Paraiso (part 1 of 2)
Deskripsyon: Dalawang bahaging-aralin na nagbibigay sulyap sa Paraiso at kung ano ang meron ito para sa mga mananampalataya ayon sa nababanggit sa Quran at Hadith ni Prophet Muhammad, ang biyaya at pagpapala ni Allah sumakanya nawa. Unang Bahagi: Ang kahulugan at mga uri ng kaligayahan at ang pagnanais ng Paraiso bilang isang mahalagang aspeto na naghihikayat sa mabubuting kaugalian ng mga Muslim at kanilang pananaw sa Kaligayahan.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 137 - Nag-email: 1 - Nakakita: 11,643 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin
·Upang malaman ang kahulugan at mga uri ng kasiyahan
·Upang mapagtanto na ang pag aasam ng Paraiso ay isang makabuluhang kadahilanan sa pag hikayat sa isang Muslim na gumawa ng mga mabubuting gawa
·Upang maging pamilyar sa pamamagitan ng isang simpleng pagpapakilala, sa likas na katangian ng hardin ng Paraiso
Arabikong Terminolohiya
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.
Ano ang nag udyok sa atin? Ano ang nag hikayat sa atin na gawin ang mga ginagawa natin? Ano ang nagpapasaya sa atin?
Maraming tao ang sasagot na, sa paggawa ng mga kasiya-siya at pagbawas o pag iwas sa hirap o dalamhati ay ang tunay na susi sa kaligayahan ng tao.
Kung gayon, paano magiging maligaya ang isang tao na nasasaktan at nalulungkot habang nakakaranas ng kasiyahan? Kung hindi kasiyahan ang puwersang nagpapalakas sa atin, ay ano pa pala? Anong naisin ba ang dapat meron tayo upang mabuhay nang masaya?
Sa mga nakikita ang kaligayahan sa pisikal, kesa sa ispiritwal, ito ay simple lamang: pagnanais na iwasan ang sakit /hirap at pagkalito, pagnanais na makapiling ang mga kamag-anak, pagnanais na kumain, pagnanais sa sekwal na kasiyahan, pagnanais para may makasama, at pagnanais ng pagkilala. Ilan lamang iyan sa mga sinasaad nito .
Ang ganyang buhay ay masyadong matrabaho at nakakapagod, hinahamon ang mga bagay na batid mo na; ano ba talaga ang nilalayon nito? Sa kanilang paghahanap sa kasiyahan, kadalasan hindi nila natatamasa ang tunay na kapayapaan ng loob. Iniisip natin palagi na kapag marami kang naabot at napagtagumpayan sa buhay,- mas maraming pera, maayos na pangangatawan,at ang perpektong katuwang sa buhay, siguradong magiging masaya din. Ito ay isang ilusyon. Ang mga tao ay kadalasan na nahuhumaling sa mga materyal na pangarap, dahil sa kanilang ilusyon, na nabibili nila ang kaligayahan hanggang sa matuklasan nila ang limitasyon ng pagka makamundo. Pagyayabang sa mga kapitbahay, at inggit sa mga ari arian ay nag iiwan sa atin ng kawalan ng pagsisikap at pag arok sa ating buhay , na naghahatid sa ating kamalayan sa Modern Man’s Paradox: Ispiritwal na Kagutuman sa panahon ng kasaganahan.
Ano ang paradox? Ipalagay natin na ganito: Habang lumalaki ang miyembro ng materyalistang lipunan, lalong lumiliit ang kakuntintuhan sa buhay. Walang lipunan sa kasaysayan ng mundo ang nasiyahan sa pamantayan ng pamumuhay na meron ngayon sa kasalukuyang lipunan : May malaki na kita, ang presyo ng bilihin ay matatag, kaunti ang walang trabaho, lumalaki na bilang ng papulasyon; tinatamasa ang higit na kalayaan at pagkakataon kaysa dati. Kahit ang mga maralita ay namumuhay ng maayos ayon sa pandaigdigang pamantayan. At sa America, halimbawa, umpisa 1960, nadoble ang bilang ng diborsyo, kaso ng pagpapakamatay sa mga kabataan ay naging triple, krimeng bayolente ay apat na ulit na ang bilang , ang bilang ng mga preso ay umabot na sa limang ulit ang bilang, at tinatayang nasa sampung ulit ang inilaki ng kaso ng depresyon sa taong 2000 mula sa taon 1900. Ang mga amerikano ay hindi gaanong masaya ngayon kumpara sa nakalipas na apat na pung taon, kahit pa kumikita sila ng dalawa't-kalahating ulit sa pera. Maaaring nalalamanan natin ang ating mga tiyan, subalit gutom ang ating ispiritwal na aspeto.
Upang malaman kung ano ba talaga ang humihimok sa ugali ng tao, dalawa ang uri ng kaligayahan na dapat nating maunawaan: kaligayahan batay sa magandang pakiramdam at kaligayahan batay sa kahalagahan. Kaligayahan batay sa magandang pakiramdam ay kasiyahan na nakabatay sa nararamdaman. Kapag tayo ay nagbiruan o di kaya ay kumain ng paborito nating pagkain, tayo ay naliligayahan batay sa magandang pakiramdam. Ang ganitong uri ng kaligayahan ay bihirang tumagal ng ilang oras.
Kaligayahan batay sa kahalagahan ay isang kaisipan na ang ating buhay ay may kahulugan at ang pagtupad sa mas malaking layunin ng buhay ay magagawa sa pamamagitan ng pagkikipag ugnayan natin sa Allah . Ito ay kumakatawan sa isang espirituwal na pinagmumulan ng kasiyahan, na nagmumula sa mas malalim na layunin at pagpapahalaga. Ang pamumuhay na may kamalayan-sa-Diyos ay nakabase sa mga kaugalian na matatagpuan sa Quran at Sunnah, ang isang Muslim ay hinihimok - sa higit pa sa mga malayaw na kasiyahan - sa pagnanais na makarating sa Paraiso at maging ligtas mula sa Impiyernong apoy pagkatapos ng kamatayan.
Ang Islamikong mga kaugalian na naghahatid sa isang tao tungo sa paraiso at maglalayo mula sa impyernong apoy ay ang pinakamahalang bagay na naghihikayat sa mabuting pag-uugali ng Muslim at nagdaragdag ng kanilang kasiyahan . Ang pag aasam na makamit ang Paraiso sa kabilang buhay ay nagbabalik ng sigla, halaga at higit sa lahat direksyon sa kanilang buhay. Ang walang kabuluhan na pamumuhay na nakatuon sa kayamanan, ari arian, droga, alak, at pisikal na pagnanasa ay napapalitan ng pag asa na makakamtan niya ang Paraiso sa kabilang buhay, ang pakiramdam nang mabuting ugnayan sa mga nilikha ng panginoon, at ang buhay na puno ng debusyon sa Panginoon kesa sa kayamanan at mga ari arian. Ang isang tao ay natutuon sa mga bagay na kalugod lugod sa Allah kahit pa ang kapalit nito ay ang hindi pagsang-ayon sa kanya ng kanyang kapwa. Alalahanin na ang mga kayamanan sa Paraiso ay nababalutan ng pagsubok.
Upang maging masaya, nararapat na tayo ay magising sa mga materyosong pangarap at paka alalahanin na Ang Allah lamang ang may kakayanang magbigay ng kakuntentuhan !
Ang tunay na kasiyahan ay nakasalalay sa pag abot sa ating tunay na layunin– ang Paraiso, hindi dito sa mundong ito, na kung saan tayo ay mga byahero at estranghero. Ang Paraiso ay hindi tahanan ng Panginoon , o ispiritual sa estado na nagiging bahagi ng Panginoon ,katulad ng napapagkamaliang isipin ng iba. Ang Paraiso ay espirituwal at likas na pananatili sa kasiyahan kung saan ang lahat ng pandama ay masisiyahan ng lubusan. Ito ay isang tahanan ng sari-saring kasiyahan para sa mga tapat, ang mga naninirahan dito ay hindi makadarama ng sakit o kalungkutan. Ito ang lugar kung saan ang bawat hangarin ay maisasakatuparan.
Islamikong Hardin
Jannah (isang magandang harden) sa kasaysayan, ay inspirasyon ng kagandahan , bagay na malinaw na makikita sa mga magagandang hardin sa mundo ng mga Muslim, tulad ng sa Persia, Espanya, at India, kadalasang dinisenyo bilang lugar na puntahan at pasyalan para sa mapayapang pag-iisa mula sa sa labas. Ang mga Waterworks at fountains ay kadalasang bahagi ng hardin ng mga Muslim dahil sa umaagos na kagandahan at tunog na nakakapawi ng lungkot. Ang artipisyal na pandekorasyon ay ginagamit din sa mga Muslim na hardin, kasama na ang paggawa ng mga mala-karpet na parterres, at mga artipisyal na puno at mga bulaklak na gawa sa mahalagang mga metal at mga gemstones.
Sa henerasyon ng mga Muslims, itong mga hardin ay kumakatawan sa isang uri ng sagradong sining, ang layunin nito ay upang mapalapit ang mga panauhin sa Diyos. Ngayon, ang hardin ng mga Muslim dito sa lupa ay tulad ng anino ng tunay na Paraiso. Ang mga hardin na ito ay nagsisilbing taga-paalala sa sangkatauhan sa malawak na paraiso para sa mga mabubuting alipin ng Tagapaglikha.
Ang lilim ay ibinibigay ng mga canopy at pavilion. Binibigyang pansin din ang paglikha ng espasyo na nagpapalawak sa lahat ng pandama. Ang halimuyak ay pangkaraniwang katangian sa mga hardin ng Muslim, at ang mga halamang-gamot ay nakapaso upang magbigay ng mga halimuyak dito. Ang pagkaka salansan ay nagbibigay ng espasyo para pag aaral at pamamahinga. Ang hardin ng mga Muslim ay walang mga estatwa o, inukit na bato na may hugis o iskultura. Hindi pinapahintulutan sa Islam ang paggamit ng mga imahe. Ang ibang hardin ng mga Muslim ay masyadong tanyag sa kanilang ganda at ito ay dinarayo ng mga tao mula sa malalayong lugar upang matamasa ang katahimikan. Ilan sa mga ito ay ang "Alhambra Palace" garden sa Granada, Spain, ang "Jag Mandir Palace" garden sa India at ang "the Major Elle" residence garden sa Marrakech, Morocco.
Ang luntiang mga hardin na nilikha ng mga Muslim ay inspirasyon ng mga tao para sa isang Paraiso. Ang isang sekreto na lugar at malayo sa kabihasnan ng mundo; lugar ng katahimikan, pagmumuni-muni, at panalangin. Ang isang simpleng pasimula para sa mga mananampalataya kung ano ang kanilang daratnan sa Kabilang Buhay.
Nakaraang Aralin: Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
Susunod na Aralin: Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga