na pinamunuan ni Abu Bakr, ang Khalifa mismo. Pinilit din ni Abu Bakr ang mga huwad na nag-aangkin ng pagkapropeta na bawiin ang kanilang mga pag-angkin at karamihan sa kanila ay sumuko sa kalooban ng Allah sa pamamagitan ng muling pagsali sa Ummah.
Si Abu Bakr ay namatay noong Agosto 634 sa edad na animnapu't tatlo. Siya ay inilibing sa tabi ng kanyang mahal na kaibigan at pinuno, si Propeta Muhammad. Sa kanyang maikling pagiging Khalifa na dalawampu't pitong buwan pinalakas niya ang Muslim na Ummah mula sa mga panganib na nagbabadya sa pag-iiral nito.
Ang pag-ibig at debosyon ni Abu Bakr kay Propeta Muhammad ay inaalaala ng mataimtim kahit na pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang ika-apat na Wastong Pinatnubayan na Khalifa, si Ali ibn Abi Talib ay nagsalita sa libing ni Abu Bakr at pinasiya ang mga nagdadalamhati ng mga kuwento ng kanyang katapangan. "Inalalayan mo siya (Propeta Muhammad) nang ang iba ay iniwan siya, at nanatiling matatag ka sa pagtulong sa kanya sa mga kapahamakan nang ang iba ay inalis ang kanilang suporta. Mayroon kang pinakamababang boses ngunit pinaka kakaiba. Ang iyong pangungusap ay pinaka-kapuri-puri at ang iyong pangangatwiran ang pinaka-makatarungan; ang iyong katahimikan ay pinakamahaba, at ang iyong pananalita ay ang pinaka mahusay. Pinaka matapang sa mga tao, at mahusay sa kaalaman tungkol sa mga bagay, ang iyong pagkilos ay marangal. "
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman