Naglo-load...

Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Paghuhugas, pagbabalot, paglilibing, at pakikiramay.

Ni Aisha Stacey (© 2017 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 120 - Nag-email: 0 - Nakakita: 34,550 (pang-araw-araw na average: 14)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang Islamikong pamamaraan sa paglilibing sa mga patay.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Du’a - pagsusumamo, panalangin, paghiling ng anuman sa Allah.

·Qiblah - ang direksyon kung saan humaharap ang isang tao para sa kaukulang mga panalangin.

·Dhikr- (pangmaramihan:adhkar) pag-alaala sa Allah.

·Fard Kifayah – Obligadong gawain sa buong kumunidad ng Muslim, at dapat na isinasagawa ng hindi bababa sa isang tao.

·Salat ul-Janazah – ang panalangin sa libing.

·Takbir – pagsasabi ng “Allahu Akbar”.

·Tasleem– Ang pagbati ng kapayapaan sa pagtatapos sa panalangin.

Paghahanda ng katawan para sa libing

Funeral_Rites_Part_2._001.jpgAng Islam ay nagkaloob sa atin ng isang kumpletong hanay ng mga tagubilin para sa paghahanda ng katawan para sa libing. Ang paghuhugas sa katawan ng namatay na mananampalataya ay fard kifayah, na nangangahulugang ito ay isang pinasama-samang obligasyon. Kung ito ay isagawa ng isang tao kung gayon ito ay ginagawa sa ngalan ng komunidad ng Muslim. Ang hindi paglilinis ng katawan ay hindi lamang kabiguan ng mga kamag-anak o pamilya; ito ay kabiguan ng buong komunidad.

Ang namatay ay dapat hugasan ng mga pangunahing miyembro ng pamilya ng kaparehong kasarian. Kung walang mahanap na kamag-anak kung gayon ay ang mga pinaka-mapagkakatiwalaan at matuwid na mga tao na naroon. Sa panahon ngayon ang paghuhugas sa katawan ay kadalasang nakalaan sa mga karapat-dapat na mga Muslim sa silid ng Islamic center o moske, o sa pasilidad ng pamahalaan.

Ang paghuhugas sa namatay na mananampalataya ay dapat na isagawa sa isang marangal na paraan na tinitiyak na ang katawan ay palaging pinangangasiwaan nang malumanay at may pag-iingat. Ang mga maghuhugas ng katawan ay kailangang…

1.Mapagkakatiwalaan at hindi ipagsasabi ang kanilang makikita.

2. Alam ang Islamikong pamamaraan ng paghuhugas sa patay.

3.Hindi magbibigay ng puna sa katawan.

4.Kasing-kasarian ng namatay. Kung ang namatay ay may asawa, maaaring magsagawa ng paghuhugas ang kanyang asawa. Kung ang namatay ay bata ang mga magulang ay maaaring magsagawa ng paghuhugas o alin mang kasarian.

Pagbabalot

Matapos hugasan ang pumanaw, ang namatay ay dapat balutin; isang tela na ibabalot sa namatay na Muslim sa paglilibing. Sa ibang mga lugar, dahil sa pananaig ng mga batas ang paggamit ng kabaong ay kadalasang ipinag-uutos. Sa ganitong sitwasyon ang katawan ay babalutin ng tela bago ilagay sa kabaong. Ang pambalot ay dapat malaki at sapat upang matakpan ang buong katawan, dapat malinis at gawa sa hindi kamahalang puting materyal. Ang seda ay dapat iwasan para sa mga kalalakihan at ang paglalagay ng pabango sa pambalot ay pinapayagan.

Ang Panalangin sa Paglilibing

Ang panalangin sa paglilibing ng mga Muslim ay tinatawag na Salat ul-Janazah at ito ay fard kifayah. Kung saan, ang kumunidad ng Muslim ay obligadong magsagawa ng pagdarasal sa libing. Gayunpaman hindi ipinag-uutos na magkaroon ng isang kongregasyon, kahit isang tao lamang ang magsasagawa ng panalangin, ang obligasyon ay naisakatuparan na. Ang mga Muslim ay hindi dapat mag-atubiling makilahok sa panalanging ito kilala man niya o hindi ang namatay o ang pamilya nito. Ang panalangin ay isinasagawa upang humingi ng kapatawaran at awa para sa namatay at para sa lahat ng mga Muslim. Ang Salat ul-Janazah ay dapat gawin sa labas ng moske at ang katawan ay dapat ilagay sa harap ng taong magsasagawa ng panalangin. Ang mga karaniwang kondisyon para sa pagdarasal ay pareho lamang bagaman may kaunting kaibahan sa panalangin.Ito ay tahimik na sinasabi, maliban sa takbir at tasleem, at walang pagyuko o pagpapatirapa.

Libing

Maikling oras hangga't maaari ang dapat lumipas sa pagitan ng kamatayan at ang libing, at ang pumanaw ay dapat, sa ilalim ng normal na mga kalagayan, ay mailibing sa lugar kung saan siya nanirahan kaysa dalhin sa ibang bayan o bansa. Pagkatapos ng panalangin ng libing ang katawan ay dapat ilipat sa sementeryo ng Muslim o sa seksyong pang-Muslim ng anumang sementeryo. Ipinapayo ang paglalakad ng mabilis. Ang mga kasama sa libing ay hindi dapat magtaas ng kanilang mga tinig sa pag-iyak o dhikr. Karaniwang hindi pinahihintulutan ang mga kababaihan na sumama sa prosesyon ng libing.

Ang mga libingan at mga sementeryo ng Muslim ay nailalarawan sa kanilang pagiging simple. Ang libingan ay dapat hinuhukay na nakahanay sa qiblah, at ang katawan ay dapat ilagay sa libingan na nakabaling sa kanang bahagi, nakaharap sa qiblah. Matapos mailagay ang katawan sa libingan, lalagyan ito ng mga piraso ng kahoy o bato at ipapatong sa itaas upang maiwasan ang pagdidiit ng katawan sa lupa na siyang itatabon sa libingan. Bawat nakikiramay ay maglalagay ng tatlong dakot na lupa sa libingan.

Mga Dapat Tandaan-

1.Walang anumang espesyal na dhikr na bibigkasin,

2.Ang Quran ay hindi dapat bigkasin sa sementeryo.

3.Walang Islamikong katuruan sa paglalagay ng mga bulaklak, pagkain, tubig o pera sa paligid ng libingan upang makinabang ang namatay.

4.Walang kautusan na nangangailangan ng isang hayop na ihahain bago o pagkatapos ng paglilibing.

Pinapayagan na mag-iwan ng marka o maglagay ng bato sa libingan upang matandaan ang lokasyon. At pagkatapos ng libing, ang mga kamag-anak ng namatay ay maaaring manatili sa sementeryo upang mag-du'a dahil pinaniniwalaan na sa oras na ito ang namatay ay tinatanong ng mga anghel[1]

Pakikiramay

Ang pakikiramay ay isang mahalagang gawain ng kabutihan. Nagdudulot ito ng pakikibahagi sa kalungkutan ng mga taong apektado at nag-aalok ng kaginhawahan. Walang limitasyon sa panahon kung kailan maaaring makiramay, gayunman, ang mga salita ay dapat maingat na piliin at maging malumanay, humihimok ng pagtitiis at pagtanggap sa kalooban ng Allah. Kapag bibisita sa tahanan ng namatayan siya ay dapat manatili lamang ng maiksing panahon maliban kung tanggapin ang pagtulong at mangailangan nang pananatili ng matagal. Ang mga kaibigan at kapitbahay ay karaniwang naghahanda ng pagkain upang mapawi ang ilan sa pasanin na nadarama ng pamilyang nagluluksa.

Ang mga dalubhasa sa Islam ay nagsabi na kung ang isang Muslim ay mag-aalok ng pakikiramay ay dapat niyang sabihin, “Lahat tayo ay nagmula sa Allah at sa Kanya tayo muling magbabalik.” Pinahihintulutang magdagdag ng katulad na du’a na ito. Minsan ginawa ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, “O Allah! Patawarin mo si (pangalan ng namatay), itaas ang kanyang katayuan sa mga ginabayang tao at alagaan ang naiwan niyang pamilya. O Panginoon ng kalawakan, patawarin Mo kami at siya, bigyan siya ng kaginhawahan sa libingan at tanglawan ang kanyang pananatili (sa libingan).”[2] Sinuman ang nais magbigay ng pakikiramay sa isang hindi Muslim, sabihin niya “Lahat tayo ay nagmula sa Allah at sa Kanya tayo muling magbabalik,” at idagdag ang anumang mga kaugalian ng mga pakikiramay na walang kahulugang pang-relihiyon.

Kapag namatay ang isang di-Muslim na kamag-anak

Ang isang Muslim ay maaaring tumulong sa pagsasaayos ng libing para sa kanyang di-Muslim na kamag-anak kung walang iba na mag aasikaso nito. Kahit na may pagtatalo ang mga iskolar hinggil sa paksang ito, sa pangkalahatan ay pinapayagan din na dumalo sa lamay ng mga di-Muslim na kamag-anak sa kundisyon na hindi ka gagawa ng paglabag sa Shariah. Ito ay bahagi ng pagpapanatili ng magandang ugnayan sa pamilya at pagpapakita sa mga kamag-anak ng magandang asal na likas sa Islam. Hindi pinapahintulutan para sa isang Muslim na manalangin para sa pagpapatawad[3] para sa kanyang namatay na kamag-anak o kaibigan na hindi-Muslim, sa halip ay dapat siyang bumaling sa Allah para sa kaginhawahan at pag-asa sa Kanyang awa.



Talababa:

[1]Abu Dawood

[2] Saheeh Muslim

[3] Quran 9:113

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.