Naglo-load...

Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?

Marka:

Deskripsyon: Ang kahulugan ng pahayag na Ina ng mga Mananampalataya at maiking talambuhay ng mga naunang asawa ng Propeta Muhammad.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 133 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,612 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang maunawaan kung paano at bakit ginagamit natin ang katawagang Ina ng mga Mananampalataya.

· Upang malaman at maintindihan ang mga bagay ukol sa naging buhay at panahon ng apat sa mga naging asawa ng Propeta Muhammad.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Dunya - ang mundo dito, kabaligtaran ng mundo sa kabilang buhay.

·Akhirah - ang kabilang buhay, ang buhay pagkatapos ng kamatayan.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang pagpapakahulugan depende sa saklaw ng pag aaral ngunit ang karaniwang tinanggap na kahulugan nito ay, anumang iniulat, sinabi, ginawa o aprobado ng Propeta Muhammad.

·Sahabah - ang pangmaramihang tawag para sa "Sahabi" na tumutukoy sa mga Kasamahan o Kasama. Ang sahabi, na madalas ginagamit sa panahon ngayon, ang kahulugan nito ay ang mga nakakita kay Propeta Muhammad, naniniwala sa kanya at namatay na Muslim.

·Hadith - (pangmaramihan-ahadith) ay mga butil ng impormasyon o kwento. Sa Islam, ito ang mga tala ng mga pagsasalaysay ng mga pahayag at pamamaraan ng Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Mushaf – ito ang libro kung saan napapaloob ang Quran.

MothersofBelievers_01.jpg Sino ang mga Ina ng mga Mananampalataya? Maaaring iyo nang narinig ang katawagang Ummahat al-mumineen. Ito ay isinalin sa Tagalog bilang ang ‘mga ina ng mga mananampalataya’ at ito ay tumutukoy sa mga asawa ng Propeta Muhammad, ang kapayapaan ay sumakanya. Sila ang kanyang mga asawa sa mundong ito (dunya) at magiging mga asawa sa kabilang buhay (akhirah). Bawat isa sa kanila ay may malaking ginampanan sa kapanganakan (pagsisimula) ng Islam at ang naging mga pag-uugali nila sa iba-ibang sitwasyon na nagturo sa atin ng madaming aral sa panahon ngayon. Ipina-alala nila at itinuro sa atin kung paano sundin ang mga Sunnah o mga pamamaraan ng Propeta Muhammad sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sila ay nakahihigit sa kanilang relihiyon at magaling makipagkapwa at nakatanggap ng nakalulugod na mensahe na ang kanilang magiging huling destinasyon ay ang Paraiso.

Tinukoy ng Allah ang mga asawa ni Propeta Muhammad sa Quran at Kanyang tinawag ang mga ito bilang Ina ng mga Mananampalataya. Kanyang sinabi, "Ang Propeta ay mas malapit sa mga naniniwala kaysa sa kanilang mga sarili, at ang kanyang mga asawa ang kanilang (mananampalataya) mga ina... " (Quran 33:6) Sa pamamagitan ng mga patotoong ito ang mga asawa ng Propeta Muhammad ay pinagkalooban ng espesyal na katayuan. Sila ay binibigyan ng mataas na paggalang at nang mamatay ang Propeta Muhammad, hindi na muli silang pinayagan na mag-asawa dahil ayon sa batas, sila ay kinikilala bilang Ina ng mga kalalakihang Muslim.

·Khadijah bint[1] Khuwaylid (b.556 – d.619 CE)

" Si Maryam, anak ni Imran, ang pinakamahusay sa lahat ng kababaihan (sa kanyang kapanahunan) at si Khadijah ang pinakamahusay sa lahat ng kababaihan ( sa kanyang nasyon o angkan)." Si Khadijah ang unang asawa ni Propeta Muhammad, at nakilala ito ng Propeta bilang byuda ng isang mayamang negosyante ngunit nagtagumpay ito dahil sa kanyang sariling pamamaraan at karapatan. Tinanggap niya si Muhammad bilang ahente ng kanyang negosyo ngunit di naglaon nakita niyang nararapat itong maging kanyang asawa. Mula sa mga batayan ng mga impormasyon, siya ay apatnapong (40) taong gulang at si Muhammad ay dalawampo't limang (25) taong gulang nang sila ay ikinasal. si Khadijah ay nagsilang ng anim na supling, kabilang dito ang dalawang anak na lalaki na namatay sa kanilang kabataan. Sinuportahan at hinimok nya si Muhammad nang nakatanggap siya ng unang rebelasyon at nanatiling tapat nang madaming kilalang Meccan ang sumalungat kay Muhammad. Hindi nag asawa ng iba si Muhammad habang nabubuhay pa si Khadija. Minamahal at naaalala ni Muhammad si Khadijah sa mga natirang bahagi ng kanyang buhay.

·Sawdah bint Zam’a ( b.unknown – d.674 CE)

Pumanaw si Khadijah, unang asawa ni Muhammad, makalipas ang dalawampo't limang taon ng pagsasama nila. Naiwan siyang nag-iisa sa pagbuhay ng kanyang munting pamilya at kanyang napagtanto na hindi na niya napag-tuunan ng pansin ang paghikayat sa mga tao na pumasok sa Islam kaya nagpagdesisyunan niyang mag-asawa ulit. Kanyang napili ang isang byuda na nagngangalang Sawdah bint Zam'a

Si Sawdah at ang kanyang unang asawa ang isa sa mga naunang nagbalik-loob sa Islam na dumayo sa Abyssinia. Namatay ang kanyang asawa kung saan siya na excile at siya ay naiwang mahirap kasama ang kanyang maliliit na anak. Tinanggap ng mga magulang ni Sawdah si Muhammad. Pumayag ang mga magulang ni Sawdah at pagkatapos ay hiningi din ni Muhammad ang pahintulot ni Sawdah. Sa pagbibigkis na ito, ang Propeta at si Sawdah ay nagsama at nagkaroon ng maraming oras ang Propeta sa kanyang misyon. Ang kanilang pagsasama ay tumagal ng tatlong taon bago muling nag asawa ang Propeta. Si Sawdah ay nagkaroon ng malaking karangalan sa pagiging isang dayo sa ngalan ng Islam sa dalawang pagkakataon, sa Abyssinia pagkatapos ay sa Medina. Isa siya sa mga byudang pinakasalan ng Propeta. Si Sawdah ay nakilala bilang mabait, mapagkawang-gawa at masayahin.

Sa parehong panahon ng pagsasama ni Sawdah at Muhammad, naikasal muli ang Propeta kay Aishah bint Abu Bakr. Makalipas ang ilang taon, nakisama si Aisha bilang isang batang katipan ng Propeta sa pamamahay nila Sawdah at ng Propeta at malugod siyang tinanggap ni Sawdah. Sila nga ay bumuo ng magandang samahan at nanatili ito kahit nang mamatay na ang Propeta.

·Aishah bint Abu Bakr (b.612 – d.678 CE)

Si Aishah ay anak ni Abu Bakr, isa sa mga pinakamalapit na kaibigan at taga suporta ng Propeta. Ang kasunduang maagang pagpapakasal niya sa Propeta ang nagpatibay ng pagkakaibigan ng ama niya at ng Propeta. Siya ay pinalaking isang Muslim habang ang ibang sahabah o kasamahan nila ay mga nagbalik-loob sa Islam. Naging malapit sila ng Propeta pagkatapos niyang ikasal sa Propeta at maraming ahadith ang nagpatotoo dito.Siya ang pinakamamahal na asawa ng Propeta at napakatalinong iskolar ng Islam. Siya ay nagtala ng dalawang libong ahadith at tanyag dahil sa kanyang talas ng isipan at talino, pagmamahal sa pag-aaral at hindi nagkakamaling mga pagpapasya. Isa siya sa tatlong naging asawa ni Muhammad na nakakabisa ng buong Quran. Kabilang sa kanyang tanyag na nakamit ay siya lamang ang tanging asawa na kasama ng Propeta nang makatanggap ito ng rebelasyon at namatay ang Propeta sa kanyang mga bisig. Siya ay nabyuda sa gulang na labing walo o labing siyam na taong gulang at nagpatuloy sa pagtuturo. Siya rin ay nagkaroon ng makabuluhang tungkulin sa pagpapalaganap ng Islam sa mahigit apatnapong taon.

·Hafsah bint Umar ibn Al-Khattab (b.605 – d.665 CE)

Ang pang apat na asawa ni Propeta Muhammad ay si Hafsah, ang isa sa mga anak ng pinakamalapit na katiwala ng Propeta na si Umar ibn Al-Khattab. Ang pagpapakasal nila ay isang matalinong alyansa sa politika. Naikasal si Hafsah sa murang edad at kasama sa mga dayo sa Abyssinia at Medina. Sa kasamaang palad, siya ay nabyuda nang siya ay labing walong gulang lamang ngunit nagkaroon ng pagkakataon na magpakasal muli kay Propeta Muhammad at iugnay ang pamilya Al-Khattab at pamilya ng Propeta. Sila Hafsah at Aisha ang mga pinakabatang naging asawa ng Propeta at mayroon silang pagkakapareho sa pag uugali; parehas silang malakas, determinadong mga kababaihan at sa maraming mga pagkakataon ay nagkasundo. Siya ay marunong magbasa at magsulat at kapareho ni Aisha na nakabisado ang Quran. Siya rin ay relihiyosa at matalino. Gumogugol at pinaglalaanan niya ng oras ang pagnilay-nilay sa mga taludtod ng Quran. Isa si Hafsah sa mga nabigyan ng karangalan bilang maging tagapangalaga ng mga naunang Mushaf na napasa-kanya pagkatapos mamatay ng kanyang ama. Tumagal ang pagsasama nila ng Propeta ng walong taon at namuhay pa ng tatlumpong taon pagkatapos mamatay ang Propeta.



Talababa:

[1] Bint sa salitang arabe ay 'anak ni'.

[2] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8