Naglo-load...

Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Tatlong bahaging araling dinedetalye ang buhay ni Propeta Muhammad bago ang pagkapropeta at ang mga taong sumunod pagkatapos ng pagkapropeta hanggang ang mga Muslim ay napilitang lisanin ang Meka. 3 Bahagi : Pagtanggi sa mensahe at pagmamalupit sa mga Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 04 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 82 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,442 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang tungkol sa pagtanggi sa mensahe ng Propeta.

·Upang matutunan ang tungkol sa pagmamalupit sa mga naunang mga Muslim.

·Upang matutunan ang tungkol sa paglipat ng ilang mga Muslim sa Abisinya.

·Upang matutunan ang tungkol sa pagdalaw ng Propeta sa Taif.

·Upang matutunan ang tungkol sa Pangako sa Aqabah.

Terminong arabik

·Ka'bah - Ang hugis kwadradong gusali na matatagpuan sa lungsod ng Meka. Ito ay nagsisilbi bilang isang tampulang dako kung saan ang lahat ng mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.

Pagtanggi sa Mensahe

Detailed_Biography_of_Prophet_Muhammad_(Meccan_Period)__Part_3_of_3_._001.jpgMayroong maraming iba't ibang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay tumatangging tanggapin ang mensahe ng Islam.

Una, ang karamihan sa kanila ay lubusang nakadikit sa kanilang mga pang-tribong kaugalian na hindi nila maisip na lisanin ang mga paraan ng kanilang mga ninuno.

Pangalawa, ang mga pinuno ng mga Quraysh ay natatakot na mawala ang kanilang katayuan at kapangyarihan.

Ikatlo, ang mga Arabo ay minamahal ang kanilang kalayaan upang magpakasasa sa lahat ng uri ng imoral na pag-uugali.

Ang pagsalungat ng mga taga-Meka ay nagsimula sa anyo ng mga pangungutya at mga pagpaparatang. Ang ilan ay nagdulot ng paninira sa pagkatao, pagbabansag sa Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, isang salamangkero, isang makata o baliw.

Pagmamalupit

Ang Islam ay unti-unting sumusulong, marahan subalit tiyak, sa kabila ng negatibong propaganda. Ang mga tao ay nagsimulang gawing katuwaan ang mga mananampalataya nang hayagan, pinagtatawanan sila kapag sila ay napapadaan. Kaya ang mga Quraysh ay nagpatuloy sa kanilang pagmamalupit at nagsimulang pahirapan ang maraming mga Muslim, lalo na ang mga alipin at mga mahihirap.

Si Bilal ibn Rabah, isang maitim na alipin mula sa Ethiopia na tinanggap ang Islam, ay kinaladkad sa mainit na disyerto ng kanyang tagapagmay-ari at sapilitang pinalalapat ang kanyang likuran sa nakapapasong buhangin. Pagkatapos, isang malaking bato ang ipinapatong sa kanyang dibdib at sinasabi sa kanya, "Ikaw ay mananatili sa ganito hanggang sa mamatay ka o hanggang sa tanggihan mo si Muhammad at sumamba sa aming mga idolo." Siya ay sasagot sa pagsasabi, "Isa! Isa!" na nangangahulugang siya ay sasamba kay Allah lamang. Isang araw, sa panahon ng kasagsagan ng pagpapahirap, si Abu Bakr As-Siddiq ay dumaan, binili si Bilal, at pinalaya siya, katulad ng ginawa niya sa anim na iba pang Muslim na mga aliping pinagmamalupitan.

Sa Abisinya

Nang ika-5 taon ng pagkapropeta, ang Sugo ni Allah ay itinagubilin sa ilan sa mga mananampalataya na lumipat sa Abisinya. Ang lupaing ito, na nasa kabilang panig ng Dagat na Pula sa Africa, ay pinamamahalaan ng isang makatarungang hari na kilala bilang Negus. Higit sa isang dosenang mga Muslim, mga kapwa kalalakihan at kababaihan, ang lumipat, kabilang maging ang anak na babae ng Propeta, si Ruqayyah, kasama ang kanyang asawa.

Ang Kaluwagan ay Dumating

Nang ika-anim na taon ng misyon, si Hamza ibn Abdul Muttalib, isa sa mga tiyuhin ng Propeta, ay nagkaroon ng pagbabagong-puso at taimtim na tinanggap ang Islam. Ang kanyang pagtanggap sa Islam ay dumating bilang isang matinding pagkabigla sa Meka. Ang pagtanggap ng Islam ni Hamza ay napatunayang naging isang malaking mapagkukunan ng lakas para sa mga Muslim at makakatulong sa pagkabawas ng pagmamalupit.

Nang maglaon, si Umar ibn Al-Khattab ay tinanggap din ang Islam at hindi ito inilihim. Nagtungo siya sa mga kaaway ng Islam at sinabi sa kanila na siya ay naging isang Muslim. Sila ay nagalit subalit wala silang nagawa, dahil takot sila kay Umar. Dahil kay Hamza at Umar, ang mga Muslim ay nagawang makapagsamba nang lantaran sa Ka'bah nang walang takot sa mga Quraysh.

Mga Pagpaparusa

Ang mga Quraysh ay nag-alala. Sinubukan nila ang bawat posibleng paraan upang hadlangan ang mensahe ng Islam. Subalit habang sinusubukan nila, ay lalong ang Islam ay patuloy na kumakalat. May bagay na higit pang marahas ang dapat gawin. Ang ilang partikular na islamopobikong mga pinuno ng ng Quraysh ay nagtatag ng isang lihim na pagpupulong kung saan sila ay nagpasyang boykotin ang angkan ni Propeta Muhammad hanggang sumang-ayon silang ibigay ang Propeta sa kanila. Isang kasunduan ang nilagdaan na kapwa ng mga angkan ng Hashim at kanilang mga malalapit na kaalyado, ang angkan ni Muttalib, ay boboykotin ng mga Quraysh. Walang sinuman ang papayagang bumili, magbenta o makasal sa kanila. Ang ganitong kalagayan ay tumagal ng tatlong taon hanggang sa ang ilan sa mga taga-Meka ay nagpasyang ito ay tama na.

Taon ng Kalungkutan

Si Abu Talib, ang tiyuhin ng Propeta, ay nagkasakit at nalalapit na sa kanyang mga huling araw. Bago ang kanyang huling hininga, ang Propeta ay tinangka sa huling pagkakataong magawa niyang isaalang-alang muli ang Islam, subalit siya ay tumanggi. Ito ay naging bukas na pagkakataon upang puntiryahin ang Propeta, ngayong ang pangangalaga ng kanyang angkan ay halos nawala na. Kaagad pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang malupit na tiyuhing si Abu Lahab ay sinamantala ang pagkakataong ito upang puntiryahin ang kanyang pamangkin. Pinilit niya ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hiwalayan ang kanilang mga asawa, na kapwa mga anak na babae ng Propeta.

Pagdalaw sa Taif

Pagkaraan ng sampung taon ng pagpapalaganap ng Islam sa Meka, ang Propeta ay naglakbay sa isang kalapit na bayan na tinatawag na al-Taif, mga limampung milya sa silangan. Dinalaw niya ang mga pinuno mula sa tribo ng Thaqif, para lamang kutyain at tanggihan ng mga ito.

Pag-anyaya sa mga Tribo sa Islam

Sa loob ng maraming taon, ang Propeta ay inanyayahan ang iba't ibang mga tribo ng Arabya sa Islam sa panahon ng pilgrimahe. Dahil ang karamihan sa mga tribo ay mayroong kahit paanong ilang mga miyembro nitong nagpupunta sa Meka bawat taon, ang karamihan sa Arabya kahit paano ay narinig na ang tungkol sa mensahe ng Islam. Nang ika-labing isang taon ng pagkapropeta, ang ilang mga tao mula sa tribo ng Khazraj ay tinanggap ang Islam. Sila ay naninirahan sa isang bayan na tinatawag na Yathrib na kamakailan lamang ay nagambala sa patuloy na digmaang sibil.

Mga Pangako sa Aqabah

Nang sumunod na taon, ang mga lalaki mula sa Yathirb ay bumalik sa Meka na may delegasyong labindalawang tao. Ang Propeta ay nakipagkita sa kanila nang lihim sa gabi sa isang lugar na tinatawag na Aqabah. Sa pagkakataong ito, ang Propeta ay ipinagawa sa kanila ang pangangako ng katapatan: "hindi ka maglalagay ng anumang katambal kay Allah, hindi ka magnanakaw, hindi ka makikiapid, hindi mo papatayin ang iyong mga anak, hindi ka maninira sa puri ng iba at hindi ka susuway sa akin sa anumang mabuting iniuutos ko sa iyo."

Ngayon ay ang ikalabintatlong taon na ng pagkapropeta at sa pagkakataong ito pitumpu't tatlong kalalakihan at dalawang kababaihan ang nagpunta sa Meka upang makipagkita sa Propeta sa panahon ng pilgrimahe. Sila ay nagkitang muli ng lihim sa Aqabah, subalit sa pagkakataong ito sila ay partikular na humiling na ang Propeta ay magtungo sa Yathrib at manungkulan bilang kanilang bagong pinuno.

Bago tanggapin ang kanilang alok, kinuha niya ang pangako ng bawat isa sa kanila: "ikaw ay pakikinggan at susundin ako maging ito ay madali o mahirap, ikaw ay mag-aambag kung ikaw ay may kakayahan o kung hindi man, ikaw ay hihikayat ng iba sa kabutihan at magpaalala laban sa kasamaan, hindi ka matatakot sa anumang paninirang-puri kapag gumagawa ka ng isang bagay para sa ikagagalak ni Allah at pangangalagaan mo ako sa paraan ng iyong pangangalaga sa iyong sariling mga pamilya.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9