Naglo-load...

Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Tatlong-bahaging aralin na tumatalakay sa buhay ni Propeta Muhammad pagkatapos ng paglipat sa Madina hanggang sa kanyang pagpanaw. Ikalawang Bahagi: Tungkulin ng mga mapagkunwari at mga tribong Hudyo, at ang mga labanan sa Uhud at Bambang.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 73 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,052 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa mga bagong kalaban sa Madina.

·Upang malaman ang tungkol sa pagtataksil ng mga kaalyado.

·Upang malaman ang tungkol sa Labanan ng Uhud at Bambang

Mga Bagong Kaaway sa Madina

Detailed_Biography_of_Prophet_Muhammad_(Madinan_Period)__Part_2_of_3_._001.jpg

Sa Madina, dalawang bagong kalabang puwersa ang lumitaw, lalo na noong matapos ang labanan sa Badr. Mayroong ilang mga Arabo sa Madina na nananatiling sumasamba sa mga rebulto at kinamumuhian ang Islam katulad ni ʿibn Ubayy at ang kanyang mga tagasunod. Gayunpaman, pagkatapos ng tagumpay sa Badr, karamihan sa kanila ay nagpahayag na maging isang Muslim, kahit na pakitang-tao lamang. Maliwanag sa kanilang kilos na hindi pumasok ang tunay na pananampalataya sa kanilang mga puso, ngunit nakita nila ang bentaheng pampulitika sa pagpapanggap na maging Muslim. Ilan sa mga talata sa Quran ay ipinahayag upang ipabatid sa mga totoong Muslim ang banta na maidudulot sa komunidad ng grupong ito ng mga mapagkunwari. Gayunpaman, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay hindi kailanman nagturing sa sinuman at tinuruan ang kanyang mga tagasunod na hatulan ang mga tao sa ayon sa kanilang mga aksyon.

Ang ikalawang banta ay nagmula sa mga tribo ng Hudyo na nakatira kapwa sa loob at labas ng Madina sa loob ng maraming siglo. Sa pagdating sa Madina, ang Propeta ay gumawa ng kasunduan sa mga tribo ng Hudyo upang malinaw na tukuyin ang mga ugnayan sa pagitan nila at ng mga Muslim. Kabilang sa mga pangunahing elemento ng kasunduan ay: kapwa ang mga Muslim at Hudyo ay malayang magsagawa ng kanilang sariling pananampalataya, kapwa nila tutulungan ang isat-isa sakaling lumusob ang mga dayuhang kaaaway at walang anumang kasunduan ang gagawin sa Quraysh laban sa mga Muslim. Marami sa mga Hudyo ang mababa ang tingin sa Propeta dahil sa pagmamalaki sa kanilang mga ninuno. Ngunit ang Propeta ay patuloy na nagturo sa mga Muslim na manatiling may paggalang sa kanila. Sa paglaon ay dumating ang kapahayagan na ang mga Muslim ay pinapahintulutan na kumain ng mga karne na kinatay ng mga Tao ng Kasulatan at maging pakikipag-asawa sa kanila. Ang ilan sa mga Hudyo ay tinanggap din ang Islam. Isa sa mga nangungunang Rabbi ng Madina, ʿAbdullah ibn Salam, ay naniwalang ang Sugo ng Allah ang nabanggit sa Torah at tinanggap ang Islam.

Pagtataksil ng Qaynuqa

Ilang buwan pagkatapos ng Badr, ang Propeta ay nakatanggap ng intelihensiya na ang mga Hudyo mula sa tribo ng Qaynuqa, na naninirahan sa loob ng Madina, ay nagbabalak na sumira sa kanilang tipan. Ang Qaynuqa ay naghanda para sa pakikipaglaban, umaasa na ilan sa mga mapagkunwari ay makikipagtulungan gaya ng naipangako. Pagkalipas ng dalawang linggo na hindi nakakatanggap ng mga kagamitan o tulong mula sa labas, sila ay sumuko. Sila ay hiniling na umalis at nanirahan sa ibang mga tribo ng mga Hudyo sa palibot ng lugar.

Ang Labanan sa Uhud

Noong 3 AH, ang Propeta ay nakatanggap ng intelihensiya na mayroong paparating na 3000 mga sundalo na lulusob sa Madinah. Tinipon ng Propeta ang hukbo ng 1000 mga sundalo at sinangguni ang kanyang mga kasamahan kung sasalubungin ba ang hukbo sa labas o manatili sa lungsod at ipagtanggol ito. Ang Propeta ay bumigay sa kanilang kasigasigan at ang hukbo ay tumungo sa Bundok ng Uhud, mga dalawang milya ang layo mula sa Madina, kung saan nila sasalubungin ang kaaway. Habang nasa daan, Si ʿAbdullah ibn Ubayy (pinuno ng mga mapagkunwari) ay nagpasyang iwanan ang hukbo ng Muslim dahil hindi nasunod ang kanyang gusto at nanatili na lamang sa lungsod. Siya at ang kanyang mga tauhan, na bumubuo sa isang-katlo ng hukbo, ay umurong.

Itinalaga ng Propeta ang 50 na mga taga-pana sa kalapit na burol upang bantayan ang isang maliit na daanan sa burol na maaaring gamitin ng mga kaaway. Ang labanan ay nagsimula at ang mga Muslim ay nagsimulang magtagumpay sa Quraysh. Ang sagisag-pandigma ng Quraysh ay bumagsak at sila ay nagsimulang umatras, habang patuloy silang sinusugod ng mga sundalong Muslim. Sa sandaling iyon, karamihan sa mga mamamana na nakaposisyon sa burol ay nagpasyang umalis sa kanilang mga himpilan, na nakatingin sa mga samsam ng digmaan na kung saan sabik nilang makuha. Ang burol ay wala ng proteksyon at ang kabalyero ng mga kaaway ay sumalakay sa pagitan ng mga agwat at sinamantala ang nagkakasiyahang mga Muslim. Bilang resulta, 70 mga patay na Muslim ang nakahandusay sa lugar ng labanan habang 22 lamang na mga Quraysh ang napatay. Ang tagumpay sa Uhud ay nauwi sa mapait na pagkatalo. Ang mga talata ay ipinahayag sa Propeta upang maging malinaw na ang sakuna ay bunga ng espirituwal na sakit ng kasakiman

Pagpapaalis sa mga Nadir

Noong 4 AH, ang Sugo ng Allah ay nakatanggap ng intelihensiya na ang mga Hudyo ng Nadir ay nagtatangkang magtaksil sa mga Muslim. Dinalaw sila ng Propeta, ngunit pinagtangkaan nila ang buhay niya. Nilisan niya ang lugar at binigyan sila ng 10 araw upang umalis. Ngunit ipinilit nila ang pakikipagdigma at nagsimulang makipag-alyansa sa ilang mga lider ng Arabya. Ipinadala ang isang hukbo ng Muslim upang kubkubin ang kanilang kuta. Pagkalipas ng 10 araw, ipinag-utos ng Propeta na ilan sa kanilang mga puno ng palmera, ang pinakamahalaga nilang pagaari, ay putulin. Sumuko rin sila bandang-huli at pinalipat sa lubos na pinatibay na lungsod ng Khaybar, ilang daang milya sa hilaga. Muli, sa halip na magpasalamat, agad silang nagplano laban sa mga Muslim.

Labanan sa Bambang

Si Huyayy, ang pinuno ng Nadir, ay nagtungo sa Mecca upang mag-udyok ng huling paglusob laban sa Madina. Madali niyang nahimok ang mga Quraysh na panahon na upang maglunsad ng huling pagsalakay laban sa mga Muslim. Nagsimulang kumalap si Abu Sufyan ng mga kaalyado mula sa ibat-ibang panig ng Arabya. Nagawang tipunin ng Quraysh ang 4000 mga sundalo mula sa kanila at karagdagang 6000 mga sundalo mula sa silangang bahagi ng Arabya. Si Salman Al-Farsi, kasamahan ng Propeta na nagmula sa Persia, ay nagmungkahi ng taktikang pandigma ng dayuhan sa pamamagitan ng paggawa ng bambang o malaking kanal upang pagsamahin ang matatag na posisyong pandepensa sa pamamagitan ng mga patlang ng lava at sa pamamagitan ng pinatibay na mga gusali. Bagay na hindi pa narinig sa pakikidigmang Arabo, nagustuhan ng Propeta ang layunin ng plano at agad itong isinakatuparan. Ang Propeta mismo ay lumahok sa pagbubuhat mula sa kanyang likuran ng mga durog na bato. Nang dumating ang koalisyon ng hukbo, hindi pa nila nakitang ginamit ang estratihiyang pang-militar na iyon.

Si Huyyay, na kasama ng mga hukbo, ay binayaran ang natitirang tribo ng hudyo sa Madina, ang Qurayza, na naninirahan sa timog, at hinimok sila na tumalikod sa kasunduan sa mga Muslim.

Ang pagkubkob ng mga Muslim ay tumagal nang halos isang buwan. Bandang huli'y nagpasya si Abu Sufyan na sumuko at umatras, na hindi matagumpay. Sa tulong ng Allah, hindi lamang nakaligtas sa pakikipaglaban ang mga Muslim subalit ito ay simbolikong tagumpay na rin na maituturing para sa kanila.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.