Naglo-load...

Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Tatlong-bahaging aralin na tumatalakay sa buhay ni Propeta Muhammad pagkatapos ng paglipat sa Madina hanggang sa kanyang pagpanaw. Unang bahagi: Paglikas sa Madina, at ilang mga pangyayari na naganap pagkaraan lamang.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 86 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,311 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa paglipat sa Madina.

·Upang malaman ang tungkol sa unang moske sa Madina.

·Upang maunawaan ang bigkis ng tunay na kapatiran na itinatag ng Propeta.

·Upang malaman ang tungkol sa labanan sa Badr.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Adhan - isang Islamikong pamamaraan ng pagtawag sa mga Muslim sa limang beses na obligadong pagdarasal.

Paglipat patungong Madina

Detailed_Biography_of_Prophet_Muhammad_(Madinan_Period)_Part_1_of_3._001.jpg

Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagpahintulot sa mga mananampalataya na simulan ang paglipat patungong Yathrib, na pinalitan ng pangalang Madinat-un Nabī, ibig sabihin, lungsod ng Propeta, o sa madaling salita ay Madina. Sinubukan ng mga Quraysh na pigilan hanggat maari ang maraming bilang ng mga Muslim sa pag-alis na iyon. Sa loob lamang ng dalawang buwan halos lahat ng mga Muslim ay nakalipat na, habang ang Propeta mismo ay nanatili kasama ang ilan sa kanyang mga kasamahan. Sa wakas, matapos ang ilang mga araw na paglalakbay sa disyerto, tanaw na ang Madina. Ang misyon ng Islam ay pumasok sa unang yugto. Pagkaraan ay umalis din siya kasama ang kanyang malapit na kasamahan, Abu Bakr. Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay sa disyerto, tanaw na ang Madina. Ang misyon ng Islam ay pumasok sa unang yugto.

Pagdating sa Madina

Narinig ng mga tao ng Madina ang balita hinggil sa paglipat ng Propeta at nasa daan na. Ang unang lugar na hinintuan ng Propeta ay ang munting bayan na kung tawagin ay Quba. Ito ay isang mataas na pamayanan mga tatlong milya ang layo mula sa sa Madina. Isa sa mga unang bagay na ginawa ng mga Muslim dito, ay ang pagtatayo ng moske. Matapos makumpleto ang moske, Tumungo na siya sa lungsod. Pulu-pulutong na lumabas ang mga tao ng Madina upang salubungin siya. Noon ay buwan ng al-Rabi al-Awwal, labing-tatlong taon matapos tanggapin ng Propeta ang unang rebelasyon mula sa Allah. Ang paglipat na ito ang simula ng bagong yugto sa misyon ng Propeta at nang maglaon ay naging pananda kung saan magsisimula ang kalendaryo ng nga Muslim.

Unang Mosque ng Madina

Ang unang gawain na isinakatuparan ng Propeta ay ang pagtatayo ng isang moske kung saan ang lahat ng mga mananampalataya ay maaaring magtipon-tipon at magsagawa ng kanilang mga panalangin. Ang moske na ito ay naging kilala bilang “Moske ng Propeta”, ngunit ito ay isa lamang lugar na napapalibutan ng dingding na yari sa putik na binububungan ng mga sanga ng puno ng palma.

Sa Mecca, ang mga Muslim ay walang kakayahang magdasal na magkakasama sa kongregasyon dahil sa kinakaharap nilang panganib. Ngayon na naglaho na ang banta, ang limang beses na mga pagdarasal ay naisasagawa na nila nang sama-sama sa moske. Si Bilal ibn Rabah, ang dating alipin, ay napili upang magkaroon ng karangalan sa pagtawag ng Adhan. Sa tuwing isisigaw niya, “ang Allah ay dakila!” itinitigil ng mga tao anuman ang kanilang ginagawa at pumupunta sa moske.

Habang itinatayo ang moske, ang Propeta ay nanatili sa tahanan ni Abu Ayyub al-Ansari, dahil wala siyang sariling tahanan at tinaggihan ang pagtanggap ng maluhong mga regalo mula sa kanyang mga tagasunod.

Tunay na Kapatiran

Ang mga Muslim na lumipat ay binigyan ng kagalang-galang na titulong “Ang mga Migrante” (al-Muhajirun), sapagkat iniwan nila ang kanilang bayan sa kapakanan ng Islam. Ang mga Muslim sa Madina ay tinawag na “Ang mga Kaagapay” (al-Ansar), sapagkat umagapay sila sa nauna na manirahan sa kanilang bayan. Itinatag ng Propeta ang kasunduan ng pagkakapatiran sa pagitan ng dalawang grupo sa pamamagitan ng pagpapares sa isang Migrante at isang Kaagapay. Ang Kaagapay ay ibabahagi ang kanyang tahanan at ari-arian sa kanyang kapatid na Migrante.

Pagpapatuloy ng mga Labanan

Ang mga Muslim ay nakaligtas sa pang-aapi sa Mecca, ngunit ang mga Quraysh ay nakatuon pa rin sa pagsira sa Islam at sa mga Muslim. Ginamit ng Quraysh ang kanilang impluwensya sa Arabia upang harangan ang ilang mga tribo mula sa pagbisita sa Madina. Dahil walang sentro ng pamamahala sa Arabia, ang mga tribo at komunidad ay nakikipag-ugnayan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga alyansa at mga kasunduan. Sa kawalan ng alinman, ito ay nangangahulugan na sila ay nasa potensyal na digmaan. Ang isang tribo ay papasok lamang sa isang kasunduan kung may ilang insentibo para sa kanila. Ang Quraysh, na siyang may malakas na puwersa, ay walang mapapala kung makikipagkasundo sa mga Muslim.

Nauunawaang lubos ng Propeta ang sitwasyon ngunit hindi makagawa ng anumang hakbang hanggang sa wakas ay naipahayag ang talata: “Ang kapahintulutan upang makipaglaban ay iginawad sa kanila dahilan sa sila ay ginawan ng kamalian – Katotohanang ang Allah ay makapagkakaloob sa kanila ng tagumpay. [Sila na mga] yaong hindi makatarungang pinalayas sa kanilang mga tahanan, na walang anumang dahilan maliban sa kanilang pagpapahayag, ‘ang Allah ang aming Panginoon.’” (Quran 22:39)

Bago nito, ang mga Muslim ay hindi pinapahintulutang gumanti, kahit na sa pagtatanggol sa sarili. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga Muslim ang pinahirapan at ipinahiya sa Mecca. Ngayon, ang pahintulot na lumaban ay ibinigay dahil nagbago ang mga pangyayari.

Labanan sa Badr

Ilang mga kasunduang pangkapayapaan ang natapos ng mga Muslim sa ibat-ibang mga tribo, ngunit ang hukbo ng Quraysh (1000 malalakas na kalalakihan) at ang mga Muslim (na higit sa 300 lamang) ay nagtagpo, harapan, sa kanilang unang labanan, sa Badr (isang maliit na bayan mga 80 milya ang layo mula sa Madina). Kulang sa pisikal na dami ang mga Muslim, ngunit sa tulong ng Allah, nagawa nilang talunin ang hukbo ng Quraysh na nagsimula ng umatras. Pitumpong mga sumasamba sa diyos-diyosan ang napatay habang karagdagang pitumpu ang bihag. Karamihan sa mga pinuno ng Quraysh ay napatay sa araw na iyon, kasama na ang kilalang si Abu Jahl. Ang mga Muslim ay nabawasan ng mga labing-apat na kalalakihan.

Paggamot ng mga Bilanggo

Ang mga bihag ng digmaan ay nakaposas at inilagay sa pangangalaga ng mga sundalong Muslim. Ipinag-utos ng Propeta na pakitunguhan at pakainin sila ng maayos. Ilan sa mga kasamahan ay seryosong pinanghawakan ang salita ng Propeta na binigyan nila ang kanilang mga bilanggo ng tinapay habang sila ay nagkasya na lamang sa datiles. Ang mga mayayamang bihag ay ipinatubos habang ang mga marurunong ay kailangang magturo ng sampung Muslim ng pagbasa at pagsulat upang makalaya. Samantalang sa Mecca, ang Quraysh ay nagluluksa sa kanilang mga patay at sumumpang maghihiganti.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.