Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
Deskripsyon: Ang paninindigan ng Islam pagdating sa pagtatambal sa pagsamba kay Allah at pagtuturing sa iba ng mga katangiang para lamang sa kanya at natatangi para sa kanya. Bahagi 2: Ang kahulugan ng Shirk at mga uri nito. Mga uri ng malaking shirk.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 27 Aug 2022
Nai-print: 82 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,411 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Pangunahing Pangangailangan
·Paniniwala kay Allah (2 bahagi).
Mga Layunin
·Ang matutunan ang tungkol sa shirk sa karapatan ni Allah sa pagsamba ng may malinaw na mga halimbawa.
oShirk sa pagmamahal
oShirk sa pananalangin
oShirk sa pagsunod
o Mga karagdagang uri ng shirk
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shirk -ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.
·Du’a - ang panalangin, dasal, paghiling ng anuman kay Allah
Malaking Shirk: Shirk kay Allah sa kanyang karapatan sa Pagsamba
Sa kategoryang ito ng shirk, ang pagsamba ay idinidirekta sa iba maliban pa kay Allah at ang gantimpala sa pagsamba ay iniaasa sa mga nilalang imbes na sa Tagapaglikha. Ang pagdarasal, pagyukod, at pagpapatirapa ay mga pagsambang para kay Allah lamang.
“ At kapag sila ay sumakay sa mga barko, ay tumatawag sila kay Allah, bilang sinseridad at pagsunod sa Kanya, ngunit kapag dumaong na sila sa ligtas na lugar, magbadya, sila ay nagtatambal sa Kanya.” (Quran 29:65)
Halimbawa ng Shirk sa Karapatan ni Allah sa Pagsamba
(1) Ang mahalin si Allah ng tama ay pagsamba sa kanya. Ang uri ng malaking shirk ay ibigay ang bahagi ng pagmamahal na ito sa iba na nauukol kay Allah. Si Allah lamang ang nag-iisang minamahal para sa kanyang kapakanan. Ang dalawang bagay na minamahal ay hindi maaring umiral sa iisang puso. Ang pagmamahal kay Allah ay iba sa pagmamahal sa mga magulang, asawa o mga anak sapagkat ang pagmamahal na ito na nararamdaman ay may kasamang pangingimi sa Kanyang kabanalan na siyang nagdudulot na ang tao ay magdasal, magtiwala sa Kanya, umasa sa Kanyang awa, at katakutan ang Kanyang kaparusahan, at sambahin lamang Siya. Ang magmahal ng iba tulad ng pagmamahal kay Allah ay shirk sa pagmamahal. Ang isang muslim ay marapat na hindi maging masyadong nakadikit sa isang bagay na maaring alipinin ang kanyang puso. Ang puso ay masyadong pumapanig sa kapangyarihan, pera, kasikatan, babae, musika, droga, alak at iba pa. Ang mga bagay na ito ay maaring maging "dios" sa buhay ng isang tao na tutugis sa kanya umaga at gabi. At kapag nakuha niya ang mga bagay na mahal niya ay pagbubutihin niya pa para malugod ito. Ito ang dahilan sa sinasabi ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati; na ang taong sumasamba sa pera ay palagian na magiging miserable [1] at sabi sa Quran,
“At may ilan sa mga tao na sumamba ng iba maliban kay Allah. Minahal nila ang mga ito tulad ng pagmamahal nila kay Allah. Ngunit ang mga mananampalataya ay mas masidhi ang pagmamahala nila kay Allah (kaysa sa anupaman).” (Quran 2:165)
(2) Shirk sa panalangin. Una, ang panalangin o paghiling (kilala sa Arabik na Dua) ay bahagi ng pagsamba tulad ng sinabi ng Propeta, sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi:
“Ang panalangin ay ang esensya ng pagsamba.” (Abu Daud, Al-Tirmidhi, Ahmad)
Ang pagtawag sa mga patay na santo, mabubuting tao o sa mga wala o nasa malayo upang humingi ng saklolo na tulad ng kung paano nananalangin kay Allah ay malaking shirk. Kabilang dito ang pagdarasal, paghiling, o panalangin sa mga dios-diyosan, propeta, anghel, santo idolo, o anupaman maliban kay Allah. Ang mga Kristiano ay nagdadasal sa tao, sa Propeta ni Allah na si Hesus na sinasabi nilang dios na nabuhay muli. Ang mga Katoliko ay nagdadasal sa mga santo, anghel at kay Maria bilang "Ina ng Dios" daw. Shirk din ang magdasal kay Popeta Muhammad sumakanya nawa ang pagpapala at pagbati, o sa mga namatay nang mga banal na tao na may paniniwala na maari itong tumugon sa mga dasal, tulad ng sabi ni Allah,
“Sabihin: ‘Ipagbadya, Ako ay pinagbabawalan na sumamba doon sa mga dinadalanginan ninyo maliban pa kay Allah.’” (Quran 6:56)
“At huwag manalangin sa iba pa maliban kay Allah na wala namang benipisyo o pinsala na idudulot sa iyo, dahil kapag ginawa niyo ito, kung gayun ay mapapabilang kayo sa mga mapaggawa ng kasamaan.” (Quran 10:106)
“Kung nagdarasal kayo sa kanila hindi nila naririnig ang inyong dasal, at kung marinig man nila ay hindi nila ito maibibigay sa inyo. At sa Araw ng Pagbangon na Muli ay itatatwa nila ang ugnayan sa inyo. Walang ibang makapagbabalita sa inyo maliban Sa Kanya ang Nakababatid.” (Quran 35:14)
(3) Shirk sa pagsunod. Si Allah lamang ang nag-iisang tagapamahala sa kapakanan ng mga tao. Si Allah ang Pinakamataas na nagbibigay ng batas [2], Ang ganap na hurado at tagapagbigay ng batas. Siyang nakakabatid ng tama at mali. Tulad na ang pisikal na mundo ay nagpapasakop sa panginoon nito, ang tao ay marapat na magpasakop sa moral at pangrelihiyong katuruan ng kanilang Panginoon, Ang Panginoon na naghiwalay sa pagitan ng tama at mali para sa kanila. Sa madaling salita, si Allah lamang ang may awtoridad na gumawa ng batas, magtukoy ng pagsamba, magdisesyon sa moral, a magtakda ng pamantayan ng pakikipag-ugnayan at ugali ng tao. Siya ang nag-utos:
“Sa Kanya ang Paglilikha at Pag-uutos.” (7:54)
“Ang pagbabatas ay para lamang kay Allah. Ipinag-utos Niya na wala kayong sasambahin kundi Siya lamang. Iyan ang tunay na relihiyon, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (Quran 12:40)
Ang pagsunod sa mga lider ng relihiyon sa mga bagay na hayag na pagsuway kay Allah ay isang uri ng malaking shirk tulad ng sinabi ni Allah:
“Sila na (Mga Hudyo at Kristiyano) ginawa nila ang kanilang mga rabbis at monghe na mga panginoon mailaban kay Allah.” (Quran 9:31)
Ginawan nila ng katambal si Allah hindi sa paraang direktang pagsamba sa mga ito, bagkos sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa kanilang mga rabbis at pari na baguhin nila ang mga pinahintulutan na ipagbawal at ang mga ipinagbawal na ipahintulot sa relihiyon ni Allah. Binigyan nila ng awtoridad ang kanilang mga lider pang relihiyon na dapat ay kay Allah lamang - ang maglagay - ng banal na batas. Halimbawa, ang Papa ng Romano Katoliko na siya ang may awtoridad na mag ditermina kung paano sasambahin ang Dios. Nasa Kanya ang buong awtoridad na magbigay ng interpretasyon, pagbabago o mag-alis ng batas niya at batas ng mga nauna sa kanyang papa, siya rin ang nagdidetermina ng gawaing maliturgya (liturgical) at pag-aayuno.
(4) Panunumpa sa iba maliban pa kay Allah.
(5) Ang pag-aalay ng makakatay na hayop para sa pagsamba o malugod ang iba pa maliban kay Allah tulad ng mga santo.
(6) Pag-ikot sa paligid ng libingan ng mga santo. Pagyukod at pagpapatirapa sa tao o libingan.
(7) Ang katakutan ang ibang nilalang maliban pa kay Allah ng takot na karapat-dapat na takot para kay Allah na makapagpaparusa sa tao.
(8) Paghingi ng tulong kababalaghan at pagsaklolo maliban pa kay Allah na silang wala naman kakayanan magbigay ng anumang tulong tulad ng mga anghel at santo.
(9) Ang paggawa ng tagapamagitan sa pagitan ng isang sarili at kay Allah, nananalangin sa tagapamagitan na ito o dito na umaasa.
Nakaraang Aralin: Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
Susunod na Aralin: Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Adhan (bahagi 1 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 1 of 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahaging 2 ng 3)
- Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)
- Inirekomendang Gawaing ritwal sa pagligo (Ghusl)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 1 of 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 2 ng 3)
- Pagninilay-nilay sa Surah al-Fatiha (bahagi 3 of 3)
- Tuyong Paghugas o Walang Tubig na Pagdadalisay (Tayammum)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 1 ng 2)
- Pagpapakilala sa mga Sekta (bahagi 2 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 1 ng 2)
- Proteksyon Mula sa Kasamaan (bahagi 2 ng 2)
- Pagperpekto ng Ating Katangian o Pagkatao
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 1 ng 2)
- Pambungad sa Paglilinis ng Kaluluwa (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 1 ng 3)
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 2 ng 3): Awrah at Mahrams
- Ang Pamantayan ng Pananamit sa Islam (bahagi 3 ng 3): Panalangin at Karunungan
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng mga Tao (bahagi 1 ng 2)
- Satanas: Ang Pinakamalaking Kaaway ng Sangkatauhan (bahagi 2 ng 2)
- Ang Panalangin (bahagi 1 ng 2)
- Ang panalangin (bahagi 2 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 1 ng 2)
- Ang Awa ni Allah (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
- Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 1 ng 2): Ang awa ni Allah ay nakapaloob sa mga kahirapan sa buhay
- Mga Pagsubok at Kapighatian pagkatapos ng Pagbabalik-loob (bahagi 2 ng 2)