Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
Deskripsyon: Upang maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng ika-112 surah ng Quran at malaman na ito ay isang paglilinaw din ng kahulugan ng Tawheed.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 106 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,692 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Terminolohiyang Arabik:
·Ansar- mga kawani. Ang mga tao ng Medina na nagbukas ng kanilang mga tahanan, buhay at lungsod kay Propeta Muhammad at sa kanyang mga tagasunod mula sa Mecca.
·Aayaat - (isahan - ayah) ang salita aayaat ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Ito ay halos palaging ginagamit kapag pinag-uusapan ang mga patunay mula sa Allah. Kabilang dito ang mga ebidensiya, mga talata, mga aralin, mga palatandaan, at mga pahayag.
·Tawheed - Ang Kaisahan at Kaibahan ng Allah ng may paggalang sa Kanyang Pagkapanginoon, Kanyang mga Pangalan at Katangian at sa Kanyang karapatan na sambahin.
·Ikhlas - katapatan, kadalisayan o paghihiwalay. Ang ibig ipakahulugan nito sa Islam ay paglilinis ng ating mga motibo at intensyon para sa kaluguran ng Allah. Ito rin ang pangalan ng ika-112 kabanata ng Quran.
·Surah – kabanata ng Quran.
·Shahadah - Patotoo ng Pananampalataya.
·Rakah - yunit ng pagdarasal.
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
Ang Surah 112 Al-Ikhlas (kilala rin bilang Ang Kadalisayan, Ang Katapatan o ang Surah ng Tawheed) ay apat na aayaat lamang (mga talata) ngunit ito ay sumasaklaw sa diwa ng Islam. Ang Allah ay nag-iisa at walang katulad sa Kanya.
Sabihin"Ang Allah ay Nag-iisa(Isa lang)". Allah-us-Samad (Ang walang pangangailangan, Na tanging kailangan ng lahat ng mga nilalang, Siya ay hindi kumakain o umiinom). Hindi siya nagkakaanak at hindi siya ipinanganak; At wala Siyang katulad.” (Quran 112)
Ang Surah Al-Ikhlas ay ipinahayag sa Propeta Muhammad (ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya) sa panahon ng mga unang araw ng Islam. Ang mga sumasamba sa mga anito at mga pagano ng Mecca isang araw ay lumapit at hinamon siya habang nagsasabing, "Ibigay mo sa amin ang pinang-galingan ng iyong Panginoon." pagkatapos nito ay ipinahayag ng Allah ang surah na ito.
Ang Surah Al-Ikhlas ay nagpahayag ng Kaisahan ng Allah at ang konseptong ito ay inihayag sa unang ayah. Ang ikalawang ayah ay nagpapahayag na ang Allah ay As-Samad na nagpapahiwatig na Siya ay may lahat ng mga katangian ng pagiging perpekto. Ang As-Samad ay isa sa mga Pangalan ng Allah. Ito ay nangangahulugan na isang nilalang na nakasalalay ang lahat sakanya, ngunit hindi sumasalalay sa kahit kaninuman, ito rin ay nagpapahiwatig na ang Allah ay hindi katulad ng Kanyang nilikha. Ang ikatlong ayah ay naglalarawan na Siya ay hindi nagka-anak ni hindi rin Siya ay ipinanganak at ang huling ayah ay nagpapahayag na ang Allah ay walang katulad. Direktang sinusuportahan ng Surah Al-Ikhlas ang unang haligi ng Islam, ang shahadah. "Walang tunay na diyos maliban sa Allah".
Ang Surah al-Ikhlas ay isang pag-tiyak ng pagiging isa ng Allah at sa gayon ay tinatanggi nito ang lahat ng anyo ng pagsamba sa anito at idolatarya . Ito ay napakahalaga sapagkat ang pundasyon kung saan itinayo ang ating pananampalataya ay sa ganap na paniniwala na ang Allah ay Iisa. Ang paniniwala sa isang Diyos ay nangangahulugan ng katiyakan. Ang mga Muslim ay sumasamba sa Allah lamang, Siya ay walang mga kasosyo, kasama, o kawani. Ang pagsamba ay para lamang sa Allah, sapagkat Siya lamang ang tanging karapat-dapat sa pagsamba.
Ang Surah al-Ikhlas ay isa sa mga unang surah na karamihan sa mga Muslim ay naaalalang nakabisado at napag-aaralan noong sila ay mga bata pa lamang at ito ay totoo rin para sa mga nagbalik-loob sa Islam. Matapos matutunan ng isang tao ang mga pangunahing kaalaman sa limang pang-araw-araw na pagdarasal, kadalasang gustung-gusto nilang bigkasin ang mas maiikling mga surah ng Quran sa kanilang mga pagdarasal, at halos karaniwan ang surah Al-Ikhlas ay isa sa kanila.
Ang pagbibigkas ng surah Al-Ikhlas ay maaaring maging paraan ng pagtamo ng Paraiso at pagkamit ng pagmamahal ng Allah. Mula sa ahadith makikita natin ang ilan sa maraming mga benepisyo ng pagmamahal, pagbibigkas at pamumuhay na nakabalangkas sa maikling surah na ito.
Si Propeta Muhammad ay nagpadala ng isang lalaki para maging pinuno sa isang ekspedisyon. Sa panahon ng paglalakbay, sa bawat pagdarasal, siya ay nagtatapos sa pamamagitan ng pagbabasa ng surah Al-Ikhlas sa Quran. Sa kanilang pagbabalik ang kanyang mga kasama ay binanggit ito kay Propeta Muhammad, na sumagot, "Tanungin siya kung bakit niya ginawa". Nang tanungin ang tao, sumagot siya, "Sa surah na ito ay ang mga katangian ng Maawain na Allah ay ipinahahayag; samakatuwid, gustung-gusto kong bigkasin ito muli at muli. "Nang marinig ng Propeta Muhammad ang sagot na ito, sinabi niya sa mga tao," Ipagbigay-alam sa kanya na labis siyang minamahal at pinahahalagahan ng Allah "[1]
Ang isang lalaki mula sa mga Ansar ay namuno sa mga pagdarasal sa Moske ng Quba. Ang kanyang nakasanayan na sa bawat rakah una niyang binabasa ang surah Al-Ikhlas at pagkatapos nito ay magdagdag ng isa pang surah. Ang mga tao ay sumalungat dito at sinabi sa kanya, "Sa tingin mo ba na ang surah Al-Ikhlas ay hindi pa sapat? Bakit nagdaragdag ka pa ng ibang surah dito? Dapat mong bigkasin lamang ang surah na ito, o iwanan ito at bigkasin ang ilang iba pang mga surah. Sinabi niya: "Hindi ko maiwanan ito; sa halip, mas gugustuhin kong isuko nalang ang pamumuno sa mga pagdarasal. "Hindi gusto ng mga tao ang sinuman na mamuno (sa pagdarasal), kaya sinabi nila ito kay Propeta Muhammad. Tinanong niya ang lalaki, "Ano ang pumipigil sa iyo sa pagsuko ng nais ng iyong mga kasamahan? Ano ang dahilan kung bakit mo binibigkas ang partikular na surah na ito sa bawat rakah? "Sumagot ang lalaki," Mayroon akong dakilang pag-ibig para rito. "Sinabi ni Propeta Muhammad," Ang iyong pagmamahal sa surah na ito ay nagbigay daan sayo para mapasok sa Paraiso. "[2]
Ang Surah al-Ikhlas ay inilarawan bilang katumbas ng 1/3 ng Quran. Ang pagbigkas nito ay may kaparehong gantimpala na pagbigkas ng 1/3 ng Quran.
Sinabi ni Propeta Muhammad sa sahabah, "Magtipun-tipon sa aking harapan, sapagkat babasahin ko sa inyo ang 1/3 ng Quran." Nang sila ay nagtipon, si Propeta Muhammad ay dumating sa kanila at binigkas ang surah Al-Ikhlas, at pagkatapos ay bumalik sa kanyang bahay. Ang sahabah ay nagsimulang makipag-usap sa isa't isa tungkol dito. Sinabi ng isang tao, "Sa palagay ko ay may isang pahayag na dumating lamang sa Kanya mula sa langit. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay bumalik sa loob. "Pagkatapos ay lumabas muli ang Propeta mula sa kanyang tahanan at sinabing," Sinabi ko sa inyo na babasahin ko ang 1/3 ng Qur'an. Katunayan ito na ang 1/3 ng Quran. "[3]
Narinig ng isang tao ang isa na nagbabasa (sa mga pagdarasal): "Sabihin, 'Siya ang Allah, ang Nag-iisa.'" At binanggit niya ito nang paulit-ulit. Sa umaga ay nagpunta siya sa Propeta at ipinaalam sa kanya ang tungkol rito na parang itinuturing niya na ang pagbigkas ng surah na ito lamang ay hindi sapat. Sinabi ni Propeta Muhammad, "Sumpa man sa nasa Kaninong Kamay ang aking buhay, ito ay katumbas ng 1/3 ng Quran."[4]
Sa madaling sabi, ang surah Al-Ikhlas ay isa sa mga pinakamaikling kabanata sa Quran, gayon pa man ito ay isa sa mga pinaka malalim at nakaka antig. Ito ay isang kabanata na nagbabalangkas sa pundasyon ng pananampalataya ng isang Muslim, at ito ay katumbas ng 1/3 ng Quran.
Para sa mga nais na kabisaduhin at bigkasin ang surah Al-Ikhlas mangyaring tingnan ang web site na ito: http://www.mounthira.com/learning/surah/112-al-ikhlas/
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman