Naglo-load...

Salaysay ng Propeta: Katapatan

Marka:

Deskripsyon: Maiksing pagpapakilala kay Imam An-Nawawi at pagpapaliwanag sa unang hadith sa kanyang koleksyon na kilala sa katawagang "Imam An-Nawawi’s Forty Hadith".

Ni Aisha Stacey (© 2017 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 04 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,605 (pang-araw-araw na average: 2)


Layunin

·Upang maunawaan kung sino si Imam An-Nawawi , ang kahalagahan ng kanyang koleksyon ng ahadith at isang maikling pagpapaliwanag ng unang hadith.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Hadith - (plural – ahadith) ay piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang rekord ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

·Niyyah - Layunin

·Ibadah - pagsamba

·Fiqh - Islamic jurisprudence

·Ikhlas - katapatan, kadalisayan o pagbubukod-bukod. Ang Islamikong salita na ito ay nagpapahiwatig ng paglilinis ng ating mga motibo at intensyon upang hanapin ang kaluguran ng Allah. Ito din ang pangalan nang ika 112 ng maluwalhating Quran.

Panimula

Corbis-42-59585768.jpgSi Imam An-Nawawi (1233 – 1278 CE) ay ipinanganak sa isang maliit na pamayanan na pinangalanang Nawa, sa lugar ng Damascus. Bago pa man mag sampung taong-gulang saulado na niya ang buong Quran at sa edad na desenuebe (19) siya ay nagpunta sa Damascus para mag aral. Doon natutunan ni Imam Nawawi mula sa dalampung (20) bantog na mga dalubhasang guro sa iba't-ibang larangan ng disiplina kasama na ang pag aaral ng ahadith at Islamic jurisprudence.

Sinasabi na si Imam An-Nawawi ay isang asetiko o may matibay at matatag na disiplina at maka-Diyos na tao, kadalasang kulang sa tulog dahil sa mga gawaing pagsamba o pagsusulat. Siya ay kilala na nag-aatas sa mga tao na gumawa ng mabuti at pumipigil sa paggawa ng kasamaan. Kahit na nakapagsulat siya ng higit sa 40 mga libro, ang pinaka-kilala sa mga ito ay walang duda na ang kanyang koleksyon sa “The Forty Hadith”.

Sa humihit 800 taon ang mga iskolar at mga estudyante ay parehong nakinabang mula sa kanyang aklat. bawat hadith sa kanyang koleksyon ay nagtuturo sa atin tungkol sa isa sa mga mga batayan ng Islam at ang ahadith ay karamihan nagmula sa koleksyon ni Saheeh Bukhari at Saheeh Muslim.

Ito ang una sa serye ng ahadith mula sa aklat.

Hadith 1

Ang unang hadith sa koleksyon na ito ay inilahad sa atin ni Umar ibn Al-Khattab. sinabi niya na kanyang narinig si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ay sumakanya nawa, na nagsabi ng mga sumusunod:

“Ang mga pagkilos / paggawa ay hinuhusgahan ayon sa kanilang niyyah,kaya't ang bawat tao ay magkakaroon ng kung ano ang kanyang nilayon. Kaya, siya na lumipat (hijrah) ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang paglipat ay sa Allah at sa Kanyang Sugo; ngunit siya na ang pag-lipat ay para sa ilang makamundong bagay o para sa kasal, ang kanyang paglipat ay sa na kung para saan siya lumipat.”

Ang hadith na ito ay nangyari sa panahon na may isang lalaki ay lumipat mula sa Mecca papuntang Medina upang mag-asawa at hindi para sa kapakanan ng Islam. Sinasabing isa ito sa pinakadakila na ahadith sa Islam sapagkat makakatulong ito sa isang mananampalataya na suriin at hatulan ang mga pagkilos ng puso at magpasya kung hindi sila maaaring ituring na ibadah. Si Imam As-Shafi (767 -820 CE) tinawag ito na ikatlo ng kaalaman at nagsabi na ito ay may kaugnayan sa pitumpung paksa ng fiqh. Pinaniniwalaan na si Imam An-Nawawi ay nagsimula sa hadith na ito dahil nais niyang paalalahanan ang bawat tao na nagbabasa ng aklat tungkol sa kahalagahan ng ikhlas.

Si Propeta Muhammad ay nagsimula dito sa hadith na may prinsipyo – ang mga pagkilos ay hinuhusgahan ng kanilang niyyah (intentions). Binigyan niya tayo ng tatlong halimbawa; ang una ay isang mahusay na pagkilos, paglipat para sa kapakanan ng Allah. ang pangalawa at pangatlo na gawa ay mga halimbawa ng mga sitwasyon kung saan maaaring kailanganin nating suriin ang ating niyyah, paglipat para sa isang makamundong bagay sa pangkalahatan at paglipat sa higit na partikular na dahilan upang makapag-asawa . Sabihin man natin na ang ating intensyon ay upang gawin ang lahat ng aspeto sa ating pang-araw-araw na buhay bilang ibadah, sa pamamagitan ng paggawa ng mga ito para sa kaluguran ng Allah, kailangan nating maunawaan na ang mga gawa ay magiging maayos, ngunit kung ang kanilang mga intensyon ay mali, ang mga gawa ay magiging mali din . Kapag ginawa natin ang niyyah para sa Allah lamang, ang mga ipinapahintulot na mga gawain ay magiging mabiyaya.

Ang pagiging taos-puso, makatotohanan at tapat sa ating ibadah ay isa sa mga kundisyon na dapat gampanan upang tanggapin ng Allah ang ating mga mabubuting gawa. Isa sa mga pinag-uugatan ng kawalan ng katapatan ay ang paggawa ng mga bagay upang matupad ang ating sariling mga kagustuhan dito sa lupa. Si Imam Al-Harawi, na namatay noong 846 CE, ay nagbabala sa atin na may pitong uri ng mga hangarin na maaaring makapinsala sa ating ikhlas. Ang pagnanais na:

1.Magpakita ng mabuti para sa puso ng iba.

2.Hanapin ang papuri ng iba.

3.Iwasan ang sisihin ng iba.

4.Humingi ng pagluluwalhati sa iba.

5.Hanapin ang kayamanan ng iba.

6.Hanapin ang pagmamahal ng iba.

7.Humingi ng tulong mula sa isang bagay maliban sa Allah

Samakatuwid ay mainam para sa isang mananampalataya na suriin ang kanilang mga intensyon at kanilang ikhlas, hindi lamang bago isagawa ang obligadong mga gawain ng pagsamba, ngunit ganun din sa buong araw. Kung kinakailangan, mapapalakas natin ang ating ikhlas sa tatlong madaling paraan.

1.Sa pamamagitan ng paggawa ng mas matuwid na mga gawain.

2.Pagsaliksik ng kaalaman.

3.Pag-alala na suriin ang ating niyyah.

Apat na pangunahing bagay na salungat sa ikhlas at samakatuwid ay magpapawalang-bisa sa anumang mabuting intensyon na sinisikap nating linangin. Ito ang mga sumusunod:

1.Paggawa ng mga kasalanan.

2.Pag-ugnay sa iba sa Allah.

3.Paggawa ng pagsamba upang magpakitang-tao.

4.Ang pagiging mapagkunwari.

Mahalaga na ito'y matandaan, alam man natin ito o hindi, ang bawat gawain na ginagawa natin sa pang-araw-araw nating buhay ay may nakalakip dito na layunin. Samakatuwid, ang pagtuturo sa ating mga sarili na alalahanin ang Allah palagian sa araw-araw, at pag-iisip tungkol sa mga bagay na kalugud-lugod sa Kanya, ay makatutulong sa atin na gumawa ng taos-puso, tama, at kapaki-pakinabang na mga hangarin.

Si Imam Ibn Uthaymeen ay nagsabi na ang hadith na ito ay nagtuturo sa atin na kung ang isang tayo ay naglalayong gumawa ng mabuti, subalit ito'y hindi naisakatuparan dahil sa ibang mga balakid, ang gantimpala para sa kanyang nilayon ay maitatala pa din sa kanyang mga gawa. Ito ay sa katotohanang, si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Itinala ng Allah ang mabubuting gawa at ang masasamang gawain. Sinuman ang nagnanais na gumawa ng isang mabuting gawa ngunit hindi ito naisagawa, itinatala ito ng Allah sa Kanyang Sarili bilang isang kumpletong mabuting gawa; ngunit kung ninais niya at ginagawa ito, itinala ito ng Allah sa Kanyang Sarili bilang sampung mabuting gawa, hanggang sa pitong daang beses, o higit pa. Ngunit kung siya ay naglayon na gumawa ng masama at hindi niya ginawa, Itinatala ito bilang isang kumpletong mabuting gawa; subalit kung nilayun nya ito at ginawa, ito ay itatala ng Allah bilang isang maling gawa.”

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Salaysay ng Propeta: Katapatan

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.