Naglo-load...

Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang pangalawang pag-aaral ay upang pag-usapan ang konsepto ng Islamikong 'pamamagitan.'

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 81 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,035 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga layunin

· Ang maintindihan ang tatlong kundisyon ng pamamagitan

· Ang maintindihan kung kaninong pamamagitan ang hindi tatangapin sa araw ng paghuhukom

·Ang maintindihan ang karunungan patungkol sa pamamagitan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Tawheed – Ang kaisahan at pagkabukod tangi ng Allah bilang paggalang sa kanyang pagiging Panginoon, sa Kanyang mga Pangalan at sa Kanyang mga Katangian at ang Kanyang Karapatan para Sambahin.

·Hadith- (pangmaramihan – ahadith) ay isang bahagi ng pahayag o kwento. Sa Islam ito ay ang naitalang kapahayagan at mga kasabihan at mga isinagawa ng propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Mushrik – (pangmaramihan – mushrikoon) sinumang mag tambal ng pagkaDiyos sa isang tao o mga bagay maliban sa Allah.

·Shirk – salitang nagpapahiwatig ng pagtatambal sa Allah, o pagsasabi ng katangiang pagkaDiyos sa sinuman maliban kay Allah, o maniwalang ang pinanggagalingan ng kapangyarihan, pinsala , at biyaya ay nagmumula sa iba maliban kay Allah.

Mga Kundisyon ng Pamamagitan

Intercession_on_Judgment_Day_(part_2_of_2)._001.jpg Isa sa mga pinaka importanteng bagay na dapat maintindihan ay ang Allah at ang Allah lamang "ang nagmamayari" ng pamamagitan. Walang sinumang tao ang nagmamay- ari ng pamamagitan.

Ang pamamagitan sa kabilang buhay ay mangyayari lamang kung ang mga sumusunod na kundisyon ay mapupunan:

1. Dapat ay pinahintulutan ng Allah ang isang tao na kung saan nangangailangan ng pamamagitan.

“…at silay hindi makakapamagitan maliban sa kanya na kinalugdan ng Allah” (Quran 21:28)

Sinuman na siyang naghahangad ng pamamagitan ay nararapat na naniniwala sa Tawheed dahil ang Allah ay hindi nalulugod sa mga mushrikoon (mga mapagtambal). .

At nabanggit , ‘O Sugo ng Allah, sino ang pinaka pinagpalang tao na pagkakalooban mo ng pamamagitan sa araw ng pagbabangong muli? ang Sugo ng Allah ay nagsabi :

“O Abu Hurayrah, akala ko wala ng magtatanong sa akin kaugnay sa hadith na ito bago sa iyo, dahil nakita ko kung gaano ka kasigasig para matuto ng hadith. Ang mga tao na pagpapalain ng aking pamamagitan sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay sila na mga nagsasabi ng La ilaha illa Allah ng buong sinsiridad sa kanilang puso.’”

2. Ang Allah dapat ang magbibigay ng pahintulot sa pamamagitan.

“Sino siya na makakapagbigay ng pamamagitan maliban na kanyang pahitulutan?” (Quran 2:255)

3. Ang Allah ang dapat magpahintulot ng pamamagitan.

“…kaninong pamamagitan ang mangyayari, wala malibang pagkalooban ng pahintulot ng Allah ayon sa kanyang nais at mga kinalulugdan niya” (Quran 53:26)

Hindi tatanggaping Pamamagitan

Ang hindi tatanggaping pamamagitan ay yaong hindi nakatupad sa mga kundisyon na kinakailangan para sa kapahintulutan ng Allah o kayay nalugod Siya( doon sa namamagitan o doon sa nangangailangan ng pamamagitan), gaya ng pamamagitan ng mga sumasamba ng iba maliban kay Allah na naniniwala na ang kanilang diyos ay magagawang mamagitan sa kanila. marami sa kanila ay sumasamba lamang sa kanilang diyos dahil naniniwala silang makakapamagitan ito sa kanila mula kay Allah, at sila ay mga taong tagapagitan lamang sa pagitan nila at ng Allah . Si Allah ay nagsabi:

“ Katiyakan, ang relihiyon ay kay Allah lamang. At sila na nagkakaroon ng mga protektor maliban sa kanya (ay magsasabi) Sinasamba lang namin sila para ilapit kami kay Allah.' Katotohanan, ang Allah ay huhusgahan sila sa kung ano ang mga bagay na kanilang pinag didibatihan. Katotohanan, si Allah ay hindi namamatnubay sa kanya na sinungaling, at isang walang paniniwala " (Quran 39:3)

Sinabi sa atin ng Allah na ang pamamagitan na ito ay walang kabuluhan at walang kapakinabangan:

“kayat walang pamamagitan o tagapamagitan ang magkakaroon ng pakinabang sa kanila” (Quran 74:48)

“At katakutan ang araw (paghuhukom) kung saan ay walang taong makikinabang sa kapwa niya o kaya ay may tatanggaping pamamagitan galing sa kanya o kaya ay kabayarang mula sa kanya o kaya ay makakatulong sa kanila.” (Quran 2:48)

“O kayong mga naniniwala ! Gugulin niyo ang anumang ibinigay namin sa inyo, bago dumating ang araw na kung saan wala ng kasunduan, o kaya'y pagkakaibigan, o kayay pamamagitan. At sila na mga walang paniniwala ang siyang mga gumagawa ng kamalian.” (Quran 2:254)

Kaya naman, si Allah ay hindi tinanggap ang pamamagitan ng kanyang Khaleel[1] Na siIbrahim sa kanyang amang si Azar na isang pagano. Ang propeta ay nagsabi::

“Makakatagpo ni Ibrahim ang kanyang ama sa araw ng pagbabangong muli, at ang mukha ni Azar ay magiging itim at punong puno ng alikabok. At sasabihin ni Ibrahim sa Kanya, di bat sinabi ko sayo na wag mo akong susuwayin? at ang kanya ama ay magsasabi,' 'Ngayon ay di na kita susuwayin" at magsasabi si Ibrahim, O Panginoon ko! ipinangako mo na hindi mo ako bibiguin sa araw ng paghuhukom; at anu pa kaya ang mas hihigit na kabiguan sa akin na makitang isinumpa at winalang karangalan ang aking ama? at sasabihin ng Allah, ipinagkait ko ang paraiso sa mga walang paniniwala at sasabihin sa kanya ng Allah" O ibrahim, ano ang nasa ilalim ng iyong mga paa? Siya ay titingin at makikita niya ang dhabh ( isang hayop) na puno ng dugo at huhulihin sa kanyang mga paa at itatapon sa impyerno.”[2]

Kaalaman sa Pamamagitan

Ang punto ng pamamagitan ay upang bigyan ng karangalan ang taong namamagitan. Ito ang paraan ng Allah upang bigyang karangalan ang isang tao na tumayo sa harapan ng kanyang mga nilikha. Yun ang dahilan kung bakit ang Propeta Muhammad at ang mga ibang mga Propeta ay papayagang mamagitan gaya ng ipinaliwanag sa itaas.

At karagdagan, ang pamamagitan ay hindi gagawin upang ang tao ay maging kampante sa kanyang mga nagawang kasalananan. Ang isang tao ay di dapat magisip at umasa sa pamamagitan at gagawa ng mga kasalanan na kanyang naisin! dahil hindi siya nakasisiguro na ang Allah ay magbibigay pahintulot sa sinuman na mamagitan sa kanya. At karagdagan pa ,ang kanyang kasalanan ay maaring magdala sa kanya sa kawalan ng paniniwala na kung saan walang pamamagitan ang magiging kapakipakinabang sa kanya. At panghuli maaring siya ay tumanggap na ng kaparusahan bago pa may mamagitan sa kanya at mapakawalan.


Talababa:

[1] Ang salitang Khaleel ay nagpapahiwatig ng kadalisayan, mataas na halimbawa ng pagmamahal, sa konteksto na ito ang Khaleel ay nangangahulugan ng 'siya na pinili ng Allah dahil sa Kanyang pagmamahal'

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9