Ano ang Jihad?
Deskripsyon: Upang maintindihan ang kahulugan ng jihad, ang mga uri nito at paano ito naiiba sa terorismo.
Ni NewMuslims.com
Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 202 - Nag-email: 0 - Nakakita: 18,397 (pang-araw-araw na average: 8)
Mga Layunin
·Upang maunawaan ang pagpapakahulugan at Islamikong kahulugan ng salitang jihad.
·Upang maunawaan ang mga uri ng jihad.
·Upang malaman kung sino ang makagagawa ng jihad.
·Upang maunawaan ang pagkaka-iba ng jihad at terorismo.
·Upang maunawaan ang mga grupo na naiiba sa tamang katuruan, mga grupo ng terorista.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Jihad - isang pakikibaka, pagsisikap sa isang bagay, at maaaring pangtukoy sa isang lehitimong digmaan.
Background
Ang Islam ay hindi nag umpisa sa karahasan. Bagkus, ito ay nag simula sa isang mapayapang proklamasyon ng kaisahan ng Allah na isinagawa ni Propeta Muhammad (610 CE), nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya, sa lugar ng mga pagano sa bayan ng of Mecca. Sa loob ng ilang taon, Ang Propeta at kanyang mga tagasunod ay nakaranas ng pag uusig sa kanilang mga paniniwala mula sa hanay ng mga piling tao ng Quraysh[1]. Si Propeta Muhammad ay nagpalaganap ng Islam sa iba't-ibang tribu na nakapalibot sa Madina, 150 milya sa hilagang Mecca, na nagsipagtanggap ng kanyang mensahe. Noong 622 CE, si Propeta Muhammad, kasama ng iba pang mga Muslim, lumipat sa oasis na ito.
Nang ang Propeta ng Islam ay lumipat mula Mecca papuntang Madina, ang mga paganong tribo ay naging mapangahas sa kanya. Ngunit ang Propeta ay palagian nang mapagpasensya at umiiwas sa lahat ng kanilang mga atake. Subalit, sa ibang pagkakataon na walang ibang mapagpipiliang gawin, nagagawang humarap at lumaban. Sa madaling sabi, kinakailangan niyang makipaglaban sa ibang mga pagkakataon. Ito iyong mga pagkakataon na nababangit sa Quran na may kaugnayan sa digmaan.
Pagpapakahulugan
Jihad. Ang salita ay pumasok sa ating araw-araw na bokabularyo, na ini-uugnay (ng karamihan sa mga di-Muslim) sa walang pigil, walang katwiran, kabuuang pakikidigma. Ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin nito?
Maling pagsasalin bilang “holy war” ay nauugnay sa mga Krusada at napakahigpit na Kristiyano.
Sa Arabik, ang literal na pagpapakahulugan ay “pagsusumikap” o “sariling pagsusumikap,” na may pagpapakahulugan, ayon sa basehan ng paggamit nito sa Quran, “na may kaugnayan sa personal o sariling pananampalataya.”
Ang salitang jihad ay buhat sa Arabik na salitang ugat na J-H-D, na ang ibig sabihin ay "magsumikap." Ang ibang salita na hango mula dito ay "pagsisikap," "paggawa," at "pagkapagod." Pinamahalaga, ang jihad ay isang pagsisikap na magsabuhay / magsumikap na maisagawa ang pananampalataya sa harap ng pang-aapi at pag-uusig (kahirapan na maisagawa ito) . Ang pagsisikap ay maaaring magmula sa paglaban sa kasamaan sa iyong sariling puso , o manindigan / lumaban sa diktador. Kabilang ang pagsisikap ng militar bilang isang opsyon, ngunit bilang paghuli na opsyon at hindi "para ipalaganap ang Islam dahil sa sandata" katulad sa kariniwang paniniwala ng ilan.
Uri ng Jihad
Ang mga iskolar ng Islam, mula sa panahon ng Propeta hanggang sa ngayon ay binigyan ng labing-apat na magkakaibang kategorya ang jihad.
Jihad laban sa mga mapagkunwari (Hypocrites)
·sa Puso
·sa Salita
·sa Kayamanan
·sa Pagkatao
Jihad laban sa mga Hindi Mananampalataya (Unbelievers)
·sa Puso
·sa Salita
·sa Kayamanan
·sa Pagkatao
Jihad Laban sa Diyablo / Demonyo
·Paglabanan ang mga maling pagnanasa at paninirang puri sa pananampalataya na ibinabato niya sa isang tao
·Pakikipaglaban sa masasamang pagkahilig / kinahihiligan at pagnanais na ibinibigay niya sa isang tao
Jihad ng Sarili
·Ang pagsusumiikap na matuto ng patnubay at ng relihiyon, na kung wala ito ay walang kaligayahan sa buhay na ito o sa Kabilang Buhay
·Pagsusumikap na isabuhay ito pagkatapos na ito ay matutuhan
·Pagsusumikap na manawagan para sa Allah at ituro sa isang taong hindi ito alam
·Pagsusumikap na may pagtitiis sa paghahangad na manawagan para sa Allah
Jihad na armado o Armadong Pakikipaglaban (Military)
Ang armadong pakikibaka ay maaaring nagtatanggol o nakakasakit.
Ang pagtatanggol na jihad ay pakikipaglaban kapag ang mga lupain ng mga Muslim ay sinalakay at ang buhay ng mga tao, ang kanilang kayamanan at karangalan ay nanganganib. Kaya ang mga Muslim ay nilalabanan ang mga nananakop na kaaway bilang pagtatanggol sa kanilang mga sarili.
Sa opensibong (nakakasakit) jihad, ang mga tao na tinututulan ang pagtatatag ng Islamikong tuntunin at pinipigilan ang Islam na ipa-abot sa mga tao ay ipinaglalaban. Sa kabuuan, ito ay ginagamit upang alisin ang pang-aapi. Ang Islam ay awa para sa lahat ng sangkatauhan at ito ay dumating upang i-ahon ang mga tao mula sa pagsamba sa bato at patnubayan ang nga tao sa pagsamba sa Nag-iisang totoong Diyos, mula sa pang-aapi at kawalan ng hustisya sa kultura, mamamayan at mga bansa sa pagkakapantay-pantay at kataruan ng Islam. Kapag ang Islam ay maunawaan na ng mga tao, hindi ito ipipilit o i-didikta na yakapin o tanggapin ninuman – nasa pagpapasya ng isang tao kung ito ay kanyang yayakapin /tatanggapin o tatalikuran. Ang isang matatag na pamahalaan lamang ang maaaring magdeklara ng digmaan. Sa madaling sabi, ang mga indibidwal ay maaaring manalangin at magbigay ng kawang-gawa sa kanilang sariling pagpapasya, ngunit hindi sila maaaring magpahayag ng mga digmaan ayon sa kanilang sariling naisin o kasunduan.
Karamihan sa mga gawaing Islamiko ay pinatutupad ayon sa ilang mga kundisyon. Ang paglulunsad ng digmaan ay napapailalim din sa ilang mga prinsipyo, isa sa mga ito ay, kahit pa ang digmaan ay nailunsad na ng pamahalaan , ito ay nakaumang lamang sa mga mandirigma. Ang pagta-target ng mga hindi kalaban ay labag sa batas. Ang Quran ay hindi nag-uutos na labanan ang mga hindi nakikipagdigma. Ang gayong mga tao ay dapat pakitunguhan nang mabuti at pantay-pantay (60:8-9).
Jihad kumpara sa Terorismo
Ang Terorismo ay hindi jihad at ang terorista ay hindi banal na mandirigma dahil sa mga sumusunod na dahilan:
·Ang Islam ay hindi nagtuturo sa mga mananampalataya na takutin at atakehin ang mga sibilyan.
·Ang Islam ay hindi nag-uutos sa mga Muslims na pumatay ng mga “hindi mananampalataya” at takutin ang mga sibilyan.
·Ang mga terorista ay lumalabag sa batas ng Islamikong pamantayan para sa isang makatarungang jihad at walang kinikilalang limitasyon, sa paggamit ng anumang mga armas o paraan.
·Tinanggihan ng mga terorista ang Islamikong pagbabatas at panuntunan tungkol sa mga layunin at lehitimong paraan para sa isang wastong jihad: na ang karahasan ay dapat na proporsyonal at na tanging ang kinakailangang dami ng puwersa lamang ang dapat gamitin upang maitaboy ang kaaway; ang mga inosenteng sibilyan ay hindi dapat ma-tamaan o madamay.
·Ang Jihad ay dapat na ideklara ng pinuno o pinuno ng estado
Sa ngayon, ang mga naligaw na indibidwal at grupo tulad ng Al-Qaeda, ISIS o ISIL, Boko Haram, at iba pa ay kinuha ang karapatang magdeklara ng mga hindi lehitimo at hindi banal na digmaan ng terorismo sa pangalan ng Islam. Ang lahat ng kinikilalang iskolar ng Muslim at mga organisasyong Islamiko ay nagpahayag na ang kanilang mga aksyon ay mali at taliwas sa mga turo ng Islam.
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba