Naglo-load...

Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim

Marka:

Deskripsyon: Ang mga pakinabang ng pagiging kalahok sa komunidad ng Muslim at ilang madadaling mga payo upang ikaw ay makapagsimula.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 10 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,080 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang ituro ang mga dahilan kung bakit ang isang bagong Muslim ay dapat ilahok ang kanilang mga sarili sa komunidad.

·Upang mag-bigay ng ilang pangkalahatang payo tungkol sa kung paano magsimula.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shahadah - Patotoo ng Pananampalataya.

·Salat ul-Jumuah - Pagdarasal sa Biyernes.

·Salam - Ang Islamikong pagbati tulad ng ‘As-Salamu Alaikum’.

·Du’a - Pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah ng anuman.

·Masjid - ang arabeng kataga para sa moske.

·Sahabah - ang anyong pangmaramihan ng "Sahabi," na salin para sa mga Kasamahan. Ang sahabi, bilang salitang karaniwang ginagamit ngayon, ay siyang nakakita sa Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

GettingInvolvedinCommunity.jpgNayakap mo na ang Islam at naging isang Muslim, nabigkas mo na ang iyong Shahadah, at ngayon ang iyong bagong buhay ay magsisimula na. Nararamdaman mo ang pananabik, matinding kagalakan, at pakiramdam na tila ikaw ay "sumasayaw sa ere", subalit ang mahabang araw ay lumapit na sa pagtatapos at nagsisimula ka nang magtaka kung ano na ang mangyayari ngayon! Bukas, sa nakasisilaw na liwanag ng araw ay paano ka makikilahok sa komunidad ng Muslim? Alam mong sila, ang komunidad ng Muslim, ay iyo nang mga kapatid na lalaki at babae ngayon subalit ang lahat ay tila napakalayo. Paano mo babasagin ang nakatagong harang at humakbang papasok sa isang komunidad na sa lahat ng mga hangarin at mga layunin ay nagkaka-ayos naman ng napaka-igi nang wala ka?

1 Hakbang. Magkaroon ng makatotohanang mga inaasahan.

Kahit na ang Islam ay ang ulirang paraan ng pamumuhay, hindi lahat ng Muslim ay sinusunod ang kanilang relihiyon ayon sa nararapat. Sa pangkalahatan mga tao ay may ilang mga napakabuting mga Muslim, at ilang mga napakasama. Karamihan gayunpaman ay naipit sa sa gitnang bahaging nagpupunyagi at sinusubukang gawin ang buong makakaya nila. Minsan kapag ang isang tao ay nagbalik sa Islam ay inaasahan nilang matagpuan ang kanilang mga sariling kabilang sa mga taong katulad ng mga sahabah. Ito marahil ay hindi ang magiging kaso; gayunpaman, ikaw (ang nagbalik sa Islam) ay ganap na katulad ng mga sahabah dahil ikaw din ay gumawa isang pagpapasya, madalas na inilalayo ang iyong sarili mula sa pamilya at mga kaibigan. Sa gayon mas maaga mong napagtantong hindi lahat ay magiging isang perpektong huwaran ay mas mainam, gayunpaman ay napakabilis mong matatagpuan ang ibang hinarap ang parehong mga pagpapasya, mga suliranin at pighating iyo nang naharap.

2 Hakbang. Magtungo sa masjid.

Pilitin ang iyong sariling dumalo sa iba't ibang mga programang inaalok sa inyong masjid. Huwag lamang magtungo para sa Salat ul-Jumuah. Ito ay magpapagaan sa iyong landas at magbubukas ng maraming mga pintuan, pati na rin ang pagdaragdag ng maraming mabubuting mga gawa sa iyong pakinabang. Dito ka makakatagpo ng mga tao, magagawang makipag-ugnayan at makakuha ng mga pangmatagalang mga kaibigan. Isang katotohanan, sa buong mundo, na maaari ka laging makahanap ng isang tao sa masjid. Para sa mga kababaihan ito ay maaaring maging bahagyang naiiba samakatuwid magmasid para sa mga natatanging mga pag-aaral o pagtitipon para sa mga kababaihan at isaayos ang iyong talaorasan upang makadalo.

Maraming mga masjid at Islamikong tanggapan ang humahawak ng mga pagtuturo at pagtitipon para sa mga bagong Muslim. Magiging isang magandang ideya na dumalo sa marami sa mga pagtitipong ito hangga't maaari. Dito mo makikilala ang ibang mga bagong Muslim at maging ang pinaka-maimpluwensiyang mga kasapi ng komunidad. Dito ka maaaring makabasa ng mga pampublikong paskilan o makatipon ng mga pampahayagang kasulatan. Ito rin ay isang pagkakataong ialok ang iyong mga paglilingkod sa komunidad. Ang iyong mga kasanayan ay maaari talagang makinabang ang iyong lokal na komunidad. Marahil ay maaari kang magturo ng Ingles, magsa-ayos ng pag-aaral sa kompyuter o tumulong sa grupo ng kabataan. Ang mga posibilidad ay walang katapusan.

3 Hakbang. Maghanap ng mga kaibigan.

Hayaan ang iyong sarili na kilalanin at lumantad sa katotohanang ikaw ngayon ay bahagi na ng isang pandaigdigang pamilya. Tulad ng lahat ng mga pamilya na mas malaki, mas maraming mga pagkakaiba ang lilitaw, kaya may nakatakdang magkaroon ng pangkultura at pangwikang suliranin. Minsan ang mga taong ipinanganak sa Islam ay hindi nakikilalang ang pangkulturang pagkaligaw na sumalisi sa kanilang Islam at madaling unawain kung minsan na ang mga pangkat etniko ay nananatiling magkakasama. Ito ay mga katotohanan at sa una ay maaaring maging pinakamainam na pabayaan na lamang ang mga kawalang-katarungang ito hanggang matagpuan mo na ang iyong lugar sa komunidad.

Ngayong nayakap mo na ang Islam ay nagsasalita ka ng isang pandaigdigang wika, at bahagi na ng isang pandaigdigang kultura; ang wika at kultura ng Islam, subalit kailangan mo pa ring magsikap na makahanap ng mga kaibigan at magtayo ng tulong ugnayan. Matutong bumati sa mga tao sa Islamikong paraan; magsabi ng Assalam Alaikum. Magsanay ng ilang beses sa bahay. Ito ay isang pagsusumamo na kung saan siya ay humihiling sa Diyos na magkaloob ng pangangalaga at seguridad sa kanyang kapwa Muslim. Hinihikayat nito ang mga mananampalataya na maging isang komunidad na hindi hadlang ang panlipi o pambansang kinabibilangan subalit magkakasama sa pamamagitan ng kapayapaan at pagkakaisa. Ang tugon na iyong maririnig ay Wa Alaikum Assalam, at sa ganito lamang ay makakakilala ka na ng mga tao. [1]

Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay sinabi sa ating, "Hindi kayo makapapasok sa Paraiso hanggang kayo ay sumampalataya, at hindi kayo sasampalataya hanggang sa magmahalan kayo sa isa't isa. Sasabihin ko ba sa iyo ang tungkol sa isang bagay na, kung gagawin ninyo ito, ay magagawa ninyong mahalin ang isa't-isa? Bumati sa bawat isa ng salam".[2]

Malamang na ikaw marahil ay makikitungo sa ibang kapwa mo kasarian kaya ang pakikipagkamay sa pagbati ay isang mainam na karagdagang ugnayan at, kasama ang mga salita ng Assalam Alaikum, isang paraan upang makatipon ng mga gantimpala habang nakikipagkaibigan at lumalahok sa komunidad. Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, "Kapag ang mananampalataya ay nakaharap ang isang kapwa mananampalataya at siya ay bumati sa kanya ng salam at hinawakan siya sa kamay at nakipagkamay sa kanya, ang kanilang mga kasalanan ay malalaglag tulad ng mga dahon ng isang puno." [3]

4 Hakbang. Hindi lahat ay panatag na paglalayag.

Si Propeta Muhammad ay nagsabi, "... tandaang ang pagtatagumpay ay nasa pagtitiis, at ang kaluwagan ay nasa pagkabalisa at sa kahirapan ay dumarating ang kagaangan." [4] Bilang isang nagbalik sa Islam ay kahaharapin mo ang maraming mga pagsubok at mga kapighatian. Ikaw ay maaaring hindi makakaiwas dito kaya armasan mo ang iyong sarili ng mga paraan at panlunas upang malampasan ang mga ito. Alalahaning si Allah ay ginabayan ka sa Islam at ito ay hindi dumating para hayaan kang mabigo ngayon. Ilagay ang iyong tiwala sa Kanya, matutong magdasal, matutong magsagawa ng du'a at tandaan na maging mapagpasalamat. Maraming magagandang bagay ang nangyayari at mangyayari sa iyo, isa na rin dito ang ikaw ngayon ay nasa tuwid na landas na maaaring mag-akay sa iyo sa Paraiso. May karunungan sa likod ng mga pagsubok na iyong haharapin kahit na hindi mo laging makikilala ito agad-agad. Tandaan na pagkatapos ng paghihirap ay dumadating ang kagaangan at pagkatapos ng pagkabalisa ay dumadating ang kaluwagan.

Ang pakikilahok sa komunidad ng Muslim ay magdudulot sa iyong landas na maging higit na madali at higit na kasiya-siya. Mas madaling makibagay sa iyong bagong pamumuhay kung nararamdaman mong nakasentro at parte ka ng komunidad. Sa gitna ng iyong bagong pamumuhay ay ang komunidad na nagkaka-isa ang mga iniisip, na nagtatatag ng pagdarasal at mananagot kay Allah para sa kanilang mga sarili at bawat isa. Ang iyong Islamikong komunidad ay maaaring hindi perpekto at maaaring paminsan-minsan ay may mga pagtatalo-talo ang mga magkaka-ibang lahi at tsismis gayunpaman sa malaking bahagi ay matatagpuan mo ang maka-komunidad na pagtuon, isang diwa ng kaayusan at isang lugar ng espirituwal na suporta.



Mga Talababa:

[1] Upang matuto pa tungkol sa ilang sa mga karaniwang ginagamit na mga Islamikong kataga, pakitingin ang: http://www.newmuslims.com/lessons/269/ [2 [mga bahagi]

[2] Saheeh Muslim

[3] Isinalaysay ni at-Tabaraani in al-Awsat at inuri bilang Saheeh ni Sh Al Albani

[4] At Tirmidhi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8