Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
Deskripsyon: Ano ang mangyayari kapag ang bawat tao sa wakas ay nakatayo sa harapan ng Allah.
Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 100 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,212 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin
·Upang maging pamilyar sa kung anong mga nalalaman natin tungkol sa mga pangyayari sa Araw ng Paghuhukom at para maunawaan na ang bawat tao ay maaaring mahulaan ang kalalabasan.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawa o kilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Sirat - nangangahulugang daan or kalsada. Na tumutukoy sa Araw ng paghuhukom, ito ay mahaba at makitid na tulay na kailangang tawirin ng lahat bago makapasaok sa Paraiso o impyreno.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.
Ang iyong magpakailanmang buhay ay malapit nang magsimula. Ito ang Araw ng Paghuhukom. Ang lahat ng sangkatauhan ay hahatulan ng Allah ayon sa kanilang mga paniniwala at gawa. Ito ang pagtatapos ng mensahe ng lahat ng mga propeta. Sumamba sa Isang Diyos at malaman na balang araw ay mananagot ka sa lahat ng iyong sinasabi at ginagawa. Dumating na ang araw na ito. Ito ay nakakagulat, ang lahat ng sangkatauhan ay nakatayo magkakasama sa pagkamangha. Ano na ang mangyayari ngayon?
“Katotohanang, Kami ay nagbabala sa inyo ng isang malapit na parusa, ang Araw kung kailan makikita ng tao ang (mga gawa) ginawa ng kanyang mga kamay, at ang hindi nanampalataya ay magsasabi: 'Kasawian sa akin! Sana ako na lamang ay alabok!’" (Quran 78:40)
Ang Timbangan ng Hustisya
Ang mga timbangan ng katarungan kung minsan ay tinutukoy na ang mga balanse o ang sukatan ng mga gawa ay itatatag at ang bawat gawa ay titimbangin at bibilangin.
Wala ni katiting na gawa ang palalagpasin kahit ito man ay ang panlilibak na nakalimutan o ang mabuti na salita na sinabi nang hindi napansin.
“Sinuman ang gumawa ng isang kabutihan ay gagantimpalaan ng sampung beses na tulad nito, at siya naman na gumagawa ng kasamaan ay gagantimpalaan ng katulad nito, at hindi sila dadayain” (Quran 6:160).
Si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagpapaalala rin sa atin ng habag ng Allah. Sinabi niya, 'Walang anuman na ilalagay sa Timbangan na may mas mabigat na timbang kaysa sa isang mabuting paguugali. Ang taong may mabuting pag-uugali ay magkakamit ng gaya ng katayuan ng isang nag-aayuno at nagdarasal (isang magandang panukala). '[1]
Ang Libro ng mga Gawa
"‘…“Kasawian sa amin, anong uri ng talaan ito na walang anumang kinaligtaan na kahit na maliit mula sa aming mga nagawa, ganoon din ang mga malalaki kundi naitalang lahat?” At matatagpuan nila na ang lahat ng nagawa nila rito sa daigdig ay ihaharap sa kanila roon. At ang iyong Panginoon ay walang sinuman ang dadayain . (Quran 18:49)
Ang bawat tao ay bibigyan ng isang libro sa alinman sa kanilang kanan o kaliwang kamay. Ang lahat ng ginagawa natin sa mundong ito ay naitala ng mga anghel. Ang mabuti at masama, mga bagay na nakalimutan natin o hindi kailanman naisip, naitala na lahat at maaaring piliin ng Allah na tanungin tayo tungkol sa bawat salita. Ang mga bibigyan ng libro sa kanilang kanang kamay ay magsisimula na huminahon at sumaya at mapaparangalan.
“ At para sa kanya na ibinigay ang talaan ng mga gawa niya sa kanang kamay, kaseguraduhan, mapapadali sa kanya ang pagtutuos (sa Allah) at magtutungo siya sa pamilya niya ng masaya!” Ngunit kung sinuman ang makatanggap ng talaan ng mga gawa mula sa kanyang likod ay mananalangin siya ng kanyang kasawian, at papasok siya sa naglalagablab na Apoy"(Quran 84:7-12)
Nakakalungkot man, marami ang tatanggap ng kanilang libro sa kanilang kaliwang kamay o sa likod nila. At lalo silang matatakot.
Ang Pagbibilang
Ang unang bagay na tatanungin sa bawat tao ay ang kanyang pagdarasal. Ang pagdarasal ay tinatawag na isa sa mga karapatan na utang natin sa Allah. Ang bawat tao ay tatanungin tungkol sa kalidad ng kanilang mga pagdarasal. Ito ay sinigurado at pinagtibay ng mga salita ni Propeta Muhammad.
Ito ay naitala sa isang tunay na hadith na sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang unang bagay na gagawing pananagutan sa mga tao sa Araw ng Paghuhukom ay ang pagdarasal, sasabihin ng Allah sa Kanyang mga anghel (kahit na alam Niya), 'Tingnan mo ang pagdarasal ng aking alipin. Ito ba ay kumpleto o hindi? 'Kung ito ay kumpleto ito ay isusulat na kumpleto. Kung hindi sila ganap na kumpleto sasabihin ng Allah: 'Tingnan kung ang aking alipin ay may boluntaryong pagdarasal', kung siya ay meron sasabihin ng Allah, 'Kumpletuhin ang kakulangan sa kanyang obligadong pagdarasal sa kanyang boluntaryong pagdarasal.' Pagkatapos ang natitirang bahagi ng kanyang mga gawa ay sa ganitong parehong paraan din gagawin. "[2]
Ang mga salita ni Propeta Muhammad ay tumulong sa atin na ipinta ang isang napakalinaw na larawan sa ating isipan kung ano ang mangyayari sa atin kapag tumayo tayo sa harap ng Allah sa Araw ng Pagbibilang. Sinabi rin niya, "Ang anak ni Adan ay tatanungin ng Allah tungkol sa limang bagay: kung paano siya nabuhay, at kung paano niya ginamit ang kanyang kabataan, sa anong paraan siya kumita ng kanyang kayamanan, paano niya ginugol ang kanyang kayamanan, at ano ang ginawa niya sa kanyang kaalaman. "[3]
Dapat tayong magpasalamat na nakakapaghanda tayo nang sapat bago ang dakilang Araw ay mangyari, dahil alam natin ang uri ng mga tanong na itatanong sa atin at ang mga uri ng pag-uugali na itatanong. Ang mabuting mananampalataya ay naghahanda para sa mahirap na pangyayaring ito, upang siya ay hindi maging kabilang sa mga tao na ang bahagi ng katawan nila ay magiging saksi laban sa kanila.
" Sa Araw na ang kanilang mga dila, kamay, at mga paa ay magiging saksi laban sa kanila kung ano ang kanilang mga ginawa” (Quran 24:24)
“ At sasabihin nila sa kanilang mga balat, 'Bakit kayo naging saksi laban sa amin?' Sasabihin nila "Kami ay pinagsalita ng Allah, gaya na pinagsalita NIya ang lahat ng bagay..."(Quran 41: 21)
Pagtawid sa Sirat
Matapos ang pagtatanong at pagbibilang lahat ng mga tao ay dadaan sa sirat. Ang tulay na mas matalas kaysa sa isang tabak at mas manipis kaysa sa isang buhok.[4] Walang magiging likas na liwanag ngunit ang bawat tao ay igagabay ng kanilang sariling liwanag. Ang liwanag ay magliliwanag ng maninigning depende sa kabanalan at kabutihan ng isang tao.
Ang ilan ay tatawid dito sa isang kisap-mata; ang ilan, tulad ng kidlat; ang ilan, tulad ng bumabagsak na bituin; ang ilan, tulad ng isang kabayong tumatakbo. Siya na may napakaliit na liwanag ay gagapang. Ang kanyang mga kamay at mga paa ay dudulas, at siya ay kakapit muli. Sa wakas, siya ay lalaya mula dito sa pamamagitan ng pag-gapang at pag-gapang.[5]
Ang tulay ay may mga kawit na kakalmot at dadagit ng mga tao na magdudulot sa kanila upang mahulog sa Impiyerno. Ang mga matagumpay na nakatawid sa tulay ay papasok sa Paraiso. Ang Araw ng Paghuhukom ay patapos na dahil sa ang mga tao ay nahusgahan at dumaan na sa tulay. Bilang mga mananampalataya kailangan nating alalahanin na binigyan tayo ng Allah ng mapa ng daan patungo sa Paraiso, ipinakita Niya sa atin ang mga piligro. Ang Araw ng Paghuhukom ay maaaring maging isang madaling pagsubok para sa isang mananampalataya kung susundin nila ang patnubay na ibinigay sa Quran at ang tunay na sunnah ng Propeta Muhammad.
Nakaraang Aralin: Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
Susunod na Aralin: Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 1 mula 2)
- Pagiging magulang sa Islam (bahagi 2 mula 2)
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 1 mula 2): Ano ang isang Malaking kasalanan?
- Malalaking kasalanan sa Islam (bahagi 2 mula 2): Mga Malalaking Kasalanan at Paano Humingi ng Tawad para sa mga Ito
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 1 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 2 mula 3)
- Ang Pilgrimo (Hajj) (bahagi 3 mula 3)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Abu Bakr (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Umar ibn Al-Khattab (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Khalifah na Wastong Pinatnubayan: Uthman ibn Affan (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pintanubayang Khalifah: Uthman ibn Affan (bahagi 2 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)
- Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang mga Khalifa: Ali ibn Abi Talib (bahagi 2 mula 2)
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 3): Pagsisimula ng Araw
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 3): Bago ang Paghuhukom
- Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 3 ng 3): Simula ng Paghahatol
- Patubo sa Islam(Bahagi 1 mula 2)
- Patubo sa Islam(Bahagi 2 mula 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Asr
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 1 ng 2): Ang Kamatayan ay hindi Katapusan
- Ang Pagtatanong sa Libingan (bahagi 2 ng 2): Ang Iyong lugar hanggang sa Araw ng Paghuhukom
- Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)
- Ang Mga Bunga (benepisyo) ng Taqwa (bahagi 2 ng 2)
- Isang Paliwanag ng Surah Al-Ikhlas
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Maayos na Pakikitungo sa mga Kapitbahay
- Ang Mga Karapatan ng mga Kapitbahay sa Islam (bahagi 2 ng 2): Mga Kapitbahay - Masama at Mabuti
- Yaong mga Naliliman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 1 ng 2): Ang Paglalahad ng Habag ng Allah
- Yaong mga Malililiman sa Oras na wala ng Lilim (bahagi 2 ng 2): Pagsisikap para Malililiman