Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
Deskripsyon: Maikling pagpapaliwanag ng dalawa sa limang haligi ng Islam, na sumasaklaw sa mga dahilan sa likod ng kanilang mataas na kalagayan at ang espirituwal na mga pakinabang ng ganap na pakikilahok sa mga gawaing ito ng pagsamba.
Ni Aisha Stacey (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 82 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,377 (pang-araw-araw na average: 3)
Layunin:
·Upang maunawaan ang kaalaman sa likod ng pagsasababatas sa sawm at zakah at ang ilan sa mga espirituwal na kapakinabangan na kalakip nito.
Mga Wikang Arabe:
·Du’a - panalangin, dasal, ang paghiling kay Allah ng isang bagay.
·Hadith - (pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·HadithQudsi - Ang mensahe ni Allah sa sangkatauhan na ipinadala sa mga salita ni Propeta Muhammad, na kadalasang tumutukoy sa espirituwal o etikal na mga paksa.
·Ramadan - Ang ika-siyam na buwan ng kalendaryo sa Islam. Ito ay ang buwan kung saan inutos ang obligadong pag-aayuno.
·Sadaqah - boluntaryong kawang-gawa
·Salah - ang salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang-araw-araw na pagdarasal at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
·Sawm – Pag-aayuno
·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o naaprubahan.
· Zakah- obligadong kawang-gawa
Panimula
Ang pag-aayuno at kawang-gawa ay dalawang napakahalagang mga konsepto sa relihiyon ng Islam. Parehong kabilang sa limang haligi ng Islam at pareho ding may parehong boluntaryo at obligadong uri. Ang obligadong pag-aayuno ay ang ayuno na isinasagawa ng mga Muslim sa buwan ng Ramadan. Ang mga boluntaryong pag-aayuno ay maaaring isagawa sa buong taon (maliban sa buwan ng Ramadan). Ang obligadong uri ng kawang-gawa ay kilala bilang zakah at ang isang permanenteng bahagi ng yaman ng isang tao ay binabayaran taun-taon. Ang boluntaryong kawang-gawa ay kilala bilang sadaqah. Ang pag-aayuno at pagkakawang-gawa sa kapwa ay madalas na pinagsasama sa Ramadan kapag sinisikap ng mga Muslim na maparami ang kanilang mga gantimpala. Ang mga alituntunin ng pag-aayuno at kawang-gawa ay matatagpuan saan mang lugar, ang araling ito ay tungkol sa espirituwal na mga kapakinabangan na makukuha mula sa mga gawaing ito.
Pag-aayuno (Sawm)
“O kayong mga naniwala! ang pag-aayuno ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot kay Allah ng may tunay na pagkatakot sa Kanya”(Quran 2:183)
Ang pag-aayuno ay isang gawain ng espirituwal na paglilinis; ito ay isang mahalagang gawaing pagsamba na iniutos upang mapalapit ang isang tao kay Allah at pahintulutan siya na maranasan ang mga kapakinabangan na may kaugnayan sa banal na gawain. Sa buong araw sa tuwing ang isang tao ay mapaglabanan niya ang kanyang pangangailangan na kumain o uminom, naaalala niya si Allah. Ang pag-iwas sa pagkain at inumin ay isa lamang aspeto ng pag-aayuno.
Ang pag-iwas sa mga masasamang pag-uugali ay isa pang aspeto na madalas na napapansin. Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi na ang ilan sa mga tao ay walang pakinabang mula sa kanilang sawm kundi gutom at uhaw.[1] Sa isa pang hadith sinabi niya na kapag ang isang tao ay hindi titigilan ang huwad na salita at pagkilos, ay hindi na kailangan ni Allah ang kanyang pagpipigil sa pagkain at inumin.[2] Ang pag-aayuno ay nagpapadalisay sa isip at nakakatulong sa isang tao na makontrol ang kanyang kaakuhan (ego) at pagiging sakim gayundin ay tinuturuan nito ang isang tao kung paano baguhin ang kanyang pag-uugali at baguhin ang mga masasamang gawi sa mabubuti. Ang Sawm ay nagtuturo rin ng pagkakaroon ng habag at pakikiramay para sa mga taong walang pagkain o tubig araw-araw. Ang pagtitiis, pasasalamat at kapakumbabaan ay mga katangian na sinisikap ng mga Muslim na magawa ng tama at ang pag-aayuno ay isang paraan na tumutulong na maitanim ito sa kanilang isipan sa pang-araw-araw na buhay.
Ang pag-aayuno ay isang napaka-espesyal na gawaing pagsamba dahil ito ay isang bagay na nasa pagitan ng taong nag-aayuno at ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa isang hadith qudsi, "Ang pag-aayuno ay para sa Akin at Ako lamang ang maggagantimpala nito".[3]
Ang du'a ng nag aayunong tao ay di tinatanggihan. Kaya ang pagsasagawa ng maraming du'a kapag nag-aayuno at sa oras ng pagtitigil sa pag aayuno ay lubos na ipinapayo. Sa oras ng pagtitigil sa ayuno, pinipili ni Allah ang mga taong maliligtas mula sa mga apoy ng Impiyerno.[5]Ang pagtatapos ng pag-aayuno ay isa rin sa dalawang kagalakan na nauugnay sa pag-aayuno. Ang isa ay kapag ang isang tao ay nakakatugon sa kanyang Panginoon at nagdiriwang ng kanyang matagumpay na pag-aayuno..[6] Ang pag-aayuno ay isang malakas na tanggulan na nagpapanatili sa isang tao na ligtas mula sa apoy ng Impiyerno[7] at bilang karagdagan dito, sa Araw ng Paghuhukom ang pag-aayuno mismo ay mamagitan para sa isang tao..[8]
Kawang-gawa (Zakah)
“Katotohanan, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nagsasagawa ng pagdarasal, at nagbibigay ng kawang-gawa (zakah) para sa kanila ay mabuting gantimpalang nagmumula sa kanilang Panginoon. Sila ay walang mararanasang pangamba at sila ay walang madaramang kalungkutan” (Quran 2:277)
Ang salitang zakah ay binanggit ng humigit-kumulang 30 beses sa Quran at ito ay sinamahan ng salah para sa halos lahat ng mga ito. Ito ay isang dakilang gawaing pagsamba na, tulad ng pag-aayuno, ay nagbibigay ng pagkakataon para sa espirituwal na paglilinis. Sa kaso ng zakah gayunpaman ito ay nagpapadalisay sa puso ng parehong tagapagbigay at sa tatanggap at ito ay nagtatanggal sa isang tao mula sa kasakiman at karamutan na madalas na nauugnay sa kayamanan. Ang isang taong masigasig na nagbabayad sa kanyang zakah ay nakakaramdam ng pagiging malapit kay Allah at ng isang responsibilidad para sa mahihirap at nangangailangan. Ang pagtanggap ng zakah ay isa ring karapatan na ibinigay ni Allah. Ang taong tatanggap ng zakah ay natatagpuan ang kanyang puso na nalinis mula sa inggit at kapootan na kadalasang mayroon ang mga dukha para sa mga mayaman at makapangyarihan. Sa gayon ito ay nagpapatibay ng mga ugnayan ng pagkakapatiran.
Ang salitang zakah ay literal na nangangahulugan ng bagay na nagpapalinis at ito ay ipinag-utos ni Allah sa maraming dahilan. Ipinamamahaging muli nito ang mga yaman at hinihikayat ang katarungang panlipunan at responsibilidad. Ang Iskolar ng Islam na si Ibn Taymiyah ay nagsabi na ang kaluluwa ng taong nagbibigay ng zakah ay pinagpala at gayon din ang kanyang kayamanan. Ang pagbibigay at pagtanggap ng zakah ay ang espirituwal na kapakinabangan ng pagpapahintulot sa isang tao na makaramdam ng kaligayahan na nauugnay sa kaluguran, kapatawaran at pagpapala ni Allah. Habang ang zakah ay maaaring tila isang pagbawas sa yaman ng isang tao o kapital ito ay talagang isang pinagmumulan ng pagpapala at dahil dito ay humahantong sa pagtaas ng kayamanan, pananalapi at espirituwal.
“Sino nga kaya ang nakahandang magpautang [gumugol ng yaman] para kay Allah ng isang mabuting pautang upang ito ay Kanyang dagdagan ng maraming ulit para sa kanya?…” (Quran 2:245)
Ang kabiguang magbayad ng zakah ay isang malaking kasalanan at dahil dito ay nakukuha ang poot ni Allah. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ang yaman ng isang tao na hindi makatarungang naipamahaging muli ay pupulupot ito sa kanyang leeg sa anyo ng isang makamandag na ahas. Tutuklawin nito ang kanyang mga pisngi na nagsasabing ako ang iyong ari-arian at kayamanan.[9] Ipinapaalala sa atin ni Propeta Muhammad na ang zakah ay siyang tatayo sa pagitan natin at ng kalamidad.[10]
Nakaraang Aralin: Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
Susunod na Aralin: Interpretasyon ng Panaginip
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)