Naglo-load...

Ang Social Media sa Islam

Marka:

Deskripsyon: Ang aral ay nagbigay ng liwanag sa paggamit ng social media sa modernong panahon at ilang mga patnubay para sa mga Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 112 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,522 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang makakuha ng pangkalahatang ideya ng mga kalamangan at kahinaan ng social media.

·Upang malaman ang ilang mga praktikal na mungkahi upang samantalahin ang social media.

·Upang malaman ang mga limang uri na dapat ingatan kapag gumagamit ng social media.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Imam - isang taong pinangungunahan ang pagdarasal.

·Umrah - Ang isang paglalakbay sa banal na Bahay ni Allah sa lungsod ng Mecca, Saudi Arabia. Kadalasang tinutukoy bilang ang mas maiksing paglalakbay sa banal na lugar. Maaari itong maisagawa sa anumang oras ng taon.

Panimula

socialmedia.jpg74% ng mga Amerikanong may sapat na gulang ang gumagamit ng mga online site ng social network tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, LinkedIn, at Pinterest, mula noong Enero 2014, tumaas ito mula 26% noong 2008..[1] Sa mga social media site tulad ng mga gumagamit nito ay maaaring bumuo ng kanilang mga profile (paglalarawan sa sarili), makipag-usap sa iba, magbahagi ng mga ideya at mga saloobin, musika, mga larawan, mga video at higit pa.

Ang epekto ng social media ay nasa lahat ng aspeto ng buhay: interpersonal na relasyon, edukasyon, negosyo, relihiyon, mga kilusang panlipunan at pulitika.

Kasaysayan

Ang Facebook ay umabot sa isang bilyong na gumagamit sa buong mundo noong Oktubre 4, 2012, ay ginawa itong pinaka-popular na social networking site na may isa sa bawat pitong tao sa planeta bilang mga miyembro.[2] 71% ng mga taong nasa hustong gulang na makikita online sa Estados Unidos ay gumagamit ng Facebook. Araw-araw, namamahala ang Facebook ng 4.5 bilyon na "Likes," 4.75 bilyon na pagbabahagi ng nilalaman, at higit sa 300 milyong pag-upload ng larawan.[3] Umpisa noong Setyembre 2014, 51% ng mga taong nasa hustong gulang sa Amerika ang gumagamit ng YouTube, 28% ang gumagamit ng Pinterest, 28% ang gumagamit ng LinkedIn, 26% ang gumagamit ng Instagram, at 23% naman ang gumagamit ng Twitter..[4] Ang Twitter ay may 288 milyong buwanang aktibong mga user (gumagamit) at mahigit sa 500 milyong tweet ang ipinadadala araw-araw.[5] Kabilang sa mga taong nasa hustong gulang, ang paggamit ng higit sa isang social networking site ay nadagdagan mula 42% noong 2013 hanggang 52% noong 2014.

Ang Social Media para sa mga Muslim

Ang ating misyon bilang mga Muslim ay upang matuto, maisagawa at maihatid ang mensahe ng Islam. Kailangan nating gamitin ang ating oras nang matalino at lumayo mula sa kasalanan. Kung tungkol sa paghahatid ng mensahe ng Islam, kailangan nating gamitin ang anumang bagay na maibibigay natin upang ihatid ang magandang mensahe na ito.

Pinamahalaan ng Islam kung paano gamitin ang social media, na maaaring maunawaan sa parabula ng paggamit ng kutsilyo. Maaari kang gumamit ng kutsilyo upang magluto ng pagkain o bilang isang sandata upang makapinsala ng isang tao. Depende kung paano mo gagamitin ito. Gayundin ang social media na dapat gamitin sa matalinong pamamaraan, upang makuha mo ang mabuti mula dito at iwanan ang hindi kapaki-pakinabang para sa iyo.

May mga magasin, mga forum sa internet, mga blog, mga wiki, mga social network, mga podcast, mga aklat at marami pang ibang bagay na maaari nating mapuntahan. Gayunpaman kailangan nating tiyakin na gagamitin natin ito sa tamang paraan.

Halimbawa, maaari kang kumonekta sa maraming mga iskolar at mga mag-aaral ng kaalaman sa Facebook, Twitter, at YouTube at malaki ang pakinabang nito. Maaari kang makipag-ugnayan sa mga malalayong miyembro ng iyong pamilya at mga kaibigan. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa iyong mga propesyonal na mga kontak sa pamamagitan ng LinkedIn. Siguraduhin na ang iyong mga kaibigan sa online ay mga taong nagpapaalala sa iyo ng kabutihan at nilalayo ka mula sa kung ano ang makakasama sa iyo.

Yumapak ng may Pag-iingat sa Social Media

1. Pinapayagan ng social media ang pagkalat ng hindi kapani-paniwala at huwad na mga impormasyon.

49.1% ng mga tao ang nakarinig ng maling balita sa pamamagitan ng social media.[6]

2. Ang mga social networking site ay maaaring pagmulan ng stress at mga problema sa mga pribadong relasyon.

Sa isang pag-aaral ng University of Edinburgh Business School ay nakita na kung mas maraming kaibigan sa Facebook ang isang tao, ay mas lalo na makakaranas ito ng stress sa paggamit ng Facebook.[7] Ayon sa ulat ng Pew Internet noong Pebrero 9, 2012, 15% ng mga user (gumagamit) ng social network ay nagkakaroon ng karanasan sa isang social networking site na nagiging sanhi ng pagtatapos ng pagkakaibigan, 12% ng mga gumagamit na mga nasa hustong gulang ang nagkakaroon ng karanasan na nagreresulta sa isang harap-harapang argumento, at 3% ng mga may sapat na gulang ay nag-ulat ng isang pisikal na paghaharap bilang resulta ng isang karanasan sa isang social networking site.

3. Ang mga social networking site ay nag-aakit ng mga tao na mag-aksaya ng oras.

40% ng 8 hanggang 18 taong gulang ay gumugol ng 54 minuto sa isang araw sa mga social media site.[8]36% ng mga tao ang nagsiyasat sa mga nailistang mga social network bilang ang "pinakamalaking pag-aaksaya ng oras," sa itaas ang pantasya sa isports (25%), panonood ng TV (23%), at pagsa-shopping (9%).[9] 42% ng Amerikanong gumagamit ng Internet ay naglalaro ng mga laro tulad ng Farmville o Mafia Wars sa mga social networking site.

4. Ang social networking na nakabatay sa internet ay maaaring humantong sa mga sakit sa pagkatao at sa utak.

Ang paggamit ng mga social networking sites nauugnay sa pagkatao at mga sakit sa utak, tulad ng kawalan ng kakayahan na magkaroon ng pakikipag-usap ng personal sa tao, pangangailangan para sa sandaling kasiyahan, ADHD, at mga makasariling personalidad, pati na rin ang mga nahuhumaling na pag-uugali.[10]

Ang paggamit ng Pathological Internet (na sanhi o pinalala ng paggamit ng social network) ay nauugnay sa mga damdamin ng kalungkutan, depresyon, pagkabalisa at karaniwang pagkabahala.[11] Ang 2013 Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM) ay nagsusuri ng "Internet Addiction Disorder"(mga sakit na nauugnay sa pagkahumaling sa Internet) para maisama. Ang isang pag-aaral sa UCLA noong 2008 ay nagsiwalat na ang mga gumagamit ng web ay nasimulang nabago ang kanilang prefrontal cortex (pangunahing bahagi ng harapang umbok ng utak) [12] ng dahil, sa mabilis na tulin ng mga social networking site nababago nito ang kawad ng utak dahil sa paulit-ulit na pagkakalantad (repeated exposure).

5. Pinapayagan ng mga social networking site ang "sexting" (pagpapadala ng isang tao ng mga mahahalay na larawan o mga mahahalay na mensahe sa papamagitan ng internet) na maaaring humantong sa mga paghahabla at ang hindi inaasahang paglaganap ng mga personal na larawan.

Noong pinaghigpitan ang pagtitext sa cell phone, ang "sexting" ay lumipat sa social media na kung saan may mga kabataan na nagpapaskil, o nagpapadala sa pamamagitan ng mensahe, ng mga litrato ng kanilang sarili o ng iba pa. Noong 2008 at 2009, ang mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas ng US ay nakakita ng 3,477 kaso ng mga mahahalay na larawan na mula sa mga kabataan na may 2,291 na ahensya ang nakakakita ng isang kaso.[13] Bilang resulta, ang mga kabataan at mga matatanda ay pinagbabayad sa pag-aangkin at pamamahagi ng pornograpiya sa mga bata, kahit na ang larawan ay kinuha at ipinamamahagi mismo ng bata.[14] 88% ng mga pribadong pinanggagalingan ng mga mahahalay na mga imahe na naipapaskil sa social media ay ninanakaw sa pamamagitan ng mga website ng pornograpiya at kumalat sa publiko, na madalas ay walang kaalaman ang may-ari ng larawan.[15]

6. Mag-ingat sa kultura ng mga tanyag na tao.

Mag-ingat sa pagiging sobrang pagkabighani sa kultura ng mga tanyag na tao. Oo, nakalulungkot, ang mga Muslim ay nabibighani sa mga tanyag na mga Iskolar sa Islam! Ang katanyagan ay lason para sa isang iskolar gayundin sa iba. Ang pagkatanyag ng isang tao na makikita online ay hindi katiyakan na ang kanilang itinuturo ay tama. Ang sikat na "sheikh" ay hindi kapalit sa pag-aaral mula sa iyong lokal na Imam o iskolar. Hindi mo maaaring matutunan ang mga kaugalian mula sa isang sheikh na makikita sa internet. Kung ang iyong paboritong sheikh ay laging nagpapaskil ng kung ano ang kaniyang kinakain, kung saan siya pupunta, at ng paghiling niya sa kanyang mga tagahanga na sabihin sa kaniya kung anong panalangin ang gusto nilang gawin niya para sa kanila sa panahon ng kanyang paglalakbay para sa Umrah, ay tumingin ka sa ibang lugar para sa gabay ng Islam.



Talababa:

[1] Keith Hampton, Lauren Sessions Goulet, Lee Rainie, and Kristen Purcell, "Social Networking Sites and Our Lives," www.pewinternet.org, June 16, 2011

Pew Research Center, "Social Networking Fact Sheet," pewinternet.org (accessed Mar. 24, 2015)

[2] Aaron Smith, Laurie Segall, and Stacy Cowley, "Facebook Reaches One Billion Users," www.cnnmoney.com, Oct. 4, 2012

[3] Zephoria, "The Top 20 Valuable Facebook Statistics," zephoria.com, Feb. 2015

[4] Maeve Duggan, Nicole B. Ellison, Cliff Lampe, Amanda Lenhart and Mary Madden, "Social Media Update 2014," pewinternet.org, Jan. 9, 2015

[5] Twitter, "About," twitter.com (accessed Mar. 24, 2015)

[6] Kristin Marino, "Social Media: The New News Source," www.schools.com, Apr. 16, 2012

[7] David Gutierrez, "Facebook Is Making You Miserable, Scientists Find," www.naturalnews.com, Nov. 29, 2012

[8] Victoria J. Rideout, Ulla G. Foehr, and Donald F. Roberts, "Generation M2L Media in the Lives of 8- to 18-Year-Olds," www.kff.org, Jan. 2010

[9] Mark Dolliver, "Social Networking: A Waste of Time?," www.adweek.com, Oct. 7, 2010

[10] ConsumerReports.org, "Facebook & Your Privacy: Who Sees the Data You Share on the Biggest Social Network," Consumer Reports, June 2012

[11] K. Wolfling, M. E. Beutel, and K. W. Muller, "Construction of a Standardized Clinical Interview to Assess Internet Addiction: First Findings Regarding the Usefulness of AICA-C," Journal of Addiction Research & Therapy, 2012

[12] Tony Dokoupil, "Is the Onslaught Making Us Crazy?," Newsweek, July 16, 2012

[13] Janis Wolak, David Finkelhor, and Kimberly J. Mitchell, "How Often Are Teens Arrested for Sexting? Data from a National Sample of Police Cases," Pediatrics, Jan. 2012

[14]Nancy V. Gifford, "Sexting in the USA," www.fosi.org (accessed Dec. 6, 2012)

[15] Ben Weitsenkorn, "Private Porn Pics Aren’t Private for Long," www.nbcnews.com, Oct. 2012

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Social Media sa Islam

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9