Interpretasyon ng Panaginip
Deskripsyon: Isang maikling pagpapaliwanag ng mga panaginip; ang kanilang kahalagahan sa Islam at ang tatlong iba't ibang uri ng mga panaginip. Sinundan ito ng ilang mga detalye tungkol sa interpretasyon ng panaginip at ang mga panaginip ng mga propeta.
Ni Aisha Stacey (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 09 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 97 - Nag-email: 0 - Nakakita: 14,169 (pang-araw-araw na average: 6)
Layunin
·Upang maunawaan kung paano tinitingnan ng Islam ang mga panaginip at interpretasyon ng panaginip.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Istikarah – ang panalangin para sa Patnubay.
·Shaytan- kung minsan ay sinusulat na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at ng wikang Arabe upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa kasamaan.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa larangan ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o naaprubahan.
Ang kahulugan ng mga panaginip
Ang panaginip ay isang serye ng mga saloobin, mga imahe at mga sensasyon na nagaganap sa isip habang natutulog ang isang tao. Ang mga panaginip ay isang unibersal na karanasan ng tao at ang nananaginip ay may napakaliit na kontrol sa nilalaman nito. Ang ating mga karanasan sa mga panaginip ay may tunay na mga katangian at maaaring maging napakalinaw at madalas na kakaiba. Ang ilang mga tao ay nag-uulat ng mga napaka-emosyonal na mga karanasan habang nananaginip at mga nakakatakot o nakakainis na mga panaginip na madalas na tinutukoy bilang mga bangungot. Sa buong kasaysayan ng sangkatauhan ay sinubukan ng mga tao na bigyang-kahulugan ang kanilang mga panaginip at maraming mga tao ang naniniwala na naglalaman ang mga ito ng mahahalagang mensahe o mga simbolo. Maraming mga pamahiin at mga paniniwala na nauugnay sa mga panaginip at ang Islam ay nilinaw ang maraming mga maling pakahulugan na kinasasangkutan ng mga panaginip at ang kanilang interpretasyon.
Sinasabi ng mga iskolar ng Islam na habang ang mga panaginip ay maaaring maging makabuluhan, hindi lahat ng mga panaginip ay dapat isaalang-alang na mahalaga. Si Ibn Siren ay itinuturing na pinakatanyag sa mundo na dalubhasa sa pagbibigay ng interpretasyon ng mga panaginip at tinawag niya itong isang mahirap na siyensya na dapat bigyan nang lubos na pag-iingat. Ang kahalagahan ng isang panaginip ay kadalasang natutukoy ng pakiramdam na nagawa nito sa taong nanaginip, subalit ang karamihan sa mga panaginip ay walang tunay na halaga at dahil dito ay hindi na kailangan ang interpretasyon.
Ang tatlong uri ng mga panaginip
Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi sa atin na mayroong tatlong uri ng mga panaginip[1]. Ang isang totoong panaginip (kung minsan ay tinatawag na isang mabuting panaginip) na dumadating sa atin mula kay Allah, ang isang masama o nakakatakot na panaginip na nagmula sa Shaytan at ang pangatlo ay isang panaginip na nanggagaling sa mga karanasan at mga saloobin ng isang tao. Ang bawat isa ay dapat na pinangangasiwaan ng naiiba.
Sinabi ni Propeta Muhammad na kapag nanaginip ang sinuman ng gusto niya kung gayon ito ay mula kay Allah. Dapat niyang pasalamatan si Allah para dito at isalaysay ito sa iba[2]. Ang Propeta ay nagpatuloy at nagsabi na kapag ang isang tao ay may isang mabuting panaginip, dapat niyang asahan ang magagandang bagay na mangyayari at isalaysay lamang ang panaginip sa mga taong gusto niya[3]. Ang isang halimbawa nito ay nasa Quran nang si Propeta Yusuf ay nagsalaysay sa kanyang ama ng kanyang panaginip tungkol sa araw, sa buwan at ang mga bituin na nagpatirapa sa kanya. Ang kanyang ama, si Propeta Yaqub ay nagsabi kay Yusuf na huwag isalaysay ang panaginip sa kanyang mga kapatid.
“Tandaan nang sinabi ni Yusuf sa kanyang ama: 'O aking ama! Katotohanang aking nakita sa aking panaginip ang labing-isang bituin at ang araw at ang buwan , ang mga ito ay nakita kong nagpapatirapa sa akin. Siya [ang kanyang ama] ay nagsabi, ;O anak! Huwag mong isalaysay sa iyong mga kapatid ang iyong nakita sa iyong panaginip baka sila ay magbalak laban sa iyo.'..” (Quran 12: 4 & 5)
Ang nakakatakot o nakakagambala na mga panaginip ay mula sa Shaytan at walang iba kundi ang kanyang pagtatangka na takutin at sindakin tayo. Sinasabi sa atin ni Propeta Muhammad na ang mga panaginip na ito ay hindi makakapinsala sa isang tao sa anumang paraan. Kaya kung ang isang tao ay may isang masamang panaginip o bangungot ay dapat siyang dumura ng tuyo (walang laway na dapat lumabas) sa kanyang kaliwa ng tatlong beses at humingi ng pagpapakupkop laban kay Shaytan mula kay Allah[4]. Inirerekomenda din niya ang pagbaliktad [5].
Ang pangatlong uri ng panaginip ay isa na hindi umaakma sa alinman sa mabuti o masamang kategorya. Ang mga panaginip na ito ay mula sa kung ano ang iniisip o ikinababahala ng isang tao o mula sa mga karanasan, mga pangyayari at mga kinakatakutan na nakaimbak sa memorya at walang kamalay-malay na isip . Ang mga panaginip na ito ay walang kinalabasan at walang interpretasyon para sa mga ito.
Mga panuntunan ng interpretasyon ng panaginip
Ang opinyon ng karamihan sa mga iskolar ng Islam na ang mga panaginip ay dapat lamang bigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng isang tao na karapat-dapat na gumawa nito. Ang dahilan dito ay sa dahilang ang interpretasyon ng mga panaginip ay maaaring maging problema. Tingnan natin halimbawa ang isang simpleng bagay tulad ng pag-alam kung ang panaginip mo ay tungkol sa iyo o sa ibang tao o kahit isang tao na konektado sa ibang tao. Nakita ng isang kasamahan ni Propeta Muhammad sa isang panaginip ang dakilang kaaway ng Islam na si Abu Jahl na naging Muslim at nangako ng katapatan sa Propeta. Ito ay hindi nangyari; ang anak na lalaki ni Abu Jahl ang kalaunan ay nagbalik-loob sa Islam at nangako ng katapatan. Ang mga simbolo sa mga panaginip ay nakakapagdulot din ng problema dahil ang mga ito ay nagbibigay ng kahulugan ng iba't ibang mga bagay sa iba't ibang tao.
Dapat tayong mag-ingat na huwag umasa nang labis sa mga panaginip o maniwala na sila ay puno ng mga nakatagong mga kahulugan at mga simbolo. Subalit may ilang mga panaginip na madaling mabigyan ng interpretasyon. Kung ang Propeta Muhammad ay lumitaw sa isang panaginip at nakita siya bilang kung ano ang inilarawan sa Sunnah kung gayon ay maaari nating siguraduhin na ito ay isang totoong panaginip, na mula kay Allah at puno ng mabubuting balita. Sinabi ng Propeta na sinuman ang nakakita sa kanya sa isang panaginip ay talagang nakita ng katotohanan[6].
Tungkol sa pagpapakahulugan ng mga panaginip bilang isang sagot sa isang pagdarasal ng Istikarah[7], kung gayon ito ay maling kasanayan . Hindi sinasagot ni Allah ang mga dasal na ito sa pamamagitan ng panaginip. Ang mga panaginip na nabigyan ng interpretasyon ay dapat gawin nang ayon sa Quran at Sunnah. Ang isang halimbawa nito ay kung ang isang tao ay nanaginip na siya ay nakahawak nang mahigpit sa isang lubid. Nauunawaan natin na ito ay nangangahulugan na isang tipan mula kay Allah dahil makikita natin sa Quran ang sumusunod na talata.
“At tumangan kayo ng mahigpit sa lubid ni Allah...” (Quran 3:103)
Ang mga panaginip ng mga propeta
Ang totoo o magagandang panaginip ay bahagi ng pagka-propeta; Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na ang mga totoong panaginip ay isa sa 46 bahagi ng pagka-propeta[8]. Sinabi sa atin ng kanyang minamahal na asawa na si Aisha na ang unang pahayag na ipinagkaloob sa Propeta ay isang totoong panaginip sa isang estado ng malalim na pagtulog at hindi na siya kailanman nanaginip ng isang panaginip na hindi nagpapakita ng pangitain pagkatapos nito[9]. Sumasang-ayon ang mga iskolar ng Islam na ang mga panaginip ng mga propeta ay isang anyo ng rebelasyon. Ang isang halimbawa nito ay nang si Propetang Ibrahim ay nag-intensyon na patayin ang kanyang anak dahil nakita niya ito sa isang panaginip.
Ang pagiging totoo ng isang panaginip ay may kaugnayan sa pagiging makatotohanan at pagiging matapat ng siyang nanaginip. Sinabi ni Propeta Muhammad na ang mga may totong panaginip ay yaong mga pinaka matapat sa pananalita[10]. Sinabi rin niya sa atin na sa pagtatapos ng mga araw ay magkakaroon ng napaka-kaunting mga panaginip na hindi totoo. Ipinaliwanag niya na dahil ang mga propeta at ang kanilang impluwensya ay napakalayo sa panahon, ang mga mananampalataya ay bibigyan ng isang anyo ng gantimpala, mga tunay na panaginip[11].
Talibaba:
[1] Saheeh Al-Bukhari
[2] Saheeh Al-Bukhari
[3] Saheeh Muslim
[4] Saheeh Al-Bukhari & Saheeh Muslim.
[5] Saheeh Muslim
[6] Saheeh Al-Bukhari
[7] Explained here: http://www.newmuslims.com/lessons/163/
[8] Saheeh Al-Bukhari
[9] Saheeh Al-Bukhari
[10] Saheeh Muslim
[11] Saheeh Al-Bukhari & Saheeh Muslim
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)