Naglo-load...

Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang aralin ang magpapaliwanag ng iba't ibang masamang moralidad sa islamikong pag-uugali (ethics) ng Islam na dapat layuan upang maging mas mabuting tao. Ang ikalawang bahagi.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 09 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 83 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,886 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang malaman ang hinggil sa isa pang sampung masasamang pag-uugali ayon sa katuruan ng Islam.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Ameer – pinuno o lider.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o naaprubahan.

1.Pagdududa sa layunin ng iba

Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi,

“O kayong mananampalataya, iwasan ninyo ang labis na hinala, sapagkat ang ibang hinala ay kasalananBad Morals to Stay Away From (part 2 of 2).jpg.” (Quran 49:12)

Bilang isang Muslim, binibigyan natin ang mga tao ng benefit of the doubt at ipinapalagay ang pinakamabuting intensyon. Kapag binibigyan mo ang mga tao ng benefit of the doubt at ipalagay na mayroon silang pinakamabuting intensyon, ikaw ay gagantimpalaan ng isang mas mahusay na pananaw at mas positibo at produktibong pakikipag-ugnayan.

Ang hinala ay maaaring makasira ng relasyon sa pagitan ng mga tao, lalo na kung ito ay batay sa mahinang katibayan o sabi-sabi. Kapag nagduda tayo sa intensyon ng iba na walang matatag na batayan, mas lalo tayong magkakasala ng mas malaki, at ito ay ang paghihinala na walang katibayan.

2. Labis na pananamantala sa iba

Ang pananamantala sa iba ay resulta ng pagtataksil sa tiwala. Ang pagsasagawa ng mga tungkulin sa tanggapan ng publiko ay isang tiwala at ang pananamantala sa pamamagitan ng pagkuha ng suhol ay ipinagbabawal. Ang tiwala ay nangangailangan na kapag ang isang tao ay itinalaga sa isang mataas na tanggapan ay hindi niya dapat gamitin ito para sa pansariling kapakanan o para sa kapakinabangan ng kanyang mga kamag-anak, na gamitin ang mga pondo na para sa publiko, para sa mga personal na layunin, ito ay isang krimen. Ang taong hindi gumaganap ng kanyang tungkulin na kung saan siya ay binabayaran ay nagsasagawa din ng pananamantala ng iba. Ang Propeta, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi,

“ Magkakaroon ng isang bandila malapit sa ulo ng bawat manlilinlang na itataas niya ayon sa kanyang panlilinlang. Walang pagdududa, ang pinakamasamang manlilinlang ay ang isang Ameer na nandaraya sa publiko.”[1]

3.Ang pagiging mapanlinlang at taksil

Ang pagkakanulo o pagtataksil ay kabaligtaran ng pagiging mapagkakatiwalaan at katapatan. Kung ang pagiging mapagkakatiwalaan at katapatan ay ang mga katangian ng pananampalataya at kabanalan, kung gayon ang pagkakanulo at pagtataksil ang katangian ng pagkukunwari at kasamaan.

Sinabi ng Sugo ni Allah: "May apat na katangian, na sinuman ang nagtataglay ng lahat ng ito ay tunay na mapagkunwari: kapag nagsasalita siya ay nagsisinungaling, kapag siya ay nangako ay hindi niya ito tinutupad, kapag siya ay gumagawa ng kasunduan ay ipinagkakanulo niya ito, at kapag nakikipagtalo siya ay nagsasabi ng malalaswang salita. Sinumang nagtataglay ng isa sa mga ito ay mayroong isa sa mga katangian ng mapagkunwari, hanggang sa maalis niya ito.” [2]

4.Inggit

Ang inggit ay tumutukoy sa pagnanais na nararamdaman ng isang tao na mapinsala o mawalan ng pagpapala na meron ang ibang tao. Inutusan ni Allah ang mga mananampalataya na magpakupkop mula sa kasamaan ng taong mainggitin at ng inggit sa pangkalahatan. Si Allah, ang Dakila, ay nagsabi: "At mula sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit." (Quran 113:5)

Ang Sugo ni Allah ay nagsabi din:

“Tunay na ang inggit ay kumakain ng mga mabubuting gawa tulad ng apoy na tumupok sa panggatong.”[3]

Mayroong maraming kuwento sa Quran na nagpapakita ng mga panganib at kasamaan ng inggit tulad ng kuwento ni Propeta Yusuf (Joseph) sa Kabanata 12 at ang kuwento tungkol kay Cain at Abel sa Kabanata 5.

5.Ang pagiging malamig at mailap sa kapwa

Ang pakikipagkaibigan at mga samahan ay mahalaga sa Islam. Ang mga tao ay likas na mahilig sa pakikipagkapwa-tao o pakikihalobilo; sila ay nangangailangan ng mga kaibigan at kasama. Ang tagumpay ng isang komunidad ay nakasalalay sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ang mga malalakas na mga indibidwal ay ang buod o sentro ng isang malakas na komunidad, na siyang bagay na dapat laging sinisikap ng mga Muslim na makamit.

Ang isang mabuting kaibigan ay isa na tumatanggap ng iyong mga pagkukulang, gayundin siya ay nagbibigay ng gabay at sumusuporta sa iyo. Ang mga mananampalataya ay hindi dapat pinapahiya o ginugulo ang isa't isa. Hindi nila dapat ilantad ang mga pagkakamali ng isa't isa. Ang kabaitan at awa ay dapat na maliwanag sa lahat ng pakikitungo. Gayundin, habang ang mga Muslim ay nararapat na pangalagaan ang lahat, ang isang tao naman ay hindi dapat magkaroon ng isang malapít na pakikipagkaibigan sa opposite gender o makipagrelasyon dito. Ang uri ng pagiging malapit na ganito ay nakalaan para sa mga mag-asawa.

6.Kawalan ng pakialam at hindi nagbibigay ng tulong

Ang isa sa mga pinakapangunahing alituntunin ng Islam ay ang pagtulong sa iba. Ang Quran at lalo na ang Sunnah ay nagpapakita kung paano na ang pagtulong sa ibang tao ay isang pangunahing aspeto ng Islam. Ang pangunahing layunin ng isang Muslim ay ang sambahin si Allah; ito ay hindi lamang makakamit sa pamamagitan ng mga ritwal tulad ng pagdarasal at pag-aayuno ngunit ito ay makakamit din sa pamamagitan ng pagtrato sa ibang tao. Mahal na mahal ito ni Allah na kapag tayo ay tumutulong sa iba ay pinapatawad Niya tayo sa ating mga kasalanan.

7.Karamutan

Ang pagiging madamot ay kaugnay na katawagan. Kung ang isang tao ay nagbabayad hinggil sa kanyang pananalapi na ayon sa Islam, at gayundin siya ay namumuhay ng isang napaka-simpleng buhay, kung gayon ito ay isang kaso ng simpleng pamumuhay at hindi isang kaso ng karamutan. Sa kabilang banda, kung ang isa naman ay hindi nagbabayad sa kabila ng dami ng kaniyang pera at namumuhay ng buhay ng isang kuripot, ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi kaibig-ibig sa Islam. Ito ay katumbas ng pagkamaka-sarili, at ang pagkamaka-sarili ayon sa Islam, ay isang kasuklam-suklam, ipinagbabawal na pag-uugali.

8.Pagiging di-makatarungan at madaya

May tatlong malawak na uri ng kawalang-katarungan:

1.Ang maging hindi makatarungan kay Allah. Ito ang pinaka-kasuklam-suklam na uri at maaaring sa anyo ng kawalang-paniniwala, politeismo, o pagkukunwari. Ang sabi ni Allah:

“Walang alinlangan, ang sumpa ni Allah ay nasa mga di-makatarungan” (Quran 11:18)

2.Ang maging di-makatarungan sa ibang mga tao. Ang sabi ni Allah:

“ang dahilan ng pagkakasala ay laban lamang sa mapaggawa ng di-makatarungan sa mga tao at nang-api [naniil, nagmalupit] sa kalupaan ng walang katuwiran. Sila yaong mga magtatamo ng mahapding parusa” (Quran 42:42)

3. Ang maging di-makatarungan sa sarili. Ang sabi ni Allah:

“Aming pinamanahan ng Aklat ng Quran yaong Aming pinili. At kabilang sa kanila ay isang gumagawa ng kamalian sa kanilang mga sarili...” (Quran 35:32)

9.Intolerance (Hindi mapagparaya)

Ang pagpaparaya ay isang mahalagang katangian ng mabuting pag-uugali ng isang Muslim. Ang mga Muslim ay dapat maging mabait at magiliw, mapagpasensya sa mga tao, mapagpatawad sa hindi magandang pag-uugali, at maawain hangga't maaari. Inutusan ng Propeta ang mga Muslim na iwasan na makapagdulot ng hindi kinakailangang suliranin at kahirapan sa buhay ng mga tao at upang magbigay ng inspirasyon sa mga tao ng may magagandang pananalita,

“Gumawa ng mga bagay na madali at huwag gumawa ng mga bagay na mahirap. Magbigay ng masayang balita at huwag itaboy ang mga tao. Makipagtulungan sa bawat isa at huwag kayong maging hinati.”[4]

Ang pagiging di mapagparaya at pagiging malupit ay nagtataboy sa mga puso at nagtataguyod ng kawalan ng pagkakaisa. Ang hindi pagiging mapagparaya ay nagmumula sa pagkapoot at maaaring humantong sa pagpatay at karahasan.

10. Pagiging arogante at mapagmalaki

Nagbabala si Propeta Muhammad na ang isang tao na may kahit isang katiting nito sa kanyang puso ay hindi makakapasok sa Paraiso.

Ang isang arogante na indibidwal ay kinamumuhian ng lahat; samantalang, ang isang mapagpakumbaba, magalang, at madaling makausap ay minamahal. Gustung-gusto natin ang mga taong nagbibigay sa atin ng paggalang at karangalan. Kaya kung susundin natin ang mga alituntunin ng pagtatrato sa iba sa paraang gusto nating itrato sa atin, karamihan sa mga problema ng ating komunidad ay malulutas



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Musnad

[4] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9