Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
Deskripsyon: Sagot sa mga katanungan na madalas itanong ng mga bagong Muslim, na naglalayong tanggalin ang pagkalito at tugunan ang kanilang mga kailangang malaman at maunawaan.
Ni NewMuslims.com
Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 121 - Nag-email: 0 - Nakakita: 18,460 (pang-araw-araw na average: 8)
Mga Layunin
·Sagutin ang mga katanungan na madalas itanong ng mga bagong Muslim upang maalis ang kanilang mga alalahanin.
Arabikong terminolohiya
·Shahadah - Pagpahayag / Patotoo ng Pananampalataya.
·Alhamdulillah – Lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah. Sa pagsasabi nito ay nagiging mapagpasalamat tayo at kinikilala natin na lahat ng bagay ay nagmula kay Allah.
·Salat ul-Jumuah - Panalangin sa araw ng Biyernes.
(1) Tinanggap ko kamakailan ang Islam, kailangan ko bang baguhin ang aking pangalan?
Hindi, hindi mo kailangang baguhin ang iyong pangalan maliban kung ang kahulugan nito ay hindi kanais-nais sa Islam. Ang Propeta, ang awa at habag ng Allah ay sumakanya nawa, ay hindi ipinag-utos sa lahat ng tumanggap ng Islam na baguhin ang kanilang mga pangalan. Dahilan sa ang mga pangalang Arabo sa pangkalahatan ay may mga kahulugan, binago lamang niya ang mga pangalan na may hindi kanais-nais kahulugan. At kung ang pangalan ay walang pangit na kahulugan sa Islam, inirerekumenda na pumili ng isang Muslim na pangalan o katawagan na nais mo at hindi na kailangang magpalit ng pangalan.
Kahit na ang iyong unang pangalan ay sumasalungat sa Islamikong mga prinsipyo at ang pagpapalit nito sa mga opisyal na dokumento ay magdudulot sa iyo ng malaking kaabalahan o pinsala, kung gayon ay sapat nang baguhin ang katawagan sayo ng iyong pamilya at mga kakilala.
Kung babaguhin mo ang iyong pangalan, huwag mong baguhin ang iyong apelyedo o pangalan ng iyong ama o angkan, kahit na ito ay hindi pinapahintulutang pangalan, baguhin lamang ang iyong unang pangalan. Ang sabi ni Allah sa Qur'an:
“Tawagin sila (kinupkop / inampon na mga anak na lalaki) sa pamamagitan ng (mga pangalan ng) kanilang mga ama, iyon ang makatarungan sa Allah.” (Quran 33:5)
(2) Ako ay hindi tuli, at bagong yakap sa Islam. Kailangan ko bang magpatuli?
Oo, ang pagpapatuli ay obligado pagkatapos mong tanggapin ang Islam. Subalit, kung hindi mo kayang magawa ito, o takot na mapinsala ka nito, maaari mong ipagpaliban ang pagsagawa nito. Kung magpasya kang isagawa ang karapat-dapat na gawaing ito ng pagsamba, hindi mo kailangang madaliin ang iyong sarili para maisagawa ito. kailangang tiyaking mabuti ang husay at kakayahan ng seruhano (surgeon) na magsasagawa ng pagtutuli bago ito gawin. Ang sugat ay tumatagal ng isang linggo bago tuluyang gumaling. Isa sa mga benepisyo ng pagpapatuli ay mas madali ang paglinis sa sarili, at mapapanatili ang kalinisan, pagkatapos umiihi o paglabas ng semen o semilya ng lalaki, nararapat na malinis ang inyong katawan at inyong damit sa oras ng pagdasal (salah)
(3) Kailangan ko bang bigkasin ang Patotoo ng Pananampalataya (Shahadah) sa harap ng mga tao?
Hindi. Hindi kailangang bigkasin ang dalawang pagpapahayag o pagpapatotoo:
Laa ilaaha ill-Allah, Muhammad-ur-Rasool-ullah,
…sa harap ng mga tao para maituring na isang ka nang Muslim sa paningin ng Diyos. Maaari mong ipahayag ito sa iyong sarili.
Ang importante:
(i) Alam mo ang kahulugan ng Pagpapatotoo ng Pananampalataya
(ii) Binigkas mo ang dalawang pahayag ng pagpapatotoo
(iii) kinukumpirma ito ng iyong puso, totoong pinapaniwalaan mo ito, at nais mong isabuhay ito sa abot ng iyong makakaya.
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
“ Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at ako ang Sugo ni Allah. Ang bawat alipin na kumikilala sa Allah nang walang pag-aalinlangan ay tatanggapin sa Paraiso.” (Saheeh Muslim)
Sinabi din Niya,
“Sinuman ang magsabi ng 'La ilaha illa Allah' na taus sa kanyang puso at inabutan ng kamatayan, siya ay po-protektahan mula sa impyernong apoy (hal. sila ay papapasukin sa paraiso)." (Saheeh al-Bukhari)
Magkagayon man, wala namang masama kung sakali na magpahayag ka ng pananampalataya sa harap ng maraming tao, ito ay pabor para sa iyo, halimbawa sa mosque, sapagkat malalaman ng mga tao na ikaw ay isa nang Muslim. Sa ibang bansa kinakailangan na magparehistro ang isang Muslim upang kapag inabutan doon ng kamatayan ay mabigyan ng Islamikong kaparaanan ng paglibing. At, mainam din na mayroong pinaghahawakan na kasulatan (hal. Shahada Certificate / Conversion Certificate) mula sa isang Islamic center na nagsasabi o nagpapatotoo na ikaw ay isang Muslim. Malaki ang ang pakinabang nito lalo kung mag aapply sa Hajj pilgrimage, o kaya naman ay ang pagdeklara ng kasal sa isang Muslim na bansa.
(4) Bakit kinakailangan na bigkasin ang pagpapahayag ng pananampalataya?
Ang Testimonya ng Pananampalataya ay literal na kinakailangang bigkasin at ipahayag, hindi sa puso lamang. Kinakailangan itong ipahayag, ang Propeta mismo ay pinapayuhan ang sinuman na nagnanais tanggapin at yakapin ang pananampalatayang Islam na bigkasin ito. Kinakailangan din na bigkasin ito sa Arabic, sapagkat ang kapahayagan na ito ay isang dasal na binibigkas sa wikang Arabik.
(5) Ano ba ang mga karaniwang pagbati na kailangan kung matututunan kapag may mga pagtitipon?
Dalawa ang pinaka mahalagang pagbati na meron sa Islam. Kapag may nakasalubong ka na kapwa o kapatid sa pananampalatayang Islam, ang bumabati ay nagsasabi ng, ‘As-Salamu ‘Alai-kum.’ at ang binabati ay nararapat na sumagot ng , ‘Wa ‘Alai-kum us-salam.’ Ang mga kalalakihan ay kinakamayan ang kapwa lalaki at ang kababaihan naman ay gayundin sa kapwa babae din. Hindi pinapahintulot sa kababaihan ang makipagkamay sa hindi niya mahram[1].
Ang isang Muslim ay nagsasabi ng , ‘Alhamdulillah,’ (Lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah) kapag bumahing, at kapag nakatanggap ng magandang balita o nasa maganda at maayos na kalagayan..
Kapag naman sila ay nagsabi ng kanilang gagawin, nararapat na sabihin nila ang, “In shaa-Allah (Naisin o Pahintulutan nawa ng Allah).
At kapag naman may pinapapurihan na tao o bagay, kailangan ang sasabihin nila ay, “Baarak-Allahu feeh (pagpalain nawa ng Allah), o Barak-Allahu feek (pagpalain ka nawa ng Allah).”
Ang lahat ng mga ito ay itunuro ng Propeta ng Islam.
(6) Katatangap ko lang ng pananampalatayang Islam . Magaan sa pakiramdam, ngunit kung minsan ay nagtataka ako kung inilalapit ba ako ng Islam sa Diyos?
Walang duda, inilalapit ng Islam ang tao sa kanyang Tagapaglikha. Nais ng Allah na ikaw ay maging isang Muslim. Natitiyak iyan. Ang Islam ay nag uugnay sa sangkatauhan sa kangyang tunay na Panginoon, sa pamamagitan ng paniniwala sa nag iisang Diyos at sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain ng pagsamba. Habang sinasamba ng bawat nilikha ang Allah, lalo silang napapalapit sa Kanya. Hindi kailanman mapapalapit sa Allah ang sinuman, maliban kung gagampanan niya ang mga obligadong gawain katulad sa nabanggit ng Propeta:
“Sinabi ng Diyos na Makapangyarihan, 'Ako ay nagpahayag ng digmaan sa sinumang nagpapakita ng poot sa aking minamahal na alipin. Ang aking alipin ay hindi nagiging malapit sa akin maliban kung isasagawa niya ang mga bagay na ginawa kong obligado sa kanila, at higit lalo silang napapalapit sa akin dahil sa mga boluntaryong gawain na pagsamba na kanilang isinasagawa hanggang sa mahalin ko sila. Kapag mahal Ko ang aking alipin, ako ang kanyang pandinig upang siya ay makarinig, kanyang paningin at siya ay makakakita, kanyang mga kamay at siya makakapagkumpas, kanyang mga paa nang siya ay makalakad, at kapag humingi siya ng anumang bagay ay akin itong ibibigay sa kanya. Kung hihingi siya sa Akin ng saklolo, ako ang kanyang kanlungan.” (Saheeh Muslim) [Ang Propetikong salaysay na ito ay hindi dapat unawain ng literal, ang ibig nitong sabihin ay ito, 'Ang tao ay nararapat na kumilos ayon sa kung ano ang kalugod-lugod sa Panginoon. Halimbawa, hindi siya titingin sa mga bagay na hindi ipinahihintulot, at makikinig lamang sa mga may benipisyo at pakinabang na gawain katulad na lamang ng pakikinig sa Quran, at mga Islamikong pagtuturo o aralin, atbp.]
Manatili sa mga pag aaral. Maging mapagpasensya. Bigyan ng pagkakataon ang sarili na lumago bilang isang Muslim. Mahalaga ang may kaalaman katulad din pagpili ng mabuting kaibigan.
(7) Bago ako sa Islam at wala akong kakilalang Muslim, natatakot akong magpunta sa Masjid, sino ba ang maaari kong lapitan ?
Ikaw ay malugod naming inaanyayahan na mag-aral sa e-learning content ng aming web site. Maaari mo din kaming kontakin sa support page masaya kami na i-assist ka upang magkaroon ka ng mga kaibigang Muslim. Ipag du'a, natin, na biyayaan nawa tayo at gawin tayong matatag sa paghawak sa katotohanan. Ang Panginoon ang bukod tanging Nagbibigay ng gabay tungo sa landas ng katotohanan at liwanag.
(8) May nagsabi sa akin na ang Muslim ay hindi daw maaaring makipag ugnayan sa mga hindi Muslim? Lahat ng pamilya ko ay hindi Muslim at ayaw kong putulin ang ugnayan sa aking pamilya.
Mag-ingat tayo sa mali na impormasyon. Ang nasabi sa iyo ay hindi tama. Hinihikayat tayo ng Islam na maging mabait at mapagbigay sa ating mga kamag-anak sila man ay Muslim o hindi. Higit lalo na, sa ating mga magulang, sapagkat sila ang may malaking karapatan sa atin. Mayroon tayong mga aralin kung saan mas matututunan mo ang tungkol dito.
(9) Narinig ko na obligado ang pagdalo sa Salat ul-Jumuah (Friday Prayer). Paano kung hindi ako payagan ng aking amo na mag day off sa araw na ito para makadalo?
Hindi mo kinakailangan sabihin sa iyong amo na dadalo ka sa Salat ul-Jumuah (Friday prayer). Ang Salat ul-Jumuah ay umaabot ng 45 minuto hanggang1 oras, maaari mo gamitin ang iyong oras sa lunch break. Kung kinakailangan, maaari kang maki-usap sa mahaba-habang oras ng lunch break tuwing biyernes at mag extend ka na lamang sa iyong oras ng trabaho upang mapunuan ang kulang mo. Anu't anuman, maaari kang makiusap sa iyong amo para sa oras ng Salat ul-Jumuah on Friday. Para sa mas malinaw na mungkahi makipag ugnayan lamang sa mga websites na nakalista .
USA
https://www.eeoc.gov/eeoc/publications/fs-religion.cfm
UK
www.ihrc.org.uk
www.cre.gov.uk/index.html
AUSTRALIA
www.amcran.org
www.lawlink.nsw.gov.au/adb
Footnotes:
[1] Ang mahram ng babae ay ang kanyang ama, lolo, at kapatid nitong lalaki, kapatid na lalaki ng kanyang lola , ang kanyang asawa at mga kapatid. Ito ay naaangkop din sa kalalakihan.
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga