Naglo-load...

Pagpapatirapa ng Pagkalimot

Marka:

Deskripsyon: Ang aralin ay magpapaliwanag kung ano ang gagawin sa iba't ibang sitwasyon kapag nakagawa ng (mga) pagkakamali sa salah.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 99 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,854 (pang-araw-araw na average: 3)


Kinakailangan

Pagdarasal - Advanced

Mga Layunin

·Upang malaman ang kahulugan ng ‘sajdah as-sahw’.

·Upang pahalagahan ang mga okasyon kapag ito ay tapos na.

·Upang malaman kung ano ang gagawin kung ang rukn, wajib, o ang inirerekumendang gawa sa salah ay nakaligtaan.

·Upang malaman ang dalawang pamamaraan ng pagsasagawa ng sajdah as-sahw.

·Upang maunawaan ang ilang karaniwang mga halimbawa kung kailan magsasagawa ng sajdah as-sahw.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Imam - isang taong pinangungunahan ang panalangin.

·Rakah - yunit ng panalangin.

·Rukn - (pangmaramihan: arkan) mahalagang bahagi; isang haligi na kung wala ito aumang bagay ay hindi maaaring tumayo.

·Sajdah - pagpapatirapa.

·Sajdah as-sahw - pagpapatirapa ng pagkalimot.

·Salah - ay salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na pormal na pagdarasal na siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Takbiratul-Ihram – pagsasabi ng ‘Allahu Akbar’ bilang pagsisimula ng panalangin.

·Tashahhud - ang pagsasabi ng “At-tahiy-yatu lil-lahi…. Muhammadan 'abduhu wa rasuluh.” kapag nakaupo habang nananalangin.

·Tasleem - Ang pagbati ng kapayapaan sa pagtatapos ng panalangin.

·Wajib - (plural: wajibaat) kinakailangan.

Kahulugan

Prostration_of_Forgetfulness._001.jpgAng salitang Arabe para sa pagpapatirapa ay ‘sajdah.’ Ito ay nangangahulugang paglalagay ng ulo, mga kamay, tuhod at daliri sa paa ng isang tao sa lupa. Ang dalawang sajdahs na isinagawa sa pagtatapos ng salah upang bumawi sa mga pangunahing pagkakamali ay tinatawag na ‘pagpapatirapa ng pagkalimot’ o sajdah as-sahw sa Arabik.

Kahalagahan

Tayong mga tao ay likas na makakalimutin at mas lalong nakakalimot kapag tayo ay nagdarasal sa Allah. Ang Lumikha sa atin ay nababatid ang katotohanang ito kung kaya't ginawa niyang ang Kanyang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay makalimot sa ilang mga pagkakataon habang nagdarasal. Sa paraang ito naipakita ng Propeta kung paano itama ang ating mga pagkakamali sa pagdarasal. Ang pagtatama sa mga pagkakamali ay isang dakilang habag mula sa Allah dahil maaari naman Niyang ipaulit sa atin ang pagdarasal sa bawat pagkakamali, ngunit Hindi niya ginawa.

Kailan kinakailangan ang Pagpapatirapa ng Pagkalimot?

Mayroong dalawang pagkakataon kung kailan ito kinakailangan:

I.Kapag ikaw ay nakadagdag o nakabawas ng mga gawain sa salah.

Mga halimbawa ng pagdadagdag:

Ikaw ay nagdasal ng 5 rakah sa halip na 4.

Ikaw ay nakagawa ng tatlong pagpapatirapa sa halip na dalawa.

Ikaw ay nakagawa ng tashahhud sa hulihan ng unang rakah.

Halimbawa ng pagbabawas:

Nakapagdasal ka ng 3 rakah sa halip na 4.

Ikaw ay nagdasal ng isang sajdah sa halip na dalawa.

Ikaw ay tumayo sa ikatlong rakah na hindi naisagawa ang unang tashahhud.

II.Kapag nakalimutan mo ang bilang ng rakah at kapag nag-aalinlangan, (halimbawa) kung nakapagdasal ng tatlo o apat na rakah.

Nakaligtaan ang isang Rukn (Mahalagang Bahagi o Haligi ng Salah)

Kung iniwan mo ang Takbiratul-Ihram, kung gayon ay wala kang nagawang panalangin, iniwan mo man ito nang sinadya o dahil sa pagkalimot, dahil hindi mo nasimulan ang iyong pagdarasal.

Kung iniwan mo ang isang rukn maliban sa Takbiratul-Ihram na sadya, ang iyong salah ay hindi tanggap.

Kung naiwan mo ang isang rukn dahil sa pagkalimot at umabot sa susunod na rakah, kung gayon ang rakah na iyong naiwan rukn ay walang bisa at ang susunod na rakah ang kahalili nito.

Kung hindi mo naman naabot ang susunod na rakah, kailangan mong bumalik sa rukn na iyong naiwan at gawin ito at pasundan ito ng kung ano ang susunod ayon sa pamamaraan ng salah.

Sa kapwa parehong sitwasyon sa itaas, dapat kang magsagawa ng “pagpapatirapa ng pagkalimot”.

Kapag Nakaligtaan ang isang Wajib (Kinakailangang gawain sa salah)

Kung may nakaligtaan kang isang wajib na hindi sinasadya, katulad ng unang tashahhud o maging pagpapatirapa, kailangan mo lamang gawin ang sajdah as-sahw sa pagtatapos ng panalangin. Gayunpaman, kung ito ay sinadyang iwan, kung gayun ang pagdarasal ay walang bisa.

Pagkalimot sa isang Inirekomendang gawa sa Panalangin

Hindi mo kailangang isagawa ang “pagpapatirapa ng pagkalimot” kung nakalimutan mong isagawa ang isa sa inirekumendang mga gawa ng panalangin.

Pamamaraan ng Sajdah as-sahw

Mayroon kang pagpipilian sa pagitan ng dalawang mga paraan ng paggawa nito:

1. Agaran bago ang tasleem sa pagtatapos ng salah.

Bago tapusin ang panalangin sa pamamagitan ng tasleem, sabihin mo ang Allahu Akbar, at gawin ang unang pagpapatirapa.

Habang nakapatirapa ay sabihin, Subha-na Rabbi al-A'la ng tatlong beses. At pagkatapos ay sabihin Allahu Akbar at bumalik sa pag-upo.

Pagkatapos ay sabihin ang Allahu Akbar muli at magpatirapa sa ikalawang pagkakataon at sabihin ang katulad na mga salita na ginawa mo sa unang pagpapatirapa.

Pagkatapos ay sabihin mong muli ang Allahu Akbar sa huling pagkakataon, bumalik sa pag-upo, at ibaling ang ulo sa kanan at sa kaliwa, na sinasabi ang “As-Salamu 'Alaikum wa-Rahmatullah” sa bawat pagbaling.

2. Isagawa ito pagkatapos ng tasleem.

Isa pang paraan ay ipagpatuloy ang iyong salah at tapusin ito sa pamamagitan ng tasleem gaya ng normal mong ginagawa.

Pagkatapos mong sabihin ang Allahu Akbar at magpatirapa para sa iyong unang pagpapatirapa, at sabihin ang Subha-na Rabbi al-A'la ng tatlong beses. Pagkatapos ay sabihin mo ang Allahu Akbar at bumalik sa pag-upo.

Pagkatapos ay sabihin ang Allahu Akbar muli at gawin ang iyong pangalawang pagpapatirapa at sabihin ang Subha-na Rabbi al-A'la ng tatlong beses.

Panghuli, sabihin mo ang Allahu Akbar sa huling pagkakataon at bumalik sa pag-upo, at pagkatapos ay ibaling ang iyong mukha sa kanan na sinasabi “As-Salamu 'Alaikum wa-Rahmatullah.”

Karagdagang mga Puna/mga Halimbawa

1. Kung napagtanto mo bago ka mag-tasleem na may naidagdag ka na anuman sa salah, halimbawa ay karagdagang rakah, maaari mong gawin ang sajdah as-sahw bago o pagkatapos ng tasleem.

2. Kung hindi ka naman nakapagdasal ng isa o higit pang rakah, dapat kang tumayo at kumpletuhin ito, bago matapos ang pagdarasal ay gawin mo ang sajdah as-sahw.

3. kung nakalimutan mong isagawa ang sajdah as-sahw, ngunit naalala ito agad pagkatapos, kung gayon ay gawin mo ito agad matapos maalala. Gayunpaman, kung lumipas na ang oras, wala kang dapat na gawin na anuman at ang iyong pagdarasal ay nananatiling tanggap.

4. Kapag ang Imam ay nagsagawa ng sajdah as-sahw, lahat ng nasalikod niya ay dapat gawin ito,kahit na walang sinuman ang nagkamali.

5. Kung ikaw ay nagkamali sa likod ng Imam, hindi mo kailangang magsagawa ng sajdah as-sahw dahil ang Propeta ay nagsabi, “Katotohanan, ang Imam ay dapat sundin.”[1]

6. Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado kung ilan ang rakah na iyong naisagawa? Magpatuloy ka at isagawa ang bilang na nakatitiyak ka. Halimbawa, sa apat na rakah na pagdarasal, iniisip mo na naisagawa mo lamang ay tatlong rakah, kung gayon ay dagdagan mo ng isa at gawin ang sajdah as-sahw. Kung sa tingin mo naman ay nagdasal ka ng apat na rakah, ang dapat mong gawin ay isagawa ang sajdah as-sahw sa huli. Kung hindi mo magawang magpasya kung alin sa dalawa ang mas malamang, maaaring ito ay tatlo o apat na rakah, magpatuloy ka at piliin ang mas mababang bilang, i.e. tatlong rakah. Magdasal ka ng panibagong rakah at pagkatapos ay gawin ang sajdah as-sahw.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapatirapa ng Pagkalimot

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.