Naglo-load...

Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang aral ang magpapaliwanag sa likas na mga himala at mga detalye ng mga himalang itinanghal ng Propeta Muhammad.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 10 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,085 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang tungkol sa kung bakit ang mga propeta ay pinagkalooban ng mga himala ni Allah.

·Upang mapahalagahang ang Qur'an ay isang himala.

·Upang matutunan ang apat na aspeto kung papaano ang Qur'an ay isang himala.

Miracles-of-Prophet-Muhammad-Part-1.jpgAng himala ay ang nagpapatunay sa pag-aangking isang propeta ni Allah. May ilang bilang ng mga himala ang itinanghal ni Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, upang itatag ang patunay ng kanyang pagiging propeta.

Ang Propeta ng Islam ay nagsabi,

"Bawat propeta ay pinagkalooban ng 'mga palatandaan' na sa dahilang ito ang mga tao ay naniwala sa kanya. Katiyakan, pinagkalooban ako ng Banal na Kapahayagang pinukaw ni Allah sa akin. Kaya, umaasa akong magkaroon ng pinakamaraming tagasunod sa lahat ng mga propeta sa Araw ng Pagkabuhay Muli." [1]

Ang Himala ng Qur'an

Sa madaling sabi, ang himala ng Qur'an ay nasa mga sumusunod na aspeto:

A. Himala ng Wika

B. Himala ng Panghinaharap na mga Propesiya

C. Himala ng Panloob na Kapanatilihan

A. Himala ng Wika

Ang kataas-taasang wika ng Quran ay hindi maaaring maging lubos na maipahahayag o mauunawaan sa ibang wika dahil ang Ingles ay kulang ng mga parallels (pagkapantay ng salita) at ng kadalisayan o sopistikasyon ng klasikal na Arabe. Katiyakan na sa ganitong kadahilanan na ang salin ng Qur'an ay hindi ang Qur'an mismo. Ang isang pagsasalin ay inihahatid ang kahulugan sa ilang bahagi, subalit hindi kailanman maaaring matularan ang lingguwistikang pangingibabaw ng orihinal na Qur'an. Kaya naman, tayo ay mapipilitang limitahan ang ating talakayan sa ilang mga aspeto lamang.

·Di-mapapantayang mga salita at kahulugan

Ang lahat ng balarilang Arabe, hurisprudensya, karunungan, at pilolohiya ay batay sa Qur'an. Halimbawa, ang mga manunula pagkatapos ng Islam ay hihiram ng mga salita sa Qur'an upang gawing malakas ang kanilang mga akda sapagkat ang Qur'an ay itinuturing na hindi madadaig sa retorika. Ang lalim, karunungan, at kagandahan ng nilalaman nito ay hindi matutumbasan. Ang kaibahan ay makikita ng sinumang maghahambing ng nilalaman ng bibliya at iba pang mga tekstong pangrelihiyon sa teksto ng Qur'an.

·Di-mapapantayang estilo (aslub)

Ang Qur'an ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng mala-tulang mga tugmaan ng mga sinaunang Arabo, subalit ang ligayang nalilikha nito ay mas matamis kaysa sa mga tula. Ang lihim ay namamalagi sa pagkakaisang nalilikha ng pagkaka-ayos ng mga salita.

Kapag ang mga pangkaraniwang tao ay inuulit ang isang bagay, nawawalan ito ng lakas at epekto. Sa kabilang dako, ang Qur'anikong pag-uulit ay magkasing-lakas at magkasing-kahulugan na hindi nawawala ang pagiging kaaya-aya nito.

B. Himala ng Panghinaharap na mga Propesiya

Ang Qur'an ay gumawa ng maraming propesiyang nagkatotoo. Lilimitahan natin ang ating mga sarili sa tatlo sa talakayang ito.

Ang unang dalawang propesiya ay kapansin-pansin: hindi katulad ng anumang ibang banal na kasulatan sa mundo, ang Qur'an ay nagpropesiya ng sarili nitong pagpapanatili sa ilalim ng banal na pangangalaga.

·Pangangalaga ng Qur'an mula sa katiwalian

Ang Qur'an ay gumagawa ng isang pag-aangking walang iba pang mga relihiyosong teksto ang nakagawa: Si Allah ay nagsabi,

“Katiyakan, Kami ang Siyang nagbaba ng Qur'an at katiyakan, pangangalagaan Namin ito [mula sa katiwalian]." (Qur'an 15:9)

·Kagaanan sa Pagsasaulo ng Qur'an

Si Allah ay ginawa ang Qur'an na madaling masaulo,

“At sa katotohanan ginawa Namin ang Qur'an na madaling matandaan; sino, magkagayun, ang nagnanais na taglayin ito sa puso?" (Qur'an 54;17)

Ang kagaanan kung saan ang Qur'an ay naisasaulo ay walang kapantay. Walang ni isang banal na kasulatan o tekstong pangrelihiyon sa mundo na madaling masaulo; kahit na ang mga di-Arabo ay madaling naipapasok ito sa memorya.

Hindi lamang ang mga salita ng Qur'an ang napanatili, subalit ang mga orihinal na tunog ng mga salita nito ay napanatili din. Walang iba pang mga tekstong pangrelehiyon ang napanatili sa katulad na paraan - isang pag-angking sinumang naghahangad na mambabasa ay maaaring mapatunayan sa kanilang mga sarili. Sa gayon, ang Qur'an ay nananatiling walang kapantay sa paraan ng pangangalaga sa paglipas ng mga siglo bilang ipinropesiya at ipinangako ni Allah mismo.

·Dalawang Propesiya

Bago ang paglitaw ng Islam, ang mga Romano at ang mga Persiyano ay ang dalawang nagtatagisang mga makapangyarihan. Ang Roma ay pinamumunuan ni Heraclius (610-641 CE), isang Kristiyanong Emperador, samantalang ang mga Persiyano ay mga Zoroastrianong pinamumunuan ni Khosrow Parviz (nagharing 590-628 CE), na sa ilalim niya ang imperyo ay nakamit ang lubos na pagpapalawak.

Noong 614, ang mga Persiyano ay sinakop ang Sirya at Palestina, kinuha ang Herusalem at pinaniniwalaang Krus ni Kristo, at noong 619 ay sinakop ang Ehipto at Libya. Sa pagsisikap na paamuhin ang mga Abaro, si Heraclius ay hinarap ang mga ito sa Thracian Heraclea (617 o 619). Hinangad nila na hulihin siya, at siya ay lumulan na galit pabalik sa Konstantinopla, na masidhing tinugis. [2]

Ang mga Muslim ay nalungkot sa pagkatalo ng Roma dahil dama nila ang higit na espirituwal na pagkamalapit sa Kristiyanong Roma kaysa sa Zoroastrianong Persiya, subalit ang mga taga Makkah ay karaniwang ikinagalak ang tagumpay ng paganong Persiya. Sa mga taga-Makkah, ang pagkapahiya ng Romano ay isang masamang pangitain ng pagkatalo ng mga Muslim sa mga kamay ng pagano. Sa panahong yaon ang propesiya ni Allah ay hinarap ang mga matatapat,

"Ang mga Romano ay natalo - sa kalapit na lupain; subalit sila (kahit) pagkatapos (nitong) ng pagkatalo nila, ay nalalapit nang maging matagumpay-sa loob ng sampung taon. Kay Allah ay ang Pagpapasya, sa nakaraan at sa hinaharap. At sa araw na yaon ang mga mananampalataya ay magagalak sa tulong ni Allah. Siya ay tumutulong sa sinumang naisin Niya, Siya ang Makapangyarihan, ang Pinaka-Maawain.' (Qur'an 30:2-4)

Ang Qur'an ay gumawa ng propesiya ng dalawang pagtatagumpay:

(i) Pagtatagumpay ng Roma sa hinaharap sa loob ng sampung taon sa mga Persiyano, bagay na hindi lubos maisip sa panahong yaon.

(ii) Ang kagalakan ng mga matatapat sa kanilang sariling pagtatagumpay sa mga pagano.

At nangyari nga.

Sa salita ng isang Indiyanong iskolar,,

‘…isang linya ng propesiya ay may kaugnayan sa apat na mga bansa at ang kapalaran ng dalawang malalaking mga imperyo. Lahat ng mga ito ay pagpapatunay sa Banal na Qur'an sa pagiging Aklat ni Allah.'

C. Himala ng Panloob na Kapanatilihan

Si Allah ay nagtatanghal ng panloob na kapanatilihan ng Qur'an bilang katunayan ng banal na pinagmulan nito,

“Magkagayun hindi ba nila pinagtutuunan ang Qur'an? Kung ito ay mula [kanino man] maliban kay Allah, matatagpuan nila sa loob nito ang maraming pagkakasalungatan." (Qur'an 4:82)

Ang isang taong pamilyar sa mga panloob na pagkakaiba-iba sa Bibliya, halimbawa, ay maaaring mapahalagahan ang buong isinusulong ng argumentong ito. Hindi tulad ng iba pang mga tekstong pangrelihiyon, ang mga turo ng Qur'an tungol kay Allah, pagka-propeta, Moises, Hesus, kasamaan, Satanas, at kabilang buhay ay nagkakaisa at may panloob na kapanatilihan.


Mga Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] http://www.britannica.com/biography/Heraclius-Byzantine-emperor

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9