Naglo-load...

Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling pagtingin sa buhay at tagumpay ng isang tao na nakatuon sa Quran.

Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 80 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,302 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin:

·Upang malaman ang tungkol sa buhay ni Zayd ibn Thabit at ang kanyang kakayahan na samantalahin ang kanyang magagawa sa mga kinapaloobang kalagayan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Ansar - mga katulong. Ang mga tao ng Medina na nagbukas ng kanilang mga tahanan, buhay at lungsod kay Propeta Muhammad at ang kanyang mga tagasunod mula sa Mecca.

·Surah – kabanata ng Quran.

·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at dito din nagmarka ang simula ng kalendaryo sa Islam.

·Mushaf – ito ang libro kung saan ang Quran ay nilalaman.

·Du’a - panalangin, pagdarasal, paghiling kay Allah ng isang bagay.

·Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinasalin sa salitang mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang ang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

ZaidBinThabit.jpgSi Zayd ibn Thabit ay pinaniniwalaan na mga nasa labindalawa o labintatlo nang ginawa ni Propeta Muhammad ang Hijrah sa Medina. Siya ay isang matalinong batang lalaki, may pinag-aralan at suportado ng kanyang pamilya ngunit nasira dahil hindi siya pinapayagang sumali sa labanan. Ang kanyang tugon ay pag-aralan ang Quran[1] at ng sa gayon ay patunayan ang kanyang kahalagahan sa kanyang Propeta. Ang kanyang Islamiko at sekular na edukasyon ay nagdala sa kanya sa kabutihan at sa katunayan ay humantong sa isang posisyon sa loob ng grupo ng mga kalalakihan na nasa paligid ng Propeta. Ang bawat oras na hawak natin ang Quran sa ating mga kamay ay may dahilan upang matandaan si Zayd ibn Thabit dahil siya ang taong namamahala sa pagkolekta ng lahat ng mga talata at mga kabanata ng Quran at responsable sa paglagay ng mga ito sa isang libro; ang Mushaf.

Unang dumating sa abiso ng Propeta si Zayd ibn Thabit isang taon pagkatapos na ang Muslim na komunidad ay lumipat sa Medina. Si Zayd ay isang kabataan at isang miyembro ng Ansar. Nang ang mga Muslim ay naghahanda para sa Labanan ng Badr, iprinisinta ni Zayd ang kanyang sarili para sa tungkulin. Dala-dala niya ang isang espada na halos kasing taas niya at hindi siya katulad ng ilan sa mga lalaking nakakasabay sa hukbo. Kinilala ng Propeta ang kanyang kasigasigan at itinuring siya nang may malaking pag-galang ngunit tinanggihan siya ng pagkakataon na sumali sa hukbo. Nadama ni Zayd ang kalungkutan, galit at pagkalumbay. Sa halip na malungkot sa pagdadalamhati, nagpasiya si Zayd na gawin ang isang bagay na sigurado na ikakalugod ng Propeta. Nagsimula siyang matuto at pag-aralan ang Quran, ang mga salita ni Allah.

Nang sumunod na oras ay dumating ang panahon para harapin ng mga Muslim ang kanilang pinakadakilang kaaway sa Labanan ng Uhud, tinangka ni Zayd na sumali sa hukbo at muli siyang tinanggihan dahil sa kanyang murang edad. Sa oras na ito kahit na ang kanyang pamilya ay nadama ang kanyang sakit na nadarama at nagpasya sila na lumapit kay Propeta Muhammad at ipagbigay-alam sa kanya ang pag-aaral ni Zayd ng Quran. Ang ilan sa mga lalaki ng Ansar ay lumapit sa Propeta Muhammad at binanggit ang mga natatanging katangian ni Zayd tulad ng kanyang dedikasyon sa Quran at ang kanyang kakayahang magbasa at magsulat. Magalang na hiniling nila kay Propetang Muhammad na makinig sa pagbigkas ni Zayd .

Nakinig ang Propeta, nagustuhan ang narinig niya, at bumilib sa pagkakabigkas ni Zayd na isang bihirang kasanayan sa oras na iyon; Si Propeta Muhammad ay isang taong walang pinag-aralan. Kinilala din ni Propeta Muhammad ang pambihirang talino ni Zayd sa mga wika at tinuruan siya na matuto ng Hebreo at Syriac. Nang maging marunong siya, tinulungan niya si Propeta Muhammad sa kanyang mga sulat na kasama ang mga liham sa mga pinuno ng estado na nag-aanyaya sa kanila sa landas ng Islam.

Si Propeta Muhammad ay may maraming tagasulat subalit si Zayd ang mabilis na tumaas sa katanyagan. Sa pagkakahayag ng mga salita ni Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay tumatawag ng isang tagasulat upang isulat ang mga salita na binibigkas ng kanyang mga labi. Maraming mga sahabah ang iniulat na madalas nilang narinig ang pagtawag kay Zayd na nagsasabing "padalhin siya ng pisara, tinta ng palayok at buto ng paypay".[2]

Hindi nangyari ang kanyang ninanais na makalahok sa mga kumpanyang pang militar hanggat di dumating ang Digmaan sa Kanal (trench) mga limang taon pagkatapos ng Hijra. Ang batang lalaki ay mas matanda na, higit na may karanasan at mahusay na bihasa sa paghahayag ng mga inihayag kay Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya. Si Zayd ay may plano na maging isang mandirigma sa landas ng Islam ngunit may ibang plano si Allah. Ang gusto natin ay hindi palaging kung ano ang mabuti para sa atin o ang pinakamagandang bagay. Ito ay totoo magpa-hanggang ngayon. Kapag ang isang tao ay nagbalik sa Islam maaari silang magkaroon ng mga malalaking plano, upang gawin ito, o iyan ngunit madalas na ang kanilang mga plano ay napipigilan sa bawat pagliko.

“... Marahil ay kinamumuhian mo ang isang bagay at ito ay mabuti para sa iyo; at marahil gustung-gusto mo ang isang bagay at ito ay masama para sa iyo. At nalalaman ito ni Allah, habang hindi mo nalalaman. "(Quran 2:216)

Ang mga plano ni Zayd ay hindi natupad sa paraang gusto niya ngunit siya ay matiyaga at sinubukan na gawin kung ano ang iniisip niya na alam niyang ikalulugod ni Propeta Muhammad at ni Allah ang Makapangyarihan. Na-isaulo niya ang Quran, nag-aral siya ng Islam, masigasig siyang nagtrabaho bilang tagapagsalin at tagasulat para kay Propeta Muhammad at sa loob lamang ng ilang taon ay nakasama siya sa labanan. Subalit ang pinakadakilang gawain ni Zayd para sa Islam ay darating pa. Bawat araw kapag hawak mo ang Mushaf sa iyong mga kamay marahil ay maisip mo o maipag du'a mo si Zayd ibn Thabit, sapagkat siya ang hinirang upang kolektahin ang Quran sa isang manuskrito.

Sa panahon ng kamatayan ni Propeta Muhammad, ang mga piraso ng Quran ay hinawakan ng mga mapagkakatiwalaang maraming Muslim. Ang ilan ay mga laman ng ilang mga pahina mula sa kung saan sila ay nag-aaral upang bigkasin, ang iba ay may ilang mga kabanata at ang iba pa ay may mga piraso ng balat ng hayop na naglalaman lamang ng isang taludtod.

Ang pinuno ng mga Muslim pagkatapos ni Propeta Muhammad na si Abu Bakr, ay natatakot na ang Quran ay mawala, kaya kinunsulta niya ang ilan sa mga sahabah tungkol sa pagtipon ng Quran sa isang libro. Tinanong niya si Zayd ibn Thabit, upang mamahala sa gawaing ito. Sa umpisa, hindi madali para kay Zayd na gawin ang tungkol sa paggawa ng isang bagay sa Quran na hindi partikular na ipinahintulot ni Propeta Muhammad. Gayunpaman matapos na matanto ang pangangailangan ng gawain, sumang-ayon siya na mangolekta ng mga piraso ng Quran na kapwa nakasulat at nakabisado at tinipon niya ito sa isang libro- ang Mushaf.

kabisado ni Zayd ng mula sa puso ang lahat na nasa Quran at posible na siya ay makasulat ng buong Quran mula sa kanyang sariling memorya. Gayunpaman, hindi niya ginamit ang pamamaraang ito nang nag-iisa. Siya ay maingat at gumamit ng mahusay na paraan at hindi isinusulat lamang ang anumang mga talata maliban kung nakumpirma ito ng hindi bababa sa dalawa sa mga sahabah. Dahil si Zayd ay napigilan sa pagsali sa hukbo, siya ay nagkubli sa Aklat ni Allah at sa gayon ay naging isa sa mga tagapanatili ng Quran.

"Katotohanang Kami ay nagpadala ng Quran at tiyak na mapapanatili Namin ito" (Quran 15: 9)

Si Zayd ay isang tao na puno ng kaalaman na nakapaloob sa mga salita ni Allah at isang malapit na kasama ni Propeta Muhammad; isang modelo mula noon hanggang ngayon. Si Zayd ay lubos na iginagalang at lubos na inaalala. Sinasabi na si Umar ibn Al-Khattab ay nagsalita sa mga Muslim na nagsasabi, "O mga tao, kung sinuman ang gustong humingi ng Quran, hayaan siyang pumunta kay Zayd ibn Thabit." Ang mga naghahanap ng kaalaman mula sa sahabah at ang henerasyon na mga sumunod pa ay nagmula sa malalayo at nakinabang sa kaalaman ni Zayd. Nang namatay si Zayd, sa pagitan ng 660 at 665 CE, ang sahabi na si Abu Hurayrah ay pinaniniwalaang nagsabi, "Ngayon, ang iskolar ng Ummah na ito ay namatay."



Talababa:

[1] Ang Quran ay ang mga salita ni Allah na ipinahayag kay Propetang Muhammad sa pamamagitan ni Anghel Jibreel.

[2] Saheeh Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8