Naglo-load...

Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah

Marka:

Deskripsyon: Isang maikling talambuhay ng sahabi na kilala bilang si Abu Hurayrah.

Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,451 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang maunawaan na ang lahat ay mayroong natatangi at espesyal na regalo o katangian.

·Upang hikayatin ang mga Muslim na gamitin ang kanilang mga regalo o katangian upang makinabang ang Islam at ang sangkatauhan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Hijrah -ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at dito din nagmarka ang simula ng kalendaryo sa Islam.

·Kunya - madalas ito ang unang bahagi ng isang Arabeng pangalan, sa teorya ito ay tumutukoy sa panganay na anak na lalaki o anak na babae. Sa pagpapalawak sa salitang ito, maaaring mayroon din itong hypothetical o metaphorical na pagtukoy, hal. isang palayaw, nang walang literal na tumutukoy sa isang anak na lalaki o isang anak na babae. Ito ay ipinapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng abu o umm, hal. Ang ibig sabihin ng Umm Muhammad ay ang ina ni Muhammad.

·Masjid - ang salitang Arabe ng mosque.

·Sadaqah - boluntaryong kawanggawa.

·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o naaprubahan.

·Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na hindi isinasaalang-alang ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

Abu Hurayrah.jpg Si Abu Hurayrah ay naaalala ng marami bilang tao na nakapagsaulo at siyang nagpadala ng malaking bilang ng ahadith. Bagama't ito ay isang marangal na kaugalian at ang pagpapasa sa kayamanan ng Sunnah sa mga susunod na henerasyon ay utang na loob ng mga Muslim, si Abu Hurayrah ay higit pa sa isang tao na may napakalaking memorya.

Mahal ni Abu Hurayrah ang mga kuting at pusa! Siya ay maalalahanin sa kanyang ina at mas lalo kay Allah at sa Kanyang Sugo. Siya ay isang miyembro ng grupo na kilala bilang Ahl as-Suffah at sa pamumuno ni Caliph Umar ibn Al-Khattab siya ay hinirang na gobernador ng Bahrain. Si Abu Hurayrah ay namatay noong taong 681 CE sa edad na pitumpu't walo.

Si Abu Hurayrah ay isinilang na isang miyembro ng tribong Yemeni ng Daws mula sa lugar na kilala bilang Tihamah. Tinanggap niya ang Islam sa imbitasyon ng pinuno ng tribu at sa kanyang karangalan ay isa sa mga una sa kanyang tribo na gumawa nito. Pitong taon pagkatapos ng Hijrah siya ay nagpunta sa Madina kasama ang isang maliit na delegasyon at nakilala si Propeta Muhammad. Ito ang simula ng isang panghabang-buhay na relasyon, isang relasyon na ngayon ay patuloy na pakikinabangan ng mga Muslim.

Ang pangalan na Abu Hurayrah ay hindi ang pangalan ng pambihirang tao na ito na ibinigay sa kanyang kapanganakan, ito ay kanyang kunya, at nangangahulugang 'ama ng kuting'. Mahal na mahal ni Abu Hurayrah ang mga pusa at mga kuting. Ang dalawa ay may symbiotic na ugnayan na nasa puntong kahit na baguhin ni Propeta Muhammad ang kanyang pangalan ng kapanganakan na Abd ash-Shams sa Abd ar-Rahman, ang kunya ay nanatili. Ang alipin ng araw (Abd ash-Shams) ay naging alipin ng Pinakamaawain (Abd ar-Rahman) at siya ay maalalahanin sa kanyang Propeta. Ginugugol niya ang maraming oras na kasama ito at mula sa umpisa ay sinubukan niya na matandaan ang bawat salita na sinasabi nito.

Tinatayang naiulat ni Abu Hurayrah ang humigit-kumulang 5,375 ahadith. Siya ay inilarawan bilang isa na mayroong kahanga-hangang memorya at ang dahilan kung bakit ay matagpuan sa ahadith. Ako (Abu Hurayrah) ay nagsabi sa Sugo ni Allah, "Narinig ko ang maraming mga ulat mula sa iyo ngunit nakalimutan ko ang mga ito." Sinabi ng Sugo ni Allah, "Ilatag mo ang iyong kasuotan." Ginawa ko nang naaayon at pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang mga kamay na parang pinupunan ang mga ito ng isang bagay at inalis ang mga ito sa aking damit at pagkatapos ay sinabi, "Kunin mo ito at ibalot mo ito sa iyong katawan." Ginawa ko ito at pagkatapos ay hindi ko na kailanman nakalimutan ang isang bagay..[1]

Nang magpasiya si Abu Hurayrah na manatili sa Medina upang maging malapit sa Propeta, siya ay naging miyembro ng isang grupo na kilala bilang Ahl as-Suffah, ang mga tao ng bangko. Ang mga ito ay ang mga mahihirap na naninirahan sa masjid, hanggang sa oras at kalagayan na maaari na nilang suportahan ang kanilang mga sarili. Pansamantala, umaasa sila sa sadaqah at si Propeta Muhammad mismo ay nagpapadala ng sadaqah na natanggap niya para sa kanila, pati na rin ang anumang mga regalo na natanggap niya. Karamihan, tulad ni Abu Hurayrah, ay salat na may meron lamang mga damit sa kanilang mga likod. Si Abu Hurairah mismo ay nag-ulat kung paano siya nakahiga sa lupa o nakagapos ang isang bato sa kanyang tiyan upang pawiin ang matinding sakit dahil sa gutom.

Nang dumating si Abu Hurayrah sa Medina kasama niya ang kaniyang ina. Siya ay maalalahanin sa kanya at ito ay nakakapagpalungkot sa kanya sa araw-araw na siya ay mas piniling tanggihan ang tawag ng Islam. Isang araw pagkatapos ng isang partikular at malungkot na insidente kung saan inalipusta ng ina ni Abu Hurayrah ang Propeta, lumapit siya kay Propetang Muhammad na may mga luha sa kanyang mga mata. Tinanong ni Propeta Muhammad kung bakit siya umiiyak at sumagot siya, "Hindi ko nakaligtaan na anyayahan ang aking ina sa Islam ngunit palagi niya akong tinataboy. Ngayon, inanyayahan ko siya uli at narinig ko ang mga salita mula sa kanya na ikinahihiya ko. Nakikiusap ako na ipagdasal mo kay Allah Ang Makapangyarihan na maibigan ng puso niya ang Islam."

Ang Propeta ay nanalangin para sa ina ni Abu Hurayrah. Tinapos ni Abu Hurayrah ang kanyang kuwento na nagsasabing, "Umuwi ako at natagpuang ang pinto ay sarado. Narinig ko ang pagsaboy ng tubig at ng sinubukan kung pumasok narinig ko sa aking ina, 'Manatili ka kung saan ka, O Abu Hurayrah.' Pagkatapos ay sinabi niya, 'Pumasok ka!' Ako ay pumasok at sinabi niya, 'Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban kay Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang lingkod at Kanyang Sugo.' "

Palaging hinihikayat ni Abu Hurayrah ang iba na maging mabait at mabuti sa kanilang mga magulang. Isang araw ay nakita niya ang dalawang lalaking naglalakad at nagtanong sa mas bata, "Sino ang lalaking ito sa iyo?" Kung saan sumagot ang binata, "Siya ang aking ama". Pinayuhan siya ni Abu Hurayrah sa pagsasabing, "Huwag mo siyang tawagin sa kanyang pangalan, huwag kang maglakad sa harap niya, at huwag kang umupo hanggat hindi siya nakakaupo".

Kapag magbabalik-tanaw si Abu Hurayrah sa kanyang buhay ay masasabi niya na nasaksihan niya ang tatlong malalaking trahedya; ang pagkamatay ni Propeta Muhammad, ang pagpatay kay Uthman at ang pagkawala ng mizwad. Kung tatanungin kung ano ang mizwad, sinabi niya na sa isa sa mga iskursiyon ng Propeta ay tinanong niya kung sino ang may pagkain. Mayroong nagsabi na siya ay may mizwad, isang maliit na bag na lagayan ng pagkain at sa loob nito ay mayroong mga ilang datiles. Hiningi ni Propeta Muhammad ang mizwad , nanalangin siya para dito at ipinamahagi ang mga ito sa lahat ng naroroon. Ipinaliwanag ni Abu Hurayrah na kumain siya mula sa kanyang bahagi noong panahon na buhay pa ang Propeta at sa buong Kalifa ni Abu Bakr, Umar at Uthman.[2]

Itinalaga ni Umar ibn Al-Khattab na pinuno ng mga Muslim si Abu Hurayrah bilang gobernador ng Bahrain ngunit pagkatapos ng maikling panahon ay nagretiro siya at bumalik sa Medina kung saan siya ay nanirahan sa natitirang panahon ng kanyang buhay ng nag-iisa. Ang panahon ay nagbabago at pinili ni Abu Hurayrah na mabuhay ng isang asetikong pamumuhay na naaalala si Allah at naaalala ang kapanganakan ng Muslim Ummah.

Nang makuha ni Abu Hurayrah ang regalo na ipinagkaloob sa kanya ni Allah at ginamit ito para sa kapakinabangan ng Islam, hindi niya inakala na balang araw ay higit sa isang bilyong Muslim ang magsasambit ng kanyang pangalan tuwing sila ay natututo tungkol sa buhay at sa panahon ni Propeta Muhammad at ang relihiyong Islam. "Sa awtoridad ni Abu Hurayrah, na nagsabi, sinabi ng Sugo ni Allah ..." Ito ay isang parirala na ginamit ng lahat sa atin sa kasalukuyang panahon at sa iba pa. Ang buhay ni Abu Hurayrah ay testamento sa katotohanang ipinagkaloob sa atin ni Allah ang mga kakayahan at mga regalo na kailangan natin upang mabuhay sa mundong ito sa pinakamagandang paraan, at upang matupad ang ating kapalaran.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Iniugnay ni al-Baihaqi at Qadi 'Sa kanyang Shifa.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8