Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
Deskripsyon: Isang maikling talambuhay ng kasamahan, kaibigan ng Propeta Muhammad at ang ikalawang Wastong Pinatnubayan na Khalifa ng Islam.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 97 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,557 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin:
· Upang mapag-aralan ang buhay ni Umar ibn Al-Khattab at maunawaan ang kahalagahan ng papel niya sa kasaysayan ng Islam.
Terminong Arabik:
·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan sinusulat na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.
·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
·Kabah - Ang hugis-kuwadrado na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi itong bilang tuunan ng direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Rashidun – Yaong mga wastong pinatnubayan. Partikular na, ang isang kolektibong termino na tumutukoy sa unang apat na Khalifah.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
Ang ikalawa ng mga Wastong Pinatnubayan (Al-Khulafa 'Ar-Rashidun) ay si Umar ibn Al-Khattab. Siya rin ang unang tao na nakakuha ng titulong Kumander ng mga Matatapat. Si Umar ay nanunungkulan sa pamumuno ng Ummah pagkamatay ni Abu Bakr. Ang taon ay 634 CE at si Umar ay namuno nang halos 10 taon.
Si Umar ay ipinanganak sa isang ordinaryong pamilya (middle class), humigit-kumulang 11 taon pagkatapos ng kapanganakan ni Propeta Muhammad. Siya ay pinag malupitan sa kanyang paglaki, ang kanyang ama ay binubugbog siya kapag naisip niya na kinakailangan at minsan pinag tatrabaho ang kanyang anak na lalaki sa punto ng sobrang pagkapagod. Sa kabila nito ay edukado si Umar, isang hindi pangkaraniwang kasanayan bago ang Islamikong Arabia, at lumaki na isang matangkad, matipunong lalaki na kilala dahil sa kanyang mabangis na kilos at talento sa pakikipagbuno.
Habang si Umar ay lumalaki dinagdagan niya ang maliit na kita niya mula sa pagpapastol para sa kanyang ama at mga tiyahin, sa pamamagitan ng pakikisali sa paligsahan ng pakikipagbuno. Ang kanyang husay ay nadagdagan at gayon din ang kanyang katalinuhan sa negosyo. Sa panahong si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsimula sa pagtawag sa mga tao sa Islam ng lantaran, si Umar ay isang matagumpay na mangangalakal at negosyante.
Ang daan ni Umar sa katotohanan ay nagsimula sa isang matinding galit sa Islam. Si Umar ay isa sa mga kalalakihan sa Mecca na itinuturing ang Islam na isang balakid sa paglago ng ekonomiya at katatagan nito, kaya ginamit niya ang kanyang mabagsik na lakas at impluwensiya upang kutyain ang bagong relihiyon at siya rin ay nakikibahagi sa pang-aabuso at pagpapahirap ng ilan sa mga mahihinang Muslim. Napakatindi ng galit ni Umar para sa Islam na nagkusa siyang patayin si Propeta Muhammad at sa gayon ay wakasan ang mga pagbabago na nagaganap sa Mecca.
Ang kumpletong kuwento ng pagbabalik-loob ni Umar sa Islam ay matatagpuan sa maraming mga website. [1] Gayunpaman alang-alang sa buod maaari nating sabihin na pinigilan siya ng Allah mula sa pagpatay kay Propeta Muhammad at sa halip nahulog ang kanyang puso sa pamamagitan ng magandang tinig ng pagbabasa ng Quran. Nang ipahayag ni Umar ang kanyang layunin sa pagpatay kay Propeta Muhammad may isang batang mananampalataya ang sinubukang ibaling siya sa pamamagitan ng pagsisiwalat na ang sariling minamahal na kapatid niyang babae at ang kanyang asawa ay nagbalik-loob sa Islam. Naging mabisa ito at si Umar nagbago ng layunin. Si Umar ay sobrang galit sa pagkakabaliktad ng mga pangyayari na kanyang nilatigo ang kanyang kapatid na babae at naging sanhi ng kanyang pagkasugat, at pagdaloy ng dugo, pagkatapos niyang manakit gayunpaman pagkaraan ng ilang mga minuto natanto ni Umar kung paano niya halos sinaktan ang kanyang kapatid na babae at nanahimik. Hiniling niyang pakinggan ang mga bahagi ng Quran na binabanggit ng kanyang kapatid na babae bago siya sumalakay sa kanilang bahay.
Ang mga mata ni Umar ay napuno ng mga luha ng pagsisisi at kagalakan at nagmadali siyang pumunta kay Propeta Muhammad para sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa Islam at Sugo ng Allah. Ilang mga araw, pinangunahan ni Umar ang isang grupo ng mananampalataya pagtungo sa Kabah kung saan sila ay nagdasal nang hayagan. Ang Islam ay pinalakas ni Umar; ang kanyang mabangis na kapootan ay naging pag-ibig at ipinahayag niya na ang kanyang buhay at ang kanyang kamatayan ngayon ay pag-aari ng Allah at ng Kanyang Sugo, si Muhammad. Ang unang dalawang Rashidun, Abu Bakr at Umar ibn Al-Khattab ay naging malapít na mag magkaibigan at sila ang dalawang kasamahan na pinakamalapit kay Propeta Muhammad. Sinabi ni Ali ibn Abi Talib na si Propeta Muhammad ay umaalis sa umaga kasama si Abu Bakr at Umar at siya ay magbabalik sa gabi kasama sina Abu Bakr at Umar.
Si Umar ibn Al-Khattab ay isang banal at mapagbigay na tao. Madalas niyang gugulin ang mga gabi sa pagsamba, at siya ay isang matapat na mananampalataya sa pangako ng Allah na Paraiso. Mabilis na ginugol ni Umar ang kanyang kayamanan para sa landas ng Allah at upang maging kapaki-pakinabang sa mga mananampalataya. Minsan si Umar ay namahagi 22,000 dirhams sa mga nangangailangan at merong ugali ng pagbibigay ng mga supot ng asukal. Nang tanungin si Umar kung bakit ipinamahagi niya ang asukal sinabi niya, "Dahil mahal ko ito at sinabi ng Diyos, 'Sa anumang kaparaanan ay hindi ninyo maaabot ang Al Birr (kabanalan, katuwiran, atbp., ang ipinapakahulugan dito ay ang gantimpala ng Allah, ang Paraiso), maliban na gugulin ninyo (sa Kapakanan ng Allah) ang mga bagay na inyong minamahal; at anumang bagay na inyong gugulin, ang Allah ay ganap na nakakaalam nito.’ (Quran 3:92)”
Si Umar ang pinakamahusay sa kabutihan pagtapos ng mga Propeta at ni Abu Bakr. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Sundin ang halimbawa ng dalawa na sumusunod sa akin, Abu Bakr at Umar. [2] Ang Sunnah ay puno ng mga halimbawa ng mga katangian ni Umar ibn Al-Khattab kasama ang malalim at makabuluhang pahayag mula kay Propeta Muhammad. "Sa lahat ng mga nasyong dumating bago sa inyo ang ilan ay binigyan ng inspirasyon; kung meron man mula sa aking Ummah ang dapat na mabigyan ng inspirasyon, magiging si Umar. "[3]
Minahal ni Umar si Propeta Muhammad nang labis na siya ay desididong manatili malapit sa kanya sa lahat ng mga labanan na kung saan ang mga hukbong Muslim ay nakilahok. Malalaman natin na si Umar ay naroroon sa unang labanan, ang labanan ng Badr at lahat ng iba pang mga laban kung saan ang Sugo ng Allah ay naroroon. Si Umar ay isang kahanga-hanga na tao at isang mahusay na pinuno; sa katunayan ang kanyang pananampalataya, kaalaman, talino, saloobin at impluwensya ay lahat katangi-tangi at lahat ay batay sa kanyang matibay na kaugnayan sa Allah at sa Kanyang Sugo.
Nang mamatay si Propeta Muhammad ang buong Ummah ay nalagay sa kalagayan ng pagsindak. Mas lalo na si Umar, natagpuan niya ang kanyang sarili na ligaw at nawalan ng kontrol, at tumangging maniwala na si Propeta Muhammad ay namatay na ngayon. Inako ni Abu Bakr ang mga bagay-bagay sa kanyang sariling mga kamay at pinalayo ang mga tao mula kay Umar. Sa kanyang tanyag na pahayag siya (Abu Bakr) ay nagsabi, "Sinuman sa inyo ang sumamba kay Muhammad, alamin niyo na si Muhammad ay patay na, ngunit ang sinumang sumamba sa Allah, alamin niyo na ang Allah ay buhay at hindi kailanman mamamatay." Pagkatapos ay binanggit niya ang Qur'an 3: 144 na nagsasabing, "Si Muhammad ay hindi hihigit pa sa isang Sugo, at katotohanang (marami) ng Sugo ang pumanaw nang una pa sa kanya. Kung siya ay namatay o napatay, kayo ba ay tatalikod sa inyong mga sakong (bilang hindi mananampalataya)? At siya na tumatalikod sa kanyang sakong, walang anumang katiting na kapinsalaan ang magagawa niya sa Allah, at ang Allah ang magbibigay ng gantimpala sa mga may damdamin ng pasasalamat."Ang mga tao ay nahimasmasan, na tila hindi pa nila narinig ang talatang ito dati, na siyempre sila ay nagkaroon na bago pa. Lahat sila sa kanilang kalungkutan ay nagsimulang bigkasin ito. Sinabi ni Umar na nang marinig niya si Abu Bakr na binibigkas ito nagsimula siyang makaramdam ng pagkahilo at nahulog sa lupa. Naunawaan na niya na si Propeta Muhammad ay patay na.
Nang si Abu Bakr ay naging una sa mga Wastong Pinatnubayan na mga Khalifa, Si Umar ay dali-daling sumumpa ng katapatan sa kanya at para narin hikayatin ang iba na gawin ito kaya't nanumpa siya ng katapatan sa publiko. Hindi alam ni Umar ibn Al-Khattab na sa loob lamang ng dalawang taon ay tatayo siya sa harapan ng Ummah bilang ikalawang Khalifah.
Ipagpapatuloy sa Bahagi 2
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman