Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
Deskripsyon: Ang isang tao na nakarinig ng katotohanan at yumakap sa Islam ngunit ang kanyang buhay ay naging isa sa pagpapahirap at pang-aabuso. Sa pamamagitan ng habag ni Allah at ang pagdamay ni Propeta Muhammad ay nakaligtas siya upang sumailalim sa kasaysayan at Paraiso.
Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 109 - Nag-email: 0 - Nakakita: 13,295 (pang-araw-araw na average: 6)
Layunin
·Upang malaman ang tungkol sa buhay ni Ammar ibn Yassir at ang kanyang pagtitiyaga para sa katotohanan.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (maramihan – ahadith) isang pirasong impormasyon o istorya. Sa Islam ito ay isang talaan ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at gayundin dito nag marka ang simula ng kalendaryo sa Islam.
·Masjid - ang wikang arabe sa Mosque.
·Aayaat - (isahan - ayah) ang salitang aayaat ay maaaring magkaroon ng maraming mga kahulugan. Ito ay halos palaging ginagamit kapag pinag-uusapan ang mga pagpapatunay mula kay Allah. Kabilang dito ang mga ebidensiya, mga talata, mga aralin, mga palatandaan, at mga pahayag.
·Muhajiroon - mga taong lumipat. Mas partikular at kadalasang tumutukoy ito sa mga lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina.
Si Ammar ibn[1] Yassir ay isa sa mga unang tao na tumugon sa panawagan ni Propeta Muhammad sa Islam. Siya ay nagdusa ng pang-aabuso at kahihiyan sa mga kamay ng Quraish[2] at pinapanood ang kanyang mga magulang na namatay sa mga kamay ng pinakamalaking kaaway ng Islam. Nakilahok siya sa unang paglipat sa Abyssinia at sa kalaunan ay ginawa rin ang Hijrah ni Propeta Muhammad sa Medina. Lumahok si Ammar sa pagtatayo ng unang masjid at kasama si Propeta Muhammad sa lahat ng mga labanan na nakipaglaban ng nananatiling Muslim na bansa. Maraming sa mga ahadith ay naiugnay kay Ammar at sinabi ni Propeta Muhammad na siya ay malapit sa kanya na parang kasing lapit ng mata sa ilong[3].
Si Ammar ibn Yassir ay pinaniniwalaan na ipinanganak sa panahong ng 570 CE, humigit-kumulang isang taon bago ang kapanganakan ni Propeta Muhammad. Sila ay magkaibigan bago ang pagdating ng Islam at iniisip na si Ammar ay may ilang bahagi sa pag-aayos ng pag-aasawa sa pagitan ni Muhammad at Khadijah[4]. Si Ammar ay napunta sa bahay ni Al-Arqam kung saan madalas na nangangaral ng lihim si Propeta Muhammad . Narinig niya ang mga salita ni Propeta Muhammad at ang mga salita ng Diyos sa Quran at tinanggap ang Islam.
Ang mga magulang ni Ammar na si Yassir at Summaya ay nagmuslim din sa parehong araw dahil sa panaginip ni Yassir ng nakaraang gabi. Siya ay nanaginip na si Ammar at ang kanyang asawa ay tumatawag sa kanya mula sa hardin mula sa isang libis na hinati ng apoy. Tinanggap ng buong pamilya ang Islam at inalis ang pag-unawa at pagka-poot ng isa sa mga pinuno ng Quraish na si Abu Jahl. Ang paboritong libangan ng marami ng mga kalalakihan ng Quraish ay ang pahirapan at parusahan ang mas mahina na tagasunod ng bagong relihiyon. Bilang mga mahihirap na miyembro ng komunidad ng Mecca wala silang alternatibo kundi upang harapin ang mga nagpaparusa. Ang pamilya ni Yassir ay patuloy na naging biktima at lagi silang pinaaalalahanan ni Propeta Muhammad ng maging matiisin at sinasabing sila ay nakalaan para sa Paraiso.[5]
Sa huli, pinatay si Yassir at Summaya sa harap ng kanilang anak na si Ammar. Si Summaya ay pinagsasaksak hanggang sa namatay at sa malungkot na pangyayaring ito siya ay naging unang martir sa Islam (ibig sabihin ang unang tao na namatay para sa kapakanan ng Islam). Pagkalipas ng ilang panahon, pinatay si Yassir. Sa mga sumunod na mga araw ay dinaig si Ammar ng kalungkutan at takot at ginawa niya kung ano ang ayaw gawin ng kanyang mga magulang; isinumpa niya ang Islam at si Propeta Muhammad. Malugod na pinayagan ni Abu Jahl si Ammar na umalis at tumakbo siya at dumiretso kay Propeta Muhammad. Si Ammar ay nalumbay at nagulat dahil sa kanyang sariling pag-uugali, natrauma siya sa mga pagpapahirap na ginawa sa kanyang mga magulang at sa kanya. Pinaluwag ni Propeta Muhammad ang kanyang kalooban at pinalaya ang kanyang takot, at pinaalalahanan siya hinggil sa kapatawaran ng Diyos. Sinasabi na ang sumusunod na ayah ng Quran ay ipinahayag bilang tugon sa sitwasyong ito.
"Sinuman ang hindi naniniwala kay Allah pagkatapos ng paniniwala, maliban sa siyang pinipilit at ang kanyang puso ay nasa kapahingahan sa pananampalataya ngunit silang nagbubukas ng kanilang dibdib upang hindi maniwala sa kanila ay poot mula kay Allah at para sa kanila ay isang malaking pagdurusa." (Quran 16: 106)
Nang pinupuna ng iba si Ammar at tinawag siyang di-mananampalataya, ipinagtanggol siya ni Propeta Muhammad. Tumugon siya sa kanilang mga pag-alala na nagsasabing, "Hindi, sa katunayan si Ammar ay puno ng pananampalataya mula sa ulo hanggang paa."[6] Upang mabawasan ang walang humpay na pag-uusig at paghihirap ng maraming mga tagasunod ng bagong pananampalataya, nagpadala ang Propeta ng isang grupo ng pinakamahina sa kanila sa Abyssinia. Si Ammar ay kabilang sa grupong ito. Pagkaraan ay bumalik na si Ammar sa Mecca upang lumipat sa Medina. Siya ay kabilang sa unang muhajiroon na tumakas mula sa Mecca papunta sa Medina.
Si Ammar ay kabilang sa mga nagtayo ng unang masjid sa Medina. Habang nagdadala ng mga laryo para sa pagtatayo, napansin ni Propeta Muhammad na habang ang iba ay nagdadala ng isang laryo si Ammar naman ay nagdala ng dalawang laryo. Sinabi niya, "Magkakaroon sila ng isang gantimpala samantalang ikaw (Ammar) ay magkakaroon ng dalawa." Si Ammar ay kasama si Propeta Muhammad sa bawat labanan na kinaharap ng bagong bansa kabilang dito ang Labanan ng Badr. Nang mamatay si Abu Jahl sa labanan na iyon, si Propeta Muhammad ay lumingon kay Ammar at nagsabing "Ang pumatay sa iyong ina ay patay na."
Ang ilan sa mga ahadith ay iniugnay kay Ammar ibn Yasser, lalo na ang patungkol sa tayammum[7]. Ang isang partikular na hadith ay ang tungkol kay Ammar at Umar ibn Al-Khattab sa isang paglalakbay nila na magkasama.Ang isang tao ay dumating kay Umar ibn Al-Khattab at nagsabi, "Ako ay naging marumi ngunit walang tubig na magamit." Sinabi ni Ammar ibn Yassir kay Umar, "Naalaala mo ba nung tayo ay naging madumi sa isang paglalakbay at hindi ka nagdasal ngunit aking iginulong ang aking sarili sa lupa at nagdasal? Sinabihan ko ang Propeta tungkol dito at sinabi niya, 'Iyan ay sapat na para sa iyo na gawin ito.' Ang Propeta pagkatapos ay hinaplos ang lupa ng mahina ng kanyang mga kamay at pagkatapos ay hinipan niya ang natirang alikabok at hinaplos niya ang kanyang mga kamay patungo sa kanyang mukha at pagkatapos ay sa kamay"[8]
Ang hadith na ito ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng impormasyon tungkol sa tayammum ngunit nagpapakita kung gaano kalapit si Ammar kay Propeta Muhammad at sa kanyang grupo. Alalahanin na si Ammar ay isang tao na napangibabawan ng takot at nakaranas ng labis na pagpapahirap na kinailangan nilang tiisin ng kanyang pamilya. Nang inabuso ni Ammar ang Islam ay pinatawad siya at nagpatuloy siya upang makahanap ng espirituwal at pisikal na lakas. Ang mga lalaking naroroon sa Badr ay itinuturing na pinakamagaling sa lahat ngunit sila rin ay tao. Minsan kapag ang isang tao na yumayakap sa Islam ang kanilang buhay ay maaaring maging isang rollercoaster ng kaligayahan at pangamba at ang pagbabanta ay tila nagmula sa mga lugar na hanggang ngayon ay iniisip na ligtas. Ang kuwento ni Ammar ay nagpapakita na ang awa at proteksyon ni Allah ay malapit lamang, ang mananampalataya ay kinakailangan lamang humiling.
Sinabi na si Ammar ay namatay sa labanan sa mga edad na siyamnapu. Ang kanyang kamatayan ay hinulaan ni Propeta Muhammad at ang ilan ay naniniwala na ang propesiya ay tumpak na ito ay isa sa mga palatandaan ng propesiya. "Naku! isang mapanghimagsik na grupo na lumihis mula sa katotohanan ay papatayin si Ammar. Si Ammar ay tatawag sa kanila patungo sa Paraiso at tatawagin nila siya patungo sa Impiyerno. Ang pumatay sa kanya at ang mga nagtanggal sa kamay at kanyang mga damit ay mapupunta sa Impiyerno.
Talababa:
[1] Ang Ibn ay nangangahulugang ang anak na lalaki ni, paminsan-minsan ay maling naisusulat itong bin
[2] Ang Quraish ay ang pangalan ng pinakamakapangyarihang lipi sa Mecca sa pagdating ng Islam at ang tribo na kinabibilangan ni Propeta Muhammad. Ito rin ang pangalan ng isang kabanata ng Quran.
[3] Ibn Hisham, as-Sirah, vol. 2
[4] Si Khadijah, anak na babae ni Khuwaylid, ang una, at sa loob ng 25 taon, ang tanging asawa ni Propeta Muhammad.
[5] At-Tirmidhi
[6] Ibn Majah
[7] Ang Tayammum ay tinalakay nang detalyado dito:http://www.newmuslims.com/lessons/123/
[8] Saheeh Al-Bukhari
[9] Saheeh Al-Bukhari, At Tirmidhi, & Imam Ahmad at iba pa at ipinasa sa pamamagitan ng 25 sahabah
Nakaraang Aralin: Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
Susunod na Aralin: Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)