Naglo-load...

Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah

Marka:

Deskripsyon: Isang panimula sa pitong pangkat ng mga tao na malililiman sa Araw ng Paghuhukom at mas detalyadong sulyap sa unang tatlo.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,587 (pang-araw-araw na average: 5)


Layunin:

·Upang maunawaan ang mga gawain na magdudulot sa mga taong mapabilang sa pangkat ng mga malililiman sa Araw ng Paghuhukom.

Mga Terminolohiyang Arabik:

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Aayaat - (isahan - ayah) ang salitang aayaat ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Ito ay halos palaging ginagamit kapag pinag-uusapan ang mga patunay mula sa Allah. Kabilang dito ang mga ebidensiya, mga talata, mga aralin, mga palatandaan, at mga pahayag.

·Shaytan- minsan ay naibabaybay na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan ng kasamaan.

ThoseShaded01.jpg

Sa Araw ng Paghuhukom ang araw ay ibababa ng malapit. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na, "Ang araw ay ilalapit sa lupa hanggang sa ang sukat nito ay isang milya nalang ang layo at ang mga tao ay pagpapawisan ng ayon sa kanilang mga gawa ...".[1] Ang mga tao ay nakatayo magkakasama, natatakot at nahihirapan mula sa mga epekto ng init. Para sa masusuwerteng iilan ang paghihirap ay tatagal ng halintulad lamang ng mga segundo, para sa iba ay magsisimula nilang maramdaman na parang nakatayo sila sa nakakapasong sinag ng araw ng kalahati ng buong buhay nila o higit pa. Ang mga aralin na pinamagatang "Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom"[2] nilalarawan nang mas detalyado kung ano ang mararanasan ng mga tao sa Araw na iyon. Pinaliwanag nito ng maigi na mayroong pitong uri ng mga tao na nasa lilim; ang lilim ng Trono ng Allah. Sa mga araling ito, susuriin natin ng mas maigi ang mga grupo ng mga taong ito.

Si Propeta Muhammad ay nakasanayang makipag-usap sa kanyang mga tagasunod tungkol sa Araw ng Paghuhukom. Nais niya sa kanila, at sa atin na sumusunod sa kanya ngayon, na maging handa para sa kung ano ang paparating. Sa isang bantog at maraming salaysay na hadith ipinaalala niya satin ang walang hanggang habag ng Allah at pitong uri ng mga tao na tatayo nang mataimtim sa ilalim ng lilim sa Araw ng Paghuhukom.

"Ang Allah ay magbibigay ng lilim sa pitong [mga tao] sa Araw na walang lilim bukod sa lilim ng kanyang Trono: Ang isang makatarungang pinuno; isang bata na lumaki sa pagsamba sa Allah; isang tao na ang puso ay malapit sa moske; ang dalawang nagmamahalan sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah, nagpapupulong para rito(para sa Allah) at naghihiwalay para rito; isang lalaki na inakit ng isang babae na may kagandahan at posisyon (para sa pangangalunya), ngunit tumugon sa pagsasabing, 'natatakot ako sa Allah'; isang tao na nagbibigay ng kawanggawa ng palihim, na kahit ang kanyang kaliwang kamay ay hindi nalalaman ang kung ano ang ibinibigay ng kanyang kanang kamay sa kawanggawa; at sa wakas ay isang lalaki na kapag naalaala ang Allah sa kanyang sarili ay umiiyak. "[3]

Bago tayo magpatuloy, mahalaga na banggitin na sa karamihang sitwasyon kapag ang 'tao' ay nababanggit sa parehong Quran at ahadith ito ay tumutukoy sa parehong kalalakihan at kababaihan; maliban sa kung saan ang mga kababaihan o mga lalaki ay tinutukoy nang hiwalay at partikular.

1.Isang Makatarungang Pinuno.

Ang hustisya ay isang pangunahing konsepto sa Islam, kasama ang pagpapaubaya, pagpapatawad at paggalang. Ang ibig sabihin ng hustisya ay pagbibigay sa bawat tao ng mga karapatan na nararapat sa kanya, mananampalataya o hindi mananampalataya, kamag-anak o hindi-kilala, kaibigan o kaaway. Ito ay isang konsepto na dapat isagawa ng bawat Muslim, hindi lamang ang pinuno. Hinihikayat ng Diyos ang katarungan, at hinahatulan ng Islam ang lahat ng anyo ng kawalang-katarungan at pang-aapi.

“…At huwag magiging hadlang ang iyong galit sa mga tao sa pagiging makatarungan. Maging makatarungan; Ito ay mas malapit sa kabutihan”. (Quran: 5:8)

“…At hindi ninanais ng Diyos ang kawalang katarungan sa mundo” (Quran 3:108)

Ang pagiging makatarungan ay maaaring magpabigat sa pinuno, dapat siya mag-ingat sa kanyang sariling mga layunin at mga gawain at siya din ang mag-aako ng mga pananagutan para sa mga gawa na ginawa sa ilalim ng kanyang pamumuno.

2.Isang bata na lumaki sa pagsamba sa Allah.

Ang mga kabataan ang pinaka masigla at masigasig. Mayroon silang sigasig na mabuhay at tumingin sa hinaharap, pagpaplano at paglalagay ng mga pundasyon para sa isang mahaba at mabiyaya na buhay. Ang kanilang kasiglaan at kasigasigan ay malaking mga pagpapala mula sa Allah at ang mga gumagamit ng oras na ito nang wais para makakuha ng kaalaman sa Allah at pagsasagawa ng mga kilos na hindi nila maaaring magawa sa mga ibang pagkakataon sa buhay ay gagantimpalaan. Kabilang sa mga gantimpala na iyon ay ang paglililim ng Allah sa araw na wala ng lilim. Gayunpaman ang kabataan ay ang panahon na ang isang tao ay pinakamadaling matukso sa mga panlilinlang at tentasyon ng Shaytan. Maraming makamundong bagay na mga nakakaabala bukod tanging kinakalakal sa mga kabataan, kaya dapat nilang panatilihin ang kanilang mga mata sa premyo at hindi malinlang sa lahat ng mga kislap nitong walang halaga.

Pinaaalala satin nito na sa pamamagitan ng isang hadith kung saan sanabi ni Propeta Muhammad, "Samantalahin ang limang bagay bago ang limang iba pang mga bagay: ang iyong kabataan bago ka tumanda; ang iyong kalusugan, bago ka magkasakit; ang iyong kayamanan, bago ka maging mahirap; ang iyong libreng oras bago ka maging abala; at ang iyong buhay, bago ka mamatay. "[4]

3.Ang isang tao na ang puso ay malapit sa mga moske.

Sa sandaling muli, may magagandang gantimpala para sa pagdarasal sa moske. Sa iba't-ibang mga ahadith tayo ay pinaaalalahanan ng mga ito. Para sa isang taong nagdarasal sa moske ay may 27 na ulit na gantimpala kaysa sa pagdarasal sa tahanan.[5] Sinabi ni Propeta Muhammad na ang isang tao ... "ay hindi gumagawa ng isang hakbang patungo sa moske maliban na dahil dito, siya ay itinataas sa pamamagitan ng isang ranggo at isang kasalanan ay inaalis mula sa kanya. At kapag siya ay nagdarasal, ang mga anghel ay hindi tumitigil sa pagdarasal para sa kanya hangga't siya ay nananatili sa kanyang lugar ng pagdarasal at nagsasabi, 'O Allah magpadala ng mga pagpapala para sa kanya, O Allah maawa ka sa kanya' ... " [6]

Hindi nito tinatanggi ang katotohanan na ang buong mundo (maliban sa iilan) ay kanilang lugar ng pagdarasal[7]; gayunpaman ang moske ay ang puso ng komunidad. Ito ay hindi lamang isang lugar ng pagsamba kundi isang lugar ng pulong, isang institusyong pang-edukasyon, isang lugar ng mga gawain sa lipunan at isang lugar ng pahingahan.

4.Ang dalawang nagmamahalan sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah, nagpapupulong para rito(para sa Allah) at naghihiwalay para rito

Ang pagmamahal sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah ay isa pang paraan ng kalugud-lugod sa Allah, na nagtitipon ng mga gantimpala at isinasabuhay ang mga konsepto na nakadikit sa Islam. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay nagmamahal sa ibang tao dahil sa kanyang kabanalan. Hindi mahalaga kung ang tao ay mayaman o mahirap o kung ano ang nasyonalidad nila o kung anong kulay ang kanilang balat. Hindi mahalaga kung ano ang kanilang isinusuot o kung saan sila nakatira, ang mahalaga ay ang kanilang pagiging malapit sa Allah at Islam. Ang mananampalataya ay mapagparaan (tolerant) sa mga pagkakaiba at iginagalang ang iba. Ang pagmamahal sa isang tao dahil minamahal nila ang Allah ay pagmamahal sa kapakanan ng Allah.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim & Abu Dawood.

[3] Saheeh Al-Bukhari & Saheeh Muslim

[4] Iman Ahmad.

[5] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[6] Saheeh Al-Bukhari

[7] Ibid

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7