Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Dalawang aral ang magbibigay ng liwanag sa Islamikong mga patakaran at mga alituntunin ng kinatay na mga karne at ang umiiral na mga kasanayan sa mga bahay-katayan sa Kanluran at magbibigay ng gabay sa kung saan bibili ng karne.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,745 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin
·Upang maunawaan ang kahalagahang mapag-aralan ang Islamikong mga alituntunin ng pagkain.
·Upang maunawaan ang mga elemento ng Islamikong pamamaraan para sa pagkatay at ang karunungan sa likod ng Islamikong patakaran ng pagkakatay.
Mga Katagang Arabe
·Qiblah - Ang dakong hinaharapan ng isang tao habang nasa pormal na mga pagdarasal.
·Halal - pinahihintulutan.
Kahalagahan na Mapag-aralan ang Islamikong mga Alituntunin ng Pagkain
Para sa isang Muslim, maraming kalituhan ang bumabalot sa katanungan sa mga pagkain at mga karneng ibinebenta sa mga pamilihan at pagkain sa mga ito sa mga kainan sa Kanluran. Ang usaping pagkakatay ng mga hayop ay hindi isang makamundong usapin na kung saan ang isang indibidwal ay maaaring ginagawa ito ayon sa kanyang kagustuhan, sa halip ito ay itinuturing na isang gawaing pagsamba. Ang Sugo ni Allah, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:
"Sinumang magdasal ng ating pagdarasal at humarap sa ating qiblah at kumain ng ating kinatay na mga hayop, ay isang mananampalataya na nasa ilalim ng pangangalaga ni Allah at ng Kanyang Sugo."[1]
Ang hadith na ito ng Sugo ni Allah ay malinaw: ang pagkakatay ng mga hayop ay nagtataglay ng makabuluhang katayuan sa Islam. Ang Propeta ay isinasagawa ang pagkakatay ng mga hayop na may pagdarasal at humaharap sa qiblah.
Dalawang Kategorya ng Pagkain
Mga Gulay at mga Prutas
Siyempre, wala alinman sa mga prutas o mga gulay ang may mga natatanging mga alituntunin ng pagkakatay. Sa pamamagitan ng pinagkasunduan ng mga iskolar, ang mga ito ay halal at pinahihintulutan, maging sino ang luminang o nagmamay-ari nito hangga't ito ay malusog at ligtas mula sa karumihan. Samakatuwid, ang isang Muslim ay maaaring kainin ang mga ito mula sa isang kasapi ng anumang ibang relihiyon.
Ang karne ng hayop ay higit pang nahahati sa dalawang kategorya: pagkaing-dagat at mga hayop sa kalupaan.
Pagkaing-dagat
Sa pamamagitan ng napagkasunduan ng mga iskolar, ang pagkaing-dagat ay halal sa pangkalahatan maging saan ito lumaki o sino ang nakahuli. Dahil ang isda ay hindi nangangailangan ng mga natatanging pamamaraan ng pagkakatay, ang mga ito ay itinuturing na ipinahihintulot. Kabilang dito ang mga hipon at mga sugpo ayon sa karamihan ng mga iskolar. Ang ilang mga bukod-tangi ay:
·Mga Buwaya
·Mga Palaka
·Mga Oter at mga pagong (subalit halal pagkatapos ang pagkakatay sa mga ito)
Ipinagbabawal na mga Karne ng Amak (domisticated) na mga Hayop
Mabangis na hayop, ito ay , hindi amak, ay pinahihintulutang kainin ito kung ang pangunahing kinakailangan ng pangangaso ay natugunan.
Ang karne ng mga amak na hayop na may kondisyong ito ay kinatay ayon sa Islamikong mga pamantayan ay pinahihintulutan. Kung ito ay mahuhulog sa isa sa mga kategoryang binanggit sa sumusunod na talata, ito ay magiging ipinagbabawal:
"Ipinagbabawal sa inyo (sa pagkain) ay mga patay na hayop, dugo, ang laman ng baboy, at ang karne ng yaong kung saan kinatay bilang isang alay para sa iba bukod kay Allah..." (Qur'an 5:3)
Si Ibn 'Abbas ay iniulat na ang Sugo ni Allah ay ipinagbabawal ang pagkain ng lahat ng mga karniborong mga hayop na may mga pangil na sadyang makakapunit ng laman (ito ay mga hayop na sumisila, tulad ng mga aso at mga tumangong o ang foxes), at lahat ng mga ibon na may mga kuko (tulad ng mga agila at mga palkon).[2]
Mga Elemento ng Islamikong Pamamaraan para sa Pagkatay
·Ano ang dapat Hiwain:
·dalawang ugat na jugular (malaking mga sisidlan ng dugo sa leeg)
·lalamunan (lagusan para sa paghinga; tatagukan)
·esopago (tubong daanan ng pagkain at inumin; lalamunan)
·Anumang kagamitang may kakayahang maduguan ang hayop ay pinahihintulutan, maging ito ay gawa sa bakal, asero, matalim na bato o kahoy, maliban sa buto, ngipin, o kuko. Ang kagamitan ay dapat maging matalim. Di ini encourage ang isang taong gumamit ng isang kagamitang mapurol upang ang hayop ay hindi mabagabag o mailagay sa hindi nararapat na paghihirap.
Karunungan sa likod ng Islamikong Patakaran ng Pagkakatay
Ang karunungan sa Islamikong mga patakaran ng pagkakatay ay ang pagkitil sa buhay ng hayop sa pinakamabilis at pinakamagaan na paraan; ang mga pangangailangan ng paggamit ng isang matalim na kagamitan at pagputol ng lalamunan ay may kaugnayan dito. Ipinagbabawal ang paglaslas ng lalamunan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ngipin o mga kuko dahil ito ay magdudulot ng pasakit sa hayop at para na ring sinakal ito. Ang Propeta ay itinatagubilin ang paghahasa ng kutsilyo at paglalagay ng hayop sa kaginhawahan, na sinasabing, si Allah ay nagtakda ng kabaitan sa lahat ng mga bagay, "at kapag kayo ay nagkatay, gawin ito sa pinakamainam na paraan sa pamamagitan ng paghahasa muna ng kutsilyo at pagpapakalma muna dito."[3]
Ang Pagsambit ba ng Bismillah ay isang Pangunahing kailangan?
Una, ang kasanayang ito ay nasa pagsalungat sa kasanayan ng mga sumasamba sa rebulto bago ang Islam, na sinasambit ang mga pangalan ng kanilang di-umiiral na mga diyos habang kinakatay ang mga hayop.
Pangalawa, ang mga hayop, tulad ng mga tao, ay mga nilikha ni Allah, at sila ay mga nabubuhay na nilalang. Samakatuwid, mahalagang sambitin ang 'Bismillah' bago kitilin ang buhay ng isa sa mga hayop na ito sapagkat ang kasanayang ito ay katumbas ng paghingi ng pahintulot mula kay Allah. Ang pagsambit ng pangalan ni Allah habang kinakatay ang hayop ay isang pagpapahayag ng banal na pahintulot na ito, na tila ang siyang kumakatay ng hayop ay nagsasabi, "Ang gawain kong ito ay hindi isang gawaing kalupitan laban sa sansinukob o pang-aapi sa nilalang na ito, subalit sa pangalan ni Allah ako ay nagkakatay, sa pangalan ni Allah ako nangangaso, at sa pangalan ni Allah ako ay kumakain."
Ayon sa karamihan ng Muslim na mga iskolar, ang pagsambit ng Bismillah ay kinakailangan kung hindi ang karne ay magiging ipinagbabawal. Ito ay batay sa 6:121, 5:4, 22:34, 22:36, 6:138, 6:119. Ang Propeta ay nagsabi, ''Kaya kumatay sa Pangalan ni Allah.'[4]
Sino ang Kwalipikadong Kumatay?
Ang isang Muslim, Hudyo, o isang Kristiyano ay mga kwalipikado sa pagsasagawa ng pagkatay. Ayon sa karamihan ng mga iskolar, ang karneng kinatay ng isang Hudyo o isang Kristiyano ay dapat matugunan ang parehong pamantayan na dapat matugunan ng isang Muslim. Kung hindi niya matugunan ang pamantayang yaon, magkagayun ang karne ay ituturing na isang 'patay na hayop' o isang bagay na katulad.
Karaniwang Pagtutol
Ang ilang mga tao ay nagsasabing hangga't ang mga tao o Angkan ng Kasulatan ay itinuturing ang kung ano ang kanilang kinatay (sa pamamagitan ng pagkuryente, atbp) bilang halal at itinuturing nilang pinahihintulutan sa kanilang relihiyon, ito ay halal para sa mga Muslim.
Ito ay hindi tama sapagkat:
(a) Si Allah ay ipinagbawal para sa atin ang isang hayop na binigti o sinakal sa kamatayan (halimbawa sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid), o pinalo sa kamatayan sa pamamagitan ng isang batuta na nakasaad sa 5:3 at ang lahat ng Muslim na mga iskolar ay sumasang-ayon tungkol sa kanilang pagbabawal. Kaya, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano na walang tamang pagkakatay ay ituturing na ipinagbabawal at ang karne ay magiging ipinagbabawal tulad ng laman ng baboy at walang pagkakaiba maging ang isang Muslim man ay sinakal ito pinalo ito sa kamatayan o ng ibang tao. Ayon sa Quran 5:3 ito ay ipinagbabawal.
(b) Ang karneng baboy ay kinakain ng mga Kristiyano, gayunpaman wala ni isang iskolar na nagturing ditong pinahintulutan. Gayundin, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano sa pamamagitan ng pagbali ng leeg o anumang iba pang paraan na hindi tumugon sa Islamikong pamantayan sa pagkakatay ay magiging ipinagbabawal. Bakit? Sapagkat ang lahat ng mga ito, ang laman ng baboy, nabubulok na bangkay, ang isang hayop na sinakal o pinalo sa kamatayan, ang lahat ay ginawang ipinagbabawal ni Allah sa parehong talata sa Qur'an 5:3. Ang talata ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng baboy, isang hayop na kinatay sa pamamagitan ng pagsakal, o tinulig/kinuryente, o pinalo sa kamatayan, o na ang ulo ay pinisak.
Nakaraang Aralin: Ang mga Himala ng mga Propeta
Susunod na Aralin: Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)