Naglo-load...

Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim

Marka:

Deskripsyon: Sa pagsasabuhay ng Islam ang isang tao ay ini inganyo na makiisa sa kumunidad ng mga mananampalataya sa sama-samang pagsamba. Ang araling ito ay nagbibigay ng gabay upang makatulong sa unti-unting pag-agapay at tuluyang maging kabahagi ng kumunidad ng mga Muslim.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,484 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang pitong mahahalagang mga bagay na may kaugnayan sa pagsasaayos, pakikisalamuha at pagiging bahagi ng kumunidad ng mga Muslim, at ilang gabay at mga bagay na kailangang iwasan na may kaugnayan dito.

Mga Terminong Arabik

· Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta

·Haram - Ipinagbabawal o bawal.


Bahagi ng pagsasabuhay sa Islam ay ang pakikisalamuha sa kumunidad ng mga mananampalataya sa magkakasamang pagsamba. Katulad rin ng ibang kumunidad na may kinalaman sa pananampalataya, mayroon itong mga katangian, may mga mabubuti at may mga masasama. Ang layunin ng pag aaral na ito ay matulungan ka sa proseso ng pakikibagay o pakikihalubilo at tuluyang maging bahagi ng kumunidad ng mga Muslim.

Una sa lahat, bago ka makipagkita sa mga Muslim, dapat mong tandaan na ang Islam ay perpekto, habang ang mga Muslim ay hindi. Sila ay tao rin lang. Makatatagpo ka ng ilang Muslim na madaling pakisamahan at magiging iyong kaibigan, habang iiwasan mo naman ang iba dahil sa kanilang pagiging manhid at pala-away. Hindi mo kailangang maging matalik na kaibigan ang lahat ng Muslim na iyong makakasalamuha, kahit na sila pa ay relihiyoso. Ang mga Muslim ay magkakaiba sa antas ng edukasyon, kaalaman at pagsasabuhay ng Islam, kulturang pinanghahawakan, at panlipunang paniniwala. Kabilang sa kanila ay ang mga banal at mga kriminal. palaboy at milyonaryo, duktor at tsuper, racists at drug addicts. Marami kang malalaman sa mga katuruan ng Islam, ngunit makakakita ka ng kapwa mo Muslim na lumalabag dito. Hindi magkakapareho ang lahat ng mga Muslim. Hindi sila perpekto. Simpleng punto ito na dapat tandaan. Piliin bilang kaibigan ang mga relihiyosong Muslim, yaong aktibong sinusunod ang mga alituntunin ng pananampalataya, at sila na madaling pakisamahan.

Pangalawa, karamihan sa mga mosque at mga komunidad ay magkakasama anuman ang antas ng pamumuhay at lahing kinabibilangan, ngunit mayroon din namang ibang mga lugar na may mga etnikong grupo ang nakararami, gaya ng Africano, Indiano, Pakistani, Bengali, Bosnian, o Arabo. Ang ilan ay maaaring binuo upang matugunan ang pangangailangan ng mga etnikong komunidad, o ilan pang kadahilanang pangkultura sa halip na pangrelihiyon. Ang mga pamantasan at mosqueng pang kolehiyo ay sadyang para sa pagsasamasama ng lahat. Dahil na rin sa kawalan ng ugnayan sa pagitan ng mga etnikong grupo, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng stereotype sa pagitan ng mga miyembro ng ibat-ibang lahi, tulad ng mga Mapuputi, Arabo, Maiitim, Asyano, o mga Latino. Karamihan sa mga stereotypical na mga opinyon ay nabuo sa ibat-ibang mga kadahilanan, kabilang sa mga ito ay TV, pelikula. Karagdagan, ang mga migranteng Muslim ay mula sa ibat-ibang mga kultura na maaaring hindi magkaunawaan o maiangkop ang sarili sa mga Muslim ng ibang mga bansa, o yaong tinatawag na mga bagong Muslim.

Pangatlo, ang mga bagong Muslim ay maaaring magkaroon ng makatwiran at hindi makatwirang pagtingin sa mga bagay. Ang ilan ay idinadaing ang pagiging hiwalay nila sa lipunan, o kawalan ng programa para sa maayos na edukasyon sa mga bagong yakap sa pananampalataya. Ang ilan, na may suliraning pinansiyal, ay umaasa sa tulong mula sa kumunidad ng mga Muslim, isang pangangailangang kadalasan ay mahirap tugunan. Magandang ideya ang humanap ng pamilyang “mag-aampon” sa mga bagong Muslim at tutulong sa kanilang lumago at makabuo ng pagsasamahan. Subukang sumali sa ibat-ibang mga gawaing panlipunan, tumanggap ng mga imbitasyon, at mag imbita rin naman ng iba. Sa mga pagtitipon, maging handa sa paulit-ulit na pagkukwento ng iyong pagsaksi o pagyakap! Kapag tinanong ng hindi kanais-nais, sabihin na hindi mo nais pag usapan iyon. Maraming mga Muslim ang walang karanasan sa pakikitungo sa mga bagong Muslim, kayat maaaring hindi sila sensitibo sa ilang mga isyu o katanungan.

Pang-apat, may mga pagkakataon na pangangaralan ka sa mga bagay na may kinalaman sa paniniwala at pamumuhay Islamiko, tama man ito o mali sa Islamikong katuruan. Dapat mong maunawaan na hindi lahat ng Muslim ay bihasa sa Islamikong batas o doktrina. Ang pagiging Arabo ay hindi agarang makakagarantiya sa isang tao upang ipaliwanang ang kahulugan ng Quran. Karamihan sa mga Muslim ay hindi sumailalim sa pormal na pag aaral at isinagawa lamang ang Islam ayon sa kung ano ang itinuro at nakalakihan na lamang nilang aral buhat sa nakatatanda nilang kaanak. Maraming mga Muslim na ang gawa ay naimpluwensiyahan ng kultura, at kadalasa'y sumasalungat sa totoong katuruan ng pananampalataya. Ilang mga Muslim din ang hindi batid ang impluwensiya sa kanila ng ilang sekta na itinuturing na erehe o sumasalungat sa katotohanan, o ang higit na masama nito, ang ilan sa kanila ay mismong kabilang dito. Maaaring malito ka sa napakaraming mga opinyon na iyong naririnig. Sa tamang panahon at kaalaman, makikilala mo rin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito. Mas magiging madali para sa iyo kung iiwasan mo na lamang, pansamantala, ang payo ng mga taong bigong magpakita ng anumang katibayan. Ang lahat ng mga paniniwala at gawain sa Islam ay dapat magmumula sa Quran o sa isang kompirmado na Sunnah ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Karagdagan, sumangguni sa ilang mga kilalang websites at mapagkakatiwalang pantas o mga taong may kaalaman. Pagbabasa, Pakikipagusap, at pagdarasal ang makatutulong sa iyo upang matuto, lumago, at maging mature. Sa madaling salita, maging maingat sa mga taong may mabuting intensiyon subalit kakaunti ang kaalaman.

Pang-lima, huwag panghinaan ng loob sa mga Muslim na masyadong agresibo sa pakikitungo sa iyo. May mga taong maaaring subukan na turuan ka ng lahat ng kanyang nalalaman sa loob lamang ng ilang sandali. Kahit papaano ay alam nila na mayroon silang tungkulin na ipabatid sa iyo ang sa tingin nila ay pinaka importanteng ‘haram’ (ipinagbabawal na gawa) na kailangan mong iwasan sa buhay. Kulang sila ng dunong, pagtitiis, at marahil kaalaman. Huwag mong pigilan ang iyong sarili. Humanap ng guro na makakapalagayan mo ng loob.

Pang-anim, maraming mga bago, walang pang asawa na mga kababaihang Muslim ang nakararanas ng matinding paghihimok upang mag asawa. Walang pag aalinlangan na ang pag aasawa ay mahalaga sa Islamikong buhay, subalit hayaan muna ang iyong sarili na maka-ayon sa bago mong pananampalataya, at matutunan ang tamang asal sa Islamikog pamumuhay at pag aasawa. Ang paghahanap ng kapareha, mananampalatayang kabiyak ay mainam sapagkat makakatulong ito sa isang bagong Muslim sa pag aaral at pagsasabuhay ng Islam, ngunit hindi dapat magmadali sa pag aasawa at sa huli ay mauuwi sa hiwalayan!

Pang-pito, tungkol sa Internet: Mayroong mga magagandang sites, mga sites na kapaki-pakinabang sa iyo, ngunit maraming mga sites ay sisira sa iyong pag-uugali, pananalapi at ideyolohiya. Makatatagpo ka ng mga mahuhusay na mapagkukunan ng kaalaman sa pag aaral sa Islam online, ngunit lubhang madali rin na mailigaw ng maling impormasyon. Ang Internet ay may kanyang sapat na bahagi na hindi ligtas sa mga 'pseudo-experts' (mga nagdudunong dunungan na wala namang alam) na may malawak na oras. Maraming email groups at chat rooms ang naglilingkod sa karamihan gamit ang magkaka-halong mabuti at masamang impormasyon. Maraming mga bagong Muslim ang natutukso sa cyber dating upang maghanap ng mapapangasawa. May mga ulat ang ilan hinggil sa kanilang galit at kabiguan matapos magkaroon ng masasamang karanasan online. Ang malaking problema para sa mga bagong Muslim ay kung paano makilala ang mapagkakatiwalaang sites. Ang pinaka mainam na payo tungkol sa internet ay alamin muna kung kanino ka kumukuha ng impormasyon at sumangguni sa internet ng may pag iingat.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.