Naglo-load...

Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang pamilya ay isa sa mga sentro sa pagsasaayos ng institusyon sa lipunan ng mga Muslim. Ang dalawang bahaging aralin na ito ay nagbibigay kaalaman patungkol sa sentrong damdamin ng buhay-pamilya na nagpapaliwanag sa kalikasan at kahulugan ng institusyon na ito ng lipunan. Unang bahagi: Ang mga pangunahing kaalaman at layunin ng pag-aasawa, kasal sa pagitan ng dalawang magkaibang paniniwala, at karapatan ng mag-asawa sa isa't-isa.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 06 Aug 2022

Nai-print: 86 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,950 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin

·Matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa pag-papakasal at pamilya sa Islam.

·Matutunan ang layunin ng pag-pagpapakasal

·Maging pamilyar sa alituntunin ng Islam patungkol sa pagkasal ng magkaibang paniniwala.

·Mapahalagahan ang mga karapatan ng asawang lalaki at asawang babae sa isa't-isa.

Termonolohiyang Arabik

·Mahr - dowry, regalo sa kasal, binibigay ng lalaki sa kanyang asawa.

Ang pamilya ay isa sa mga sentral na institusyon sa lipunan. Sa Islam ang pamilya ay itinayo sa pamamagitan ng kasal. Ang kasal ay isang legal na pagsasaayos sa Islam, hindi isang sakramento tulad ng sa Kristiyanismo, at pinagtibay ng isang kasulatan. Ang pag-aasawa ay tungkol sa katatagan, katapatan, seguridad, at karampatang gulang. Ang buhay mag-asawa ay tanda ng awa, pagmamahal, at habag tulad ng sinabi ng Allah: (ayon sa salin ng kahulugan)

“ At inilagay Niya sa inyong mag-asawa ang pag-ibig at awa sa isa't isa." (Quran 30:21)

Ang sentrong damdamin ng buhay-pamilya na nagpapaliwanag sa likas at kahulugan ng institusyong ito ng lipunan ay pagmamahal, pangangalaga, at pagiging maasahan kung saan makakakita ng pagkalinga ng mag-asawa sa isa't-isa:

"Siya ang lumikha sa inyo mula sa isang kaluluwa at mula sa kanya ay nilikha ang kanyang asawa upang madama niya ang kaginhawaan at kapanatagan" (Quran 7:189) (ayon sa salin ng kahulugan)

“Kayo ay tulad ng damit para sa kanila, at sila ay tulad ng damit para sa inyo.” (Quran 2:187) (ayon sa salin ng kahulugan)

Ang Layunin ng Pagpapakasal

1. Ang sekswal na pakiramdam ay normal na emosyon ng tao. Ang Islam ay hindi ito tinututulan o tinitingnan na may panghahamak. Nagbibigay-daan ito na matugunan ang sekswal na pangangailangan na hindi sinisira ang responsibilidad na pang-lipunan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sekswal sa loob ng kasal.

2. Ang taong mag-isa ay masyadong mahina para magpatuloy sa kanyang buhay ng mag-isa. Ang katuwang sa buhay sa katauhan ng isang asawa ay kahati sa saya at mga problema sa buhay. Ang kasal ay nagbibigay ng sosyal na suporta na kinakailanagan ng isang tao sa lipunan. Ang kasal ay nagbibigay kahulugan at nagtatakda ng sarili, taimtim na pakikipagrelasyon laban sa likod ng senaryo sa walang pasubaling byurukrarasiya ng makabagong sosyudad.

3. Ang pamilya ay patungkol sa pagpapatuloy at pagpaparami. Ang pag-aasawa ay may tungkulin sa pagpapalaki ng susunod na henerasyon at pagpapasa sa kanila ng kahalagahan at karunungan ng nagdaang henerasyon.

4. Iniingatan ng kasal ang angkan, isinasaayos ang pagpaparami at nakakasegurado sa pakikisalamuha ng mga batang ipinanganak sa isang pamilya. Sa Islam, hindi lamang ang ina ang responsable sa pagpapalaki ng mga anak, ang ama ang pinaka-responsable para sa kanila. Bawat bata ay dapat na isunod sa pangalan ng kanyang ama, para hindi magkahalo-halo ang mga lahi dahil sa kawalan ng ayos ng mga ugnayan sa lipunan. Sa pamamagitan ng kasal, ang mga tao ay napagsasama at nabibigyan ng panlipunan at legal na kapahintulutan na ipagpatuloy ang kanilang pangalan at tradisyon sa kanilang mga anak.

Kasal sa Pagitan ng May Magkaibang Paniniwala

Ang paniniwala ay ang pinaka-mahalagang pagkakapareho para sa isang Muslim sa pagpili ng mapapangasawa. Ang mga Muslim ay hindi maaaring magpakasal sa isang hindi Muslim. Ang tanging iksemsyon ay ang isang lalaking Muslim ay maaring magpakasal sa isang Hudyo o Kristiyanong babae sa ilang kondisyon. Sila ay hindi maaaring ikasal sa iba pang babaeng di Muslim liban na lang sa mga Hudyo at Kristiyano. Magka gayunpaman, ang kalinisang-puri ay isa sa mahalagang kondisyon. Ang isang babae na birhen, hiwalay sa asawa, o biyuda lamang ang maaring pakasalan.

Ang dahilan sa limitasyon ng pahintulot na pakasalan ang mga taong mula sa ibang paniniwala ay ibinigay sa lalaki ito ay sa kadalhilanan na kailangang maprotektahan ang paniniwala ng mga kababaihang Muslim. Kung hingiin ng isang lalaking muslim sa kanyang asawa na huwag magsuot ng mga kasuotang hindi nararapat o huwag makipag-beso sa kanyang mga kaibigang lalaki - na siyang nakasanayan sa Kanluran - maari niya itong sundin na hindi naapektuhan ang katuruan ng kanyang paniniwala. Ngunit ang hiling ng isang kristiyanong lalaki sa kanyang asawa na bumili ng alak, silbihan siya ng baboy, magsuot ng mga kasuotang nagpapakita ng laman, o humalik sa kanyang mga kaibigan ay napapaloob sa pagsuway sa Allah, samakatuwid magiging kasiraan sa kanyang pagsasabuhay ng kanyang paniniwala. Bukod pa rito, hindi kanaisnais sa isang lalaking Muslim na magpakasal sa isang Hudyo o Kristiyano kung ang uri ng pang-gobyerno ay hindi Muslim at kokonti lamang ang mga Muslim. Kung ang kanilang kasal ay mauwi sa paghihiwalay, o ang asawang lalaki ay bawian ng buhay, kadalasang ibinibigay ng husgado ang kustodiya ng mga anak sa ina na siyang magpapalaki sa kanila bilang hindi mga Muslim.

Mga Karapatan ng Asawa

Malinaw na nagtakda ang Islam ng mga karapatan at responsibilidad sa bawat isa upang mapanatili ang pagsasama ng mag-asawa. Ang katotohanang ito ay binanggit sa Quran:

“At sila (ang kababaihan) ay mayroong karapatan (sa kanilang asawa na sila ay pangalagaan, katulad ng gastusin sa bahay, atbp.), gayundin naman (ang kalalakihan) sa kanilang (mga babae) pakikitungo (pagsunod at paggalang), sa paraang makatuwiran, datapuwa’t ang kalalakihan ay nakakahigit sa kanila (sa pananagutan)...” (Quran 2:228) (ayon sa salin ng kahulugan)

Sa kabuuhan, ang asawang lalaki ay may higit na karapatan kaysa sa kanilang mga asawa dahil sa kanilang papel sa pamilya, tulad ng ang magulang ay mas may karapatan kaysa sa kanyang mga anak, ang pinuno ay mas may karapatan kaysa sa nakararami, at iba pa. Ang asawang lalaki ang responsableng pamunuan ang pamilya.

Gayun paman, ang pamumuno ay base sa kung ano ang mapagkakasunduan, hindi sa kung ano ang idinikta. Ang pagpapaalam ng mga usaping pang-pamilya - sa paglutas sa bata mula sa pagsuso - hinihikayat sa Quran na ito'y pagkasunduan:

“Kung sila ay kapwa nagpasya sa pag-awat (sa pagpapasuso) sa kanya, sa magkapanabay na pahintulot, ito ay hindi kasalanan sa kanilang dalawa.” (Quran 2:233) (ayon sa salin ng kahulugan)

Hinihikayat ng Quran ang mag-asawa na mamuhay na may kabutihang-loob at kumonsulta sa isa't-isa:

“At komunsulta kayo sa isa't-isa sa kabutihan.”
(Quran 65:6) (ayon sa salin ng kahulugan)


Sa madaling salita, ang karapatan ng asawang babae sa kanyang asawang lalaki ay:

(1) Mahr o ang regalo ng lalaki sa kanyang pinapakasalan na ibinibigay sa kasal.

(2) Sustentong pinansyal, kasama ang tirahan, pagkain, damit, at pag-ukulan siya ng kung ano ang katanggap-tanggap.

(3) Magandang pag-uugali at kabutihan.

(4) Pakikipagtalik

(5) Diborsyo: Ang isang babae ay maaaring humingi ng diborsyo sa kanyang asawa na iginigiit ang pagsuway sa Allah. Ang asawang babae ay maaari ding humingi ng diborsyo dahil sa malupit na pag-uugali at pisikal na pang-aabuso, o hindi pagtupad sa kanyang mga karapatan, o anumang makatwirang dahilan.


Ang karapatan ng asawang lalaki sa kanyang asawa ay:

(1) Pagiging masunurin. Ang isang lalaki ay may karapatan sa kanyang asawa na siya ay kanyang sundin sa anumang kanyang naisin hanggat ito ay naayon sa kanyang kakayahan, at hindi naglalaman ng pagsuway sa Allah. Ngunit ang isang Muslim ay hindi maaring sumunod kaninuman sa paggawa ng kasalanan, kahit pa kanyang asawa.

(2) Ang asawang lalaki ay may karapatan sa magandang pag-uugali at kabutihan.

(3) Pakikipagtalik.

(4) Diborsyo.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.